You are on page 1of 1

THE FOURTH WORD "My God, my God, why have you forsaken me?

" Matthew 27:46 and Mark 15:34

A. Sa pananalitang ito....posible, dito si Jesus nakaramdam ng matinding sakit, Marami nang dugo
ang nawala, maaring hinang hina na siya, pagod na pagod na siya, lungkot na lungkot na siya.....

B. Tandaan natin na sa panahong iyan si Jesus ay nasa kalagayan bilang tao, Kaya kung ano ang
mararamdaman ng tao na sakit ay mararamdaman din ito ni Jesus...Siguro dahil sa pagod,
paghihirap, pagtitiis, habang siya ay nakapako, Parang hindi na naiisip ni Jesus, na mayroon siyang
misyon na dapat matupad, na mayroon silang plano o paguusap ng Ama na dapat ganapin o gawin
ni Jesus...Parang nalimutan na ni Jesus dahil sa matinding sakit at paghihirap niya......

C. Kaya ang sabi niya....."My God, my God, why have you forsaken me?" Ang ibig sabihin niya na my
God my God....ay Ama ko Ama ko....Bakit mo ako pinabayaan..... Na alam naman talaga iyan ni
Jesus na hindi naman talaga nagpapabaya sa kanya ang kanyang Ama.....Dahil nga sa paghihirap
nakaramdam siya na parang pinabayaan siya ng Ama...piro hindi Ang Ama nag papabaya sa
kanya.... D. Maaring sabihin din ng Ama....Anak diba, napag usapan na natin to, na Ibibigay kita sa
sanlibutan na pangtubos, kaya nga nagkatawang tao ka, at huhulihin ka, pagtutulungan kang ipako
sa Krus.....at ito na iyon, natupad na, naganap na....kailangang tapusin mo ito anak....Kaya ma
iinterprate din ng tao, bakit nga ba hindi tinulungan ng Ama....Dahil nga kailangang matupad ang
pagtubos, dahil ito ang paraan nila na pangbayad ng kasalanan.... 1 Pedro 2:24 [24]Sa kanyang
pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa
kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo'y pinagaling na sa pamamagitan ng
kanyang mga sugat. 1 Pedro 3:18 [18]Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang
minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y namatay ayon sa
laman, at muling binuhay ayon sa espiritu... E. Nakaranas narin ba kayo, na clear sayo ang plano ng
Diyos, at alam na alam na talagang pambihira ang plano ng Diyos para sa atin....piro matutupad ito
na minsan ay makakaranas din tayo ng mga kabiguan, paghihirap ng kalooban...at sa panahon
dumating na nga iyan sa ating buhay....minsan bang nasabi mo na rin na Ama, bakit mo ako
pinbaaan, bakit mo kami pinabayaan....Normal lang na makaramdam ng ganito, basta huwag lang
sumuko, ituloy lang dahil mapagtagumpayan din ito...tulad ni Jesus....

You might also like