You are on page 1of 4

GITNANG GAWAIN SA SOSYEDAD AT LITERATURA

FORMAT:

 Pumili ng isang Maikling kuwento at isang Nobela


 Paghiwalayin ang Pagsusuri sa Nobela at Kuwento
 Batay sa Maikling kuwento/Nobela pumili ng dalawang teorya na akmang-akma
sa Akda, gawan ito ng pagsusuri at patunay batay sa halimbawa sa ibaba.
 Ang bawat Miyembro ay maghahanda sa kanilang Oral na Presentasyon na
binubuo hanggang limang Minuto lamang.
 Magpapasa ang bawat pangkat nga pagsusuri at ipapasa sa araw ng kanilang
Presentasyon, ( Arial 12 font size, short bond paper) ang mga pangkat na
sasailalim sa Online ay magpapasa rin sa araw ng face to face na magaganap sa
unang bahagi.(hindi magprepresent kapag walang Pagsusuri na ipapasa sakin sa
itinakdang araw)
 Ang lahat ng halimbawang ating tinalakay na Nobela maging Maikling kuwento
ay hindi na muli pang susuriin, iwasan ang pagkakaparehas ng bawat akda,
tagalog lamang ang Pipiliin na Maikling kuwento at Nobela.
 Nasa ibaba ang halimbawang Pagsusuri.

Maikling kuwento at Nobela


1.
Pagsusuring pampanitikan sa Maikling kuwento at Nobela batay sa mga teoryang ?
2.
_______________________________

Resureksyon

ni Roberto Anoñuevo

Buod

Tinalakay sa akdang ito ang patungkol sa isang bisyo na sumira sa kanyang pagkatao,

kung saan inilarawan kung paano nasayang ang mga araw na maaaring magawa sa mga oras na

dapat niyang ginawa. Ipinakita ng pangunahing tauhan nasa huli ang pagsisi, siya ay nag-

aagaw buhay o nasa bingit na ng kamatayan kung saan binabalik niya ang lahat ng araw na

maaaring niya sanang ginawa subalit hindi niya nagawa. Ang salitang Resureksyon ay muling

pagkabuhay na kung saan ang pangunahing tauhan dito ay nagkaroon ng pangalawang buhay
upang ituwid ang lahat ng pagkakamali na kanyang ginawa lalo na ang mga oras na nasayang.

Mula sa pangalawang pagkakataon ng kanyang buhay ay itinama na niya ng mga

pagkakamaling nagawa niya, ang lahat na dapat niyang gawin ay muli niyang inumpisahan at

tinapos.

Pagsusuring Moralismo

Sa Teoryang Moralismo ni Socrates, bahagi ng pagpapahalaga at pagkilala sa sarili ay

ang pagkakaroon ng lubos na kaalaman ng tao sa kanyang sarili, ang pag-alam sa kanyang

kakayanan at pati narin sa kanyang kahinaan.

Ang maykapal ang Siyang nagbigay ng buhay sa bawat isa kaya’t nararapat lamang

bigyan ng kabuluhan ang bawat oras at araw na inilalagi habang nabubuhay.

Ang isang taong patay ay nanatiling patay sa mga taong naiwanan nito lalo na kung ito ay

naging pasakit sa buhay, naging pabigat o walang naiambag na anumang maayos na Gawain sa

madaling salita mga taong walang direksyon sa buhay, subalit may mga itinuturing ding buhay

kahit na ito ay patay dahil sa hindi malimutan ang kanilang mga nagawa, mga ambag na hindi

malilimutan na kahit sa isang alaala ay mananatili silang buhay tulad sa pahayag na:

“Gayunpaman ay maraming tao ang umiiral araw-araw nang walang


kabuhay-buhay, walang kalatoy-latoy. Tatawagin ko silang mga Zombie:
ang mga bangkay na pumapasok sa opisina, sa Malacañang, sa bangko,
sa palengke, sa kongreso, sa istadyum sa telebisyon at higit sa lahat sa
ospital. Mga bangkay na walang direksiyon sa buhay, mga bangkay na
hindi batid na sila’y patay at marapat lamang makapagtalik sa lupa. Sa
kabilang dako’y may mga tao na matagal nang nalagutan ng hininga
subalit pinanatili pa ring buhay ng kanilang mga kaanak o kaibigan sa
kanilang alaala.”

