You are on page 1of 19

ANG POSIBLENG EPEKTO NG PAGTATRABAHO

HABANG NAG AARAL

Isang Pag-aaral na iniharap ng Pangkat 6 ng ICT XI

Seksiyon BOOT ng Asian Learning Center

Bilang bahagi ng mga Gawaing Kailangan sa Pagtamo

Sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

1
Timtim, Jay

Igot, Emil Louise

S.Y 2019-2020

TALAAN NG NILALAMAN

Pagkilala………………………………………………………………………………………3

Kabanata 1

Introduksyon………………………………………………………………………………..4-6

Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………………….6

2
Layunin nb Pag-aaral……………………………………………………………………….6

Saklaw at Limitasyon……………………………………………………………………….7-

Depenisyon ng Terminolohiya……………………………………………………………...8

balangkas ng Konsepto……………………………………………………………………...9

Kabanata II

Kaugnay sa

Literatura…………………...…………………………………………………10-11

Kabanata III

3
Paghahandog

4
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Ang mga tao ay talagang binibigyang importansya ang edukasyon. Tulad na

rin sa kasabihang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” na sinabi ni Dr. Jose Rizal,

karamihan ay naniniwalang ang kabataan ang daan ng pag-unlad ng isang bansa at

edukasyon ang susi upang maisakatuparan ang isang layunin. Para sa kanila, ang

edukasyon ay siyang magsisilbing daan para sap ag-unlad na hinihintay ng mga tao sa

bansa. Subalit sa kabila nito, hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makapag-aral

nang walang ibang iniintindi kundi ang magkaroon ng maayos na edukasyon. Kaya

naman, ang mga kabataan ay nagsisikap ng husto ipang makamit ang kanilang

pinapangarap sa pamamagitan ng pagtatrabaho kasabay ng kanilang pag-aaral o ang

madalas na tawaging working student. Sa panahon ngayon, hindi nabago ang makatagpo

tayo ng mga mag-aaral na nagtatrabaho o mas kilala sa tawag na “working students” sa

iba’t-ibang kadahilanan. Para sa kanila, para makapagtapos sila ay kailangan pa nilang

mag trabaho upang masuportahan ang kanilang edukasyong pang-pinansyal.

Isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinapasok ng mga

estudyante ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay upang magkaroon ng karanasan. Ang

5
patuloy na pagtaas ng mga gastusin gaya na lamang ng tuition fee ang pangunahing

dahilan kung kaya naman pinagsabay ng mga estudyante ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Kinakikitaan ng maraming mga mag-aaral ang nag tatrabaho habang nag-aaral. Ito ang

nag-udyok sa mga mananaliksik na gawan ito ng pag-aaral. Dito nanagsagawa ng pag-

aaral ang mga mananaliksik tungkol sa “Bunga ng Pagtatrabaho sa pag-aaral ng mga

mag-aaral” Ang pagtatrabaho habang nag aaral ay makapagdudulot din ng tagumpay

kung sa kanilang pagtatrabaho ay matututunan nila ang pagiging masipag,matiyaga at

magkakaroon sila ng ‘time management skills’. Sa kabilang dako naman, maarin din itong

makagpagpalubha ng kanilang sitwasyon sa kanilang pag-aaral dahil maari silang

magkaroon ng mababang marka dahilan ng kakulangan sa oras sa paggawa ng mga

takdang aralin, pagrerebyuw atbp. At pagod buhat ng magdamagang paggawa. Ang

pagtatrabaho habang nag-aaral ay napakabigat na pasanin para sa mga estudyante. Ang

atensyon ng mga mag-aaral na nagtatrabaho ay nakahati. Maari silang bumigay sa bigat

ng kanilang dinadala –maari nilang bitawan ang kanilang pag-aaral o ang kanilang

pagtatrabaho. Malaki din ang masamang epe`kto nito sa kanilang pag-iisip, dahil bukod

sa mga gawaing pampaaralan ang laman ng kanilang utak nadadagdagan ito ng mga

problema sa trabaho at pagbabadyet. Magin0g sa pisikal mayroon din itong masamang

ninaidudulot sapagkat kadalasan ang mga “working students” ay nakakaranas ng

pagkahapo, pagkabalisa at sila ay madalas na nanlulupaypay.

