You are on page 1of 1

3rd Quarter Economics Reviewer

Macroeconomics - nakatuon sa kabuuang ekonomiya ng bansa


Unang Modelo ng Ekonomiya – ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa.
Ikalawang Modelo ng Ekonomiya - Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito.
Ikatlong Modelo ng Ekonomiya - Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor-ang sambahayan at bahay-kalakal.
Ikaapat na Modelo ng Ekonomiya - Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
Ikalimang Modelo ng Ekonomiya - May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng
produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.
Gross National Income - (GNI) na dating tinatawag ding Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
Gross Domestic Product - sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng
isang isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
Sahod ng mga manggagawa - sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan
Net Operating Surplus - tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinapatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo
Depresasyon - pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon.
Statistical Discrepancy - ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang.
Gastusing Personal - napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng
buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito.
Gastusin ng mga namumuhunan - kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa
produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa.
Gastusin ng pamahalaan - kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng ng mga proyektong panlipunan at iba pang
gastusin.
Gastusin ng panlabas na sector - makukuha ito kung ibabawas ang iniluwas o export sa inaangkat o import.

Statistical Discrepancy- ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap
sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.
Net Factor Income from Abroad - tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa
ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.
Implasyon - ito ay ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal(goods) at mga serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng
periodo ng panahon.
Expansionary fiscal policy. Isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na pambansang ekonomiya
Contractionary fiscal policy. Ang paraang ito ay ipinapatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa
ekonomiya
Buwis - salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo

Commercial Banks
Ito ang malalaking bangko. Dala ng kanilang malaking kapital, ang
commercial banks ay pinapayagang makapagbukas ng mga
sangay saan mang panig ng kapuluan
Thrift Banks
Mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit
na negosyante.
Rural Banks
Ang rural banks o mga bangko na kalimitan ay natatagpuan sa
mga lalawigang malayo sa kalakhang Maynila ay tumutulong sa
mga magsasaka, maliliit na negosyante

Specialized Government Banks


Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.
Land Bank of the Philippines (LBP) Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 3844 na sinusugan ng Republic Act No. 7907, layunin ng LBP
ang magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan. Tinutulungan din nito ang iba pang negosyante sa kanilang pangangailangan sa
puhunan.
Development Bank of the Philippines (DBP) - Prayoridad ng DBP ang mga small and medium scale industry. Malaking bahagi ng pondo ng
pamahalaan ang nakadeposito sa bangkong ito.
Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al- Amanah) - Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848, layunin ng bangkong ito na
tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Kooperatiba. - Ang kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.
Pawnshop o Bahay-Sanglaan - Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit
sa mga bangko
Pension Funds
Government Service Insurance System (GSIS) - Ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro (life insurance) sa mga kawaning nagtatrabaho sa
mga ahensiya ng gobyerno
Social Security System (SSS) - Ang SSS ay ang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya
Pag-IBIG Fund - Ang Pag-IBIG Fund ay itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa
pabahay.
Registered Companies Ang mga rehistradong kompanya (registered companies) ay yaong mga kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa
Panagot at Palitan (Securities and Exchange Commisssion o SEC)
Pre-Need Ang Pre-Need Companies ay mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na
mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng preneed o pre-need plans.
Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)
Ang insurance companies ay mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro

You might also like