You are on page 1of 5

LESSON EXEMPLAR SA ARALING PANLIPUNAN-9

NI JONEE CLAIRE V. BAJO

I-LAYUNIN

Pamantayang Nilalaman:

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahingkonsepto ng Ekonomiks bilang


batayan ng matalino at maunladna pang-araw-araw na pamumuhay.

Pamantayang Pagganap:

Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mgapangunahing konsepto ng


Ekonomiks bilang batayan ng matalinoat maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Pamantayang Pagkatoto:

Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sapangangailangan (needs) bilang batayan


sa pagbuo ngmatalinong desisyon. AP9MKE-Ic-7

MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakyan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naipapaliwanag ang kahulugan ng Pangangailangan at kagustuhan.

b. Nakagagawa ng isang role play na nagpapakita ng kaibahan sapangangailangan at


kagustuhan ayon sa

c. Nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan atkagustuhan bilang batayan


sa pagbuo ng matalinong desisyon.

II- PAKSA

A. PAKSA
B. Aralin 3: Pangangailangan at Kagustuhan
C. Paksa: Pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: Bernard R. Balitao., et al., (UnangEdisyon2015).EKONOMIKS 10 Araling


Panlipunan-MODYUL PARA SAMAG-AARAL. 5th floor Mabini Building, DepEd Complex Meralco
Avenue,Pasig City, Philippines 1600: (DepEd-IMCS) Vibal Inc., p.41-50

B. Iba pang mga kagamitan Kagamitan: DLP, PowerPointPresentation,kartolina, marker, bidyo


presentasyon, larawan na may kaugnayan sapaksa. Popsicle stick
IV. PAMAMARAAN

1. Panimulaing Gawain
Pagganyak:
Gawain 1: Watch Me, I’ll Show YouPanuto: Ugaliing tahimik habang pinapanood ang
bidyongnakasalang sa pisara. Iwasang maging maingay at unawaing mabutikung ano ang
nasa bidyo at ano ang nais ipahiwatig nito.

“BIDYO PRESENTASYON”

Paglalahad sa Paksa at Mga LayuninItanong sa mga Mag-aaral:

Batay sa bidyong nasilayan, ano sa tingin niyo ang mga inilahad nito?Ilahad ang nais ipahiwatig ng
bidyo? Maari bang may kaugnayan ito sapaksa natin ngayon araw na ito? Kung gayun, ano sa tingin
niyo angtatalakayin natin sa araw na ito?

2. Paglinang sa Paksa
Bago ang talakayan, nailalahad ang mga layunin na nais makamitmatapos ang
talakayan.
Natatalakay ang kaibahan ng Pangangailangan at kagustuhan

Gawain 2: WHY O WHY?

Panuto: Suriin ang nasa aytem na nasa una at pangalawang kolum sapangatlong kolum.
Pagpapasyahan kung anong pipiliin mo sa Option Aat Option B. Isulat ang dahilan.

OPTION A OPTION B DAHILAN


1. Magte-text Tatawag sa telepono
2. Maglalakad sa Sasakay sa pagpasok sa
pagpasok sa paaralan paaralan
3. Kakain ng kanin Kakain ng tinapay
4. Supot na plastic Supot na papel
5. Gagamit ng lapis Gagamit ng ballpen

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang naging batayan mo sa ginawang pagpili?

2. Maari bang mabago ang nagawang desisyon mo sa hinaharap?Bakit?

3. Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng matalinong desisyon sapagpili?


ABSTRACTION 1

Paglinang na Aralin

Gawain 3: Three Stray-One Stay

Ang klase ay magkakaroon ng pangkatang gawain. Ang bawat isaay pipili ng flash card. Kung
sinong magkakapareha ng flash card aysila ang magkakasama ng pangkat. Ang mga pangkat ay
mabibigyanng diskusyon. Ang bawat isa ay inaasahang sumali sa diskusyonsapagkat ang
mapipiling pangalan ang siyang magiging “stay” at atang iba ay siyang pupunta sa kabilang
pangkat upang kumuha ngimpormasyon at gayundin sa iba pang pangkat.

“Paksa: Mga Salik na nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan atkagustuhan”

EDAD PANLASA
ANTAS NG EDUKASYON KITA
KATAYUAN SA LIPUNAN KAPALIGIRAN AT KLIMA

Ang mga mag-aaral ay mabibigyan ng tatlong minuto sa pag-ikotsa bawat pangkat. At


ang huling estasyon ay ang kanilangpangkat. Gayun paman ay ang lahat ng
inpormasyon na nakuhaay ibabahagi nila sa kanilang naiwang ka-pangkat at ipapahayagsa
lahat ng klase ang kanilang natotonan.

ABSTRACTION 2

Paglinang na Aralin

Talakayan:

Batay sa mga naging tugon ng mag-aaral, magkakaroon ngmaikling talakayan ang guro
tungkol sa mga hindi nabanggit sa diskusyon ngmga mag-aaral.

“Mga Salik na nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan atkagustuhan”

APPLICATION

Paglalapat

Gawain 4: Pass Muna

Panuto: Sa isang pamilya, ikaw ang ate o kuya na naatasangmagbudget ng gastuhin.


Ang iyong nanay at tatay ay nag-iwan ngPhp10,000. Nasa ibaba ang mga listahan ng mga dapat
pagkagastuhanat maari ninyong ikonsumo sa buwang ito. Lagyan ng Tsek( / ) angiyong
pagkagastuhan, at ekis (X) kung hindi. Isulat ang dahilan kungbakit X ang iyong sagot.
MAAARING PAGKAGASTUSAN HALAGA BAWAT BUWAN (Php)
1. koryente 1,000
2. tubig 500
3. pagbili ng paboritong junkfoods 150
4. video game 100
5. upa sa bahay 2,500
6. pamamasyal at pagbisita sa mga 500
kaibigan
7. pagkain ng pamilya 5,000
8. panonood ng paborito mong palabas 180
sa sinehan
9. pamasahe at baon mo ni tatay, kuya 2,200
at ate
10. cable/ internet/ wifi 900

Pamprosesong Tanong:

1. Sa iyong nagawang pagdedesisyon , magkano ang kabuuanghalaga na iyong maaring


magagastos o matitipid?

2. Anu-ano ang naging batayan mo sa pagdedesisyon? Bakit?

3. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat
Gawain 5: Minute PaperPanuto: Sa isang pagkalahatang papel naisusulat sa isang
minuto.
Tanong:
1. Ano-ano ang kanilang mga natutunan sa araw na ito at ano anghindi nila lubos
maintindihan.

b. Pagtataya
Gawain 6: KAILANGAN O KAGUSTUHAN
Panuto: Isulat kung GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng.
1._______________ pumunta sa party
2._______________kumain ng prutas at gulay upang manatilingmalakas ang
katawan.
3._______________magbubukas ng savings account sa isang metatagna bangko.
4._______________lumipat sa may magandang bahay na may aircon.
5._______________uminom ng tubig matapos kumain.
6._______________mamahaling relo
7._______________telebisyon
8._______________kumain ng pizza
9._______________maglaro ng video game.
10._______________magsuot ng maayos na damit
Pamprosesong tanong:

1. Maari bang maging gusto ang pangangailang? Patunayan.

V. Takdang Aralin:

PANUTO: Sa isang kapatan na papel, ang mga mag-aaral ay;

“ Mananaliksik tungkol sa Hirarkiya ng pangangailangan”

You might also like