You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN Paaralan LUCENA WEST III E/S Antas IKATLO

Guro JASMIN L .SUBELDIA Asignatur FILIPINO


a

Petsa at Oras JAN 13,2020 Markahan Ikalawa

ARALIN 26 – IKALIMANG ARAW

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat

B. Pamantayan sa Pagganap F3TA-0a-j-4 Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas at mekaniks
ng pagsulat

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F3KM-IIIb-f-4.1 Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring
napanood

II. PAKSANG ARALIN ARALIN 26: PAGSULAT NG ISANG ULAT

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Pahina 211-212
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang Pahina 111-112
Pang Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang KagamitangPanturo

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral

Ano ang mga dapat tandaan sa paggamit ng silid-aklatan?

B. Pagganyak

Ano-ano ang nakita mong mga pangyayari sa iyong paligid?


Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang mga nasaksihan.

C. Paglalahad at Pagtalakay

Ano-ano ang makukuha natin sa puno?


Ipabasa ang “Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno”.

Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno


Posted by Online Balita , April 23, 2013
Armado ng walis tingting, inilunsad ng mga tauhan ng Bataan Police Provincial Office at
mga miyembro ng Alpha Fire Brigade and Brotherhood Association-Manila ang
maghapong paglilinis sa Bataan nitong Sabado, kaugnay ng pagdiriwang ng Earth Day
kahapon.
Ang paglilinis ay pinangunahan ng La Filipina Uygongco Corporation, sa
pakikipagtulungan ng tanggapan ni Mariveles Mayor Dr. Jesse Concepcion, na nanguna sa
pagtatanim ng may 400 puno ng niyog sa baybayin ng Barangay Townsite, Mariveles.
Sinabi ni La Filipina General Manager Susan Romero na mahalagang pagtulung-tulungan
ang paglilinis ng paligid upang malinis ang hanging ating nalalanghap at mapakinabangan pa
ng susunod na henerasyon ang likas na yaman.
Hinikayat din ng kumpanya ang mga miyembro ng Recycling129 sa Tondo na makibahagi
sa paglilinis.

Itanong:
 Ano ang laman ng balita?
 Ano-anong tanong ang sinasagot ng balitang nabasa?
 Ganito rin ba ang ginagawa sa inyo?

Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang pangyayaring naobserbahan sa sariling


pamayanan.
Isulat ito sa pisara.
Ipabasa ang mga pangungusap sa pisara.
Ipabasa ang mga detalye sa organizer.
 Paano natin ito isusulat nang patalata?
Gamitin ang organizer na ito:
 Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat o balita?

Sino, Saan, at Kailan Unang Pangyayari

Paksa/
Ano

Sumunod na Pangyayari Huling Pangyayari

D. Pinatnubayang Pagsasanay

Pangkatang Gawain:

Bigyan ng iba-ibang sitwasyon ang bawat grupo. Bigyan sila ng sapat na oras upang pag-usapan kung
ano ang kanilang gagawin. Pagkatapos ng pag-uusap ay ipapakita ng bawat grupo ang kanilang sitwasyon.
Pagkatapos,tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang iuulat ang kanilang napanood.

E. Isahang Pagsasanay

Babasahin ng guro ang isang balita sa klase. Pagkatapos, tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang
iuulat ang kanilang napakinggan.

2, 000 bamboo tree itinanim

Ni Tony Sandoval at Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) | Updated February 15, 2017 -
12:00am

QUEZON , Philippines -  Umaabot sa 2,000 bamboo tree ang itinanim ng isang Thai oil company sa
Barangay Apasan sa bayan ng Sampaloc, Quezon kamakalawa para proteksiyunan ang kalikasan
laban sa kalamidad.

Ang pagtatanim ng mga puno ng kawayan ay pinangunahan ni Sukanya Seriyothin, presidente at


chief executive ng PTT Philippines na ang tanggapan ay nakabase sa Makati City sa pakikipagtulu-
ngan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Sampaloc.

Nabatid na ang pagtatanim bamboo tree ay ikalawang taong adbokasiya ng PTT Philippines sa
pakikipagtulungan na rin ng provincial government.

Kabilang sa layunin nang pagtatanim ay upang proteksiyunan ang kalikasan,  protection na rin laban 
sa soil erosion at protektahan ang mga residente laban sa mga kalamidad tulad ng bagyo.

Napag-alamang operational na rin ang dalawang mala 5-star hotel na palikuran ng PTT sa Lucena
City, Quezon at North Luzon Expressway (NLEX).

