You are on page 1of 12

Mga Piling Saknong

sa
Florante at Laura
"O, pagsintang labis na makapangyarihan
Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamaking lahat masunod ka lamang."

Handang gawin
ang lahat sa ngalan
ng pagmamahal.

e-mbistiga
"Kung ang isalubong sa iyong pagdating
Ay masayang mukha't may pakitang giliw,
Lalong pag ingata't kaaway na lihim
Siyang isaisip na kakabakahin."

Mag-ingat sa mga
taong mabuti sa
harap-harapan ngunit
kapag tumalikod, ikaw
ay sisiraan.

e-mbistiga
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat
Masaklap na bunga ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog na anak.”

Hindi dapat palakihin ang


bata na nakukuha ang
lahat ng gusto sa madaling
paraan. Turuan ang bata
sa buhay.

e-mbistiga
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
kagalinga't bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa't pighati."

Matindi ang
problemang
kinahaharap ng bayan
tungkol sa kataksilan
ng namumuno rito.

e-mbistiga
“Datapwat sino ang tatarok kaya
Sa mahal mong lihim, Diyos na Dakila
Walang mangyayari sa balat ng lupa
Di may kagalingang iyong ninanasa.”

Tanging Diyos ang


nakaaalam ng lahat ng
bagay at walang
sinumang nilalang
ang nakaaalam nito.

e-mbistiga
“Sa taguring bunso't likong pagmamahal,
ang isinasama ng bata'y nunukal;
ang iba'y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.”
Mahalaga ang papel
ng magulang o
tagapag-alaga sa
pagtuturo ng
mabuting asal sa
(mga) anak.

e-mbistiga
“Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap
palibhasa'y hilaw at mura and balat,
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.”

Mag-ingat sa
paghatol. Mahalagang
kilalanin ang anuman
at sinuman bago
humatol.

e-mbistiga
Dito'y napangiti ang Morong kausap,
sa nagsasalita'y tumugong ;aniya’y
"Bihirang balita'y magtapát,
kung magtotoó ma'y marami ang dagdág

Mag-ingat sa mga
hindi totoong balita at
huwag gumawa ng
balitang may dagdag-
bawas.

e-mbistiga
“Sapagkat ang dusang mula sa pag-ibig,
kung kahit mangyaring malayo sa dibdib,
kisapmata lamang ay agad babalik,
at madaragdag pa sa una ng bangis.”

Hindi dapat paglaruan


ang pag-ibig
sapagkat ang pait nito
ay may alaala ng sakit.

e-mbistiga
“Katiwala ako't ang iyong kariktan,
kapilas ang langit anaki'y matibay,
tapat ang puso mo't di nagunamgunam
na paglilo'y nasa kagandahan.”
Mapang-akit ang
kagandahan. Hindi
dapat minsan
pagkatiwalaan.
Mahalaga pa rin ang
kaloob-looban.

e-mbistiga
Mga Sanggunian:
Dayag, A. M et. al. (2017). “Ikalawang Edisyon
Pinagyamang Pluma 8”. Phoenix Pub. House. Lunsod
ng Quezon.

Reyes, A. R. C. et. al. (2020). Wow, Filipino 8. Vibal Group


Inc. Lunsod ng Quezon.

You might also like