Ang bilang ng pagtatrabaho lalo na sa mga kolehiyo ay patuloy na mabilis

ang pagtaas. Ang epekto nito sa academic performance ng mag-aaral ay patuloy na

kinukwestyon ng mga mananaliksik (Green,1987). Hindi maikakaila na ang mga tao ay

talagang pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay kaugnay sa akademikong larangan ng

6
mga mag-aaral. Kadalasan, ang tingin ng isang tao sa iba ay nakabatay sa kung paano

nila nakikito ito sa akademikong aspeto. Kung mataas ang marka ng isang mag-aaral,

makikita ito ng iba bilang matalino, masipag at may pagpapahalaga sa pag-aaral at

kabaliktaran naman nito kung mababa ang marka ng isang mag-aaral.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang mga sumusunod ay ang mga kakaharapin naming mga suliranin ukol sa

aming pag-aaral patungkol sa pagtatrabaho habang nag-aaral:

1. Ano ang mga mabuting epekto ng pagiging “working student”?

2. Ano naman ang masamang epekto ng pagiging “working student”?

3. Propayl nang mga estudyanteng nag-aaral habang nagtatrabaho ayon sa

kanilang edad at kasarian.

4. Malinawan ang mga kabataan ukol sa prayoridad nila sa pag-aaral o

pagtatrabaho?

5. Mga pamamaraan upang matapos ang pananaliksik sa oras na itinakda ng

propesor.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag aaral na ito ay matukoy ang mga dahilan ng mga

estudyanteng nagtatrabaho. Layunin rin ng pananaliksik na ito na matukoy ang mabuti at

masamang epekto sa mga kabataang nagtatrabaho habang nag aaral.

7
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang Pag-aaral na ito ay may kalakip na mga impormasyong makakatulong

sa mga sumusunod:

Para sa Estudyante – Ang pag-aaral na ito ay nag lalayong maiparating sa

mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon kahit salat sa buhay ay

kailang ipagpatuloy upang magtagumpay at maabot ang pinapangarap sa

buhay.

Para sa Magulang – Makatutolong ang pag-aaral na ito upang maipahayag

ang resposibilidad ng mga magulang sa kanilang anak. At upang maipalam

na mayroon silang tungkolin na pag-aralin ang kanilang anak.

Para sa Guro - Nais ipabatid sa pananaliksik na ito na dapat bigyan ng

sapat na considerasyon ang mga manggagawang mag-aaral.

Para sa Mambabasa – Nais ipabatid sa pag-aaral na ito na maibahagi ang

mga naidudulot ng Pagtatrabaho habang nag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw ng pag-aaral na ito tungkol sa posibleng epekto ng pagtatrabho

habang nag-aaral ay isang pag-aaral kung ano ang mga epekto ng pag-aaral habang

nagtatrabaho. Ang mga iba’t-ibang pamamaraan kung paano ito makokontrol ng

pagkahapo ng mag-aaral sa unang taon ng Asian Learning Center. Gumamit ang mga

mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng datos.

8
Inabot ng tatlong araw ang pangangalap ng mga impormasyon sa mga ito.

Binibigyang pansin lamang ng pag-aaral na ito ang mga epekto ng pagiging

manggagawang mag aaral sa kanilang pagganap sa paaralan.

Depenisyon ng Terminolohiya

 Working Student - Mga mag-aaral na nagtatrabaho.

 Edukasyon – Proceso kung saan ang lipunan ay kusang nagpapadala ng

kanyang naipon na kaalaman, kasanayan at mga halaga mula sa isang

henerasyon at iba pa.

