You are on page 1of 1

Third Quarter: Week 1

Pangalan:_____________________________________________ Baitang/Seksyon:______________________

Mula sa mga Anekdota ni Saadi


Persia
ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.


Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na
namamaybay sa kaniyang ruta, na kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na
hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at
nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya nghayop, hindi siya nagtataglay ng
paggalang at kababaang loob.” Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano!
Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin
ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan
ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa iyong pagkaunawa sa aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Paano naiiba ang Anekdota sa ibang akdang pampanitikan?
2. Nasasalamin ba sa anekdota ang paniniwala at pananaw ng may-akda? Bakit?
3. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataong makapagsulat ng isang anekdota, ano ang magiging paksa mo at
paano mo ito gagawing kawili-wili sa mga mambabasa?

You might also like