You are on page 1of 2

PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

Pagbuo ng Konseptong Papel


- Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang gawaing
balangkas o framework ng paksang bubuuin.
- Ang framework ay ang pinaka-istruktura at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa
nais patunay, linawin o tukuyin.
- Dito matutukoy ang mga bagay o konsepto na sasaliksikin. Nakaugat sa tagumpay ng
pananaliksik ang mga simulain at hakbang kaugnay ng pagbuo ng komprehensibo at
epektibong konseptong papel.

KONSEPTONG PAPEL: MULA PLANO PATUNGONG PROSESO

a. kabuuang ideya

b. balangkas o framework

c. nais patunayan sa pag-aaral

d. gawaing binabalak sa pananaliksik

e. halagang magagastos sa proyekto


HAKBANG SA PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

1. MAGPLANO AT MAGSIGURO

2. MAGISIP AT MAG MUNI MUNI

3. MAGHANDA AT MANGKOLEKTA

4. MAGTANONG AT MAGMUNGKAHI

KATANGIAN NG KONSEPTONG PAPEL


1. MAIKLI NGUNIT MALINAW

Sa limitadong panahon at pahina kailangang maging tiyak ang paksa, at mailahad ang layunin,
kahalagahan at iba pa.

2. MAKATOTOHANAN AT MAKATARUNGAN

Panahon ang batayan ng katangiang ito. Gaano man kaganda ang paksa, ang pinakamahalagang batayan
ay ang kakayahang matapos maisakatuparan ang gagawing pananaliksik.

3. MAPAGMULAT AT MAPAGPALAYA

Mahalagang sa paukalang proyekto o pananaliksik pa lamang ay litaw na ang ambag o kahalagahan ng


pag-aaral.

4. MAKAPANGYARIHAN

Magbubukas ang konseptong papel upang magsulong ng mga adbokasiyang dapat itaguyod sa pag-aaral.

You might also like