 Pagkahapo – Pakiramdam kung saan ikaw ay pagod na pagod.

 Pagkabalisa – Pakiramdam na kung saan ikaw ay nalulungkot.

 Nanlulupaypay – Pakiramdam kung saan ikaw ay pagod na pagod.

9
10
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

KAUGNAY NA LITERATURA

Sa nabanggit na pag aaral ng National Statistics Office (NSO), mula

lima hanggang siyam taong gulang ay nag-aral pa ang mga bata (mga 90 porsiyento)

subalit habang tumatagal ay nababawasan na ang kanilang bilang. Pagdating ng edad

15 ay 50 porsiyento na lamang ang nasa paaralan. Iba’t ibang trabaho na ang kanilang

pinapasok para matugunan ang pangangailangan at upang masustentuhan ang sarili.

Batay sa inilabas na datos ng World Program of Action for Youth

Implentation (2004) ng Pilipinas tintayang mayroong 3, 408, 000 bilang ng mga working

students sa ating bansa. Karamihan sa nasabing bilang ay nagtatrabaho bilang “full-

time working students” at nagsasabing malaki ang nagiging epekto ng pagtatrabaho sa

kanilang pag-aaral datapwat, kailangan nila itong gawin nang sag anon sila’y makapag-

aral sa kolehiyo.

Ayon kay De Castro (2006), ang mga benepisyong matatanggap ng

mga mag-aaral na nagtatrabaho ay napakalawak. Unang una, magkakaroon sila ng

kani-kanilang mga pera upang mapagastusan nila sa pang-araw araw nilang

pamumuhay. Ikalawa, maaring maagang matuto ang mga kabataan na maging matipid

at maging matalino sa pagdedesisyon sa pag-gastos ng kani-kanilang mga pera.

Ang mga estudyanteng nagahahanap-buhay ay hirap sa sabay na

gawaing ito. Oras, mentabilidad at pisikal ang mga naaapektuhan ng sularin na ito.

11
Ayon ng sa mga naka-interaksyon mga estudyante: “ Hindi rin naming

kailangan na iwan o talikuran ang isa sap ag-aaral o paghahanap-buhay dahil kailangan

naming ito parehas.” Kapag working student ka ay sisikapin mong makapagtapos ng

pag-aaral dahil pinahahalagahan mo ang bawat pawis na ibinubuhus mo ditto, kaya

malaki ang pagkakataon mong makatapos a pag-aaral dahil sa pagtatrabaho.

Sa isinagawang pag aaral ng mga estudyane ng STI sa Sucat

Parañaque,sa panahon ngayon madami na ang mga estudyanteng nagtatrabaho upang

matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Ang kanilang pagtatrabaho ay tunay

na nakakatulong ngunit hindi rin maiiwasan na ito ay maging epekto sa kanilang pag

aaral,kalusugan,at pati na rin sa kanilang sosyal na pamumuhay. Batay sa kinalabasan

at isinagawang pag aaral iminungkahi na palaguin at mabigyan ng atensyon, kaalaman

at malawak na pag unawa ang mga working students. At magkaroon ng mga

pagbabago sa mga paraan na mas makakabuti sa kanila pagdating sap ag-aaral,at

kung saan pang bagay na kanilang kinakailangan. Iminumungkahi na pagbutihin ang

kanilang time management.

Batay sa ulat ng mga studyante ng STI, ang mga working students ay

kinakailangan magtrabaho para makatulong sa pangangailangang pinansyal ng

kanilang pamilya at matustusan din ang kanilang pag aaral. Napatunayang Malaki ang

epekto nito sa buhay ng mga working students. Sila ay nagtatrabaho upang makatapos

sila ng kolehiyo para makapagtatrabaho sa hinaharap. Napatunayang napapabayaan

na nila ang kanilang kalusugan,pag aaral at maging ang kanilang sosyal na

pamumuhay.

