You are on page 1of 6

Learning Area

ARALING PANLIPUNAN

Learning Delivery Modality Modular

Paaralan TAAL NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 9


Guro NERISSA N. DE SAGUN Asignatura Araling Panlipunan

Petsa April 26, 2023 Markahan Ikatlong Markahan


Pangkat/Oras Benevolence Bilang ng Araw 1
Unity

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang,


1. Naiisa-isa ang mga institusyong bangko.
I. LAYUNIN 2. Naipamamalas ang malalim na pagkaunawa sa aralin sa pamamagitan ng
pagtukoy sa iba’t ibang uri ng bangko.
3. Naibabahagi ang sariling saloobin patungkol sa pagpapahalaga sa mga uri ng
institusyong bangko.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag aaral ang pag – unawa sa mga pangunahing kaalaman
(Content Standards) tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag – aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
(Performance Standards) pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
C.Pinakamahalagang Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang
Kasanayan sa Pagkatuto salik ng ekonomiya
(Most Essential Learning
Competencies (MELCs)
II. NILALAMAN Paksa: MGA INSTITUSYONG BANGKO

III. KAGAMITANG
PANGTURO
A. Mga Sangunian
1. Mga Pahina sa PIVOT 4A Learners Material in Araling Panlipunan AP Curriculum Guide (p. 8-
Gabay ng Guro 10)
2. Mga Pahina sa Ekonomiks Modyul para sa mga Mag-aaral (Pahina 309-311)
Kagamitang
pangmag- aaral
3. Karagdagang MELCs
Kagamitan mula https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf Pahina 200
sa Portal ng
Learning
Resources
B. Listahan ng mga Laptop, powerpoint presentation, mga larawan, bidyo, Biswal
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng Liban
Panuto: Maglalahad ng isang komprehensibong balita na nangyayari sa
 Balitaan kasalukuyang panahon mula sa nabasa mo sa diyaryo o isang news article online.
Ilahad ito ng detalyado.

B. Balik Aral sa mga unang Gawain: Venn Dayagram


natutuhan
Panuto: Punan ang Venn Dayagram. Ilagay sa loob ng bilog ang pagkakaiba at
pagkakapareho ng pamumuhunan at pag-iimpok. Ilagay ang sagot sa iyong
kwaderno.

Pamumuhunan Pag-iimpok

1. Batay sa venn dayagram, ano ang pagkakaiba ng pag-iimpok at pamumuhunan?


Ipaliwanag.
2. Ano naman ang pagkakapareho ng dalawa?

C. Paghahabi sa layunin ng HULA-LETRA


aralin (Pagganyak) Panuto: Buuin ang mga hinahanap na letra batay sa hinihinging tanong.

1. Ito ang malalaking bangko. Dala ng kanilang malaking kapital, ang commercial
banks ay pinapayagang makapagbukas ng mga sangay saan mang panig ng
kapuluan lalo na sa mga lugar na wala pang mga bangko.

C_ _ M _ R _ I A _ B A_ K _

2. Ang bangko na kalimitan ay natatagpuan sa mga lalawigang malayo sa


kalakhang Maynila ay tumutulong sa mga magsasaka, maliliit na negosyante at iba
pang mamamayan.

R__AL B_ N _ S

3. Ito ay di kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na


negosyante.

T_RI_T B_N_S

D. Pag- uugnay ng mga Larawan Suri


halimbawa sa bagong aralin Panuto: Suriin ang larawan at sagutan ang sumusunod na katanungan.
( Presentation)
1. Anu-ano ang nakikita sa larawan?
2. Pumili ng isang logo ng bangko at ipaliwanag ito.
E. Pagtatalakay ng bagong Malayang Babasahin
konsepto at paglalahad ng Panuto: Basahin at unawain ang teksto mula sa pahina 309 hanggang 310
bago ng kasanayan No I
F. Pagtatalakay ng bagong Panuto: Kopyahin sa iyong kwaderno
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan No. 2 Mga Institusyong Bangko
Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao,
korporasyon at pamahalaan bilang deposito. Sa pamamagitan ng interes o tubo,
ang halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay lumalago. Sa kabilang dako
naman, ang mga depositong nalikom ay ipinauutang sa mga nangangailangan na
may kakayahang magbayad nito sa takdang panahon. Kabilang sa mga pinauutang
ay ang mga negosyanteng nangangailangan ng puhunan upang mapalago ang
kanilang negosyo at maging dahilan naman ng paglago ng ekonomiya.

Uri ng mga Bangko

1. Commercial Banks
Ito ang malalaking bangko. Dala ng kanilang malaking kapital, ang
commercial banks ay pinapayagang makapagbukas ng mga sangay saanmang
panig ng kapuluan lalo na sa mga lugar na wala pang mga bangko.
Nakapangangalap sila ng deposito sa higit na maraming tao. Dahil dito, may
kakayahan silang magpahiram ng malaking halaga ng puhunan sa mga
nangangalakal o malalaking negosyante. Nakapagpapahiram din sila sa mga
indibidwal na tao para sa iba pang mga pangangailangan tulad ng pabahay ,
pakotse, at iba pa.

