You are on page 1of 1

Ang Kahalagahan ng Bawat Isa

Nagkukwentuhan si Mata, bibig, tenga, ilong at puwet kung sino ang pinakamahalaga
sa kanilang lima.
MATA - ako ang pinakamahalaga dahil kapag wala ako, walang paningin ang amo
natin.
ILONG - ako ang pinakamahalaga dahil ako ang dahilan kung bakit humihinga si amo.
BIBIG - hindi ah! mas mahalaga ako dahil kung hindi sa akin ay hindi makakapagsalita
si amo.
TENGA - mali! kung wala ako walang pandinig si amo. Kapag walang pandinig si amo,
hindi rin sya matututong mag salita.

Magsasalita na sana si PUWET kaso puro panlalait ang ginawa sa kanya.


“ ang baho mo puwet!
“ ang baho mo !!
Napikon si pwet kaya hindi na lang sya nagsalita.
PUWET - wala naman pala akong halaga, bahala kayo at hindi na lang ako tatae ..
Ilanga raw ang lumipas ..
Nakaramdam na ng Palalabo ng paningin si MATA,
Hindi makarinig ng maayos si TENGA,
wala nang pang amoy si ILONG, bumabaho na ang hininga ni BIBIG..

Pagkalipas pa ng ilang araw, napagpasyahan ng apat na humingi ng tawad kay puwet


sa mga nasabi nilang hindi maganda.
“Pasensya ka na puwet, sige na naman at tumae ka na. hind ka na namin babaliwalain (
sabi ng apat kay puwet )
PUWET - Hindi nmn ako galit, gusto ko lang pahalagahan nyo rin ako dahil lahat tayo
pare-parehas na mahalaga..( at nagkabati-bati na silang lima ).
Wakas...

Tanging Aral ng istorya:


Matutong pahalagahan ang bawat bagay at iwasang manlait at manghusga ng kapwa.
Matutong magpakumbaba upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Ipinasa ni:
Jeianah Daphne R. Dinsay
V – Blessed Imelda of Lambertini

You might also like