You are on page 1of 3

EWAN PA

Sapagkat kung kasalanan ang makalimot sa dahilan ng ating kalayaan;


Marahil maraming Pilipino ang lulusak at iiyak ng kapatawaran.

Sa daing sa inhustisya’t tiranya, marami sa’ting mga ninuno ang dumanak ang dugo.
Silang bayaning pinakawalan ang Pilipinas sa kamay ng mga berdugo.
Ngunit tila ang kasaysayan ay pinipiit la’ng natin sa mga libro;
Sapagkat sa mga nangyayari ngayon, tila hindi pa nga natututo ang mga Pilipino.

Sapagkat ang ibong minsan nang pinalipad at pinalaya;


Ay muling ikinukulong at patuloy na kinukutya.
Sapagkat ang ibong minsang nang umawit sa galak;
Ay muling hinuhuli at binabalian ng pakpak.
Sapagkat ang ibong minsang nang nagpatalsik sa mga pasista;
Ay muling pinapatahimik ng mga sugapa’t mananamantala.

Marahil tayo nga ay nakalimot na,


Ngunit hindi na dapat tayo makalilimot pa.
---

RALIYISTA
Sa Pilipinas, ang ibig sabihin ng demokrasya ay pagtabuyan ang mga raliyista;
Sa Pilipinas, tinuturing na terorista ang mga nagsusumigaw na mga aktibista.
Binabato, iginagapos, at ipinipiit iyong mga pinaglalaban ang kanilang hiraya;
Pahimakas na tinik ang mga raliyista sa lalamunan ng mga sugapang kongresista.
---
MAMAMAHAYAG
Ang paglathala raw ng katotohanan ay pagkitil sa imaheng inaalagaan,
Bagkus ay niyayanig ang mga mata at tenga ng mamamayan.
Salita at sulat ang tanging sandata;
Ngunit pagtukoy bilang pula ang nagiging parusa,
Payapang buhay para sa mga mamamahayag, kailan nga ba?
---

HISTORIAN
Bagama’t malakas ang hiyaw tungo sa malayang pamamahayag;
Hindi dapat ito inaabuso’t sapagkat kasaysaya’y hindi bagbag.
Iparinig ang lakas ng konkretong impormasyon at katotohanan;
At busalan ang bibig ng mga nambabaluktot sa kasaysayan.
---

ORDINARYONG MAMAMAYAN
Ang laya na isasatinig ang laman ng ating mga dibdib,
Dinidikta at kontrolado ng mga walang kasing bilib.
Dito sa ating bansa, ordinary ka lang na tao,
Wala kang karapatang maging obhetibo’t wasto.
Kalayaan, katotohanan, karapatan… tila ba nakapapanibugho.
---

Kung sa bawat buka ng bibig ay bala ang matatanggap;


Marahil hindi na makalilipad pa tungo sa alapaap.
Malaya lamang ang kalayaan kung tayo’y makapagpapahayag nang walang alinlangan;
Sapagkat ika nga nila, “Walang matigas na pamahalaan, sa mga nagnanangis na mamamayan”.
---

CONCLUSION (ONE-LINER)
- Hindi na hahayaan pang piringin ang matang minsan nang dumilat.
- Hindi na hahayaan pang busalan ang bibig na minsan nang sumigaw.
- Hindi na hahayaan pang tanikalain ang mga kamay na minsan nang tumindig.
- Muling iparirinig ang tinig ng bayang hindi na muling palulupig.
- Gigisingin ng mga sigaw ang mahimbing na tulog ng mga nakapikit.

You might also like