You are on page 1of 1

Pangalan: _____Marielle B.

Joquiño___________ Seksiyon:__9-Uranium____
Paksa: EPIKO

ISAGAWA
Panuto: Magsalaysay ng isang kalagayan, sitwasyon o kuwentong nagpapakita ng
kabayanihan na matatagpuan sa iyong lugar, gaya na lamang ng mga OFW, pulis,
sundalo, guro, frontliner, atbp. Maaari ring gumawa ng epiko na nagtataglay ng
kakaibang katangian na naayon sa inyong kagustuhan. Gawan ng pamagat ang iyong
mabuo.

Si Sinino at Sinina

Sa isang sulok sa bayan ng San Minyo, isinilang ang kambal na babae at


lalake na nagngangalang Sinina at Sinino. Sila ay isang normal na pamilya na may
lihim na kapangyarihan galing sa agimat mula pa sa kanilang mga ninuno na ipinasa
sa pagdaan ng mga henerasyon hanggang sa kasalukuyan na sila lang bilang pamilya
ang nakakaalam.
Bago ipinapasa ang kapangyarihang ito ng agimat ay nagkakaroon ng panata ang
bawat isa na gagamitin lamang ito sa ngalan ng kabutihan at sa oras ng
pangangailangan at hindi kailanman pwedeng aksayahin dahil ito’y sagrado at dapat
na iginagalang. Lumaki ang magkapatid na kambal at ang panatang ito ay isinapuso
nila lalo na’t pumanaw na ang kanilang mga minamahal na magulang at silang
dalawa nalang ang natitira na maaaring magtulungan.
Sa loob ng mahabang panahon, namuhay nang payapa ang magkapatid kasama ang
iba pang mga mamamayan ng San Minyo hanggang sa dumating ang matagal nang
nagmamasid at naghihintay ng pagkakataong umatake mula sa dilim na ang Hari ng
Kataluna na si Ludusiyo, isang makapangyarihang nilalang na may mahahabang itim
sungay at pulang mata na siyang may mahaba ring dila at matulis na ngipin. Sa di
inaasahang pagkakataon at sa isang kisapmata ay binihag nito ang mga maliliit na
bata’t asawa pagkatapos tangayin sa mga nanay nito na siyang umiiyak at sumisigaw
na sa takot at humihingi ng tulong hanggang sa narinig ng magkakambal ang mga
daing ng mga ina’t ama at kalauna’y nabalitaan ang kasamaang dulot ni Ludusiyo.
Kinuha ng magkakambal ang kanilang pinaghating agimat kasama ang kanilang mga
kagamitan at walang ano pa man ay tangkang papaslangin na ni Ludisyo ang
katauhan nang dumating sina Sinina’t Sinino at nilabanan ng mga ito ang masamang
Hari ng Katalunang si Ludusiyo sa mismong kaharian nito at sa tulong ng iba pang
mga kasaping nagboluntaryong tumulong sa alang-alang ng kanilang mga mahal sa
buhay ay nawakasan ang kasamaang dulot ni Ludusiyo, ang Hari ng Kataluna.
Simula noon, nakilala si Sinino at Sinina sa kanilang bayan bilang mga dakilang
bayani at kailanman ay wala nang ano mang uri ng kasamaan ang nakapasok sa
bayan ng San Minyo at naibalik na din ang kapayapaan at mga ngiti sa mukha ng
bawat pamilya sa bayang ito. Mula rito, ang mga mamamayan ng San Minyo ay
dumaan sa pagsasanay nina Sinino at Sinina at sila’y lagi nang naging handa para sa
mga kababalaghang maaaring mangyari sa hinaharap at sila’y namuhay nang may
kapanatagan at kapayapaan sa bawat araw ng natitirang oras nila para mabuhay sa
mundong ito.

You might also like