Tinawag itong “Restroom 20” na kapag gagamit  magbibigay ng donasyon na ang  minimum ay  nasa
P20 na napupunta aniya sa charity institution.

Plano ng nasabing oil company na maglagay ng mala 5-star na palikuran sa mga gasolinahan sa
Metro Manila.

http://www.philstar.com/probinsiya/2017/02/15/1672262/2-000-bamboo-tree-itinanim

F. Paglalapat

Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang alalahanin ang mga nasaksihan nilang pangyayari sa
pamayanan na may kaugnayan sa paglilinis nito.
Bigyan ng oras ang mga bata na makasulat ng isang ulat tungkol sa nasaksihang pangyayari.
Ipabasa ang sulatin na natapos.
Gamitin ang rubric sa p. 35.
G. Paglalahat

Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang balita o ulat?

H. Pagtataya

Basahing mabuti ang balita.Sumulat ng isang ulat tungkol sa binasa.

Mahigit 5,000 puno, itinanim ng Honda sa Laguna, Quezon

Sa pakikipagtulungan ng Haribon Foundation, matagumpay na naisagawa ng Honda Foundation, Inc.


(HFI) ang taunang tree planting activity sa Mt. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape sa Rizal,
Laguna.

Ang HFI ay bahagi ng Corporate Social Responsibility ng Honda Group of Companies sa Pilipinas na
binubuo ng Honda Philippines, Inc. (HPI); Honda Cars Philippines, Inc. (HCPI); Honda Parts
Manufacturing Corp.; at Honda Trading Philippines Ecozone Corp.

Mahigit 200 volunteer mula sa mga naturang kumpanya at dealer sa iba’t ibang panig ng bansa ang
nakibahagi sa proyekto.

Kasama rin sa pagtatanim ng puno ang mga miyembro ng 59th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division
ng Philippine Army, at ilang media na walang kapagurang inakyat ang Mt. Banahaw.

Umabot sa 5,000 puno ang naitanim sa tulong ng Haribon Rainforest Organization at Advocates
(ROAD) to 2020.

Plano ng grupo ng makapagtanim ng puno sa isang milyong ektarya ng kagubatan sa bansa sa loob
ng 10 taon.

Sa ikaanim na taon ngayon, nakapagtanim na ang HFI ng mga puno sa 18 ektaryang lupain na
umabot na sa mahigit 30,000 sa Laguna at Quezon.

Samantala, ang HCPI ay nakikiisa sa mga mamamayan sa pagsasaayos at pangangalaga ng


kapaligiran.

Kabilang sa mga proyektong inilunsad ng prestihiyosong kumpanya ng sasakyan ay ang Blue Skies
for Our Children Campaign kung saan kaakibat nito ang Department of Environment and Natural
Resources, Climate Change Commission, Clean Air Initiative for Asian Cities (CAI-Asia), Philippine
Business for the Environment, Department of Energy, Haribon at mga corporate fleet partner ng
Honda.

Nangunguna rin ang Honda sa mga hanay ng kumpanya ng sasakyan sa pagsusulong sa fuel
efficiency at pagbabawas sa usok na ibinubuga ng mga kotse.

Ipinagmalaki ng Honda ang pagkakaloob ng Euro-4 certification para sa mga sumusunod na modelo:
Brio, Brio Amaze, Mobilio, CR-V, Civic, Jazz, HR-V, Accord, Odyssey at CR-Z.

Tiniyak ng Honda na ang kanilang mga produkto ay hindi nakapeperwisyo sa kapaligiran at


mamamayan kaugnay sa umiiral na Department of Environment and Natural Resources Administrative
Order (DAO) No. 2015-04.

Ang naturang prinsipyo ay mula kay Soichiro Honda dahil batid nito ang masamang epekto ng climate
change at patuloy itong magpupursige na mabawasan ang greenhouse gas emission sa lahat ng
aktibidad ng Honda.

Mula sa pagkukumpuni hanggang sa pagtatapon, ang mga aktibidad pangkalikasan ng Honda ay higit
pa sa isinusulong nitong Corporate Social Responsibility.

http://balita.net.ph/2016/01/07/mahigit-5000-puno-itinanim-ng-honda-sa-laguna-quezon/

I. Takdang-Aralin

Manood ng balita, at humanda sa maikling pag-uulat.


V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong


nang lubos?Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa
tulong ng aking punongguro at suberbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like