You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


San Marcelino, Zambales, Philippines
College of Teachers Education

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


EKONOMIKS

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng pag iimpok at pamumuhunan
b. Natatalakay ang mga uri ng bangko at mga institusyong di bangko
c. Napapahalagahan ang pakinabangan ng pag iimpok at pagmumuhunan

II. NILALAMAN
a. Paksa: Pag-iimpok at Pamumuhunan
b. Kagamitan: Flip Chart
c. Sanggunian: Balitao et.al.,(2015).Araling Panlipunan ika-9 na baitang. Pasig City.
Kagawaran ng Edukasyon. Pp.

III. LEARNING COMPETENCY


“Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi.”

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagbati
Magandang umaga klas!
Magandang umaga din po ma’am

2. Pagtsetsek ng kalinisan
Pulutin ang mga kalat sa sahig at
pakiayos ang inyong mga upuan.
(ang mga mag-aaral ay sumunod sa
guro)
3. Pagtatala ng lumiban sa klase
Kalihim, maaari mo bang itala kung sino
ang lumiban ngayong araw.?
4. Pagbabalik-aral

Natalakay noon nakaraan ang tungkol sa


Expansionary at Contractionary.
Tama?
Yes ma’am
Sige nga maari bang tumayo ang lahat
para sa ating maikling pagsubok.
(Ang mga mag-aaral ay tumayo)
May inihanda akong katanungan sainyo.
Kapag ang sagot sa aking katanungan ay
EXPANSIONARY iiikutin niyo ang inyong
bewang, at kapag naman
CONTRACTIONARY igagalaw niyo
naman ang inyong mga kamay (ipapakita
ng guro ang nasabing paggalaw).

1. Maraming nagsarang mga


kompanya bunga ng pagkalugi ng
mga negosyo o mababang benta
CONTRACTIONARY
2. Tumanggap ng Bonus ang mga
manggagawa dahil sa mataas na
kita. EXPANSIONARY

3. Dahil sa kaguluhang nangyayari


sa pagitan ng Russia at Ukraine,
maraming OFW ang umuwing
CONTRACTIONARY
walang naipong pera.

4. Tumaas ang remittance ng dolyar


mula sa mga OFW
EXPANSIONARY
5. Matamlay ang ekonomiya ng
bansa dahil sa pagkakaroon ng
pandemya o krisis sa bansa. CONTRACTIONARY
Mahusay! Tunay nga na natatandaan nyo
ang tinalakay natin noong nakaraan.

Ngayon naman bago mag simula ang


ating talakayan may ipapakita ako sa inyo
na larawan Ma’am pagbili po ng mga kailangan natin

5. Pagganyak
Ma’am nilalagay po sa alkansya o sa
Saan natin madalas gamitin ang pera bangko para po magkaroon ng ipon

Tama
At kapag sobra naman ang ating hawak
Ma’am gagamitin ko po ito bilang
na pera ano ang ginagawa natin?
puhunan para sa pagpapatayo ng
business.
Mahusay. At kapag sapat na ang naipon
ninyo na pera ano kaya ang maaaring
Ma’am tungkol po sa pag iimpok at
ninyong gawin
pamumuhunan

Tama. Base sa aking pinakita na larawan


ano kaya ang ating tatalakayin ngayong
araw?

Mahusay ang tatalakayin natin ngayong


araw ay tungkol sa pag-iimpok at
pamumuhunan

B. Paglinang ng Aralin
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
May ideya ba kayo kung ano ang ibig
sabihin ng pag iimpok?
Ma’am ang pag iimpok ay isang
sistema na kung saan ang mga hindi
na gamit na pera ng gobyerno ay
iniimbak sa bangko. Ito ay pagtatabi o
pag iipon ng ilang bahagi ng kita para
Tama. sa hinaharap
Maaari tayong mag impok sa bangko o sa
alkansya.
Samantala ang pamumuhunan ay
gumagamit ng sariling salapi o puhunan na
hiniram sa ibang tao, sa bangko o sa ibang
institusyon sa pananalapi.

