You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

PANGGITNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


PANURUANG TAON 2022-2023

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mensahe ng bulong?


A. kantahin tungkol sa damdamin ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran,
pananalig, pag-asa, pag-ibig at paglalahad ng iba-ibang kaugalian
B. isang panalangin na binuhay sa pagnanais na makamtan ang pagbabago sa hinaharap
na pangyayari sa kapalaran
C. isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng isang maikling salaysay na
napapalooban ng mahahalagang pangyayari
D. nagtataglay ng maraming katangian, maliwanag at maayos ang pagkakasulat ng mga
tagpo at kaisipan upang maging maganda at epektibo sa mga mambabasa

2. Anong ipinahihiwatig ng may akda sa katangian ng mga Pilipino sa pahayag sa loob ng


kahon?
Sapagkat walang matirhan ang sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na
naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na
may mga burol na magsisilbing pananggalang sa malakas na hangin.

A. Nagkakaisa at nagtutulungan sa oras ng kagipitan.


B. Handang humanap at gumawa ng solusyon sa problema.
C. Nakababangon muli pagkatapos ng isang malakas na unos.
D. Handa nilang harapin ang anomang pagsubok at hamon sa buhay.

3. Pinangunahan ng mga lespu ang pagsasagawa ng checkpoint. Ang antas ng wika ng


salitang lespu ay ____________.
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pormal

4. Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kanya-kanyang gawaing


bahay. Mahihinuha mula rito na sila ay ______________.
A. malilinis C. masayahin
B. mapagmahal D. masisipag

5. Alin sa mga sumusunod na salita ang nasa tamang ANTAS ng pang-uri batay sa
kahulugan ayon sa pagkasunod-sunod?
A. inis, asar, galit, poot
B. pagmamahal, paghanga, pagliyag, pagsinta
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

C. pighati, lumbay, hapis, lungkot


D. tinangkilik, inalagaan, kinupkop, kinalinga

6. Ang pangalang Guibaysayi ay ____________ ng kagandahan ni Bungangsakit. Ano ang


angkop na salitang paghahambing upang mabuo ang pahayag?
A. higit C. mas
B. lalong D. tulad

7. Sa pahayag na “____________ maging positibo ang mga magulang sa pagkakataong ito


dahil ang droga ay mahigpit na kalaban ngayon ng lipunan”. Anong angkop na salita ang
dapat ilagay sa puwang upang mabuo ang editoryal na panghihikayat?
A. Pwedeng C. Siguradong
B. Kailangang D. Madaling

8. Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng mga
makasalanan, ito’y bilang pag-alala sa pagsuway ng mga anak na dalaga sa kanilang
ama. Ano ang taglay na ugali ng mga anak ang mahihinuha sa alamat?
A. sila’y mabubuting anak
B. sarili lamang ang iniisip
C. may mga sariling pagpapasya
D. hindi marunong makinig sa payo

9. Kung ako ang tatanungin, ang pagsusuot ng face mask alinman sa sulok ng Pilipinas ay
mabisang paraan pa rin upang makaiwas sa Covid-19. Anong bahagi ng pahayag ang
nagpapakita ng pagmamatuwid?
A. kung ako ang tatanungin C. pagsusuot ng face mask
B. mabisang paraan pa rin D. upang makaiwas sa Covid-19

10. Anong antas ng wika ang mahihinuha sa linyang ‘Ing sukal ning lub ku, susukdul king
banua’, ng awiting Atin Ku Pung Singsing?
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. porm

11. Kung ikaw ang nasa katayuan ng pitong dalaga sa kuwentong “Alamat ng Pitong
Makasalanan”, gagawin mo rin ba ang pag-iwan sa kanilang ama?
A. Hindi, ngunit wala na akong ibang matutuluyan.
B. Hindi, dahil mas iiral ang pagmamahal ko sa ama.
C. Oo, sapagkat makakikilala pa ako ng higit sa aking kasintahan.
D. Oo, dapapwat napamahal na ako sa lugar na aking nakagisnan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

