You are on page 1of 33

IKA-APAT NA ARAW NG MISA NOBENARYO

SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHAL NA
PUSO NI HESUS

Kulay Puti
2| MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PANIMULA
Kapag nagtitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa
dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.
Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa
hinihinhing paraan. Magbibigay-galang ang par isa dambana sa pamamagitan ng paghalik
sa ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan nia ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon
sa kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at mga tao ay mag
kukrus. Ipapahaag ng paring nakaharap sa mga tao:

S angalan ng Ama
at ng Anak at ng Espirito Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Tagpagdiwang:

A ng pagpapala ng ating Panginoong


Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espirito Santo
nawa’y sumainyong lahat.
Sasagot ang mga tao:

At sumainyo rin.
3| MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PAMBUNGAD NA PANANALITA
Ang tagapagdiwang ay makapagbibigay ng maikling paliwag tungkol sa buod ng Misang
ipagdiriwang.

M ga Kapatid, tayo po ngayon ay nasa ika-apat na araw


ng ating Misa Nobena bilang paghahanda sa Dakilang
Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at atin
ring ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-
banalang Katawan at Dugo ng ating Panginoong
Hesukristo o Corpus Christi Sunday, na siyang ating
sinasamba at dinadakila sa Kamahal-mahalang Sakramento
ng Eukaristiya. Sa Sakramento iyon, naroroon si Hesus, ang
kanyang katawan, dugo, kaluluwa at pagka-Diyos, gayun
rin naman, naroroon ang kanyang Puso, buhay na buhay at
nag-aalab para sa lahat nang nagnanais na siya ay
tanggapin. Sa Misang ito, nawa’y magkaroon at
mapanibagong muli ang ating paghahangad na tanggapin
si Hesus sa anyo ng tinapay at alak nang may malinis at
handang puso.
4| MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PAGSISISI SA MGA KASALANAN


Susunod na gaganapin ang pagsisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:

M ga kapatid, aminin natin ang ating


mga kasalanan upang tayo’y maging
marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
Magkaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang
kasalanan:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa
Panginoong ating Diyos.
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

K aawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
5| MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Amen.
KYRIE
PAPURI SA DIYOS
Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila
mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo,
ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng
Diyos Ama.
Amen.
6| MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PANALANGING PAMBUNGAD
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin ng saglit.

D iyos na totoo at tao namang


totoo, Panginoon naming Hesukristo,
ang Huling Hapunan ay inilagak mo
para kami’y magkasalu-salo sa alaala
ng iyong pagpapakasakit ukol sa mga tao.
Ipagkaloob mo ang aming kahilingang
ang iyong Katawan at Dugo
ay aming idangal sa pagdiriwang
upang ang dulot mong kaligtasan
ay lubos naming mapakinabangan kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
7| MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


UNANG PAGBASA
Deuteronomio 8:2-3. 14b-16a

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

S inabi ni Moises sa mga tao: “Alalahanin ninyo


kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng
apatnapung taon upang matuto kayong magpakumbaba.
Sinubok niya kayo kung susundin ninyo siya. Tinuruan
nga kayong magpakumbaba; ginutom niya kayo bago
binigyan ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala ni
ng inyong mga ninuno. Ginawa niya ito upang ipakilala sa
inyo na ang tao’y hindi lamang nabubuhay sa pagkain
kundi sa salita rin naman ng Panginoon.

“Huwag ninyong kalilimutan ang Panginoon na


nagpalaya sa inyo mula sa pagkaalipin ng bansang Egipto.
Siya ang pumatnubay sa inyo sa inyong paglalakbay sa
malawak at nakatatakot na ilang na puno ng makamandag
na mga ahas at alakdan. Nang wala kayong mainom,
nagpabukal siya ng tubig mula sa isang malaking bato.
Kayo’y pinakain niya roon ng manna, isang pagkaing di
ninyo kilala.”

