You are on page 1of 4

KONSEPTONG PAPEL

STEM Y1-P6
Biongan, Lean Jairus
Biala, Adrian
Gacutan, Daniel
Diesta, Jamila Fame
Jacinto, Clarice
Matus, Fatima
Favor, Edmund
Ong, Nikkole
Domingo, Chezy Anne
Padua, Ryzza Mae
Reyes, Cassandra
Mapoy, Lance Andrei

“Girl, boy, bakla, tomboy”: Kwantitatibong pananaliksik tungkol sa malayang


paggamit ng LGBT sa pampublikong palikuran.

Layunin ng pag-aaral
Layunin ng pag-aaral na ito na makapagbigay ng masusing pag-aaral tungkol sa
malayang paggamit ng mga kasapi ng LGBT community ng pampublikong palikuran.
Bukod dito, layunin rin ng mga mananaliksik na matupad ang mga sumusunod:
1. Malaman ang mga opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng
pampalikuran para sa mga miyembro ng LGBT community.
2. Maibigay ang mga paraan upang maging pantay at balanse ang pagtingin sa
mga miyembro ng LGBT community.
3. Mabawasan ang diskriminasyon sa mga transgender sa paggamit ng mga
pribado o pampublikong palikuran na naaayon sa itinalagang kasarian.

Suliranin ng pag-aaral
Sa pagpapatuloy namin ng pananaliksik na ito na ang sentrong paksa ay umiikot
sa “Paggamit ng mga miyembro ng LBGT community ng pampublikong palikuran ayon
sa pagkakakilanlan nila ng kanilang kasarian” inaasahan naming mabigyan ng sagot
ang mga tanong na ito:

1. Nakakaapekto ba sa mental health ng mga Miyembro ng LGBT ang hindi


pagpapahintulot sakanila ng paggamit ng public utilities na hindi umaangkop sa
kanilang gender identity?
2. Sumasang-ayon ba ang mga mag-aaral na igalang ang karapatan ng mga LGBT
na malayang gumamit ng mga palikuran batay sa kanilang kasarian?
3. Sumasang-ayon ba ang nakararami na gumamit ng Comfort room ang mga
transgender ayon sa kanilang gender identity?