12. Ano ang damdaming nangingibabaw sa pahayag na “Nagtago ang mga kababaihan
nang malamang gagawin silang alay”, ayon sa tindi ng kahulugang ipinahihiwatig nito?
1. bigla 2. pangamba 3. kaba 4. takot

A. 1,2,3,4
B. 4,3,2,1
C. 3,4,1,2
D. 1,4,3,2

13. “_____ malakas ang puwersa ng mga tulisang-dagat kaysa mga misyonerong Heswita”.
Aling angkop na salitang paghahambing ang gagamitin upang mabuo ang pahayag?
A. Higit na
B. Hari ng
C. Mas
D. Ubod ng

Basahin at unawain ang sumusunod na talata. Mula sa mga salitang pagpipilian makabubuo
ka ng isang editoryal na nanghihikayat.

Sa aking pagninilay-nilay, ___________ ngang napakaswerte pa natin kung hanggang ngayon


ay buhay pa rin tayo, malusog, malakas at kasama ang ating pamilya. Ang buhay na kaloob ng
Diyos sa atin ang __________ na pinakamagandang biyaya sa araw-araw.
_____________ ganito din ang iyong naiisip, tama ba? __________  napagtanto mo din na isa
ka sa biniyayaan ng Panginoon ng buhay kaya nararapat lamang na ito ay pahalagahan,
pagyamanin at huwag kalimutan na maging mabuti.
hango sa brainly.ph

14. Ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga salita sa ibaba, alin ang dapat isulat sa
mga patlang upang mabuo ang editoryal na nanghihikayat?
A. siguradong, pero, Walang duda, sadyang
B. totoo, tunay, Naniniwala akong, siguradong
C. tama, ngayon na, Tumpak, kitang-kita
D. ito na, subalit, Kailangan, nararapat

15. Ano ang iyong sariling hatol sa sitwasyong pinagtatawanan ng kabataan ang mga
naririnig na mga awiting-bayan?
A. Kailangan silang pangaralan ng kanilang mga magulang.
B. Nararapat na ituon ang sarili sa pag-aaral ng panitikan.
C. Dapat magkatuwang ang guro at magulang sa pagtuturo nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

D. Maaaring lumahok sa mga paligsahan na may kaugnayan sa panitikan.

16. Naniniwala akong gaano man kasama ang isang tao, _________________.
Ano ang mabubuo mong ideya o pagmamatuwid mula sa pahayag?

A. Mabubuhay pa rin siya.


B. Mayroon ng poot na nakatanim sa puso.
C. Wala ng natitirang kabutihan sa kanya.
D. May kabutihan pa rin sa kanyang puso.

17.Mahal na mahal ko ang aking kabiyak. Ang katumbas ng salitang nakasalungguhit sa antas
ng pampanitikan ay _________________.
A. bahagi ng puso C. katuwang sa buhay
B. bunga ng pag-ibig D. sigaw ng damdamin

18. Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at pitong estranghero. Sa


puntong ito ang mga dalaga’y?
A. mabilis matukso C. madaling umibig
B. madaling kausap D. mahirap ligawa

19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pinakamasidhing


damdamin?
A. Labis siyang nagdalamhati sa pagkawala ng kanyang magulang.
B. Masayang nagtatampisaw sa dalampasigan ang magkakaibigan.
C. Nagandahan ang mga dalaga sa ibinigay na regalo sa kanila.
D. Walang magawa ang ama kundi umiyak nang maiwang mag-isa.

20. Ayon sa mga mamimili, ___________ na mababa ang bilihin ngayon kaysa kahapon.

Aling salita ang angkop upang mabuo ang pahayag?


A. di-gaanong C. di-hamak
B. di-gasinong D. di-lubhang

21. Suriin ang sumusunod na pahayag mula sa Pilipino Star Ngayon.


1. Dapat kamay na asero ang gamitin para wala nang magtapon ng basura na
nagdudulot ng pagbaha. Kung hindi maghihigpit, walang katapusan ang problema
2. Basura ang pangunahing dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila. Matagal nang
problema ito. Ilang dekada na ang nakalilipas subalit baha pa rin ang problema.
3. Ngayon ay malinis na ang estero pero maaaring bukas o sa mga susunod na araw,
tambak na naman ang basura roon. Balik na naman sa dati sapagkat walang disiplina
ang mga nakatira.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

4. Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng paglilinis sa Estero de Magdalena ang Metro


Manila Development Authority (MMDA). Nagtulung-tulong para alisin ang
napakaraming basurang plastic.