12
Sinabi ni Winston Churchill, success consists of going from failure to

failure without losing Enthusiasm. Ito ay nangangahulugan na ang buhay ng tao ay hindi

puro tagumpay, meron din itong kabiguan. Kailangan hindi tayo susuko para makamit

natin ang totoong matagumpay.

Makakatulong sa mga estudyanteng hindi nagtatrabaho at pinag

aaral lamang ng magulang, sa pamamagitan ng datos na nakalap ay mabibigyan ng

kaalaman tungkol sa buhay ng mga manggagawang mag aaral at ng sa gayon ay

Makita ang malaking kaibahan nito sa kalagayan ng buhay.

Ayon kay J.Paul Getty, the formula to success: rise early,work hard.

Ito ay nagkakahulugan na para matagumpay sa buhay, wag tanga-tanga. Kailangang

bumangon ng maaga para gawin ang mga importanteng bagay. Magtrabaho ng walang

halong katamaran para maging matagumpay sa hinaharap.

Ayon kay orszag(2001),mayroong dalawang klase ng nagtatrabahong

mag aaral o working student:ang part time at ang full time working student.Ang part time

working student ay mga estudyanteng naghahanap buhay na mas binibigyan ng halaga

ang paf aaral.Karaniwan ng nagtatrabaho ang mga ito mahigit kumulang sa 10 oras sa

isang linggo.Itinuturing nioa ang sarili nila bilang mga "mag aaral na nagtatrabaho".Ang

full time working student naman ay mga estudyanteng naghahanap buhay din pero

mas mas tinutuunan ng pansin ang pagtatrabaho.Ang nga ito ay kadalasang naglalaan

ng mahigit kumulang 20 oras kada linggo.Sila ang mga " empleyado na nag aaral".

Ayon kay Sarillo, Sa pilipinas isa rin sa mga pangunahing dahilan kung

bakit pinapasok ng mga estudyante ang pagtatrabaho habang nag aaral ay upng

13
magkaroon ng karanasan. Ayon kay Villanueva, ang patuloy na pagtaas ng mga

gastusin gaya na lamang ng tuition fee ang pangunahing dahilan kung kaya naman

pinagsasabay ng mga estudyante ang pag aaral at pagtatrabaho.

Edukasyon ay isang makapangyarihang sandata upang itaguyod ang

mundo tungo sa pagbabago –Nelson Mandela

Isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas na dapat pangalagaan at

itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na

edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang

matamo ng lahat ng gayong edukasyon.

Daan-Daang mga kabataan ang nag aaral sa Asian Learning Center, mga

iba- iba ang katayuan ng buhay mahirap, may kaya, at mayaman. Kahit sino ay dito na

kumukuha ng kurso, hindi katulad ng dati ay nga kapos-palad ang karamihang nag-

aaral. Sa Daang mag aaral,ang ilan nito ay naghahanap-buhay .Sa kadahilanang kapos

sa pinansyal,gustong kumita ng pera at para sa experience lamang.

Ang mga estudyanteng naghahanap-buhay ay hirap sa sabay na gawaing

ito.Oras,mentabilidad,at pisikal ang mga naaapektuhan ng suliraning ito.Ayon nga sa

mga naka-interaksyon naming mga estudyante hindi rin naming kailangang talikuran

ang isa sa pag aaral o paghahanap-buhy dahil kailangan namin ito parehas.Kapag

working student ka ay sisikapin mong makapagtapos ng pag aaral,dahil

pinahahalagahan mo ang bawat isa na ibubuhos dito,kaya mas malaki ang

pagkakataon mong makatapos sa pag aaral dahil sa pagtatrabaho.

14
Ang edukasyon ay ang paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad

ng ating isipan na nagsisilbi ring proseso ng pagbibigay o pagkukuha ng

pangkalahatang kaisipan, paghubog ng kakayahan sa pagrarason at paghahanda ng

sarili sa intelekwal na aspekto para sa pagtahak sa buhay. Ito rin ay ang siyensiya o

sining ng pagtuturo ayon sa diksyonaryo ng Random House.