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang mga tao:
8| MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 147:12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon, purihin mo


ang iyong Diyos, kayon mga taga-Sion. Yaong mga pintuan
mo ay siya ang nag-iingat, ang lahat ng iyong lingkod ay
siya ang nagbabasbas.

Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,


bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo. Kung siya
ay nag uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig,
na hindi na nagluluwat.

Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin..

Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin, ang tuntuni’t


mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong Karapatan ay
wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na
itinakda. Purihin ang Panginoon!

Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.


9| MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 10:16-17

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga


taga Corinto

M ga kapatid, hindi ba’t ang pag-inom natin sa


kalis ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay
pakikibahagi sa dugo ni Kristo? At ang pagkain natin ng
tinapay na ating pinaghahati-hati ay pakikibahagi naman
sa kanyang katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang
tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat
nakikibahagi tayo sa iisang tinapay.

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.
10 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA


Pagkaing mula sa langit
ngayo’y hain sa daigdig.
Handog na kaibig-ibig
kailanma’y di masasaid.

Paghahai’y inilahad
nang ialay si Isaac,
ang korderong nagliligtas,
ang manna ng nagsilikas.

Pastol naming mapagmahal,


kami’y iyong kaawaan,
gawing dapat makinabang
sa pagkaing iyong alay
hanggang langit ay makamtan.

Magagawa mo ang lahat


upang tanan ay maligtas,
akayin mo sa ‘yong hapag
lahat kaming ‘yong alagad
sa buhay mong walang wakas.
11 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

MABUTING BALITA
Juan 6:51-58

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Juan
B: Papuri sa iyo, Panginoon.

N oong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao:


“Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa
langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang
kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay
ng sanlibutan ay ang aking laman.”

Dahil dito’y nagtalu-talo ang mga Judio. “Paanong


maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang
kanin natin?” tanong nila. Kaya’t sinabi ni Hesus,
“Tandaan ninyo: malibang kanin inyo ang laman ng Anak
ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo
magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at
umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan,
at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.

Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang


aking dugo, tunay na inumin. Ang kumakain ng aking
laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at
ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at ako’y
12 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

nabubuhay dahil sa kanya. Gayun din naman, ang


sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito
ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y
mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain
ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat
kumain niyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Tagapagdaloy:

Pinupuri ka naming Panginoon Hesukristo.


13 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Sumasapalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
14 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PANALANGIN NG BAYAN
Para sa mga araw ng Nobena bilang Paghahanda para sa
Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus
at iba pang Misa para sa karangalan nito.
Tagapagdiwang:

M ga kapatid, habang tayo ay naghahanda para sa


Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ng ating
Panginoon, pakumbaba tayong dumulog sa kanyang
Pusong lipos ng pag-ibig at habag, spagkat doon ang ating
mga panalangin ay tiyak na may masusumpungan. Buong
pagtitiwala nating sambitin:
Panginoon, sa iyong wagas na pag-ibig, dinggin mo kami!
Ang ating mga Pinuno sa Simbahan, lalo’t higit ang mga
kaparian, na mga Pastol na hinirang na paglingkuran ang
sambayanan, ay magkaroon nawa ng pusong naaayon sa
Puso ni Hesus na kumukupkop at humahanap sa bawat
tupa. Manalangin tayo.
Panginoon, sa iyong wagas na pag-ibig, dinggin mo kami!
Ang mga pinuno ng bawat bayan, lalo na ng ating bansang
Pilipinas na itinalaga sa Mahal na Puso ni Hesus, ay
mamuno nawa nang naaayon sa pamantayan ni Kristong
Mabuting Pastol. Manalangin tayo.
15 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Upang ang bawat tao ay mapakupkop sa Mahal na Puso ni


