You are on page 1of 2

Di – Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Inihanda ni Elvie Relano- Tiozon

I. Layunin: Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya.


1.5.1 Pagsusuri ng mga larawan ng likas na yaman ng Asya kung paanong ang interaksyon ng
tao at kapaligiran ay nagbigay daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.

KBI: Pagbibigay halaga sa


mga likas na yaman
partikular sa Asya
II. Paksa at Nilalaman:
A.Paksa: Aralin 2. ANG MGA LIKAS NA YAMAN
NG ASYA
B. Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 7 p.37-39
K-12 Gabay Pangkurikulum sa Araling Panlipunan (AP7HAS-Ie-1.5) p.66
Microsoft ® Encarta ® 2009. © 1993-2008 Microsoft Corporation. All rights reserved.

C. Kagamitan: Laptop, Aklat ng kasaysayan ng Asya,


D. Konsepto:
Ang lahat na nakikita sa ating paligid, ang mga kabundukan, dagat, hayop,
halaman at mineral, ay mga likas na yaman na siyang puhunang nililinang ng tao
upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Dril: (2 minuto) Pagpapakita ng ibat-ibang larawan ng mga yamang likas
gamit ang AutoCollage.

2. Balik – Aral: ( 3 minuto) Magbalik aral sa iyong mga natutunan tungkol sa pisikal na
katangian ng Asya pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na
katanungan.

Magbigay ng maikling
paglalarawan sa pisikal na
katangian ng Asya.

Paano naimpluwensiyahan ng
kapaligirang pisikal ng Asya ang
pamumuhay ng Asyano?

Anu-ano ang epekto ng


heograpikal at pisikal na
kapaligiran sa pag-unlad ng Asya?

3. Pagganyak: Tala-Tanongan :
 Saan ka nakatira?
 Anong uri ng kabuhayan meron ang inyong lugar ?
 Ipakita ang digital flash cards. Anu-ano ang nakikita ninyo sa larawan?
B. Paglalahad ng Aralin: Ano kaya ang paksa natin ngayon na tatalakayin?
C. Paglinang na Gawain: Digital presentation:
Pagpapalalim na Gawain:
Paanong ang interaksyon ng tao at kapaligiran ay nagbigay –daan sa pagbuo at pag-
unlad ng kabihasnang Asyano?
D. Paglalahat: Bilang isang mag-aaral at isang Pilipino,paano mo pahahalagahan ang mga
likas na yaman lalo na sa ating bansa?
E. Paglalapat: Ano sa tingin mo ang mainam na solusyon kung paanong matutugunan ng
likasna yaman ang lumalaking dami ng populasyon nito gayong ang lupa naman ay hindi
lumalaki?

IV. Pagsagot sa Digital Quiz:

V. Takdang Aralin: Gumawa ng Photo Essay. Gamit ang iyong cellular phone na may camera o di kaya’y
digital camera,kuhaan mo ng larawan ang anumang makikita mo sa paligid na nagpapakita ng paraan ng
paggamit ng tao sa likas na yaman. Kakailanganin mo ng tatlong larawan o mahigit pa. Matapos nito’y
susulat ka ng isang sanaysay na iinog sa paksang “ Ano ang kontribusyon ng likas na kapaligiran sa
gawaing pangkabuhayan ng tao?

Takdang Gawain: Basahin ang pahina 40-42..isulat ang mga mahahalagang Konsepto sa bawat rehiyon.

You might also like