Ma’am ito po ang malalaking bangko.


May kakayahan silang magpahiram ng
malaking halaga ng puhunan sa mga
mangangalakal o malalaking
negosyante.
Uri ng mga Bangko
1.

Commercial Banks po ma’am!

May ideya ba kayo kung ano ang


commercial banks?
Ma’am ito po yung mga sikat na
Tama magbigay nga kayo ng halimbawa ng bangko!
commercial banks

Ma’am BPI, land bank, PNB, BDO at


Mahusay marami papong iba!
2.
Thrift Banks
May ideya ba kayo kung ano ang thrift
banks?
Mga di- kalakihang bangko na
kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na
negosyante.
Ang bahagi ng kanilang puhunan at
depositong tinanggap ay ipinauutang nila,
kalimitan, sa mga maliliit na negosyante
bilang pantustos ng mga ito sa kanilang
mga negosyo.
1. Rural Banks-
Ang rural banks o mga bangko na kalimitan
ay matatagpuan sa mga lalawigang malayo
sa kalakhang Maynila at tumutulong sa
mga magsasaka, maliliit na negosyante, at
iba pang mga mamamayan sa kanayunan
sa pamamagitan ng pagpapautang upang
ang mga ito ay magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
4. Specialized Government Banks
Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na
itinatag upang tumugon sa mga tiyak na
layunin ng pamahalaan.

Magbigay nga kayo ng tatlong specialised


government banks dito sa Pilipinas.
Ma’am Land Bank of the Philippines,
Development Bank of the Philippines
at Al-Amanah Islamic Investment Bank
of the Philippines (Al-Amanah)
Magaling

a. Land Bank of the Philippines (LBP)


Layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo
sa mga programang pansakahan.
b. Development Bank of the Philippines
(DBP)
Ang pangunahing layunin ng DBP ay ang
tustusan ang mga proyektong
pangkaunlaran lalo na sa sektor ng
agrikultura at industriya.
c. Al-Amanah Islamic Investment Bank of
the Philippines (Al- Amanah)
Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848,
layunin ng bangkong ito na tulungan ang
mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng
puhunan at mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.

Mga Institusyong Di-Bangko


Maaring ituring na nasa ilalim ng institusyon
ng pananalapi ang mga ito sapagkat
tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa
mga kasapi, pinalalago ito at muling
ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng
panahon upang ito ay mapakinabangan.

Ano naman ang iba’t ibang institusyong di


bangko? Ma’am kooperatiba, pawnshop,
Registered Companies, pension funds,
pre needs at insurance companies.
1. Kooperatiba- Ang kooperatiba ay isang
kapisanan na binubuo ng mga kasapi na
may nagkakaisang panlipunan o
pangkabuhayan layunin.
2. Pawnshop o Bahay- sanglaan- Itinatag
ito upang magpautang sa mga taong
madalas mangailangan ng pera.

Ano pa ang mga nalalaman ninyo tungkol


sa pawnshop o bahay sanglaan
Ma’am mga indibidwal ay maaaring
makipagpalitan ng mahahalagang ari-
arian tulad ng alahas at kasangkapan
Magaling! (tinatawag na kolateral) kapalit ng
salaping katumbas ng isinangla,
kasama na ang interes.
May bigay nga kayo ng tatlong uri ng
pension funds
Ma’am GSIS, SSS at PAG-IBIG Fund

3. Pension Funds
May ideya ba kayo kung ano ang GSIS o
Government Service Insurance System Ito ang ahensiyang nagbibigay ng
(GSIS) seguro ( Life Insurance) sa mga
kawaning nagtatrabaho sa mga
ahensiya ng gobyerno, local na
pamahalaan, mga korporasyon pag-
aari at kontrolado ng gobyerno, at mga
guro sa mga pampublikong paaralan.

Tama.

Social Security Service (SSS)- Ang SSS ay


ang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng
seguro sa mga kawani ng pribadong
kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan katulad ng kaniyang
pagkakasakit, pagkabalda,
pagretiro,pagkamatay, at pagdadalang tao
kung ang kawani ay babae.

