You are on page 1of 30

Prinsipe

Bantugan
Epiko Mula sa Drangan ng Maranao
• Makikibahagi ka sa pagtatanghal ng informance
batay sa sumusunod na pamantayan:
a. Nagtatampok sa isa sa mga itinuturing na
bayani sa kasalukuyang panahon tung ng OFWs
b. Orihinalidad
c. May angkop na kasuotan
d. Dating sa manonood
• Ang mga superhero ay binuhay at natanyag na
mga tauhang nagtataglay ng pambihirang
kapangyarihan.
• Mula ang mga ito sa komiks, pelikula, o ibang
pang babasahin at panoorin.
• Sila ang mga tauhang may kakaibang lakas,
katalinuhan, at superpowers gaya ng paglipad,
pagiging invisible, pagiging immortal o walang
kamatayan at iba pang kakayahan.
• Sa simula ang mga superhero na ito ay mga
pangkaraniwang tao lamang ngunit dahil sa
kabutihan ng kanilang puso ay napagkakalooban
sila ng natatanging kapangyarihan upang
maipagtanggol ang mga naaapi.
Epiko
• Ito ay isang akdang
pampanitikan na nagmula sa
iba’t ibang pangkat etiniko,
rehiyon, o lalawigan ng bansa.
• Isa itong uri ng panitikang
pasalin-dila.
Epiko
• Isa sa pinakalitaw na
katangian ng epiko ay ang
pagkakaroon nito ng mga
pangyayaring di kapani-
paniwala o puno ng
kababalaghan.
Epiko
• Ito ay ginagamit ng ating mga
ninuno upang maipakita ang
kanilang mga pagpapahalaga,
tradisyon, paniniwala, mithiin, at
layunin sa buhay.
• Bagamat ito’y pasalaysay ito’y isang
tula na inaawit o binibigkas ng
pakanta.
Epiko
• Mahirap ng tukuyin kung alin sa mga
epiko ang pinakamatanda sapagkat
ang pagkakasalin sa Espanyol o
Ingles nito ay hindi pa nalalaman.
• Ang panahon kung kelan nilikha ito
ay masasalamin lamang sa mga
pangyayaring isinasalaysay ng epiko.
DARANGAN
Ang Darangan ng mga Muslim ay isang
tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng
mga taga-Mindanao, mga gawaing kahanga-
hanga at di-sukat mapaniwalaang
kabayanihan at kagitingan ng mga
mandirigmang Muslim. Maituturing itong
pinakamahabang epiko sa Pilipinas.
Binubuo ito ng apat na Bolyum na
naglalaman ng labintatlong awit o epiko na
kapupulutan ng katutubing pananawng mga
Muslim.
PRINSIPE
BANTUGAN
Ikatlong Salaysay Ng Darangan
1. Sino si Prinsepe Bantugan? Ano ang kanyang mga
katangian?
2. Bakit nagalit si Haring Madali kay Prinsepe
Bantugan? Ipaliwanag ang sagot.
3. Ano ang naging bunga ng pangingibang-bayan ni
Prinsepe Bantugan? Isalaysay ang mga pangyayari.
4. Ano ang ginawa ni Haring Madali nang malaman
niyang namatay si Prinsepe Bantugan?
5. Kung ikaw si Prinsepe Bantugan, ano ang iyong
mararamdaman sa naging reaksiyon ni Haring
Madali sa paghanga ng mga tao sa iyo?
6. Anong katangian ni Haring Madali ang nais
mong tularan?
7. Ano ang iyong damdamin sa ginawang
pagsasakripisyo ni Haring Madali para maibalik ang
buhay ng kaniyang kapatid?
SANHI AT BUNGA
PAGSASANAY 1: Ano ang naging sanhi at bunga ng mga pangyayari
mula sa binasang epiko? Sagutin sa inyong sagutang papel gamit ang
kasunod na talahanayan.

