You are on page 1of 5

lOMoARcPSD|26209546

4AS - lesson plan

Secondary Education (Saint Columban College)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Charlene Nolledo (charlenenolledo176@gmail.com)
lOMoARcPSD|26209546

LESSON EXEMPLAR SA ARALING PANLIPUNAN-9


Ni Anoba, Brenzelle May B.
I-LAYUNIN
Pamantayang Nilalaman:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad
na pang-araw-araw na pamumuhay.
Pamantayang Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga
pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino
at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
Pamantayang Pagkatoto:
Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa
pangangailangan (needs) bilang batayan sa pagbuo ng
matalinong desisyon. AP9MKE-Ic-7

MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakyan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang kahulugan ng Pangangailangan at kagustuhan.
b. Nakagagawa ng isang role play na nagpapakita ng kaibahan sa
pangangailangan at kagustuhan ayon sa
c. Nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon.

II- PAKSA
A. PAKSA
Aralin 3: Pangangailangan at Kagustuhan
Paksa: Pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: Bernard R. Balitao., et al., (Unang
Edisyon2015).EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan-MODYUL PARA SA
MAG-AARAL. 5th floor Mabini Building, DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines 1600: (DepEd-IMCS) Vibal Inc., p.41-50
B. Iba pang mga kagamitan Kagamitan: DLP, PowerPointPresentation,
kartolina, marker, bidyo presentasyon, larawan na may kaugnayan sa
paksa. Popsicle stick
IV. PAMAMARAAN
1. Panimulaing Gawain
 Pagganyak:
Gawain 1: Watch Me, I’ll Show You
Panuto: Ugaliing tahimik habang pinapanood ang bidyong
nakasalang sa pisara. Iwasang maging maingay at unawaing mabuti
kung ano ang nasa bidyo at ano ang nais ipahiwatig nito.

Downloaded by Charlene Nolledo (charlenenolledo176@gmail.com)


lOMoARcPSD|26209546

“BIDYO PRESENTASYON”
Paglalahad sa Paksa at Mga Layunin
Itanong sa mga Mag-aaral:

Batay sa bidyong nasilayan, ano sa tingin niyo ang mga inilahad nito?
Ilahad ang nais ipahiwatig ng bidyo? Maari bang may kaugnayan ito sa
paksa natin ngayon araw na ito? Kung gayun, ano sa tingin niyo ang
tatalakayin natin sa araw na ito?
2. Paglinang sa Paksa
 Bago ang talakayan, nailalahad ang mga layunin na nais makamit
matapos ang talakayan.
 Natatalakay ang kaibahan ng Pangangailangan at kagustuhan
Gawain 2: WHY O WHY?
Panuto: Suriin ang nasa aytem na nasa una at pangalawang kolum sa
pangatlong kolum. Pagpapasyahan kung anong pipiliin mo sa Option A
at Option B. Isulat ang dahilan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang naging batayan mo sa ginawang pagpili?
2. Maari bang mabago ang nagawang desisyon mo sa hinaharap?
Bakit?
3. Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng matalinong desisyon sa
pagpili?

ABSTRACTION
Paglinang na Aralin
Gawain 3: Three Stray-One Stay
Ang klase ay magkakaroon ng pangkatang gawain. Ang bawat isa
ay pipili ng flash card. Kung sinong magkakapareha ng flash card ay
sila ang magkakasama ng pangkat. Ang mga pangkat ay mabibigyan
ng diskusyon. Ang bawat isa ay inaasahang sumali sa diskusyon
sapagkat ang mapipiling pangalan ang siyang magiging “stay” at at
ang iba ay siyang pupunta sa kabilang pangkat upang kumuha ng
impormasyon at gayundin sa iba pang pangkat.
“Paksa: Mga Salik na nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at
kagustuhan”

PANLASA
EDAD

ANTAS NG EDUKASYON
KITA

Downloaded by Charlene Nolledo (charlenenolledo176@gmail.com)


lOMoARcPSD|26209546

KATAYUAN SA LIPUNAN KAPALIGIRAN AT KLIMA

 Ang mga mag-aaral ay mabibigyan ng tatlong minuto sa pag-ikot


sa bawat pangkat. At ang huling estasyon ay ang kanilang
pangkat. Gayun paman ay ang lahat ng inpormasyon na nakuha
ay ibabahagi nila sa kanilang naiwang ka-pangkat at ipapahayag
sa lahat ng klase ang kanilang natotonan.

ABSTRACTION 2
Talakayan:
Batay sa mga naging tugon ng mag-aaral, magkakaroon ng
maikling talakayan ang guro tungkol sa mga hindi nabanggit sa diskusyon ng
mga mag-aaral.
“Mga Salik na nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at
kagustuhan”

APPLICATION
Paglalapat
Gawain 4: Pass Muna
Panuto: Sa isang pamilya, ikaw ang ate o kuya na naatasang
magbudget ng gastuhin. Ang iyong nanay at tatay ay nag-iwan ng
Php10,000. Nasa ibaba ang mga listahan ng mga dapat pagkagastuhan
at maari ninyong ikonsumo sa buwang ito. Lagyan ng Tsek( / ) ang
iyong pagkagastuhan, at ekis (X) kung hindi. Isulat ang dahilan kung
bakit X ang iyong sagot.

Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong nagawang pagdedesisyon , magkano ang kabuuang
halaga na iyong maaring magagastos o matitipid?

Downloaded by Charlene Nolledo (charlenenolledo176@gmail.com)


lOMoARcPSD|26209546

2. Anu-ano ang naging batayan mo sa pagdedesisyon? Bakit?

3. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat
Gawain 5: Minute Paper
Panuto: Sa isang pagkalahatang papel naisusulat sa isang minuto.
Tanong:
1. Ano-ano ang kanilang mga natutunan sa araw na ito at ano ang
hindi nila lubos maintindihan.

b. Pagtataya
Gawain 6: KAILANGAN O KAGUSTUHAN
Panuto: Isulat kung GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng.
1._______________ pumunta sa party
2_______________kumain ng prutas at gulay upang manatiling
malakas ang katawan.
3._______________magbubukas ng savings account sa isang metatag
na bangko.
4._______________lumipat sa may magandang bahay na may aircon.
5._______________uminom ng tubig matapos kumain.
6._______________mamahaling relo
7._______________telebisyon
8._______________kumain ng pizza.
9._______________maglaro ng video game.
10._______________magsuot ng maayos na damit.

Pamprosesong tanong:
1. Maari bang maging gusto ang pangangailang? Patunayan.

V. Takdang Aralin:
PANUTO: Sa isang kapatan na papel, ang mga mag-aaral ay;
“ Mananaliksik tungkol sa Hirarkiya ng pangangailangan”

Downloaded by Charlene Nolledo (charlenenolledo176@gmail.com)

You might also like