You are on page 1of 13

Anekdota

Ay isang maiksing pagsasalaysay ng


kakaiba ,nakatutuwa , o di –malilimutang
karanasan na nangyari kamakailan o mula
sa nakaraan ukol sa isang kilala o
importanteng tao.
Ang Pakikipagtunggali ng Batang
Aurangzib sa Elepante
Salin ni Doyle Camba
Noong ang Emperador Shah Jahan ay
nasa Lahor,malimit siyang manood ng
labanan ng mga elepante sa hardin ng
Shalamar . Minsan pa ngan’y
pinasalubungan siya ng gobernador ng
Bengal ng apatnapung panalaban na
elepante.Habang nakaupo sa balkonahe ang
emperador,lulan ng kanil-kanilang mga
kabayo ang apat na prinsepeng mga anak
kapwa nanonood ng paligsahan.
Isang elepante ang biglang umiwas sa
kanayang pakikipagtunggali at tumakbo
palapit sa prinsipe.Tatlo sa anak ng
Emperador ang nagsipulasan kaliwa’t kanan
.Tanging si Muhammad Aurangzib ,na
labing –apat na gulang lamang noon,ang
matikas na nakatayo,hindi gumagalaw kahit
kaunti .Dinaanan lamang siya ng
tumatakbong elepante.
Hinabol ito ng prinsipe ng sibat na tangan-
tangan.Bumuga ang elepante na ikinatumba ng
kanyang kabayo.Nakatalon si Aurangzib .Kinuha
niyang muli ang sibat upang asintahin sa ulo ang
elepante .Sa puntong iyon ,dumating na ang mga
utusan at ang emperador na labis na nag-aalala ay
bumaba mula sa balkonahe .Lumapit dahan-dahan
si Aurangzib sa kanyang kamahalaan.
Si Itimad khan ang nazir na dumating na
dahil sa kanayang pagiging matandang alipin na
mula pa sa kaharian ni Asaf Khan ,ng lolo sa tuhod
sa panig ng ina ng prinsipe ay
napahiyaw.”nakukuha mong maglakad nang
marahan gayong nag-alala ang
Emperador!”.Tumugon ang prinsipe sa mahinahon
na tono “Kung ang elepante ay narito ,marahil
,maglalakad ako nang matulin.Subalit ngayon wala
ng dahilan upang mag-alala.
Nang marating ni Aurangzib ang ama
naghandog ng isang lakh ng rupee at nagwika,”Anak
ko ,salamat sa Diyos na hindi ka napapa’no! Kung
(sanay di ipinahintulot ng Diyos) na iba ang
kinahinatnan ,O,kay laking kahihiyan “Nag-salaam si
Aurangzib at nagsabing,”Kung iba ang kinahinatnan
,walang kahiya-hya roon.Ang kahiya-hiya ay ang
inasal ng aking mga kapatid
Pangkatang Gawain :

Panuto:
Hatiin ang klase sa Lima.Pumili ng
paboritong eksena ng anekdota ng
Batang Aurangzib “Bumuo ng apat na
kahong komik strip
Idibidwal na Gawain
Panuto : Sagutin ang mga sumusunod :
1.Saan ang tagpuan ng Anekdota ?
2. Magbigay ng tatlong katangian ni batang
Aurangzib?
Ano ang ginawa ng batang Aurangzib sa
Elepante ?Bakit niya ginawa iyon ?
3. Ano ang naging kilos ng mga
nakatatandang kapatid ni Aurangzib sa
elepante?
4. Ano ang ibig sabihin ng :
a. Pahayag ng Ama” Anak ko
,salamat sa Diyos na hindi ka
napapa’no! Kung (sanay di
ipinahintulot ng Diyos) na iba ang
kinahinatnan ,O,kay laking
kahihiyan”
b.Pahayag ni Aurangzib “Kung
iba ang kinahinatnan ,walang kahiya-
hya roon.Ang kahiya-hiya ay ang
inasal ng aking mga kapatid
Takdang Aralin
Panuto: Basahin ang anekdota mula sa Persia
na pinamagatang “Ang Pakikipagtunggali ng
batang Aurangzib sa Elepante” Gamitiing
Gabay ang link: The Young Aurangzib Fights
with an Elephant –
http://persian.packhum.org/persian/pf?file=0
3002030&ct=11.
SALAMAT

You might also like