You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

IKAAPAT NA KWARTER
LINGGO 3 ARAW 4

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang lumalawak
Pangnilalaman na talasalitaan sap ag-unawang mga
natutuhang salitan sa pagbuo ng maikling
talata gamit ang mga hugnayang
pangungusap sa pagsusuri, pag-unawa at
pagsulat ng tekstong may tuon sa nilalaman,
sarili at bansa. (naratibo at impormatibo)

B. Pamantayan sa Nakabubuo ang mag-aaral ng maikling talata


Pagganap na nagpapaliwanag gamit ang hugnayang
pangungusap tungkol sa sarili at bansa.

C. Mga Kasanayan sa Natutukoy ang hugnayang pangungusap ayon


Pagkatuto sa: (F3Gr-IVa-i-1)
a. Mga salitang nag-uugnay sa sugnay na
nakapag-iisa at di nakapag-iisa

Paksa Gamit ng Pangatnig sa Hugnayang


Pangungusap

Sanggunian Bagong Likha – Wika at Pagbasa


pp. 430-431
Alab ng Wikang Filipino
pp. 312-313
Pluma Wika at Pagbasa para sa Batang
Pilipino, Ikalawang Edisyon, pp. 343-344

III.Pamamaraan
A. Pagganyak/Balik-Aral Magpapakita ng larawan ni San Pedro
Calunsod.

Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral ng


mga impormasyong nalalaman tungkol kay
San Pedro Calungsod.

Para mas higit na makilala si San Pedro


Calungsod, ipanonood ng guro ang isang video
presentation. Bago ipapanood ang video
presentation, ipapabasa ng guro ang mga
dapat isaalang alang habang manunuod.

____1. Si Pedro Calungsod ay isa sa mga


batang katekistong nagpunta sa kanlurang
Pasipiko upang ipahayag ang mabuting balita
sa mga katutubong Charmorro.

____2. Ang masigasig na heswitamg superior


na si Padre Diego Luis de San Vitores ay
tumugon sa espesyal na tawag at nagsimula
ng bagong minsyo kasama ang 17 na lalaki.

____3. Ang mabuting pakikitungo ng mga


katutubo ay naging poot sapagkat ang mga
misyonero ay nagsimula ng mga pagbabago sa
nakaugalian ng mga Chamorro na hindi
angkop sa Kristiyanismo.

____4. Kumaripas ng takbo si Pedro para


iligtas ang kanyang buhay ng sumugod ang
Chamorro.

____5. Si Pedro Calungsod ay may matatag na


pananampalataya kaya dapat tularan ng mga
kabataan.

Sisimulan ang panonood ng video


presentation.

A. Presentasyon ng Paksa Ipakilala sa mga bata ang bagong aralin.

Ipaskil sa pisara ang mga pangungusap na


ipinakita kanina.

1. Si Pedro Calungsod ay isa sa mga batang


katekistong nagpunta sa kanlurang Pasipiko
upang ipahayag ang mabuting balita sa mga
katutubong Charmorro.

2. Ang masigasig na heswitamg superior na si


Padre Diego Luis de San Vitores ay tumugon
sa espesyal na tawag at nagsimula ng bagong
minsyo kasama ang 17 na lalaki.

3. Ang mabuting pakikitungo ng mga


katutubo ay naging poot sapagkat ang mga
misyonero ay nagsimula ng mga pagbabago sa
nakaugalian ng mga Chamorro na hindi
angkop sa Kristiyanismo.

4. Kumaripas ng takbo si Pedro para iligtas


ang kanyang buhay ng sumugod ang
Chamorro.

5. Si Pedro Calungsod ay may matatag na


pananampalataya kaya dapat tularan ng mga
kabataan.

Anu-ano ang mga salitang may


salungguhit sa diyalogo?

Babasahin ng mga mag-aaral ang may mga


salungguhit sa usapan at isulat ito sa pisara.

A. Pagtatalakay Itatanong ng guro kung ano napansin ng mga


mag-aaral sa mga salitang nakasalungguhit.

Halimbawa:

Si Pedro Calungsod ay isa sa mga batang


katekistong nagpunta sa kanlurang Pasipiko
upang ipahayag ang mabuting balita sa mga
katutubong Charmorro.

Ang mabuting pakikitungo ng mga katutubo


ay naging poot sapagkat ang mga misyonero
ay nagsimula ng mga pagbabago sa
nakaugalian ng mga Chamorro na hindi
angkop sa Kristiyanismo.

Ano ang gamit sa upang at sapagkat sa mga


pangungusap?

Anu- ano ang mga pangungusap o sugnay ang


pinag-uugnay ng mga ito?

Kasama rin sa mga salitang pang-ugnay ang


sapagkat at upang. Tinatawag na mga
pangatnig ang mga ito. Ginagamit ang mga
pangatnig sa isang pangungusap upang ipag-
uugnay ang sugnay na nakapag-iisa at di
nakapag-iisa.

Narito ang mga hugnayan na pangungusap at


ang pagpapaliwanag sa bawat pangungusap.

❶ Hindi siya nagustuhan ng aking mga


magulang sapagkat masama ang
kanyang pag-uugali.

(a) Sugnay na makapag-iisa: masama


ang kanyang pag-uugali.