Nakatala rin sa Collier's Encyclopedia, na ang edukasyon ay nanatili bilang

isang prosesyong pangkalahatang nagiging instrumento upang ang isang komunidad,

lipunan o bansa ay makaagpang sa mga pagbabagong nagaganap. Ito ay sa

pamamagitan ng paglalahad at pagpapalaganap ng mga kaalaman at tumutulong sa

tao upang lagpasan ang ano mang banta laban sa pansariling kaayusan.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang pamamahala ng oras din ang pinaka nakakakompromiso dahil

madalas nawawalan na ng pokus at oras ang estudyante upang mag-aral. Bagama’t

may mangilan-ilan na nagagawang balansehin nag kanilang pagtatrabaho at pag-aaral,

mas marami pa rin ang mga estudyante na nahihirapan sumabay sa mga aralin lalo na

para sa mga mag-aaral na nagtatrabaho nang higit pa sa labing-limang oras

kadalinggo.

Ayon kay Kohn (1999) ang mababang marka ay maaring makabawas

sa interes ng mga mag-aaral sa pagkatuto gayundin sa kagustuhan nila sa mga bagay

na humahamon sa kanilang mental na kapasidad. Ang marka ang pinakabisikong

batayan ng performans ng isang estudyante sa klase.

15
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng tumitigil at hindi

nakapagtapos sa kanilang pag-aaral at ito ay dahil sa kakulangan sa pinansyal na

suporta. Mayroon namang mga estudyanteng mapalad at nakakuha ng iskolar ngunit

bibihira at pili lamang ito. Kaya naiisipan ng mga nag aaral ngayon na maghanap ng

trabaho upang makapag-aral. Bihira na lamang ang mga woking students na

nakapagtapos ngayon. Kalahati ng porsyento ng mga working students ay tumigil na

lamang sa pag aaral upang matustusan na lamang ng buo ang pangangailangan ng

kanilang pamilya. Hindi lagat ay nabibigyan ng pagkakataon na matustusan ang mga

gastusin.

Ayon kay bill cobsy, in order to succeed, your desire for success

should be greater than your fear of failure. Ibig sabihin nito ay dapat tayong maging mas

matatag at magpadaig sa takot na magkamali sa ating mga hakbang sa hinaharap.

Dapat nating taasan ang ating kompyansa sa ating sarili para makamit natin ang ating

minimithi. Mahalaga ang pag aaral na ito sa mga manggagawang mag aaral sapagkat

nailahad sa mga pag aaral na ito ang mga saloobin tungkol sa kalagayan sa buhat at

kung papanong nagagawang pagsabayin ang mga pag-aaral at trabaho.

16
SINTESIS

Matuto ang mga kabataan na kalkulahin ang kani-kanilang mga oras o

magkakaroon sila ng kani-kanilang mga time management na makakatulong sa

kanilang mga sarili upang maging produktibo ang araw-araw nilang pamumuhay. Ang

pinakahuli sa lahat, ang work experience. Marahil isa na ito sa paghakbang nila sa

industriya at upang magkaroon sila ng tumpak na kaalaman upang magamit nila sa

kanilang mga kinabukasan.

May mga disadvantages din ang pagiging working students kagaya ng

mga sumusunod ayon kay Brand (2010).

Kumpara sa mga hindi nagtatrabaho ng mas matagal ay mas mababa GPA

(General Point Average) kumpara sa mga hindi nagtatrabaho, minsan pa nga

bumabagsak pa sila kaya ang iba ay kumukuha ng madaling kurso para makuha pa rin

nila ang grading kailangan nila para makatapos o kaya naman ay nagda dropout nalang

sila (Chellgren,2001). Kung gaano karaming oras ang inilalaan ng estudyante sa

pagtatrabaho, ganun naman kaliit ang ooras na meron ang estudyanteng nagtatrabaho

para sa ibang Gawain sa eskwelahan (Fjortoff,1995).