Hesus at doo’y makatagpo ng kapayapaan, kahinahunan at
katiyakan. Manalangin tayo.
Panginoon, sa iyong wagas na pag-ibig, dinggin mo kami!
Upang lahat tayong naghahanda para sa Dakilang
Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at
nagdiriwang ng kanyang Hubileo dito Santa Mesa ay
laging pakaingatan at kalingain ng kanyang pag-ibig.
Manalangin tayo.
Panginoon, sa iyong wagas na pag-ibig, dinggin mo kami!
Ang mga maysakit, mga nagdadalamhati, mga naliligalig,
at ang mga nagdurusa sa karamdaman ng isip at katawan
ay makatagpo nawa ng kagalingan sa kanyang Puso,
manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, sa iyong wagas na pag-ibig, dinggin mo kami!
Ang mga minamahal nating yumao nawa’y mabuhay sa
kapayapaan ng Panginoon sa kaharian ng kanyang Mahal
na Puso sa langit, manalangin tayo.
Panginoon, sa iyong wagas na pag-ibig, dinggin mo kami!
16 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Tagapagdiwang:

A ma, habang naghahanda kami para sa pagdiriwang ng


Kamahal-mahalang Puso ng iyong Anak, kami nawa ay
mapuspos ng pag-ibig nito upang sa paglalakbay naming
sa buhay kami ay mabiyayaan ng lakas na magdadala sa
amin sa buhay na walang hanggan sa langit, kay Kristong
aming Panginoon.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
17 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng
mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at
ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahaag sa pamamagitan ng prusisyon ng
pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.
Ngayon nama’y tatayo ang par isa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan
ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito and aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming
paggawa ang tinapay na ito para maging
pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya and pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginagap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal
nang malakas ng pari at katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Pong Maykapal


ngayon at kailanman!
Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal
nang pabulong:

S a paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y


makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat
makihati sa aming pagkatao.
18 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Pagbalik sag awing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang
nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong:

K apuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng
aming pagagawa ng alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng
iyong Espirito.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal
nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Pong Maykapal


ngayon at kailanman!
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

D iyos Amang Lumikha,


Nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisi bilang
handog upang kami’y matutong sumunod
sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.
19 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

D iyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng pari isa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga tao
at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

M analagin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga
kamay sa kapurihan niya at
karangalan sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambauanan niyang banal.
Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at darasalin niya ang panalangin ukol sa
mga alay. Sa katapusan nito’y sasagon ng “Amen” ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi.
20 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Tagapagdiwang:

Ama naming Lumikha, bigyan


mo ngayon ang iyong sambayanan
ng mga kaloob na pagkakaisa at
kapayapaan na ipinahihiwatig ng
mga alay namin sa paghahaing
ipinagdiriwang sa pamamagitan
ni Hesukristo kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan
Sasagot ang mga tao:

Amen.
21 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PAGBUBUNYI O PREPASYO NG HULING HAPUNAN


P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumainyo rin.
P: Itaas sa Diyos ang iyong puso at diwa.
B: Itinaas na naming sa Panginoon.
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B: Marapat na siya ay pasalamatan
Tagapagdiwang:

A ma naming makapangyarihan

tunay ngang marapat na ikaw ay aming


pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Noong Huling Hapunan siya’y nakisalo sa kanyang


mga alagad bilang alaala ng pagtubos na laging
kasalukuyan at walang wakas. Siya ang maamong
tupang tumubos sa tanan. Siya ang alay na lubos
mong kinalulugdan. Sa Huling Hapunan kami’y nagsasalo
upang ganap kaming mapalapit sa iyo sa pagkakaisa
ng lahat ng tao na pawang nananalig sa dakilang
pag-ibig mo. Sa pagsasalong ito, kami’y iyong nililingap
upang sa iyong Anak kami’y makatulad.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri saiyo
nang walang humpay sa kalangitan:
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO
22 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Nakalahad ang mga kamay ng par isa pagdarasal.

A ma naming banal,
Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraipin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga
alay habang siya’y nagdarasal.

K aya’t sa pamamagitan ng iyong Espirtitu


Gawin mong banal ang kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyag dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo 


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pag daraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng
malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

B ago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
23 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Bahagang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT


AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapataong
niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba. Magpapatuloy ang tagapagdiwang.