Pagpapakilala sa pag-aaral

Sa pag-usbong ng malayang pagpapahayag ng ating saloobin, dumadami ang


kaalaman tungkol sa importansya ng sikolohikal na aspeto para sa ikauunlad ng isang
indibidwal. Isang halimbawa na rito ang pagdami ng miyembro ng LGBT community
dahil napalalawig ng mga kasapi nito ang kanilang karapatang makapili ng kasarian at
karapatang pantao dahil hindi naman nalalayo ang anyo nila sa lipunan. Gayunpaman,
hindi lahat ay sang-ayon sa kilos na ito dahil sa iba’t ibang prinsipyo at paniniwala ng
bawat isa. Dahil dito, umusbong ang samut-saring isyu at iba’t ibang anyo ng pananakit
na nakakaapekto ng malubha sa mga kasapi ng LGBT community. Ang komunidad ng
LGBT ay nahaharap sa ilang mga problema, tulad ng diskriminasyon, pananakit,
nakababahalang pagtrato, at iba pa. Maraming mga kasapi ng LGBT ang nakakaranas
ng iba't ibang diskriminasyon, kasama na rito ang bullying, pang-aabuso, at karahasan
mula sa ibang tao, partikular na mula sa mga hindi tinatanggap ang kanilang kasarian o
pagkakakilanlan. Ang mga ganitong karanasan ay maaaring magkaroon ng masamang
epekto sa kalusugan ng isang indibidwal, tulad ng mga suliranin sa kanilang mental at
emosyonal na kagalingan. Tungo rito, upang makalikha ng isang lipunan na higit na
nagmamalasakit, napakahalaga na itaguyod ang pagkakapantay-pantay at pagbigay ng
suporta sa mga miyembro ng LGBT.
Sa populasyon natin ngayon, halos kumalahati na ang nabibilang sa LGBT
community maraming sumang-ayon na maipatayo ang organisasyong ito subalit
marami rin ang di sumang-ayon isa na rito ang simbahang katoliko. May iba't ibang
opinyon ang mga tao ukol sa suliraning ito. Marami sa kanila ay ayaw tanggapin ang
pagkatao nila sapagkat ito raw ay labag sa bibliya o walang kalalagyan sa mundo, may
iba naman na nagsabi na di natin sila mapipilit sa anumang maging kasarian nila at
respetuhin na lang kung ano sila. Sa mga naririnig at nakikita ay di madali ang sitwason
ng LGBT sa isang komunidad. Napakahirap para sa isang LGBT ang makipaghalubilo
sa isang komunidad na hindi sila tanggap at nakakaramdam sila ng sakit nang dahil sa
sarili nilang bansa ay hindi sila komportable.
Isa ang isyu sa karapatang gumamit ng mga kasapi ng LGBT community sa
pampublikong palikuran na hanggang sa ngayon ay hindi pa nabibigyan ng matibay na
konklusyon. Ayon sa pag-aaral ni Rebecca J. Stones (2017) tungkol sa kung sino sa
babae o lalaki ang mas nababahala sa paggamit ng mga transgender women ng
pambabaing palikuran, mas nababahala ang mga lalaki dahil sa posibleng pagtaas ng
mga insidente ng sexual abuse. Sinabi nya rin na mas marami ang hindi sang-ayon sa
kababaihan na pinagtibay ng ilang komento na nahanap nya sa iba’t ibang online news
article na hindi komportable sa paggamit ng mga transwomen ng girls restroom. Ayon
naman sa pag-aaral nila Weinhardt et al. (2017), nakakaapekto sa pag iisip ang patuloy
na diskriminasyon sa mga kasapi ng LGBT community kapag nalalabag ang
kagustuhan nilang gumamit ng palikurang angkop sa kinikilala nilang kasarian. Kaya
naman, nakatuon ang pansin ng pananaliksik na ito sa lahat ng may kinalaman sa
malayang paggamit ng LGBT sa pampublikong palikuran at kung paano mabibigyan ng
karapat-dapat na pakikitungo ng isang indibidwal ang isang kasapi ng LGBT sa loob ng
mga pampublikong establisyemento.
Bilang paglalagom, ang masusing pag-aaral tungkol sa pananaliksik na
pinamagatang “Girl, boy, bakla, tomboy”: Kwantitatibong pananaliksik tungkol sa
malayang paggamit ng LGBT sa pampublikong palikuran ay naglalayong malaman ang
pananaw ng mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima (OLFU) ng Valenzuela tungkol sa
pagkakaroon ng eksklusibong palikuran na para lamang sa miyembro ng LGBTQ+
community. Ang mga mananaliksk ay pinili ang paksang ito upang higit na maunawaan
ang kanilang pinaglalaban at sa gayon ay hindi lamang ang mga miyembro ng LGBT, sa
pag-aaral na ito matutulungan din ang mga babae at lalaki a maipapahayag ang
kanilang saloobin hinggil sa nasabing isyu. Makatutulong din it upang mabuksan ang
kaisipan ng mga taong hindi maintindihan ang panig ng mga miyembro ng LGBT.
Dagdag pa rito, makakalap rin ng mga kaparaanan upang magkaroon ng
pagkakapantay-pantay ang lalaki, babae, at LGBTQ+ community ng karapatan at
pagkakaroon ng balanseng pagtingin sa nabanggit na mga kasarian. Mapapalawak nit
ang kanilang ideya o persepsyon sa pagkakaroon ng sariling palikuran. Isa rin sa
layunin ng mga mananaliksik na mabawasan ang diskriminasyon na nararanasan ng
mga transgender sa kanilang karapatan upang gumamit ng pribado o pampublikong
palikuran na naaayon sa kanilang itinalaga kasarian. Ang pananaliksik na ito ay
magiging daan upang mabuksan ang isipan ng mga tao na anumang kasariang meron
ka o kasariang pinili mo, may karapatan ka bilang tao dahil batay nga sa Artikulo 1 ng
Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao, “Ang lahat ng mga tao ay
ipinanganak na malaya at pantay sa dignidad at karapatan.”

Bibliyograpiya
Transgender and Gender Nonconforming Youths’ Public Facilities Use and
Psychological Well-Being: A Mixed-Method Study
Which Gender is More Concerned About Transgender Women in Female Bathrooms?

You might also like