Ang pagiging isang manggagawang mag aaral ay hindi biro. Ang

pinakamatinding suliranin na kinakaharap ng mga estudyante ngayon sa pampublikong

paaralan ay ang kahirapan sa buhay. Sa panahon ngayon, itinuturing na ang pag-aaral

sa isa sa pinakamahalagang kayamanan ng bansa. Ngunit hindi ganoon kadaling

makapag-aral. May ibang estudyante na nakatuon ang pansin sa kanilang

17
pangangailang na makahanap ng trabaho upang matustusan ang kanilang

pangangalaingan sa pag-aaral.

Napakalaking bagay kasi ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon

ng trabaho. Sa panahon ngayon ang edukasyon ang kauna-unahang solusyon sa

kanilang kahirapang nararanasan. Ito ang madalas na kalagayan ng mga working

students sa Pilipinas.

Sa murang edad ay nakatutuk na sa ating isipan ang kahalagahan ng

edukasyon. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng mga nag-aaral ay may kakayahang

ipapatuloy ang kanilang mga pangarap. Masuwerte na nga raw kung makatungtong ng

kolehiyo kahit pa sabihing may mga suportang matatanggap tulad ng mga scholarship

at iba pa, hindi parin ito lubusang matustusan ang mga pangangailangan sa pag-aaral.

Mahirap man ang maging isang working students napipilitan pa rin ang mga kabataang

magtrabaho. Mahirap magbanat ng buto ngunit magsisikap ang mga nasabing mag

aaral makamit lamang ang hinahangad na diploma ng pagtatapos.

Ang mga working students ay kinakailangang magtrabaho para

makatulong sa pangangailangang pinansyal ng kanilang pamilya at matustusan din ang

kanilang pag-aaral. Ang konsentrasyon ang isa sa mga sangkap ng pag aaral at

nararapat na ipokus ng isang mag aaral ang kanyang sarili at isipan sa iisang bagay

sapagkat sa kaparaanang ito ay matitiyak na mabibigay ang isang daang porsyento ng

galling sa pag aaral. Sa kabilang banda, ang trabaho ay isang tungkulin na dapat

bigyan ng pukos sapagkat ito ang magdadala ng tagumpay.

18
Ang dalawang bagay na ito ay labis na magkakaiba ngunit parehong

tungo sa tagumpay na landas. Ang pag aaral at trabaho ay gawain at tungkulin na

dapat gampanan ng mga kabataan. Ang manggagawang mag aaral ay mga mag aaral

na magtatrabaho para matustusan ang kanilang pag aaral, matulungan ang sarili at

magpapakahirap para makapagtapos at makatulong sa mga magulang.

Lahat naman tayo ay may pangarap sa buhay na gusting matupad at iyon

ay marahil ang isa sa mga milyon-milyong kadahilanan kung bakit may mga estudyante

na mas pinili ang magiging manggagawang mag aaral sa institusyong ito kaysa huminto

sa pag aaral.

Ang buhay sa kolehiyo ay puno ng hamon. Ang pangunahing problema ng

mga mag aaral ay pahahati ng oras sa kanilang gawain. Kung ang normal na

estudyante ay nakakaranas nito, paano pa kaya ang mga manggagawang mag aaral sa

ALC? Lubos na napakahirap na talagang pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho,

napakahalaga ang paghahati-hati ng oras para sa mga manggagawang mag aaral ang

24 oras ay tiyak na hindi sasapat sa pag aaral, pagtatrabaho at pagtulong nito.

Kailangan ng sapat na kaisipan sa paghahati-hati ng oras, kung minsan ay kailangan

ang makiusap sa mga guro para lang matapos ang mga trabaho.

19

You might also like