G ayun din naman, noong


matapos ang hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang
mga alagad at sinabi:
Bahagang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING
DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG
TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA
IKAPAGPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NIYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
24 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipapahayag ng pari.

Ipagbunyi natin ang misteryo


ng pananampalataya
Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samtalang siya ay nag darasal:

A ma, ginagawa naming ngayon


ang pag-alala sa pagkamatay at muling
pagkabuhay ng iyong Anak kaya’t
iniaalay naming sa iyo ang tinapay na
nagbibigay-buhay at ang kalis na
nag kakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamay dahil kami’y
iyong minarapat na tumayo sa
harap mo para maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espirito Santo.
25 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Nagmisa o isa sa mga nakopagmisa:

A ma, lingapin mo ang iyong Simbahang


laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo na kami sap ag-ibig
kaisa ni FRANCISCO, na aming Papa
at ni JOSE, na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
Nagmisa o isa sa mga nakopagmisa:

A lalahanin mo rin ang mga kapatid


naming nahimlay nang may pag-asang
sila’y muling mabubuhay gayun din ang
lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa
iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng
Maria na Ina ng Diyos
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng
mga banal na namuhay dito sa daigdig
nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang
nawa naming ang pagpupuri sa ikararangal mo
26 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis ng kapwa niya itataas habang
kanyang ipinahahayag:

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA AT SAKANYA ANG
LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI
AY SA IYO, DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN, KASAMA
NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na
mga kamay.

S a tagubilin ng mga nakagagaling


na utos at turo ni Hesus na Panginoon
natin at Diyos ipahayag nating nang
lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
27 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Mapasaamin ang kaharian mo.


Sundin ang loob mo dito sa
lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming
mga sala para nang pagpapatawad
naming sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng par isa pagdarasal:

H inihiling naming
kami'y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan
araw-araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinanabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagka’t iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang
kapurihan magpakailanman!
Amen.
28 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang
ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang
aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo


magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa
pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng
kapayapaan. Ang pari at mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
29 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawal niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

S a pagsasawak na ito ng Katawan


sa Dugo ng aming Panginoong
Hesukristo tanggapin nawa namin sa
pakikinabang ang buhay na
walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang paluhog na
ito:

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng


mga kasalanan ng sanlibutan
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng


mga kasalanan ng sanlibutan
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng


mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-uit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit
saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”
30 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Magkadaop ang mga kamay ng par isa pabulong na pagdarasal:

P anginoong Hesukristo,
Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng
Espiritu Santo, binuhay mo sa
iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na
Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang
aking kasalanan at lahat ng
masama, gawin mong ako’y
makasunod lag isa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay s aiyo kailanman.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

I to ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan
sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat


na magpatuloy s aiyo, ngunit sa isang
salita mo lamang at gagaling na ako.
31 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na


nagdarasal:

I pagsanggalang nawa ako ng Katawan ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

I pagsanggalang nawa ako ng Dugo ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Samantalang nakikinabang ang tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa pakikinabang.
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na
huhugasan ng tagapagdiwang o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng
tagapagdiwang, pabulong siyang magdarasal:

A ma naming mapagmahal,
ang aming tinanggap ngayon
ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay
32 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

magdulot nawa sa amin ng


kagalingan pangmagpakailanman.
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o
makaawit ng papuri o salmo.
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin ng saglit.

P anginoong Hesukristo,
hinihiling naming kami’y gawin mong
makasalo nang lubusan sa bunga
ng banal na pakikinabang sa iyong
buhay na idinudulot sa piging ng
paghahain ng iyong Katawa’t
Dugong banal kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
33 | MISA SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod, kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maikling patalastas na sasabihin sa mga
tao.
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ang mga kamay sa mga tao ay
magpapahaya:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang


Diyos, Ama, at Anak  at Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa
sambayanan:

Taglayin niyo sa inyong pag-alis


ang kapayapaan ni Kristo.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.
Kakantahin ang Pangwakas na Awit.
Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos
makapagbigayan pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.

You might also like