Mula sa sumusunod na pahayag sa itaas, alin ang wastong pagkakasunod-sunod upang


makabubuo ng isang editoryal na nanghihikayat?

A. 1 4 3 2 C. 2 4 3 1
B. 2 3 1 4 D. 3 1 2 4

22. Si Pilemon, Si Pilemon


Nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli
Ng isdang tambasakan

Ang diwa o kaisipang isinasaad ng linyang ito ay _____________.


A. Ang isa sa sikat na gawain ng mga taga-Bisaya ay pangingisda.
B. Ang libangan ng mga tao sa Bisayas ay ang pangingisda.
C. Ang pangingisda ay ang pangunahing kabuhayan sa Bisayas.
D. Ang pangingisda ay napakahirap na gawain sa Bisayas.

23. Sa halip na magtrabaho sa ibang bansa, mananatili na lamang ako sa Pilipinas upang
tulungan ang aking mga kababayan. Ang pahayag ay isang ____________.
A. kasabihan C. paghahatol
B. kongklusyon D. pagmamatuwid

24. Paano mo magagamit ang aral na taglay ng mga alamat sa pang-araw-araw mong
pamumuhay?
A. ipakilala sa bansa C. isabuhay at sundin
B. ipalaganap sa kakilala D. magsulat ng alamat

25. Noong nakaraang gabi’y nilagyan niya ng talukbong ang boteng puno ng kendi, ngunit
hindi pa rin napigilan ang mga langgam na pasukin ito. Mula sa nabasang pahayag,
anong mga salita ang nasa antas pambansa?
A. noon, niya, puno, kendi
B. ang mga, nakaraan, ito, hindi
C. nilagyan, ngunit, pasukin, napigilan
D. gabi, talukbong, bote, langgam

26. Mula sa bidyo na ipinalabas sa telebisyon, naipakita ang mga pangyayari sa pagragasa
ng bagyong Odette. Aling salitang patunay ang nagamit sa pagpapahayag ng isang
dokumentaryo?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

A. bidyo
B. pangyayari
C. bagyong Odette
D. palabas sa telebisyon

27. Punan ng angkop na sagot ang patlang sa pahayag na:


Ayon sa balitang pangtelebisyon, “Ang Department of Agriculture ay naglaan ng
___________________ badyet para makamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na
bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon”.
A. sapat na salapi C. 30 bilyong piso
B. malaking halaga D. kulang 20 bilyong piso

28. Lahat ng mga pagpipilian maliban sa isa ay ginagamit sa pagsasagawa ng isang


proyektong panturismo.
A. pakikipag-usap C. travel brochure
B. pagba-blog D. poster

29. Gamit ang travel brochure sa proyektong panturismo, paano higit na makikilala ang
isang lugar?
A. Gawing payak at malinaw ang nilalaman.
B. Hindi nakapupukaw ng pansin ang mga larawan.
C. Di-tiyak ang target audience.
D. Malayo o walang mapagkakainan.

30. Kung magsasagawa ka ng isang pananaliksik kinakailangang sundin ang mga wastong
hakbang bago simulan. Mula sa mga nasa kahon, alin ang wastong pagkakasunod- sunod
na Hakbang sa Pananaliksik ang iyong susundin?

1. Hanapin ang saligang datos.


2. Gumamit ng aklat,magasin,pahayagan at iba pang media sa
pananaliksik.
3. Tiyakin ang paksa.
4. Makipanayam at kumuha ng larawan.

A. 2,1,3,4
B. 3,1,2,4
C. 1,2,3,4
D. 4,1,2,3
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

31. Sa paghahanap ng saligang impormasyon bilang mahalagang hakbang sa pananaliksik,


lahat maliban sa isa ang dapat isaalang-alang.

