You are on page 1of 2

Pangalan:

Seksyon:
QUIZ #4
A. Panuto: Tukuyin kung ANAPORA o KATAPORA ang ginamit sa pangungusap.
1. “Dalhin natin siya sa ospital, dali!”ang sigaw ng maliksing si Doris habang pangko ang matandang
lupaypay at tila wala nang buhay. Isinakay siya sa hulihang bahagi ng kotse at saka mabilis nitong
pinaandar ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital. Subalit hindi na umabot nang buhay si Lolo
Jose sa pagamutan.
2. Bayani ang mga taong handing tumulong sa nangangailangan kahit walang hinihintay na kapalit o
magbuwis ng buhay para sa bayan kung kinakailangan. Sila ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi
pangkaraniwang kabutihan para sa iba.
3. Matamis na maasim-asim ito. Ang may katigasan at kulay lilang balat ay nagtataglay ng mapuputing hilis
na paborito ng marami hindi lamang dahil sa lasa nito kundi maging sa taglay na sustansiya. Hindi
pangkaraniwang prutas ang mangosteen.
4. Uber aat Grab Taxi na nga ba ang solusyong dala ng makabagong teknolohiya para mapadali ang
paghahanap ng masasakyan? Ang mga ito ay alternatibo sa nakasanayang de-metrong taxi.
5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang ba itong alaala sa ating malalaking lungsod?
6. Ang perpektong Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga turista. Itinuturing itong
pinakaaktibong bulkan sa bansa.
7. Ang bawat pagkaway niya ay tinutumbasan ng nakakabinging pagtili ng kaniyang mga tagahanga. Walang
hindi naaakit sa malalalim niyang biloy. Siya si Alden Richarads ang isang sikat na personalidad na
binansagang “Aldub”
8. Hindi si Athan ang tipo ng lalaking nangunguna sa away-kalye. Matangkad siya ngunit patpatin ang
katawan dahil sa bukod sa may kahinaang kumain ay wala rin gaanong hilig sa isports.
9. Sa gulang na dalawampu, ay maaaninag sa kanya ang kasipagan dahil sa matipunong pangangatawaan at
magaspang na palad na pinanday ng kahirapan. Marami na ring trabaho ang nasubukan ni Donato subalit
hindi tapos sa pag-aaral aay karaniwang casual lamang ang kaniyang napapasukan.
10. Naiwan sa balikat ni Andres ang responsibilidad sa kaniyang mga kapatid. Nagtinda siya ng basting yari
sa yantok gayundin ng makukulay na abanikong papel na siya mismo ang gumagawa.

B. Tukuyin kung substitusyon, elipsis, pang –uganay o leksikal ang ginamit na cohesive device sa
sumusunod.
11. Nagdala si Jenna ng tatlong nilagang mais. Si Erick naman ay dalawa.
12. Naubos ko ang masarap mong baon. Ibibili na lang kita ng kapalit.
13. Nabasa ng mga mag-aaral ang aklat. Ang mga mag-aaral na ito ay natuto mula sa binasa.
14. Mayaman ka man o mahirap, malaki ang ambag mo sa lipunan upang ito ay umangat.
15. Nagtungo si Irish sa limang naggagandahang lugar sa Vietnam at si Riena naman ay anim na lugar.

You might also like