You are on page 1of 7

Mala-masusing Banghay Aralin sa FIL102 - Ekokritisimo

Ikatlong taon sa Kolehiyo (BS Engineering)

4A’s Format

l. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag- aaral ay inaasahang:

 Nakauunawa sa kung ano ang wika at kulturang popular sa punto de


vista ng iba’t ibang awtor.
 Naiintindihan ang relasyon ng wika at ng kulturang popular.
 Natutukoy ang mga dahilan at pinagmulan ng kulturang popular.
 Naiintindihan ang relasyon ng globalisasyon at ng kulturang popular
maging ang positibo at negatibong epekto nito sa ating bansa.

ll. Paksang Aralin

Paksa: Wika at Kulturang Popular

Sanggunian: Silabus sa FIL101 – Wika at Kulturang sa Mapayapang Lipunan (Yunit


VI), “Popular and Culture” nasa Keywords ni Raymond Williams (1976), Kulturang
Popular,Imperyalistang Globalisasyon at Gawaing Kultural ni Rolando Tolentino, at
Language Ideology in the Discourse of Popular Culture ni Andrew Moody

Kagamitan: Powerpoint Presentation, larawang biswal

A. Yugtong Pagkatuto

Pagbati

Magandang araw sa lahat! Ikinagagalak namin kayong makita!

Panalangin

Bago magsimula ang klase ay pangungunahan muna ito ng isang panalangin.


Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang manalangin.

Pagtala ng Liban

Ang guro ay aalamin kung may mga mag-aaral bang lumiban sa klase.
Tatawagin isa-isa ng guro ang mga pangalan ng mga mag-aaral at itatala ito.
Kalinisan at kaayusan ng silid- aralan

Bago magsimula ang talakayan ay mayroong inihandang ilang mga paalala


ang guro para sa kaayusan ng buong klase.

1. Kailangang nakaayos ang mga upuan at kailangang iharap ang mga upuan kung
saan makikita nang maayos ang powerpoint presentation.

B. Pagbabalik-aral

Para sa pagbabalik aral, pipili sa class list at magtatawag ang guro ng


dalawang mag-aaral upang mag bahagi ng kanilang mga natutunan noong
nakaraang talakayan.

C. Pagganyak (LOGOHULA)

Makikita sa pagganyak na ito ang kahusayan ng mga mag-aaral na tukuyin


ang mga popular na brand ng mga produkto mula sa ibang bansa dito sa ating
bansa.

Panuto:

 Hahatiin ang klase sa dalawang grupo (Group 1 at Group 2) sa


pamamagitan ng pagbibilang ng 1 at 2.
 Ang bawat grupo ay kailangan na magkaroon ng isang tagapagsulat
ng sagot.
 Magpapakita ng mga logo ng iba’t ibang sikat sa brand mula sa loob at
labas ng bansa at aalamin nila kung ano ang pangalan ng brand na ito.
 Isusulat ang sagot sa papel at ang lahat ng mga kasapi ng bawat
grupo ay maaaring magbigay ng sagot sa kanilang nakatalagang
tagapagsulat.
 Ito ay paunahan, kung sino ang unang nagpataas ng papel na may
nakasulat ng sagot, nakapagbanggit ng pangalan ng grupo at
nakakuha ng tamang sagot ang siyang makakakuha ng puntos.
 Ang may pinakamaraming nalikom na puntos ang mananalo at
mabibigyan ng 20 puntos at 10 puntos naman para sa hindi.

Mga Larawan ng logo:

1. CHANEL 2. NIKE 3. McDonald's


4. PEPSI 5. TARGET 6. APPLE

7. ADIDAS 8. ROLEX 9. STARBUCKS

10. SHELL 11. TOYOTA 12. AUDI

13. KFC 14. JOLLIBEE 15. SUZUKI

lll. Pagtalakay ng Aralin

Tatalakayin sa araling ang mga konseptong nakapaloob sa kultutang popular


maging ang relasyon ng wika, kulturang popular at ng globalisasyon. Ipapaliwanag
sa araling ito ang mga dahilan o pinagmulan ng kulturang popular at ang positibo at
negatibong epekto nito sa ating bansa. Mapag-aaralan din ang mga punto de vista
ng iba’t ibang awtor patungkol sa kulturang popular. Ito ay ang mga sumusunod:

 “Popular and Culture” nasa Keywords ni Raymond Williams (1976)


 Kulturang Popular, Imperyalistang Globalisasyon at Gawaing Kultural ni
Rolando Tolentino
 Language Ideology in the Discourse of Popular Culture ni Andrew Moody

A. Analisis

Pagkatapos ng pagtatalakay ng guro ay magbibigay ng katanungan na


inaasahang masasagot ng mga mag-aaral.

Gabay na tanong:

1. Ano ang kulturang popular?


2. Ano ang wika sa kulturang popular?
3. Ano-ano ang mga tungkulin ng wika sa panahon ng pandemiko?
4. Ilarawan ang wika sa panahon ng pandemiko. Magbigay ng halimbawa.

B. Abstraksyon

Hahatiin ang klase sa apat na grupo at bawat grupo ay inaasahang makabuo


ng ideya tungkol sa ugnayan nang wika at kulturang popular, ito ay gagawin nila sa
pamamagitan nang paglikha nang isang graphic organizer

C. Aplikasyon (Pagbuo ng Pick up lines)

Magbibigay ang guro ng isang gawain kung saan bubuo ang mga mag-aaral
ng pick up lines patungkol sa mga napapanahong isyu o karanasan.

