You are on page 1of 1

FILIPINO 10

Martes, Agosto 11, 2015

HELE NG INA SA KANIYANG


PANGANAY

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni
Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at
nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y
munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na
matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-
apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa
akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin


pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si
Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong
kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na
“anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng
kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang
pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang
inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga
mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y


nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking
dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng
buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at
tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking
pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking
nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong
kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng
kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-
iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y
humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y


nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong
panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa
pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t
kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi
sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t
nyumba.
Ika’y mahimbing,

Ako’y wala nang mahihiling.

War Ville sa 11:16 PM

Ibahagi

158 komento:

Unknown Nobyembre 26, 2015 nang 5:38 AM


sino ang persona sa tula?
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Disyembre 3, 2015 nang 1:50 PM


Ang persona ng tula ay ang ina ng sanggol.

Unknown Marso 27, 2022 nang 5:26 PM


ang ina ng sanggol na pabganay

Tumugon

Unknown Nobyembre 26, 2015 nang 5:39 AM


ano ang pangarap niya?

pasagot po pls... :) kailangan ko lng po talaga.


Tumugon

Mga Tugon

Unknown Disyembre 3, 2015 nang 1:54 PM


ang pangarap nya sa anak nya ay maging matatag
na sanngol at may lakas ng loob na harapin ang
pagsubok ng buhay at magkaroon ito ng
magandang kinabukasan.

Unknown Disyembre 3, 2015 nang 1:58 PM


ang pangarap nya sa anak nya ay maging matatag
na sanngol at may lakas ng loob na harapin ang
pagsubok ng buhay at magkaroon ito ng
magandang kinabukasan.

Unknown Enero 3, 2017 nang 3:02 AM


pangarap na maging isang mandirigma ang
kanyang sanggol .

Unknown Nobyembre 25, 2018 nang 9:18 PM


Ito po ba'y isang tulang malaya? Malinaw po bang
naisalaysay ang kulturang pinagmulan ng bansa?

Unknown Abril 12, 2021 nang 8:56 PM


Simbolismong sumasalamin sa ina at sa kaniyang
anak

Army's Caticorn Abril 25, 2021 nang 3:32 AM


Oo, isa itong tulang malaya.

Tumugon

Unknown Nobyembre 26, 2015 nang 5:39 AM


masining ba ang tulang tinalakay? patunayan.
Tumugon

Mga Tugon

Army's Caticorn Abril 25, 2021 nang 3:32 AM


oo sapagkat ito ay gumagamit ng kariktan at
talinhaga

Tumugon

Unknown Disyembre 3, 2015 nang 1:56 PM


masining ang tulang tinalakay na hele ng inay sa
panganay dahil ito ay sumasalamin sa totoong buhay
ng isang ina o tao.
Tumugon

Unknown Disyembre 3, 2015 nang 1:57 PM


masining ang tulang tinalakay na hele ng inay sa
panganay dahil ito ay sumasalamin sa totoong buhay
ng isang ina o tao.
Tumugon

Unknown Disyembre 3, 2015 nang 3:51 PM


ano-anong bagay ang inihambing sa sanggol? paki
sagot po :)
at bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa
katangiang taglay niya?
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Abril 3, 2021 nang 10:04 PM


Sasagotin ko ha.
Obob ka. Mag aral ka tanga

Unknown Abril 11, 2021 nang 6:21 PM


xDDDDDDDDDDDDDDDD gradute na yan

Unknown Abril 12, 2021 nang 7:38 PM


Sa tukang hele Ng Ina Sa kanyang panganay Sa
ano anong bagay inihambing ang kanyang
sanggol? Bakit Ito ang ang ginamit Sa katangiang
taglay nya

Tumugon

Unknown Disyembre 9, 2015 nang 6:40 AM


Ano po ung mga simbolismong maarig maiugnay sa
tula??
pakisagot po please kelan lang po talaga isa lang po
kasi nakikita ko ei ung puno
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Abril 29, 2021 nang 7:02 PM


