You are on page 1of 1

Basahin ang kautusang nakapaloob sa akdang El Verdadero Decalogo.

Ano ang dalawang uri


ng pag-ibig ang napapaloob sa kabuuan ng kautusan?

- Ayun sa aking nabasa at napansin ay may maraming pang-ibig ang nakapaloob sa


akda ni El Verdadero Decalogo, ngunit ang kanya talagang pinupunto ay ang pag-ibig
sa diyos at pag-ibig natin sa bayan. Sa unang kabanata ay mababasa muna agad ang
pag-ibig sa PANGINOON, nakasulat ditto na “ibigin mo ang Diyos at ang iyong puri
nang lalo sa lahat ng bagay; ang Diyos ay siyang bukal ng buong katotohanan, ng
buong lakas; ang paghahangad ng puri ang siya lamang makaakit sa iyo na huwag
magbulaan, kungdi laging matuto sa katuwiran at magtaglay ng kasipagan”. Sang-
ayun naman ako sa sinasabi ng akda, dahil bago paman tayo nabuhay sa mundo,
nandito na ang panginoon, siya ang bumuo at gumawa ng mundo kaya dapat lang
natin pahalagahan at mahalin ang Diyos. Isa rin dito ay ang kanyang sakripisyon sa
krus, alang-alang sa pagmamahal niya sa atin ay ginawa niya yun, kahit na tayo ay
makakasala ay binigyan niya parin tayo ng pangalawang pagkakataon para itama ang
lahat, dahil ang Panginoon ay naniniwala sa ating kakayahan. Hindi talaga
mahihintulad ang pagmamahal ng Panginoon sa iba, siya lamang ay nag-iisa sa atin,
iwan man tayo ng iba at pabayaan, ang Diyos ay nanjan palagi upang tayo ay
samahan at gabayan. Ang ikalawa naman sa aking nabasa ay ang pag-ibig sa bayan,
na kung tutuusin ay nawawala, lalo na sa kabataan ngayon. Bakit? dahil sa
paghumaling ng mga kabataan sa dramas ng nagmula sa mga ibang bansa, halos sa
kanila ay gustong pumunta duon ay dun nalamang manirahan, kung gayun man
hindi naman sila masisi, ngunit sa paraan nila pinapakita tila nalilimutan na nila kung
saan sila nanggaling. Dapat natin pahalagahan ang ating bayan dahil ito lamang
tanging paraan upang umunlad ang ating bansa, dapat natin mahalin ito, dahil sa
panahon ngayon lalo na may pandemyang nagaganap, dapat tayo mag-kaisa at
magtulungan upang masugpo ang pandemyang nagpapadusa sa ating bayan.

You might also like