You are on page 1of 7

DAY 3

QUARTER 3 GRADE 10
HANAPIN MO AKO! Mula sa talaan ng mga letra sa ibaba. Humanap ng
anim na katangian ng isang mahusay at epektibong pinuno. Bilugan ang
mga salitang ito.
Mula sa mga Anekdota ni Saadi

Persia

ni Idries Shah

Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles


Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.
Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-
iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman
na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang
nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga
tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo
ang Mongheng Mohametano habang dumadaan
siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng
balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop,
hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang
loob.”

Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika


“Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng buong
mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya
binigyan ng kaukulang paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan
mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang
para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang
magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang
hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang
nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan
para paglingkuran ang Sultan.”
THE END

You might also like