You are on page 1of 2

1.

0 Rasyunal/Kaligiran ng Pag-aaral

Ang tao ay pinamamahallan ng kanyang pag-iisip. Lahat ng mga kilos


ginagawa, nakikita at napapansin nito sa kaniyang paligid ay marahil bunga ng
kalikutan ng imahenasyon ng isang tao. Natural na sa mga tao ang pagiging
malikhain dahil sa kapasidad nitong mag-isip at mag imagine ng kung ano-ano na
nakabatay lamang sa kagustuhan nitong lumikha ng mga bagay na naiisip at
naiimagine nito. Bunga nito hindi imposibleng makagawa o makalikha ng mga iba’t
ibang bagay na katulad nalamang ng mga imbensyong panteknolohiya ngayon na
kung saan talamak na ito sa kasalukuyang panahon, mga organisasyong
nakatutulong sa panghanap buhay ng mga tao, mga establisyamento, mga pakulong
pang intertainment, at mga kung ano-ano pang mga bagay na bunga ng malikot na
pag-iisip at imahenasyon ng isang tao. Dahil din sa kapasidad ng isipan ng isang tao
hindi lang pang-agham at panteknolohiya ang nagagawa at nalilikha nito, kaya rin
nitong lumikha ng iba’t ibang larangang pansining gaya nalamang ng tula, mga
nobela, mga epiko, kwentong bayan, mga kanta, at marami pang iba na hango sa
iba’t ibang literatura o may kinalaman sa panitikan. Nakasalalay narin sa tao ang
kabatiran nito kung gaano kahalaga ang pakikipagkomunikasyon.

Tayong mga tao ay nabubuhay at naninirahan sa mundo ng mga salita


(Fromkin at Rhodman, 1983). Nagpapahiwatig ito na napapalibutan tayo ng mga
salita upang mabuhay at makibahagi sa lipunang ating kinabibilangan. Gumagamit
tayo ng wika upang maipahayag natin an gating mga ideya, kaisipan, at mga
saloobin na gusto nating iparating sa ating kapwa. Ayon kay Caroll (1964), ang
wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay
bunga ng unti-unting pagpapatibay sa loob ng hindi na mabilang na mga dantaon at
pagbabago sa bawat henerasyon na nakalipas na mga panahon. Subalit sa isang
panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na
pinag-aaralan at natutunan na ginagamit sa iba’t ibang lebel ng kasapi ng pangkat o
komunidad. Tinutukoy din nito na maging ang wika mismo ay denamiko at buhay
na kung saan ay nagbabago kasabay ng pag-usbong ng bawat henerasyon.

Ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa kasalukuyang panahon ay


nagdadala ng negatibo at positibo sa ating mga tao. Negatibo dahil nagdudulot ng
masamang epekto sa gawi at kilos ng isang tao, nagiging tamad, palaging umaasa sa
teknolohiya, nawawalan ng respeto at palaging napapabayaan ang sarili. Positibo
naman dahil natutulungan tayong malutas an gating mga iilang problema,
napapadali nito an gating mga Gawain, at nakapagbibigay ng mga impormasyon na
makakatulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay
(http://tech4edorion.com/index.php/8-education/1022-ang-positibo-at-negatibong-
pananaw-sa-teknolohiya). Maituturin ding ang pagpasok ng teknolohiya sa
kasalukuyang panahon ay nagiging dahilan ng pagbabago ng paraan ng tao na
makipag-ugnayan sa kapwa “I Fear the Day that Technology will surpass our
Human interaction”. Ayon it okay Einstein, nangangahulugan itong hindi mag
tatagal ay ang mga tao ay hindi na makikipag interaksyon sa kanilang kapwa na
harap-harapan at personal na makikipagtalastasan. Unti-unti ng nilalamon ng
teknolohiya ang paraan ng pakikipag-interaksyon ng tao sa lipunan
(http://www.godreads.com/qoutes/724791-i-fear-the-day-that-technology-will-
surpass-human-interaction). Sa kabilang dako, malaki ang epekto ng makabagong
teknolohiya sa buhay at sa mismomg pag-iisip ng mga tao. Halimbawa nito ang
pagkahumaling ng mga tao sa pagkuha ng mga larawan na dulot ng teknolohiya,
paggawa ng mga video content na dulot din ng teknolohiya na kung saan
napagkakakitaan ito ng mga tao, ang nangyayaring kompetisyon ng mga idustriya sa
pagtuklas ng mga bagong kagamitan panteknolohiya na makakatulong sa kanilang
negosyo at ang limitadong pakikipagkomunikasyon ng mga tao dahil sa masyadong
tutok ang mga ito sa mga produkto ng makabagong teknolohiya. Ngunit nang dahil
rin sa teknolohiya nabigyang daan at nabuksan ang isa pang paraan ng
pakikipagtalastasan sa birtwal na mundo at ito ang Social Media.

You might also like