You are on page 1of 3

Lindsay Louwallen

9- DIAMOND
ESP
REACTION PAPER

Ito ang kwento nina Farhan, Raju at Rancho na mga estudyante na nag aaral ng
engineering sa Imperial College of Engineering, ito pinakamahusay at
nangingibabaw na kolehiyo sa India. Nais ni Farhan na maging isang wildlife
photographer, ngunit pinili niya ang engineering degree upang matupad ang hiling
ng kanyang ama, samantalang si Raju ay nag aaral nito para sa pinansyal na
kadahilanan at si Rancho ay nag-aaral dahil ito ay kanyang pangarap at isa sa
kasiyahan sa paggawa ng mga makina. Si Rancho ay kakaiba dahil malikhain at hindi
karaniwan ang kanyang mga paniniwala at sinabi, dahil dito ay nakabangayan niya si
Propesor Viru Sahastrabuddhe a.k.a. 'Virus' (Boman Irani). Si Rancho ang rason
kung bakit laging high blood si Virus dahil sa mga pang iinsulto at pangbabastos na
ginagawa niya. Naguusap ang mga magkakaibigan tungkol sa kanilang tunay na
gustong gawin at mga kahinaan, dito napag usapan ang nararamdaman ni Rancho
Kay Pia (anak ni Propesor Viru) kaya't pinagpustahan nila na kapag umamin si
Rancho ay haharapin din nila Farhan at Raju Ang kanilang kahinaan si Farhan ay
aamin sa kaniyang ama na ayaw niya ng engineering at yayakapin na niya ang
photography at si Raju ay itatapon niya ang mga singsing na nagrerepresenta ng
takot. Pumasok ang tatlong magkakaibigan sa bahay ni Virus para sa pag amin ni
Rancho ng kanyang nararamdaman kay Pia habang nag uusap Ang dalawa. Ang
dalawang kaibigan ni Rancho ay inihian ang harap ng pinto ng bahay (lagayan ng
mga sulat) kung saan nakalagay ang pangalan ng propesor. Dahil sa mga
pinaggagawa nila nung gabing iyon, nagbanta si Virus na paalisin si Raju ngunit
binigyan niya ito Ng pagpipilian. Dahil maraming nakasalalay dito kaya't
naguguluhan si Raju kung ano ang pipiliin niya sa pagitan ng pagtataksil sa kanyang
kaibigan (pagtulong sa director nila o Kay propersor Viru) o pagkaka dismaya ng
kanyang pamilya. Dahil sa pressure ay pinagtangkaan niyang kuhanin ang sariling
Buhay, dahil sa pangyayaring ito ay binawi ng propesor ang kanyang expulsion.
Nagkaroon ng trabaho si Raju at pumayag na ang tatay ni Farhan na mag
photographer siya. Ngunit gusto gumanti ni Propesor Viru kaya't plano niyang
ibagsak si Raju sa pagsusulit para hindi niya makuha ang trabaho. Si Pia, bilang
tugon, ay nagsabi kay Rancho ng pagsusulit, at ninakaw nila ni Farhan ang mga
tanong ng pagsusulit para kay Raju na tumangging mandaya. Hinahatulan sila ng
virus ng pagpapatalsik; ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ang nakatatandang
anak na babae ni Viru na si Mona (Mona Singh) ay sabay na manganganak. Isang
malakas na bagyo ang pumutol ng kuryente, at inutusan ni Pia si Rancho na ihatid
ang sanggol sa college common room sa pamamagitan ng Voice over IP, pagkatapos
na maibalik ni Rancho ang kuryente gamit ang mga baterya ng kotse at isang power
inverter na naimbento ni Rancho ito ay ginagamit nila para gumawa ng suction
upang makuha ang bata dahil sobrang nanghihina na ang nanganganak. Pagkayari ng
kalbaryo sa kakulangan ng gamit at kaalaman sa pagpapaanak ay nailabas ang
sanggol ay tila patay na isilang, Rancho resuscitates ito; kung kaya't pinapayagan sila
ng Virus na kumuha at makapasa sa kanilang mga huling pagsusulit. Nauna si
Rancho at iginawad ang premyo ng panulat ng Virus, na nanatili hanggang ngayon
para sa isang partikular na may kakayahang mag-aaral. nawala si rancho pagkatapos
ng kanilang graduation. Sina Farhan at Raju ay tumakbo upang mahanap si Rancho,
sa kanyang huling kilalang address - hindi alam ang lihim na itinatago mula sa kanila
sa lahat ng oras na ito.

Sa pelikulang ito mapupulot ang mahahalagang paniniwala patungo sa pangarap, pag


aaral at pagtatagumpay. Naibahagi sa pelikula na ito na lahat ng problema sa na
dumating sa ating buhay ay masosolusyunan at hindi katapusan ng buhay ang sa
isang pagkakamali na nagawa sa loob ng paaralan. Hindi dahil nakakuha tayo ng
isang rejection ay wala na tayong pag-asa sa buhay dahil mas maganda ang buhay sa
labas ng paaralan. Maraming mga hindi inaasahang darating na oportunidad para sa
atin. Ang buhay mag aaral ay isang lamang stage ng buhay natin marami pa ang
mararanasan natin na pinlano ng diyos kaya't nararapat na alam natin tanggapin ang
pagkakamali natin at mga rejections naibibigay sa atin. Kailangan aralin ng isang tao
ang pagtanggap at pag unawa sa ganitong bagay. Hindi ang pirasong papel o
certificate ang magdidikta ng ating kinabukasan dahil ang mga makikita o natutunan
natin kagaya ng mga skills ang ginagamit para magtagumpay. Ang talento at skills ay
isang paraan upang nakakuha ng trabaho at hindi lang ang degree. Pinakita rin na
ang Hindi naman talaga natututo ang mga estudyante kapag pinepressure sila dahil
hindi niya tunay na natutunan ang tinuturo dahil iba ang kanilang goal. Pinakita ang
bunga ng pagprepressure sa mga estudyante at ito ay suicide. Dahil sa taas ng
expekatsyon ng mga magulang sa India halos kada 90 minutes ay may
nagpapakamatay. Base sa mga ginawa ng ating Bida na si Rancho, ipinahayag niya na
ang pagkakaroon ng passion at pagmamahal sa ginagawa ay mahalaga dahil kapag
mayroon nito sa mga ginagawa ay ang bigla na lang papasok ang mga oportunidad.
Kay Raju Naman Nakita na kahit na mababa ang grading kanyang nakuha ay siya pa
rin ay nakakuha ng trabaho at naging successful kahit na sobrang baba ng tingin sa
kanila noon. Ito rin ay pwedeng magbigay ng realization sa mga magulang na wag
ipilit ang mga kurso na hindi gusto ng kanilang mga anak dahil sila lang rin ang
mahihirapan.

You might also like