Ano naman kaya ang PAG-IBIG o


Pagtutulungan sa kinabukasan: Ikaw,
Bangko, Industriya at Gobyerno Ang Pag-Ibig Fund at itinatag upang
matulungan ang mga kasapi nito sa
panahon ng kanilang pangangailangan
lalo na sa pabahay.
Tama

. Ang mga empleyado sa pamahalaan man


o pribadong sektor ay kinakailangang
maging kasapi rito. Ang mga taong may
sariling negosyo at mga Overseas Filipino
Workers (OFW) ay maaaring maging
boluntaryong kasapi.

4. Registered Companies- Ang mga


rehistradong kompanya (registered
companies) ay yaong mga kompanyang
nakarehistro sa komisyon sa panagot at
palitan (Securities and Exchange
Commission o SEC) matapos magsumite ng
basic at additional documentary
requirements, at magbayad ng Fling fee.
5. Pre-Need- Ang Pre-Need Companies ay
mga kompanya o establisimyento na
rehistro sa SEC na pinagkalooban ng
nararapat na lisensiya na mangangalakal o
mag alok ng mga kontrata ng preneed o
pre-need plans.
6. Insurance Companies (Kompanya ng
Seguro)
Ang Insurance companies ay mga
rehistradong korporasyon sa SEC at
binigyan ng karapatan ng Komisyon ng
Seguro (Insurance Commision) na
mangalakal ng negosyo ng seguro sa
pilipinas.

C. Pagbubuod
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ano na ba ulit ang uri ng bangko na ang
layunin ay magpahiram ng malaking
halaga ng puhunan sa mga
mangangalakal o malalaking negosyante.
Ma’am Rural bank po

Magaling

Ano naman yung tatlong halimbawa ng


pension fund?
Ma’am GSIS, SSS at PAG IBIG

Tama tunay nga na nakikinig kayo sa ating


talakayan

Bangko Di-Bangko
D. Pagpapahalaga
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Paano ninyo pinapahalagahan ang pera
na binibigay sa inyo ng inyong mga
magulang?
Ma’am kapag may sobra po sa pera na
binibigay nila hinuhulog ko po ito sa
alkansya
Tama. Maliit man o malaki ang binibigay
ng ating mga magulang na pera dapat pa
din natin gastusin sa tama at kapag may
natira mag impok tayo para kapag ito ay
lumago ito ay magsisilbing puhunan natin
kapag may gusto tayong itayo na maliit na
business.

IV. Pagtatasa
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot

1. Ito ay isang uri ng bangko na may


kakayahan na magpahiram ng malaking
halaga ng puhunan sa mga
mangangalakal o malalaking negosyante.

A. Commercial bank
B. Thrift bank
C. Rural bank
D. Specialized Government Banks

2. Ito ay bangko na kalimitan ay


matatagpuan sa mga lalawigang malayo
sa kalakhang Maynila at tumutulong sa
mga magsasaka, maliliit na negosyante,
at iba pang mga mamamayan sa
kanayunan

A. Commercial bank
B. Thrift bank
C. Rural bank
D. Specialized Government Banks
3. Ito ay isang sistema na kung saan ang
mga hindi na gamit na pera ng gobyerno
ay iniimbak sa bangko.
A. Pag iimpok
B. Pamumuhunan
C. Pagkonsumo
D. Paggastos

4. Ito ang isang bangko na ang layunin


ay tulungan ang mga Pilipinong Muslim na
magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang
kanilang kabuhayan.
A. Al-Amanah Islamic Investment Bank of
the Philippines
B.Development Bank of the Philippines
C. Land Bank of the Philippines
D. Banco De Oro Unibank, Inc

5. Ang mga sumusunod ay uri ng


institusyong di-bangko maliban sa.
A. Kooperatiba
B. Pawnshop
C. SSS
D. Pension Funds

V. Takdang-Aralin
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Inihanda ni:

DANA MAY M. HERZANO


IV AP Student

You might also like