You are on page 1of 2

FILIPINO 10

Week 2
Aralin 21: Anekdota 4th Quarter

Kasanayang Panggramatika
Ang Anekdota ay maikling kuwentong tumatalakay sa hindi
karaniwang pangyayari sa buhay ng isang kilalang personalidad. Ang nais ng
akdang ito ay maibahagi sa mambabasa ang katangian ng pangunahing
tauhan, Mailahad ang magandang ginawa ng tauhan sa kanilang tunay na
buhay na siya namang kapupulutan ng aral ng mga bumabasa.

Mga katangian ng anekdota:

a. Ang anekdota ay kailangan mayroong isang paksang tinatalakay.


Ang mga pangyayari ay kailangang bigyan ng kahulugan sa ideyang
nais na iparating.
b. Ang anekdota ay hindi dapat mag-iawan ng pag-aalinlangan kundi
maibigay ang tuwirang nais na ipahiwatog para sa mga mambabasa.
Kailangan direkta ang pagtatapos at hindi na mag-iisip ng susunod
pang mangyayari.
c. Ang anekdota ay itinuturing na isang malikhaing akda na
nagpapanatili ng interes ng mga mambabasa. Kailangan maging
kapana-panabik ang panimulang pangungusao at magaganyak na
ipagpatuloy ang pagbasa ng akda

Pagpapalalim ng Talakayan
Ang Pakikipagtunggali ng Batang Aurangzib sa Elepante
(Anekdota Mula sa Persia)

Noong ang Emperador Shah Jahan ay nasa Lahor, malimit siyang


manood ng labanan ng mga elepante sa hardin ng Shalamar. Minsan pa
nga’y pinasalubungan siya ng gobernador ng Bengal ng apatnapung
panlabang elepante. Habang nakaupo sa balkonahe ang Emperador,
lulan ng kani-kanilang mga kabayo ang apat na prinsipeng anak niya na

Sanggunian: https://www.slideshare.net/PrinceCzarNBantilan/anekdota-lessonpptx
nanonood ng paligsahan. Isang
elepante ang biglang umiwas sa
katunggali at tumakbo palapit sa
mga prinsipe. Tatlo sa anak ng
emperador ang nagpulasan
kaliwa’t kanan. Tanging si
Muhammad Aurangzib, na labing-
apat na taon lamang noon, ang
matikas na nakatayo, hindi
gumagalaw kahit kaunti. Dinaanan
lamang siya ng tumatakbong elepante. Hinabol ito ng prinsipe ng sibat na
tangan-tangan. Bumuga ang elepante na ikinatumba ng kaniyang
kabayo. Nakatalon si Aurangzib. Kinuha niyang muli ang sibat upang
asintahin sa ulo ang elepante. Sa puntong iyon, dumating na ang mga
utusan at ang emperador na labis na nag-aalala ay bumaba mula sa
balkonahe. Lumapit dahan-dahan si Aurangzib sa kaniyang kamahalan. Si
Itimad Khan, ang nazir, na dumating – na dahil sa kaniyang pagiging
matandang alipin na mula sa kaharian ni Asaf Khan, ng lolo sa tuhod sa
panig ng ina ng prinsipe ay napahiyaw, “Nakukuha mong maglakad nang
marahan gayong nag-aalala ang Emperador!” Tumugon ang prinsipe sa
mahinahong tono, “Kung ang elepante ay narito, marahil, maglalakad
ako nang matulin. Subalit, ngayon, wala nang dahilan upang mag-alala.”
Nang marating ni Aurangzib ang ama, naghandog ang huli ng isang lakh
ng rupee at nagwika, “Anak ko, salamat sa Diyos at hindi ka napapaano!
Kung (sana’y di ipahintulot ng Diyos ) na iba ang kahinatnan, O, kay laking
kahihiyan!’’ Nag-salaam si Arangzib at nagsabing,``kung iba ang
kinahinatnan, walang kahiya-hiya roon. Ang kahiya-hiya ay ang inasal ng
aking mga kapatid.”

Sanggunian: https://www.slideshare.net/PrinceCzarNBantilan/anekdota-lessonpptx

You might also like