Ang pag-iingat ay isa sa mabuting gawain na dapat taglayin ninuman. Ang

pagpapahalaga sa isang gamit o bagay na pinagkaloob ay walang pinag-kaiba sa pagpapahalaga

sa sarili.
Anumang bagay na hiniram natin lalo na kung hindi natin pag-aari ito ay nararapat

lamang bigyan ng ibayong pag-iingat at pangangalaga lalo na kung ito ay pinagkatiwala sa atin.

Ang buhay ay hiram lamang sa may-kapal kaya’t nararapat itong pangalagaan habang nabubuhay

huwag abusuhin, gamitin sa tama at maayos na paraan upang sa huli ay wala tayong pagsisi

Tulad sa pahayag na:

“Ako mismo ay nagtatanong sa sarili kung epekto ng valium o ng alta


presyon o ng alak ang lahat.”……
“Bakit ngayon lang iyan dinala sa ospital?” Sasagot sana ako pero
pinigilan ko ang aking sarili.” …….

Pagsusuring Realismo

Sa realismong Teorya ni Aristotle, nabangggit nito na ang kaalaman (katotohanan at

kaliwanagan) ay hango sa karanasan. Ang pagkakamali ay nagiging tama lamang sa mata ng

bawat isa kapag nabigo sa isang inaasam na gawain, at sa pagkabigo na ito at naisasakatuparan

na ang lahat dahil nagsilbing aral ang isang pagkakamali.Ang taong nakaranas na ng pagkabigo

ay muling bumabangon, sapagkat ang isang pagkakamali ay nagiging guro niya sa muling

pagbangon sa anumang hamon sa buhay. Kadalasan ang taong muling binigyan ng itinatama

ang mga baluktot na nagawa dahil ito ay nagsisilbing pangalawang buhay na ipinagkaloob sa

kanya pinatotohanan ito sa pahayag na:

“Natutuhan kong mag-ehersisyo sa loob ng bahay. Uminom ng gamut


araw-araw. Umiwas sa masesebo, maaalat at matataas na kolesterol na
ulam. Magsusubaysay ang alta presyon. Papanumbalikin ang lakas ng
mga tuhod o siko na dinapuan ng rayuma. Patibayin ang sikmura na
tinanggalan ng apendiks at ng mumunting bato. Magpagupit ng buhok at
nang di-mahalata ang pumuputing patilya.”

Nailahad sa Teoryang realismo ni Aristotle, na ang pagkaranas ng takot ay isang

realidad na hindi matatakasan sa kadahilanang ito ay bahagi ng likas na taglay na ng isang tao.

Ang pagharap sa anumang suliranin sa buhay ay pagpapakita ng katapangan sa pagharap nito,


subalit ang pagtakas dito at paghahambing sa ibang bagay ay pagpapakita ng isang karuwagan.

Sa isang taong nahaharap sa pag-aagaw buhay ay maraming sumasaging kaisipan hinggil sa

mga ginawa o nagawa maging ang paghahambing sa ibang bagay ay naiisip, ang kaisipang

nasa huli ang pagsisi ang kadalasang inaangkin ng isang taong nagsisi upang makaiwas sa

kanilang kamatayan. Nagagawa nilang ikumapara ang buhay sa bagay o mga nagawa nila sa

hindi nila nagawa upang makatakas lamang sa mabigat na hinaharap nilang sitawasyon subalit

dapat itong harapin ng buong tapang gaya ng pahayag na:

“Totoo, kinatatakutan ko ang nasabing paghihiwalay. Kaya


kinaiinggitan ko’t hinangaan noon ang pusa na sinasabing may siyam na
buhay. “
“Hinarap ko ang kamatayan, umusal ng panalangin, nakapagtatakang
naibuwal ko nang isa-isa ang kinasisindikan sa pamamagitan ng
hintuturo. “

You might also like