Isang madirigma

Tumugon

Unknown Enero 3, 2016 nang 4:16 AM


Sino ang kinakausap ng persona sa tula?
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Disyembre 11, 2017 nang 2:34 AM


ang sanggol po

Unknown Disyembre 11, 2017 nang 2:34 AM


ang sanggol po

Unknown Nobyembre 25, 2019 nang 11:52 PM


Ano ang mga saknong sa tulang ito pasagot po
plzzz kailangan Lang po thankyouu

Tumugon

Unknown Enero 3, 2016 nang 4:17 AM


Ano ang tono ng tula?
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Abril 10, 2021 nang 12:45 AM


ewan

Unknown Mayo 27, 2021 nang 4:09 PM


Gago

Unknown Marso 7, 2022 nang 1:16 AM


HAHAHAHA

Tumugon

Unknown Enero 3, 2016 nang 4:18 AM


Ano ang katangian ng ina sa tula?
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Marso 28, 2021 nang 2:03 AM


wala

Army's Caticorn Abril 25, 2021 nang 3:34 AM


mapagmahal ang ina sa tula

Tumugon

Unknown Enero 5, 2016 nang 6:29 AM


Sino o ano po ba ang salitang Lupeyo? Ito ay nasa
unang talata ,ikatlong pangungusap
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Nobyembre 8, 2019 nang 7:19 AM


Pangalan yan

Unknown Nobyembre 18, 2019 nang 7:53 PM


antas ng buhay nila

Unknown Disyembre 3, 2019 nang 11:06 PM


Pangalan Ng Anak

Unknown Abril 11, 2021 nang 4:09 AM


Si Lupeyo ang asawa ng ina

Unknown Marso 7, 2022 nang 1:17 AM


Nawal ang ngalan ng ama

Tumugon

Unknown Enero 7, 2016 nang 2:19 AM


Mga Tayutay nito?
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Marso 17, 2021 nang 6:51 AM


wala

Unknown Marso 31, 2021 nang 7:07 AM


Ilang sukat at tugma po ng tulang ito?

Tumugon

Unknown Enero 10, 2016 nang 4:24 AM


malinaw ho bang naisasalaysay ang kultura ng
bansang pinagmulan nito ? paki sagot lang po please ..
kailangan ho talaga
Tumugon

Unknown Enero 10, 2016 nang 4:26 AM


malinaw ho bang naisasalaysay ang kultura ng
bansang pinagmulan nito ? paki sagot lang po please ..
kailangan ho talaga
Tumugon

Unknown Enero 19, 2016 nang 10:10 PM


Interpretasyon ng mga saknong sa panahon .
Pakisagot pp please . Base dyan sa kwento na yan .
Need ko lng po sa portfolio
Tumugon

Unknown Enero 19, 2016 nang 10:15 PM


Interpretasyon ng mga saknong sa panahon .
Pakisagot pp please . Base dyan sa kwento na yan .
Need ko lng po sa portfolio
Tumugon

Unknown Disyembre 1, 2016 nang 10:14 PM


ano po ung buod nitong kwentong iton
Tumugon

Unknown Disyembre 3, 2016 nang 2:27 AM


ano ang mga simbolismo na ginamit ? at ang mga
ibigsahin nito ?
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Enero 28, 2021 nang 2:14 PM


Ano po ba Ang tugmaan Ng tula? Pls po Paki
sagut

Tumugon

Unknown Disyembre 15, 2016 nang 5:14 AM


Anong uri ng tula ang Hele ng Ina sa kaniyang anak???
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Disyembre 15, 2016 nang 5:16 AM


Pasagot naman po oh.. Kailangan lang.. Para sa
Report.. Maraming maraming maraming salamat
sa mga sasagot..

Jopay happy like sun Disyembre 4, 2018 nang


1:15 AM
Malayang taludturan

Tumugon

Unknown Disyembre 15, 2016 nang 5:17 AM


Anong uri ng tula ang Hele ng Ina sa kaniyang anak???
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Disyembre 12, 2017 nang 1:57 AM


Tulang Malaya.