PANGYAYARI:
- Ipinaubaya ni Prinsepe Bantugan ang trono sa kaniyang kapatid na si
Prinsepe Madali.
- Ipinagbawal ni Haring Madali ang paglapit kay Prinsepe Bantugan.
- Umalis si Prinsepe Bantugan sa kaharian ng Bumbaran.
- Binawi ni Haring Madali ang kaluluwa ng kaniyang kapatid mula sa
langit.
- Pinakasalan ni Prinsepe Bantugan ang lahat ng kaniyang kasintahan.
ALAM MO BA…
Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na
maaaring humantong sa isang bunga?
Halimbawa nakuha mo ang pinakamataas na
grado sa pagsusulit dahil nag-aral ka ng
Mabuti.
Bakit mahigpit na tinututulan ng
mamamayan ang pagpapatayo ng pabrika sa
kanilang lugar?
Ano ang naging pasiya ng kapitan sa kanilang
suliranin? Ipaliwanag.
Ano ang mga bagay na isinaalang-alang ng
kapitan sa kaniyang ginawang pasiya?
SURIIN ANG MGA SINALUNGGUHITANG
MGA SALITA
Ano ang naging gamit ng mga salita at
pahayag na sinalungguhitan sa
pangungusap?
Paano nakatutulong ang mga ito sa pagtukoy
ng sanhi at bunga ng mga pangyayari?
SANHI – ay nagpapahayag ng dahilan ng
isang pangyayari.
Ginagamit dito: sapagkat/pagkat, dahil/dahil
sa, kasi
Hal.
1. Maaaring masira ang kalikasan dahil sa
ipapatayong pabrika.
BUNGA – ang kinalabasan at resulta ng isang
pangyayari o pagpapasiya.
Ginagamit dito: Kaya/kaya naman, bunga,
kaya, at tuloy, upang, para, dulot.
Halimbawa:
1. Maitim ang usok na ibinubuga ng pabrika
bunga nito dumurumi ang hanging ating
nalalanghap.
Sa Komunikasyon, madalas tayong
nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga.
Layunin nitong maipakita na kaya naganap
ang isang pangyayari ay may dahilang nauna
pa kaysa rito. Sa gawaing ito, kailangan nating
pag-aralan ng Mabuti ang mga pangyayari.
Sagutin ang Pagsasanay 2.
Gawin ito sa inyong Big
Notebook
Ang informance ay mula sa salitang
information at Performance. Isang uri ito ng
dulang pagtatanghal na nagbibigay ng
impormasyon na ang tauhan ay may angkop
na kasuotan ngunit matimpi ang kilos at
karaniwang walang tagpuan.
Tampok sa informance ang pagbabahagi ng
malinaw na impormasyon sa pamamagitan ng
pagtatanghal.
Maikling oras lamang inilalaan sa
pagtatanghal na may halong sayaw, awit,
kilos at tulaang tugma upang madaling
matandaan. Ang tauhan sa informance ay
karaniwan lang di kaya ay tauhang
madaling tandan.
Performance Task:

Mahahati ang klase sa limang pangkat,


bawat pangkat ay pipili ng isa lamang na
magiging tauhan sa informance.
Ang ibang kapangkat ay gagawa ng ibang
Gawain.
- Pipili lamang ng limang tauhan na
magtatanghal ng informance. Sila ay
magbibihis ng mga kasuotan ng mga
itinuturing nating bayani sa kasalukuyang
panahon.
- Sila’y magbabahagi ng maikling pagpapakilala
lamang tungkol sa kanilang hanapbuhay o
trabaho at sagutin ang tanong na bakit sila
itinuturing na bayani ng makabagong panahon.
Ang ang mga dapat paghandaan:
Isang programa sa loob lamang ng isang
oras.
Group 1 at 2 – Gagawa ng Program
Group 3 – Paghahanda sa mga Musika at
iba pang gagamitin
Group 4 at 5 – Documentation and
Restoration

You might also like