You are on page 1of 17

ANEKDOTA

Ang anekdota ay isang


maikling salaysay na karaniwang
naglalarawan ng panlahat na
katotohanan o panuntunan o
kaya’y isang makatawag-pansing
katangian ng isang tao.
Dapat na maging payak ang
pagpapahayag dahilan sa naglalayong
manlibang sa pamamagitan ng pagbibigay
ng di-karaniwang pangyayari, ng matapat
at mapalagay na pagtingin sa isang
kilalang tao o pangyayaring nakawiwili at
tipikal sa isang lahi o relihiyon o pangkat
ng mga tao
Anekdotang hango sa tunay

Ang anekdotang hango sa tunay na


buhay ng isang tao ay nagbibigay sa mga
mambabasa ng pagkakataong lalong
makilala ang pansariling buhay ng taong
iyon sapagkat ang mga pangyayari’y
naglalarawan sa katauhan nito.
Anekdotang hindi hango sa tunay na buhay

Ang anekdotang hindi hango


sa tunay na buhay ay madalas
na katatawanan ngunit
madalas din na may
mahalagang tinutukoy
GAWAIN 5: Hayop AKO!
Ang mga hayop katulad ng elepante,
kamelyo, at iba pa ay ilan sa mga hayop
na may mahalagang bahagi ng
kasaysayan ng mga bansa. Karamihan sa
mga hayop ang nagiging sagisag ng
bansa sapagkat nagiging kasa-kasama
ito sa hanapbuhay, pangunahing
transportasyon noon, kaya’t lubos na
pinahahalagahan ito ng mga
mamamayan.
Gumuhit ng hayop na sasagisag
sa iyong pagkatao. Ipaliwanag.
ANEKDOTA: Ang Batang si
Aurangzeb nang Lumaban sa
Elepante
salin mula sa wikang Persian
Si Aurangzeb (1618-1707) ang ikaanim na
Mogul ng India at ang pinakahuling
“Magaling na Mogul”. Ipinanganak siya
noong Okt. 24, 1618 sa Dohad at pangatlo
sa anak na lalaki ni Emperador Shah Jahan.
Sa edad na labingwalo si Aurangzeb, ay
naging viceroy ng Decca. Noong 1645
naging gobernador siya ng Gujarat.
ANG BATANG SI AURANGZEB NANG
LUMABAN SA ELEPANTE

Nang si Emperador Shah Jahan ay


nanatili sa Lahor, madalas siyang
makakita ng kombat ng mga
elepante sa hardin ng Shalamar.
Minsan, ang gobernadora ng
Bengal ay nagpadala ng
apatnapung kahanga-hangang
pandigma sa mga elepante.
Naupo ang emperador sa
balkonahe habang ang kanyang
apat na anak na prinsipe ay
natatanaw niyang nangangabayo.
Isang elepante ang nakawala sa
kanyang kalaban at nakatakbo
papunta sa mga prinsipe.
Ang tatlong prinsipe ay mabilis na kumanan at
umalis na. Tanging si Muhammed Aurangzeb,
na noon ay labing-apat na taong gulang pa
lamang ang nanatiling nakatayo at walang
kagalaw-galaw. Ang tumatakbong elepante ay
dumaan sa kanya. Inundayan niya ng sibat na
hawak niya sa kanyang kamay. Ang malakas na
atungal ng elepante ay nakasugat sa kabayo
nang masuwag ito ng sungay ng elepante.
Lumundag ang prinsipe at hinagilap
ang sibat upang asintahin ang
anggulo ng elepante. Sa ganitong
pagkakataon, nagmamadali ang
mga tagapagsilbi na dumaluhong
upang tulungan ang panginoon at
ang Emperador ay nag-aalalang
bumaba sa balkonahe. Dahan-
dahang pumunta si Aurangzeb sa
kamahalan.
Si Itimid Khan, ang nazir na lumalapit bilang
pinakamatandang tagapaglingkod, naglilingkod
na siya mula pa sa angkang Asaf Khan-ina ng
kanyang ama, habang umiiyak ay nagsabi na
“Umalis ka nang malumanay samantalang ang
iyong ama ay nagdudumali sa matinding pag-
aalala. Sumagot ang prinsipe sa mababang
tinig, “Kung ang elepante ay naririto,
maglalakad ako nang napakabilis. Pero ngayon
wala nang dahilan para magmadali ako.
Nang malapitan ni Aurangzeb ang ama,
ibinigay ng Emperador ang isang lakh ng
rupee bilang handog sa paghingi ng pabor
(nisar) sa prinsipe at sinabing, “Anak ko,
salamat sa Panginoon at natapos nang
maayos! Kung (Huwag namang itulot ng
Diyos!) naiba ang nangyari noon,
napakalaking kahihiyan kung nagkataon.”
Yumukod si Aurangzeb
at sumagot, “Kung
natapos iyon nang
kabigtaran man walang
kahihiyang naganap.
Ang kahihiyan ay
nangyari sa ginawa ng
aking mga kapatid.”
Anong aral
ang
mapupulot sa
kuwento?
GAWAIN 6: Aurangzeb
I. Sagutin ang mga sumusunod.
1. Ilarawan ang mga tauhan sa anekdota batay sa pangyayari.
- Aurangzeb, -Emperador Shah Jahan, -Itimid Khan, -Tatlong kapatid
2. Bakit labis na nag-aalala ang Emperador? Makatwiran ba ang sinabi niya
sa anak? Ipaliwanag.
3. Ano ang ginawa ng batang Aurangzeb nang lusubin siya ng elepante?
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Aurangzeb, gagawin mo rin ba ang
ginawa niya? Bakit?
5. Ibigay ang mga hinihinging impormasyon buhat sa binasang anekdota.
- Paksa
- Tagpuan
- Aral
II. Kung ikaw ang sumulat ng anekdota, paano mo ito bibigyan ng wakas?
Ilahad ito sa paraang pakwento.

You might also like