2. Thrift Banks
Mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na
negosyante. Ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay
ipinauutang nila, kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng mga
ito sa kanilang mga negosyo. Ang thrift banks ay pinapayagan ding magpautang sa
ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito ng mga government
securities.

3. Rural Banks
Ang rural banks o mga bangko na kalimitan ay natatagpuan sa mga
lalawigang malayo sa kalakhang Maynila ay tumutulong sa mga magsasaka ,
maliliit na negosyante, at iba pang mga mamamayan sa kanayunan sa
pamamagitan ng pagpapautang upang ang mga ito ay magkakaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

4. Specialized Government Banks


Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga
tiyak na layunin ng pamahalaan.
a. Land Bank of the Philippines(LBP)
Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No 3844 na sinusugan ng
Republic Act No. 7907, layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo sa mga
programang pansakahan. Tinutulungan din nito ang iba pang negosyante sa
kanilang pangangailangan sa puhunan.
b. Development Bank of the Philippines (DBP)
Unang natatag noong 1946 upang matugunan ang pangangailangan ng
bansa na makatayo mula sa mapanirang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang
pangunahing layunin ng DBP ay ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran
lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya. Prayoridad ng DBP ang mga small
and medium scale industry. Malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ang
makadeposito sa bangkong ito.
c. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al Amanah)
Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848, layunin ng bangkong ito na
tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang
kanilang kabuhayan. Ang Al-Amanah ay may walong (8) sangay. Lahat ng sangay
ng nasabing bangko ay matatagpuan sa Mindanao. Ang head office nito ay
matatagpuan sa Zamboanga City samantalang ang pitong (7) sangay nito ay
matatagpuan sa lungsod ng Cagayan de Oro, Davao, General Santos, Marawi,
Iligan at Cotabato; at sa isla ng Jolo. May executive office din ang Al-Amanah na
matatagpuan sa lungsod ng Makati.

G. Paglilinang sa Kabihasnan HANAP SALITA


(Tungo sa Formative Assessment)( Panuto: Hanapin ang mga salita sa kahon na bubuo sa pangkalahatang kaisipan
Independent Practice ) ng aralin at ito ay bilugan Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Development Bangko Rural

Commercial Thrift

H. Paglalapat ng aralin sa Bilang isang mamamayan, anong uri ng bangko ang mamabutihing mong
pang araw araw na buhay paglagakan ang iyong salapi o pera, paano mo ito pahahalagahan?
(Application/Valuing)
I. Paglalahat ng Aralin Ano ang iba’t ibang institusyong bangko?
(Generalization)
J. Pagtataya ng Aralin HULING PAGTATAYA
Panuto: Suriin ang bawat pahayag na piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang _______________na ito ay kalimitang matatagpuan sa mga
lalawigang malayo sa kalakhang Maynila ay tumutulong sa mga
magsasaka , maliliit na negosyante, at iba pang mga mamamayan sa
kanayunan sa pamamagitan ng pagpapautang upang ang mga ito ay
magkakaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
A. Institusyong Bangko
B. Commercial Bank
C. Thrift Banks
D. Rural Banks
E. Specialized Government Banks

2. Ito ang malalaking bangko. Dala ng kanilang malaking kapital,


ang_________ na ito ay pinapayagang makapagbukas ng mga sangay
saanmang panig ng kapuluan lalo na sa mga lugar na wala pang mga bangko.
A. Institusyong Bangko
B. Commercial Bank
C. Thrift Banks
D. Rural Banks
E. Specialized Government Banks

3. Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao,


korporasyon at pamahalaan bilang deposito
A. Institusyong Bangko
B. Commercial Bank
C. Thrift Banks
D. Rural Banks
E. Specialized Government Banks

4. Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga


tiyak na layunin ng pamahalaan.
A. Institusyong Bangko
B. Commercial Bank
C. Thrift Banks
D. Rural Banks
E. Specialized Government Banks
5. Mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na
negosyante. Ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay
ipinauutang nila, kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng
mga ito sa kanilang mga negosyo.
A. Institusyong Bangko
B. Commercial Bank
C. Thrift Banks
D. Rural Banks
E. Specialized Government
Takdang Aralin:
K. Karagdagang gawain para sa Ano ang di- institusyong Bangko?
takdang aralin (Assignment) Isa-isahin ang mga uri ng Bangko.
Sanggunian: Pahina 311-316
V. PAGNINILAY

Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.
Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation.
Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

Binigyang Pansin ni: Inihanda ni:

RODNIE M. MAGSINO NERISSA N. DE SAGUN


Guro III Gurong Nagsasanay

You might also like