A. Gumamit ng index card,makipanayam at mga larawan.


B. Sumangguni sa mga aklat,magasin,pahayagan at iba pang media sa pananaliksik.
C.Tiyakin ang resources,magtala at alamin ang impormasyon.
D.Maging kampante sa mga sasabihin ng mga makakausap.

32. Kailangang isaalang-alang ang wastong paraan sa pagpili ng makabuluhang paksa sa


pananaliksik. Alin sa mga sumusunod ang wastong hakbang na susundin mo?

A.Limitahan ang paksa, at alamin ang datos.


B.Pumili ng kawli-wili, may sanggunian at paghahanguan ng kongklusyon.
C.Maglimita ng paksa, may datos, sanggunian, at may kabuluhan.
D.May magagawang suhestiyon, may datos, at sanggunian.

33. Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Nakahihigit ang kanyang
pisikal na anyo sa sultan kung kaya ipinabilanggo siya ng mga ito. Mula sa nangyari kay
Usman mahihinuha natin na ang kalagayan niya sa lipunan ay isang
mamamayang_______
A. api-apihan. C. tagasunod.
B. inaalipin. D. pangkaraniwan.

34. Dahil sa ginagawa ni Lokus a Mama sa kanyang asawang si Lokus a Babae, nagpasiya
itong iwanan na ang asawa. Ano ang mahihinuha sa pangyayaring ito?
A. May paninindigan siya sa buhay.
B. Hindi na niya mahal ang kanyang asawa.
C. Pantay ang karapatan ng lahat sa lipunan.
D. Ang pagtitiis ng babae ay may hangganan.

35. Bukod sa kanilang sultan na kumakatawang pinuno ng kanilang pamayanan, mahigpit pa


rin ang pakikinig o pagsunod ng mga taga-Mindanao sa mga matatanda ng kanilang
pamayanan kaya mahihinuha natin na sila ay _______________
A. makapangyarihan sa pamayanan.
B. may paggalang sa mga matatanda.
C. may malawak na kaalaman.
D. sinusunod ang lahat ng kanilang salita.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

36. Pabalik-balik si Langgam sa paghahakot ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan


habang sina Paroparo at Tipaklong ay walang pakialam sa kinabukasan. Ano ang
mahihinuha mo sa maaaring mangyari sa kanila sa pagdating ng tag-ulan?
A. Lilipat ng ibang tirahan.
B. Magkakasakit at mamamatay sa gutom.
C. Mawawalan ng lugar na tutuluyan.
D. Mamamalimos dahil walang makain.

37. Sinarili ni Uwak ang nakuha niyang karne. Natuwa siya sa Asong Gubat sa sinabi nitong
maganda ang kanyang kulay kung kaya nabitawan niya ang tangay niyang karne.
Mabilis itong naagaw at natangay ng Asong Gubat. Ang mahihinuha natin sa susunod na
gagawin ni Uwak ay
A. matututo dahil sa pangyayari.
B. maghahanap ng ibang pagkain.
C. magsisisi at manghihinayang.
D. magbabahagi ng pagkain sa iba.

38. Nagising si Haring Alimango sa ingay ng mga hayop na pinamumunuan niya. Kinausap
niya ang lahat at inalam ang pinagmulan ng suliranin. Sa ginawang pag-alam ng hari sa
problema mabubuo sa ating isipan na magbubunga ito ng _____
A. mabuting patakaran. C. pag-unlad at pagkakaisa.
B. solusyon at pagkilos. D. unawaan at pagtutulungan.

39. Nilibot ni Haring Tamaraw ang gubat. Dumating siyang pagod at mabilis na nakatulog.
Binawalan ni Ibon si Daga na huwag malikot at baka ito ay magising. Natapakan ng
daga ang paa ni Haring Tamaraw. Nagising ito at galit na kakainin si Daga.

