You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
PANGASINAN DIVISION II
Bautista District
BAUTISTA CENTRAL SCHOOL SPED CENTER
Bautista, Pangasinan

Demonstration
Lesson Plan
in
MAPEH IV
(Edukasyong Pangkatawan at
Pangkalusugan)

Ipinasa ni: Bb. Olive U. Cayabyab


Gurong Nagsasanay

Ipinasa kay: G. Erald M. Castillo


Gurong Tagapagsanay

Araw ng Pagtuturo: April 13, 2023


I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nailalahad ang tamang paraan ng paggamit ng gamot.
b. naisasagawa ang mga wastong paraan ng paggamit bago uminom ng
gamot.
c. napapahalagahan ang kaalaman sa tamang paggamit ng gamot.

II. Nilalaman
a. Paksa: Sa Oras ng Karamdaman, Wastong Preskripsiyon ang
Kailangan
b. Sanggunian:
 Edukasyon sa Pangkatawan at Pangkalusugan 4. Kagamitan ng
Mag-aaral (Yunit III, Aralin 6. Pahina 356-360)
 Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Patnubay ng Guro (Yunit III,
Aralin 6. Pahina 177-178)
c. Kagamitan: Visual Aids, Realia at PowerPoint Presentation
d. Integrasiyon: Pagpapahalaga sa kalusugan
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paunang Gawain

Pagdadasal
 Tayo muna ay tumayo para sa (Panalangin)
ating panalangin.
Pagbati
 Magandang umaga mga bata. Mga mag-aaral: Magandang umaga
 Maaari na kayong umupo. po.
Pagtala ng liban sa klase
Mga mag-aaral: Wala po
 May liban ba sa ating klase
ngayong araw?
 Mabuti kung ganun.
Panuntunan bago magsimula ang
klase
 Umupo ng maayos at makinig sa Mga mag-aaral: Opo!
guro habang nagtuturo.
Naintindihan ba mga bata?

Balik Aral Mag-aaral 1: Tinalakay po natin


 Ano ang paksang tinalakay natin ang tungkol pag-iwas sa panganib
noong nakaraang araw? ng pag-abuso at maling paggamit
ng gamot.
Mag-aaral 2: Pagtatae at pananakit
 Magaling, ano-ano nga ba ang po ng tiyan.
mga epekto ng sobrang paggamit
ng gamot? Mag-aaral 3: Pagsusuka po.
 Ano pa?
 Tama, ang inyong mga nabanggit
ay ilan sa mga epekto ng mali o
sobrang paggamit ng gamot.

B. Pagganyak
 Magpapakita ng mga larawan ng
mga bata may iba’t bang
karamdaman.

 Ang bata po sa larawan ay


inuubo.
 Ano ang karamdaman o sakit ng
bata na nasa larawan?
 Tama!

 Ang bata po ay sinisipon.

 Ano naman ang pinapakitang


karamdaman ng bata sa sumunod
na larawan?

 Ang bata po ay may lagnat o


trangkaso.
 Ano naman ang pinapakitang
karamdaman ng bata sa sumunod
na larawan?
C. Paglalahad ng Bagong Aralin

 Magpapakita sa mga mag-aaral


ng aktuwal na preskripsiyon mula
sa lisensiyadong doktor, likido at
tabletang gamot.
Mga katanungan:
1. Bakit kailangan ng Mag-aaral 4: Upang malaman po
preskripsiyon ng doktor kung ano ang tamang gamot na
bago uminom ng gamot? dapat inumin sa sakit na
nararamdaman.

2. Ano-ano ang mababasa Mag-aaral 5: Makikita po sa


ninyong nakasulat sa medicine label o sa pakete ng
pakete ng gamot o gamot ang mga sangkap na
medicine label? ginamit sa gamot, direksiyon kung
ilang beses po dapat inumin ang
gamot sa isang araw at kung ilang
taon po ang pwedeng uminom ng
gamot na iyon.
Ipabasa ang Mahalaga Ang Mga Ito
at ipasagot ang mga tanong tungkol sa Basahin ang diyalogo at
diyalogo na nagmula sa Kagamitan ng pagkatapos ay sagutin ang mga
Mag-aaral. gabay na tanong.

