You are on page 1of 2

Pangalan_________________________ Puntos_________________ Petsa______________

Panuto: Basahing mabunti ang bawat tanong, Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.
____1. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Teknolohikal at Sosyo-kultural C. Politikal D. Sikolohikal
____2. Ang TNC ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang sa TNC?
A. Shell B. Accenture C.TELUS International Phils D. Unilever
____3. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations sa isang bansa. Ngunit
kaakibat ng magandang epekto nito ay ang mga suliraning nakaaapekto sa maraming bilang nga mga Pilipino. Alin
sa mga sumusunod ang hindi suliranin na dala nito?
A. Ang pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga MNC at TNC.
B. Pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili
C. May kakayahang impluwensyahan ang polisiya na ipinatutupad ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa tulad ng
pagpapababa ng buwis at pagbibigay ng tulong pinansiyal.
D. Nagdudulot ng malaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.
____4. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay
isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang mga sumusunod:
Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?

____5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mabilis na pagbabago ng palitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng
mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo?
A.Globalisasyong Politikal B.Globalisasyong Ekonomiko C.Globalisasyong Sosyo-kultural D. Globalisasyong Sikolohikal
____6. Ano ang tawag sa paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang pangunahing dahilan ay
mapagaan ang Gawain upang mapagtuunan ng pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita?
A. Outsourcing B. Sub-contracting C. Offshoring D. Nearshoring
____7. Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 Outsourcing Destinations for 2016, ang Manila
ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo (sunod sa Bangalore, India) na destinasyon ng BPO. Pang-ilan ang
Dumaguete City sa listahan ng destinasyon ng mga BPO?
A. 66 B. 93 C. 81 D. 85
____8. Aling anyo ng globalisasyon ang maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa samahang
rehiyunal at maging sa pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamhalaan?
A. Globalisasyong Politikal B.Globalisasyong Ekonomiko C.Globalisasyong Sosyo-kultural D.Globalisasyong Sikolohikal
____9. Ano ang tawag sa ugnayan ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba pang mga
bansa na nagdala ng mga oportunidad pang-ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig?
A. Demokrasya B. Komunismo C. Diplomatiko D. Parlamentaryo
____10. Ito ay tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanya mula
din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
A. Outsourcing B. Onshoring C. Offshoring D. Nearshoring

Gawain 1: TUKLASIN NATIN


Batay sa mga larawan na nakikita, ano kayang anyo ng globalisasyon ang mga ito?
Gawain B
Isulat ang letrang T kung tama ang pahayag at M kung Mali naman ang pahayag sa inyong kuwarderno o sa sagutang papel.
______ 1. May iba’t ibang anyo ang globalisasyon tulad ng globalisasyong ekonomiko, teknolohikal, at sikolohikal.
______ 2. Citizen ang terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa usaping panlipunan maging ito man ay politikal,
ekonomikal o sosyokultural gamit ang internet bilang midyum ng pagpapahayag.
_______ 3. Ayon sa pag-aaral ng Oxfam International sa taong 2017. Ang kinita ng sampung pinakamalalaking korporasyon sa
buong mundo sa taong 2015-2016 ay higit pa sa kita ng 180 bansa. Tinukoy din sa nasabing ulat na ang yaman ng
nangungunang walong bilyonaryo ay katumbas ng pinagsamasamang yaman ng 3.6 bilyong tao sa daigdig.
________ 4. May dalawang pag-uuri ang outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo tulad ng Business Process
Outsourcing at Knowledge Process.
________ 5. Ayon sa pag-aaral ng mga bihasa, marami sa mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang
isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng buhay ng tao kaya naman hindi madaling
maihiwalay ito.

You might also like