Panuto: Gagawa ng pick up lines ang bawat mag-aaral patungkol sa paksang


mga napapanahong isyu o karanasan. Sa susunod na klase o meeting ito ipapasa at
bibigyan ng pagkakataon ang iilang mga mag-aaral na gustong magbahagi ng
kanilang pick-up lines. Ang gawain ay isusulat sa ¼ na papel at bubuoin ng 40
puntos.

MODIFIED RUBRIC SA PAGGAWA NG PICK-UP AT HUGOT LINES


Halaw mula sa www.coursehero.com/file/RUBRICS

PAMANTAYAN 1 2 4 5 PUNT
OS

Maling May iilang Mayroong Marami


impormasyon maling mga tamang ang
NILALAMAN ang inilahad impormasyon impormasyon tamang
ang inilahad ngunit hindi mga 5
sapat. impormas
yong
inilahad
Walang Hindi maayos Lohikal ang Mahusay 5
nakitang ang organisasyon ang
maayos na organisasyon ngunit hindi organisas
organisasyon ng mga ideya masyadong yon ng
ng mga ideya mabisa ang pagkakas
ORGANISASYO ideya unod-
N sunod ng
mga
ideya.

Masyado May kaunting Mahusay dahil Naaayon


nang gasgas pagkakatulad hindi sa
ORIHINALIDAD at karaniwan sa mga masyadong makabago 5
ang konsepto karaniwang karaniwan o at
konsepto madalas natatangin
mangyari ang g paksa.
konsepto Hindi
gasgas
ang
konsepto.

Gumagamit Gumamit ng Angkop ang Angkop


ng mga mga kaunting mga salitang na angkop
salitang hindi salitang ginamit at ang mga 5

WIKANG GAMIT napapanahon napapanahon halos lahat ay salitang


napapanahon ginamit at
lahat ay
napapana
hon

TOTAL 20X2
= 40

D. Ebalwasyon

Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit upang masukat kung ang


mga mag-aaral ba ay mayroong natutunan. Ang maikling pagsusulit ay
kinapapalooban lamang ng dalawampung tanong at bubuoin ng 20 puntos ang
pagsusulit.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong o pahayag at ibigay ang hinihinging
kasagutan. Isulat sa malaking titik ang mga sagot.
1. Ito ay sinasabing kabuhol ng kultura.

2. Ayon sa kanya, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng


damdamin, isang instrumenyo rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

3. Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin na ang literal na kahulugan ay dila.

4. Ito ay ang pinagsama-samang kultura na itinakda ng makapangyarihang tao,


kompanya, at bansa. Sagot: Kulturang Popular

5. Isang dahilan at pinagmulan ng kulturang popular na sinasabing ang kulturang


popular ay ebidensiya ng mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa.

6. Ito ay ang pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.

7. Siya ay isang aprikanong manunulat na nagsasabing isang konektibong kaban ng


karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng wika.

8. Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ____. Panghalili sa mahal
at orihinal.

9. Ito ay isang salitang pang-uri na nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan


ng nakararaming tao.”

10. Ito ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, o minsa`y
nakaiinis.

11. Masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap
sa kanila ng nakararami.

12. Sinusukat ang kultura sa moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa.

13. Reyalidad ng tao, inaangkin ito bago ang lahat at pinapalaganap mula sa
sensibilidad ng tao.

14. Nag dulot ng masmabilis na proseso dahil sa pag usbong teknolohiya.

15. Ang ______sa kulturang popular ay ibedensiya ng mataas na tingin natin sa


isang gahum sa isang bansa.

16. Isa itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng


wika.

17. Isa sa anim na dahilan at pinagmulan ng kulturang popular na nag sasabing ito'y
pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.

18-20 Sa puno't Dulo ng Kulturang Popular, magbigay ng tatlong papel sa lipunan.


Mga Susing Kasagutan:

1. WIKA 11. KULTURANG POPULAR

2. CONSTANTINO 12. MORALISTIKO

3. LENGUA 13. KULTURANG POPULAR

4. KULTURANG POPULAR 14. GLOBALISASYON

5. LARANGAN NG GAHUM 15. KULTURA

6. FLIP-TOP 16. WIKA

7. NGUGI THIONG 17. GINAWA NG TAO.

8. LATAK 18. EKSPRESYON

9. POPULAR 19. SIMPLIPIKASYON

10. HUGOT LINES 20. ARAL / LEKSYON SA BUHAY

IV. Takdang Aralin

Gumawa ng isang sanaysay ayon sa mga gabay na katanungan na nasa


ibaba.

1. Mahalaga ba ang kulturang popular sa panahon ngayon? Ipaliwanag ang sagot.

2. Ano ang ang positibo at negatibong epekto ng kulturang popular sa iyo bilang
isang estudyante?

Para sa pormat ng ipapasang sagot, ay mangyaring i-print sa letter o short


bond paper, 12 ang font size, at Times New Roman ang font. Huwang kalimutang
lagyan ng pangalan, kurso, seksyon, at petsa.

Inihanda nina:

Jenneal A. Dayaganon

Ana Mae Linguaje

Kaye Laurine Lapidante

Rose Tenorio

Kryzelle Althea Iligan

Binigyang Pansin ni: Gng. Marichu V. Falsario

You might also like