(b) Sugnay na di makapag-iisa: hindi


siya nagustuhan ng aking mga
magulang.

(c) Pangatnig na ginamit: sapagkat

Ang sugnay na makapag-iisa ay madaling


maunawaan dahil buo ang diwa. Samantala
ang sugnay na di makapag-iisa ay hindi lubos
maunawaan dahil hindi buo ang diwa o hindi
kayang tumayo na mag-isa.

❷ Pupunta ng simbahan sina Elijah at


Gladys dahil linggo ngayon at araw ng
pagsimba.

(a) Sugnay na makapag-iisa: pupunta


ng simbahan sina Elijah at Gladys.

(b) Sugnay na di makapag-iisa: linggo


ngayon at araw ng pagsimba.

(c) Pangatnig na ginamit: dahil

❸ Magaling ako sa matematika pati sa


Ingles.

(a) Sugnay na makapag-iisa: magaling


ako sa matematika.

(b) Sugnay na di makapag-iisa: sa


Ingles.

(c) Pangatnig na ginamit: pati

Narito ang iba pang halimbawa ng mga


pangatnig

kung kaysa upang


habang bago kasi
ngunit sapagkat pati
saka dahil kahit na
kaysa kapag pagkatapos
hanggang paano nang
subalit
Halimbawa:
1. Panatilihing malinis ang lahat dahil
darating ang panauhin ng ating amo.
2. Ang mga mahihirap ay lalong naging
mahirap dahil hindi sila nakakapag-
aral.
3. Hindi magiging maayos ang lahat
kapag hindi ka nagbago.
4. Nanatili pa rin ang kanyang
kagandahan kahit na ilang taon na ang
nakalipas.
5. Nanatili pa rin ang kanyang
kagandahan kahit na ilang taon na ang
nakalipas.
6. Gusto kong umalis ng mas maaga
sapagkat nakakawalang gana kapag
may araw na

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo


ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o
dalawang sugnay na di makapag-iisa.

Ang wastong paggamit ng pangatnig ay


nakakatulong upang maipahayag ng maayos
ang nais sabihin. Lahat ng mga salita
pagkatapos ng pangatnig ay ang sugnay na
hindi makapag-iisa.
B. Paglalapat Pasalita
Panuto: Salungguhitan ng isang beses ang
sugnay na nakapag-iisa at dalawang beses
naman ang sugnay na di nakapag-iisa.
Bilugan ang pangatnig na ginamit sa
pangungusap.

1. Bibigyan kita ng pera kung mataas ang


iyong mga grado sa paaralan.
2. Gusto kong kumain ng french fries
habang nanonood ng sine.
3. Uunlad ang ating buhay kapag tayo ay
magta-trabaho ng mabuti at masigasig.
4. Gusto kong bumili ng bagong iPhone
pero hindi sapat ang naipon kong pera.
5. Nakakakain kami sa masarap na mga
restaurants dahil sa pag-iipon ng aming
kuya.
6. Upang makamit ang kapayapaan sa
ating tahanan, kailangan nating matuto
na tanggapin ang isa’t isa.

C. Paglalahat Ang guro ay magtanong kung paano


natutukoy ang hugnayang pangungusap
gamit ang mga pangatnig na natutunan.

Ang guro at magtatanong kung pano


matutukoy ang sugnay na nakapag-iisa at
sugnay na di nakapag-iisa.

Ang guro ay magtatanong kung ano ang


natutunan sa paksa ngayong araw.

D. Pagpapahalaga Itanong kong ano ang pangatnig at kung ano


ang hugnayang pangungusap.

Gawaing Pasalita

Bumuo ng mga pangungusap gamit ang


pangatnig.

1. kung
2. upang
3. habang
4. kasi
5. ngunit
6. sapagkat
7. saka
8. dahil
9. kahit na
10. hanggang
IV. Ebalwasyon PANGKATANG GAWAIN – (Apat na pangkat)
PANUTO: Ilagay ang tamang pangatnig upang
mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Aalis kami ngayon papuntang Boracay


_______ wala ng problema.
2. Kailangan isumite ang proyekto ______
hindi ka pa tapos.
3. Uuwi tayo ngayon _______ tumila ang
ulan.
4. Maliligo tayo sa ilog _________ papayag
ang mama mo.
5. Nanood ako ng palabas _________
nagluluto ang aking asawa.
6. Kailangan mong magiging matatag
_________ maraming umaasa sayo.
7. Gustong umuwi ng maaga ________
marami pa akong gagawin.
8. Palagi kang kumain ng masustansiyang
pagkain _______ hindi ka dapuan ng
sakit.
9. Maayos na ang buhay ng kaibigan mo
________ hindi siya masaya.
10. Kaya kitang bigyan ng maraming
pagkakataon ________ sa tuluyan na akong
napagod.

Answer Key:

1. kung
2. kahit
3. kapag
4. kung
5. habang
6. kasi
7. sapagkat
8. upang
9. ngunit
10. hanggang
V. Takdang-Aralin Panuto:
Bumuo ng limang pangungusap gamit ang
pangatnig sa hugnayang pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.

Inihanda:

IVAN JEROM NAPIGKIT


TEACHER I
LUMAPING ES - PONOT DISTRICT

You might also like