Madalas ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan ay


A. maling pag-unawa. C. walang pagbibigayan.
B. pagpanig natin sa mali. D. hindi pakikinig at pagsunod

40. Lumakas ang ulan at tumaas ang tubig. Nakita ni Langgam na lumulutang at tinatangay
ng tubig sina Paroparo.

Kung ikaw si Langgam paano mo ipauunawa sa iba ang maaaring maging bunga ng
pagwawalang bahala?
A. Paghingi ng payo sa makapangyarihan.
B. Panghihikayat na huwag itong tularan.
C. Pagpapakita sa bunga ng kapabayaan.
D. Pagtuturo ng dapat gawin sa ganitong sitwasyon.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

41. Umalis si Mang Kardo at ibinilin ang handa sa alaga niyang aso. Sa kanyang pagbabalik
inubos ng ipis ang handang pagkain para sa kanyang apo. Nagalit si Mang Kardo sa
alagang aso at pinalayas ito.

Kung ikaw si Mang Kardo ano ang higit na tamang gawin?


A. Alamin ang pangyayari.
B. Huwag sisihin ang alagang aso.
C. Itago sa tamang lugar ang pagkain.
D. Tumawag ng taong magbabantay rito.

42. Dahil sa ginawa ng amang pagpapabaya sa kanila, ayaw na itong makita pa ni Tony.

Kung ikaw ay makaranas din ng sitwasyong naranasan niya, paano mo mapatatawad ang
iyong ama?
A. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa katotohanan.
B. Sa paglimot at pagsisimulang muli.
C. Sa aking paghingi ng payo sa iba.
D. Sa pagdarasal at pagtawag sa Diyos.

43. Nalaman mo mula sa kuwento ni Raf ang katapangan ng kanyang mga ninuno at
nagkataong wala kang alam ni isa sa kasaysayan ng iyong bayan. Ano ang gagawin mo
matapos ang pangyayaring ito?
A. Aaalamin ang kasaysayan ng bayan.
B. Ikukuwento ang nangyari sa iba.
C. Magbabasa at aaralin ang mga ito.
D. Ihahambing ang mga pangyayari sa iba.

44. Pumunta ang mga kaibigan ni Raf sa kanilang pamayanan at napansin nito na parang
walang tao sa paligid ngunit may narinig silang naiibang awit mula sa pangkat ng mga
naninirahan dito. Sa katulad na senaryo at napunta ka sa isang lugar na iba ang kultura sa
nakasanayan mo, paano mo pakikitunguhan ang mga naninirahan dito?
A. Iisa-isahing tanungin ang mga tao sa paligid.
B. Magmamasid at makikinig sa kanilang kuwento.
C. Panonoorin at ihahambing ang nakasanayan sa buhay nila.
D. Makikisalamuha sa kanila upang matutuhan ang kanilang pamumuhay.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

45. Paano nasabing ang halimbawa ng travel brochure sa ibaba ay nakapupukaw ang
pabalat na isa sa dapat taglayin ng isang brochure?

A.Sa nilalaman nito


B.Makulay ang larawang ginamit
C.Detalyado ang daan papunta rito
D.Gumamit ng nakahihikayat na tagline

46. Kalimitan sa mga pumapasyal sa mga iba’t ibang lugar, isinaalang-alang ang mga
sumusunod upang maging matagumpay ang pamamasyal at hindi masayang ang perang
gagastusin. Narito ang mga datos na nakuha mula sa 100 taong kinapanayam. Tingnan kung
alin sa mga ito ang higit nilang binigyang pansin.

Dapat Isaalang-alang sa Pamamasyal

30 22

20
28
Pagkain Maayos na daan
Pasyalan Gastusin
Mula sa datos na nakalap ano ang ipinahihiwatig ng pie chart?
A. Nangunguna pa rin sa mga tao ang kailangang may pagkain na mabibili sa lugar na
papasyalan.
B. Hindi maikakaila na ang gastusin ang pinakapangunahing isinasaalang-alang kung may
balak na pasyalan.
C. Ang maayos na daan ang siyang higit na kinakailangang isaalang-alang sa lugar na
pupuntahan.
D. Sa anumang lugar na pupuntahan nangunguna kung ano ang iyong makikitang maganda
sa iyong papasyalan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

47. Mula sa halimbawang brochure sa ibaba, alin ang maaring maging gabay ng mga turista
sa ihahanda nilang gastusin sa pamamasyal?

