You are on page 1of 1

Mapang abusong mamamayan.

Bahay kubo, kahit munti. Ang halamaan doon ay sari sari, singkamas at talong, sigarilyas at mani,
sitaw bataw patani. kundol patola upo't kalabasa at tsaka meron pa, labanos mustasa. kamatis
bawang at luya, at sa paligid ligid at maraming linga.

Pansin niyo ba anong kulang? Sa tingin niyo saan ako nagkulang? charot lang

Isang magandang araw mga ginoo at binibining narito ngayon, at nandito ako sa inyong harapan
upang alamin o talakayin ang isang isyu sa ating bansa, ang pag Hoarding ng Sibuyas. Subalit ano
nga ba ang sibuyas? mahalaga ba ito sa atin? Oo, nakapa-halaga dahil sa bawat putaheng hinahain
ng mga restaurant at mga karindirya ay madalas ay sibuyas ang pangunahing sangkap. Pero paano
kung ito ay tinatago na? At ito ang ating tatalakayin. Ang pag hoarding sa mga sibuyas ay talagang
hindi makatarungan, kahit sinong tanungin natin sa paligid ay laging sasabihin na "Mahalaga ang
sibuyas kase lahat ng niluluto ko may sibuyas" Nagtataka ako dahil sa pancit canton ba may sibuyas?
Biro lamang pero balik tayo sa ating pinag-uusapan, Maraming binabalita na maraming bodega ang
nag h-hoarding nito o tinatago. Nahihirapan ang mga mamamayanang pilipino dahil sa pag taas
kasama na ang presyo ng mga sibuyas dahil sa umano kawalan ng supplies nito. Maraming nang-
aabuso ng sibuyas, Maraming nagsasabi na kaya ito tinatago ay para pataasin ang presyo, Kaya't
kapag tumaas naman ang presyo ay tsaka ito ilalabas, sa isang balita sa UNTV noong Agosto Siyam,
Dalawangput libong dalawangput dalawa, "bihira na lang daw may araw na dumadating na supply ng
sibuyas, hindi pa magandang klase, Maraming nagtitinda sa palengke ang nagrereklamo rito. Sabi pa
ng mga magsasaka hindi naman daw talaga kulang ang supply ng sibuyas, Anila
pinagsasamantalahan daw ang pag tago nito kaya't nagiging dahilan sa pag taas ng presyo nito."
Binalaan ni House Speaker Martin Romualdez sa mga mapagsamantalang negosyante at hoarders ng
sibuyas na umano'y nasa likod ng pagtuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas, Marami na sa ating
bansa ang naghihirap dahil sa pagtaas ng mga presyo, ngunit nagagawa pa rin ng mga taong gumawa
ng ikakasira ng komunidad gaya nalang ng pag hoarding ng sibuyas upang tumaas ang presyo nito at
nang sa gano'n ay tsaka ito ilalabas upang dumami ang kanilang salapi sa kamay, nakakalungkot dahil
ganito talaga ang buhay, maraming mapagsamantalang mga tao talaga at hindi natin ito maiiwasan,
gaya ng pag bibigay sa'yo ng mixed signals ng taong gusto mo, charr. pero maraming paraan at
dahilan upang mapalaganap ang ganitong mga problema sa bansa, hindi dapat ang pang-aabuso at
pag gawa ng mga masama ang dapat na nananaig sa atin kundi ang bayahinan at pagtutulungan ng
mga mamamayan sa isang suliranin, dahil tayo tayo lang din ang magtutulungan at hindi mga
banyaga, alien, zombie o robot kundi tayong mga taong pilipino lang. Muli ako si Jan Arjay Olazo,
Maraming Salamat sa pakikinig kahit hindi kayo binibigyan ng atensyon ng mga taong gusto niyo,
char ulet

You might also like