(Sa silid-aralan, aktibong nakikisali


sa talakayan sina Rona, Ben, Belen
at Roy…)

Gng. Castro: Magandang araw sa


inyong lahat. Gusto kong malaman
mula sa inyo kung ano ang
ginagawa ninyo bago uminom ng
gamot.
Rona: Sinasamahan po ako ng
Nanay ko sa klinika upang
magpatingin sa doktor. Sinusunod
ko Ang preskripsiyon mula sa
doktor sa gabay ng aking mga
magulang.
Gng. Castro: Tamang gawin ang
ginagawa mo Rona. Kayo naman,
Ben at Belen.
Ben: Sinusuri ko po ng mabuti ang
nakasulat sa pakete ng gamot
upang malaman ko kung kailan
mawawalan ng bisa.
Belen: Hindi po kami bumibili ng
gamot ng Nanay ko kung saan-
saan lang. Bumibili kami sa
mapagkakatiwalaang botika upang
hindi kami makabili ng pekeng
gamot.
Gng. Castro: Tama ang ginagawa
nyo mga bata. Ano naman ang
maibabahagi mo sa amin Roy?
Roy: Ipinaghihiwalay po namin ang
lalagyan o taguan ng mga gamot
sa mga panlinis sa bahay at
pamuksa sa mga insekto.
Sinisigurado namin na hindi kayang
abutin ng aking mga nakababatang
kapatid ang imbakan ng mga
gamot upang hindi nila paglaruan.
Gng. Castro: Magaling! Ako ay
Mga tanong: nalulugod sa inyong ibinahagi
1. Ano-ano ang ibinahagi nina Rona, ngayon. Oras na para sa susunod
Ben, Belen at Roy sa kanilang niyong asignatura. Paalam mga
kaklase at guro? bata.
2. Bakit kailangan nating kumonsulta Mga Bata: Paalam din po Gng.
sa doktor bago uminom ng Castro.
gamot?
Mag-aaral 5: Ibinahagi po nila ang
3. Bakit kailangang bumili ng gamot kanilang ginagawa bago uminom
sa mapagkakatiwalaang botika? ng gamot.
Mag-aaral 6: Upang malaman po
4. Nasiyahan ba si Gng. Castro sa natin kung ano ang gamot na dapat
mga ibinahagi ng kaniyang mga nating inumin.
mag-aaral? Bakit? Mag-aaral 7: Para po hindi tayo
makabili ng mga pekeng gamot.
 Ngayon naman, sagutan natin
ang checklist na ito. Lagyan ng Mag-aaral 8: Opo, dahil tama ang
tsek (✓) ang inyong sagot. mga kasagutan na ibinahagi ng
kaniyang mga mag-aaral.
Mga Tanong Oo Hindi

1. Nagpapakonsulta
ba ako sa doktor
bago uminom ng
gamot?
2. Sinusuri ko ba ang
nakasulat sa
pakete ng gamot?
3. Sinusuri ko ba ang
nakasaad sa
preskripsiyon ng
doktor?
4. Umiinom ba ako
ng gamot na may
gabay ng
magulang o
nakatatanda?
5. Inaalam ko ba
ang expiration
date ng gamot na
iinumin ko?

(Pagkatapos ng ilang minuto)


