You are on page 1of 2

DLP: Asignatura:FILIPINO Baitang:10 Markahan: Apat Tagal: 60 minuto

Kasanayan sa Pagkatuto: Code: Baitang at seksyon:


Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa F10PD-IVb-c- 10
video clip ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda 82
Susing pag-unawa na dapat linangin:
Ang pagiging matimpiin ay isang ugaling dapat mamayani sa lahat ng oras.
Matutong pahalagahan ang sariling kultura pagkat ito ang susi sa sariling pagkakakilanlan.
I.Layunin:
Pagbabalik-Tanaw Nagbalik-aral sa nakalipas na paksa.
Pag unawa Nailalarawan ang mga pinagmulan ng mga alamat sa kabanatang
tinalakay.
Paglalapat Nakapaglalahad ng sariling opinyon o damdamin sa kahalagahan ng
mga alamat sa sariling kultura.
Pagsusuri Natutukoy ang mga alamat na napapaloob sa kabanatang tinalakay.
Pagtataya Nakasasagot sa mga katanungan sa pangkatang gawain.
Paglikha
II.Paksa: El Filibusterismo: Kabanata Tatlo “Ang mga Alamat”
III.Sanggunian: Rex Bookstore Inc.: El Filibusterismo Obra Maestra Batayang
Akdang Pampanitikan Ikatlong Edisyon ni Amelia V. Bucu, pahina
26-30
IV.Pamamaraan:
Konstekswalisyon/Lokalisasyon:
Sa inyong lugar magbigay ng sariling mga alamat na hanggang ngayon ay nanatili.

4.1 Panimulang Gawain : Panalangin


Pagtala ng liban ng klase
Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa
Ipapanood ang maikling video clip tungkol sa Alamat ng bulkang
Mayon.
Ipasasagot ang mga gabay na katanungan
1. Sa inyong palagay ano kaya ang alamat?
2. Hanggang ngayon meron pa bang naniniwala sa ating mga
alamat dito sa Pilipinas?
3. Sa panahon ng mga kastila tuluyan bang nawala ang mga
alamat ng mga Pilipino dahil sa pag-usbong ng katolisismo?

Ipababasa ang ikatlong kabanata ng El Filibusterismo


Tumawag sa klase ng magbasa.
4.2 Pagsusuri: Ano-ano ang mga reaksyon ng mga kasangkot na tauhan sa pag-usad
ng usapan sa kabanata?
Ano-ano ang mga mga alamat na pinag-usapan ng mga pangunahing
tauhan sa kabanata?
Tatalakayin ang kabanata tatlo sa pamamagitan ng pangkatan.
Ipapaliwanag ang kabanata ng bawat pangkat sa tulong ng mga
katanungan na matatagpuan sa aklat.
4.3 Paglalahat: Dapat bang matotong magtimpi kung meron mang pag-uusap at
debate na magkasalungat ang opinyon ng bawat isa?
4.5 Paglalapat: Kung ikaw ang nasa sitwasyon at naging tauhan sa pagtatalo ng
usapan ,ano ang gagawin mo?
Ano ang importansya ng mga alamat sa ating kultura? Dapat ba natin
itong pagyamanin at pahalagahan?
4.6 Pagtataya
a. Pagmamasid:
b. Pakikipag-usap sa mga mag-
aaral:
c. Pagsusuri sa produkto ng mag- Papangkatin ang klase sa apat na pangkat at bawat pangkat ay may
aaral: nakaatas na gawain.

Pangkat Una:
Magsadula ng isang paniniwala ng sina-unang kultura
ng mga Pilipino. Pagkatapos ay ipapaliwanang sa buong klase.
Pangkat Dalawa:
Isadula paano sinasamba ang mga diyos na naging
alamat sa mga kwentong Pilipino. Magbigay ng isang paraan at
ipaliwanang ito.

Pangatlong Pangkat:
Mag-ulat ng isang rehiyonal na alamat sa pamamgitan
ng masining na paraan. Ipaliwanag sa klase.

Pang-apat na pangkat:
Ilahad sa pamamagitan ng pag-arte ang isang lokal na
alamat sa sariling barangay.Ipaliwanag pagkatapos.

Rubriks ng pangkatang gawain:


Puntos Nakuhang puntos
Nilalaman 15 puntos
pagkakaisa 10 puntos
Total:25 puntos
d. Pasulit:
4.7 Takdang-aralin:
Pagpapalawak:
Pagpapayaman
Pagpapaunlad:
Paghahanda para sa bagong paksa: Basahin ang Kabanata Apat bilang paghahanda sa sunod na talakayan.
Magdala ng sariling kopya sa klase.
4.8 Pangwakas na gawain:
V.Puna:
VI.Pagninilay:

You might also like