A.

B.

C.

D.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

48. Sabi ng asawa ni Randy mas maganda raw ang pagtira nila sa tubig bilang
tagapagbantay ng fish cage. Dati siyang Muro Ami at para sa kanya mas mainam daw
ang tumira dito dahil kumakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Ang hirap lang ay
ang panganib na dala ng pagtira dito tulad ng pagkakaroon ng bagyo. Sa katunayan
tatlong beses ng nalagay sa panganib ang buhay ng anak niyang si Dianne na tatlong
beses na muntik nang malunod.

Mula sa teksto ano ang mabubuo o magagamit mo upang makabuo ng patunay na


masaya na ang asawa ni Randy sa kasalukuyang tinitirhan?

A. Si Randy ay isang dating Muro Ami, may asawa at isang anak.


B. Mahirap daw ang manirahan sa tubig ayon sa asawa ni Randy.
C. Tatlong beses nang nalagay sa panganib ang anak na si Dianne.
D. Kumakain sila ng tatlong beses sa isang araw sa pagiging tagapagbantay sa fish cage.

49. Labing-apat na taong nagturo sa private school si Titser Annie bago pumasok sa
pampublikong paaralan ng mga Mangyan. Noong una nakaramdam siya ng takot at
pandidiri sa mga ito, pero nang lumaon nakadama siya ng matinding responsibilidad sa
paghahangad na mabago ang buhay ng mga tao rito.

Anong patunay ang ginamit upang makita na naging mabuting guro si Titser Annie sa
pampublikong paaralan?

A. Matagal ng guro si Titser Annie sa pribadong paaralan.


B. Nakaramdam siya ng takot at pandidiri sa mga Mangyan.
C. Naghahangad siya na mabago ang buhay ng mga Mangyan.
D. Natakot siya sa matinding responsibilidad sa pagiging guro sa publikong paaralan.

50. Araw ng Linggo noon, ang pamilya ni Mang Joseph umakyat sa bundok upang pumutol
ng 60 piraso ng buho, pambayad sa inutang na pagkain sa tindahan. Ang mataas na
bundok na kailangang akyatin, ang matarik na daan pababa habang pasan ang
mahahabang buho, ito ay para sa pag-asa na mababago ang buhay nila. Ang pagtatapos
sa pag-aaral, pangarap na tila kasing tayog ng mga buhong inaasahan nila sa buhay.

Mula sa teksto ano ang mabubuo mong patunay na pinaniniwalaan ni Mang Joseph na
edukasyon ang babago sa buhay nila?

A. Anuman ang mangyari, kailangan nilang umakyat sa bundok.


B. Matarik man ang daan maaabot din ni Mang Joseph ang bundok.
C. Ang matarik na daan ay katumbas ng pag-asang inaasahan niya sa buhay ng pamilya.
D. Dapat nating pahalagahan ang mga bagay na mayroon tayo dahil hindi ito
nararanasan ng iba.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

INIHANDA NINA:

JOAN MAE G. CORONEL FLOR CASTOR


SDO Pampanga SCO Balanga City

IWINASTO NINA:

CHERRY G. VINLUAN ELENA V. ALMARIO


EPS Filipino (SDO Pampanga) EPS Filipino (SDO Balanga
City)

BINIGYANG PUNA:

CELIA R. LACANLALE PhD. MERLINDA T. TABLAN


CID Chief (Pampanga) CID Chief (Balang City)

INIREKOMENDA NINA:

MELISSA S. SANCHEZ PhD, CESO VI


ASDS (Pampanga)

ILYNNE SJ. SAMONTE


ASDS (Balanga City)

INAPRUBAHAN:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
City of San Fernando (P)

ENGR. EDGARD C. DOMINGO PhD, CESO V


Schools Division Superintendent (Pampanga)

RONNIE S. MALLARI PhD, CESO V


Schools Division Superintendent (Balanga City)

You might also like