 Pakipasa na ang inyong papel,
bubunot ako ng limang papel at
titignan natin kung ano ang mga
kasagutan ng inyong mga
kaklase.
(Ipapasa ang kanilang sagutang
(Babasahin ang kasagutan ng
papel pagkatapos nilang magsagot)
limang mag-aaral na nabunot)
 Mabuti at oo lahat ng inyong
kasagutan, ibig sabihin nito ay
nagagawa ninyo ang mga tamang
paraan sa paggamit ng gamot.
Tama ba?
 Magaling! Sunod na inyong Mga mag-aaral: Opo titser!
gagawin ay gagawa kayo ng sulat
sa inyong kaibigan upang ipaalam
o ipaalala sa kaniya ang tamang
paraan ng paggamit ng gamot.
Alam niyo ba kung paano
gumawa ng sulat?
Mga mag-aaral: Opo!
 Mabuti! Simulan niyo na ang
paggawa ng sulat para sa inyong (Ang mga mag-aaral ay gumagawa
kaibigan. ng sulat o lihim para sa kanilang
kaibigan).
D. Paglalahat
 Ano ang paksang tinalakay
natin ngayong araw? Mga mag-aaral: Patungkol po sa
wastong preskripsiyon ng doktor na
 Tama! Bakit nga ba dapat nating sundin.
mahalaga ang
pagpapakonsulta sa doktor Mag-aaral 9: Para po malaman
bago uminom ng gamot? natin kung ano ang tamang gamot
 Kailangan din ba nating na dapat nating inumin.
suriin ang mga nakalagay
sa pakete ng gamot o ang
medicine label at kung
kelan ito mawawalan ng
bisa o expiration date ng
Mag-aaral 10: Opo, upang
gamot na ating iinumin?
malaman natin ang hatid na dulot
Bakit?
ng gamot sa atin at kung kailan po
ito mawawalan ng bisa.
 Masusunod at
maisasagawa niyo ba ang
mga tamang paraan sa
paggamit ng gamot?
 Magaling! Naintindihan Mga mag-aaral: Opo!
niyo ba ang paksang
tinalakay natin ngayong
araw? Mga mag-aaral: Opo!
 Mabuti kung ganoon.

E. Paglalapat
Pangkatang Gawain
 Magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain, hahatiin
natin sa tatlong grupo ang ating
Mga mag-aaral: Opo titser!
klase, handa na ba kayo?
 Mabuti! Ang unang grupo ay
gagawa ng tula patungkol sa
tamang paggamit ng gamot,
poster naman ang pangalawang
grupo at slogan naman ang
gagawin ng pangatlong grupo. Mga mag-aaral: Opo titser!
Naintindihan ba mga bata?
 Ang inyong mga gagawin ay
iprepresenta ninyo dito sa harap. (Ang mga mag-aaral ay ay tulong-
Simulan niyo na ang inyong tulong sa paggawa sa kanilang
gawain. gawain).

(Pagkatapos ng ilang minuto) Mga mag-aaral: Opo!


 Tapos na ba ang lahat?
 Maaari bang pumunta ang unang
grupo sa harap upang ipresenta (Ang mga mag-aaral ay
ang inyong ginawa, susunod ay nagprepresenta ng kanilang
ang pangalawang pangkat at ginawang tula, poster at slogan).
panghuling ang pangatlong
pangkat.

(Pagkatapos ng presentasyon ng
mga mag-aaral)
 Mahusay mga bata! Ang inyong
mga ginawa ay napakaganda.
Tunay nga na naintindihan ninyo
ang paksang ating tinalakay
ngayon. Para sa inyong
pagsusulit, maglabas kayo ng
isang buong papel at sagutan
ang sumusunod.

IV. Pagtataya
A. Panuto: Piliin sa kahon ang sagot na tinutukoy ng bawat
bilang. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Doktor petsa ng pagkawalang bisa

preskripsiyon mapagkakatiwalaang botika

________1. Ang label


taong pinupuntahan
ng gamot ng mga taong may sakit upang
magpakonsulta.

________2. Dito tayo dapat bumili ng gamot upang tayo ay hindi makabili ng mga
pekeng gamot.

________3. Ito ang nagsasaad kung kelan mawawalan ng bisa ang isang gamot.

________4. Ito ang sinusunod nating gabay na ibinigay ng doktor.


________5. Ito ang dapat nating basahin at suriin sa pakete ng gamot upang
magkaroon ng kaalaman sa gamot na iinumin.

B. Isulat sa “House Organizer” ang lahat ng inyong natutuhan


tungkol sa tamang paraan ng paggamit ng gamot.

ANG MGA NATUTUHAN KO

V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng iba pang paraan ng wastong paggamit ng gamot.
Isulat sa inyong kuwaderno ang mga nakalap na impormasyon. Maaaring
gumamit ng pananaliksik sa internet, pahayagan, at aklat.

Prepared by:

Olive U. Cayabyab
Practice Teacher

Checked by:
Erald M. Castillo, Teacher III
Supervising Instructor

Observed by:

Olivia L. Delo Santos


Master Teacher I

Julius J. Quinto, EdD


Principal IV

You might also like