-Mot

Tumugon

Unknown Disyembre 29, 2016 nang 2:00 AM


Ano pong mga simbolismo ng tula
Tumugon

Unknown Enero 3, 2017 nang 1:33 AM


Base po sa tula may itatanong lang po ako ano po ba
ang mga kahulugan nang mga sumusunod:

Lupeyo
Munsik
Panulag
Guerrero
Buskala
Kapusugan
Panagimpan
Yumuyungyong
Ibubuyangyang
Kapilas
Suwi
Nyongeza
Nyumba

Pakisagot na lang po ASAP.. kailangan ko po kasi ty


po!
Tumugon

Unknown Enero 3, 2017 nang 2:27 AM


Naalis ng may-ari ang komentong ito.
Tumugon

jhl Enero 3, 2017 nang 6:11 AM


ano po ba ang mga kahulugan nang mga sumusunod:

Lupeyo
Munsik
Panulag
Guerrero
Buskala
Kapusugan
Panagimpan
Yumuyungyong
Ibubuyangyang
Kapilas
Suwi
Nyongeza
Nyumba
Tumugon

Unknown Enero 5, 2017 nang 1:35 AM


ano po ang mensahe ng tula ?
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Disyembre 4, 2018 nang 10:28 PM


Isang heleng may dalang mensahe tungkol sa
kanyang panganay na anak.
Sinasabi sa tula na ang ina ay nangangarap na
maging isang matapang na mandirigma ang
kanyang anak at maging pinuno ito sa kalalakihan.

Tumugon

Unknown Enero 9, 2017 nang 7:01 AM


MakaTuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at
katangian ng isang anak sa kaniya amah?
Tumugon

Unknown Enero 16, 2017 nang 10:15 PM


Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng
kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang
pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

ano po bang simbolismo ang nandito pls sagot po


salamat.
Tumugon

Unknown Enero 16, 2017 nang 10:18 PM


Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng
kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang
pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

ano po bang simbolismo ang nandito pls sagot po


salamat.
Tumugon

Unknown Nobyembre 27, 2017 nang 2:17 AM


saang bansa nagmula ang tula?
Tumugon

Mga Tugon

ClinophileAmI Enero 12, 2018 nang 6:51 PM


Bansang Uganda sa Africa

ClinophileAmI Enero 12, 2018 nang 6:53 PM


Bansang Uganda sa Africa

Tumugon

Unknown Nobyembre 28, 2017 nang 2:24 PM


Ano po ang ibig sabihin nito?

"Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa


kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing, akoy walang mahihiling".
Tumugon

Donnalicious Nobyembre 4, 2018 nang 12:19 AM


ano agng personality ng ina at ng sanggol? please paki
sagot agad
Tumugon

Unknown Nobyembre 15, 2018 nang 3:52 PM


ano po ang genre ng hele ng ina sa kaniyang anak paki
sagot po please
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Nobyembre 21, 2018 nang 4:12 AM


Tulang Malaya

Tumugon

Unknown Nobyembre 27, 2018 nang 10:38 PM


Ano ang talinghaga ng unang saknong
Tumugon

Unknown Nobyembre 27, 2018 nang 10:39 PM


Ano ang talinghaga ng unang saknong
Tumugon

Sandara Macatbar Nobyembre 28, 2018 nang


4:23 AM
Ano ang ibig sabihin ng matalinhagang salita
mata ng bisirong toro?
Tumugon

Unknown Nobyembre 29, 2018 nang 11:02 PM


Ano ano po ba ang mga kaisipan sa tulang ito?
Tumugon

Unknown Disyembre 3, 2018 nang 2:56 AM


Suriin at itala ang mga matatalinghagang pananalita o
simbolismo mula sa tula!!

Plsss answer i need this now


Tumugon

Unknown Disyembre 3, 2018 nang 2:57 AM


Suriin at itala ang mga matatalinghagang pananalita o
simbolismo mula sa tula!!

Plsss answer i need this now


Tumugon

Unknown Disyembre 4, 2018 nang 4:12 PM


Anong klaseng tula ito?
Tumugon

Unknown Disyembre 4, 2018 nang 9:26 PM


Ito ba ay tulang malaya or tulang tradisyonal? Malinaw
ba naisalaysay ang kultura ng bansang pinagmulan
nito? Ano po ang mga patunay?
Tumugon

Mga Tugon

Unknown Disyembre 4, 2018 nang 10:30 PM


Ito ay tulang malaya

Tumugon

ismael Disyembre 7, 2018 nang 7:29 PM


Pagkilala sa May-akda ?
Tumugon

Mga Tugon

ismael Disyembre 7, 2018 nang 7:29 PM


patulong po

Tumugon

You might also like