Professional Documents
Culture Documents
Fili Updated
Fili Updated
ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa, bilang wika ng pananaliksik at wika sa iba’t ibang
larangan. Binigyang-pansin sa pagsulat ng modyul na ito ang paghubog sa makrong kasanayan
sa pagbasa at pagsulat sa wikang Filipino bilang lunsaran ng pananaliksik at paglinang nito sa
iba’t ibang larangan. Makatutulong ang modyul upang mahubog ang kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita sa wikang Filipino para sa pagpapayabong ng
sarili, at ng lipunang kinabibilangan.
Binubuo ang modyul na ito ng anim na yunit.
Ang Yunit 1 ay nauukol sa pag-aaral ng wikang Filipino Bilang Wika at Larangan.
Tinalakay dito ang maikling kasaysayan ng wikang Filipino gayundin ang kanyang pagyabong at
pag-unlad. Binigyang-diin dito ang mahahalagang papel na ginampanan ng wikang Filipino
bilang wika ng bansa at bilang wika sa agham/siyensya, politika, lipunan, matematika, at iba pa.
Ang Yunit 2 ay naglalaman ng mga konsepto tungkol sa paggamit ng Filipino sa
Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan. Tinalakay sa bahaging ito
ang kalagayan ng wikang Filipino sa Humanidades at Agham Panlipunan bilang wikang panturo
at wika ng pananaliksik. Sinilip din ang maikling kasaysayan at mahalagang papel na
ginampanan ng pagsasalin sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng wikang Filipino sa mga
kaugnay na larangan.
Ang Yunit 3 ay nakapokus sa pagtataguyod at pagsusulong ng paggamit ng wikang
Filipino ng mga iskolar na nagtuturo ng Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, Matematika at iba
pang kaugnay na larangan. Pahapyaw rin na tinalakay ang mga gawain tungo sa
intelektwalisasyon ng wikang Filipino at ang ilang proseso, layon at halaga ng pagsasaling
siyentipiko at teknikal para sa mga guro at mag-aaral.
Ang Yunit 4 ay nakatuon sa rebyu ng mga batayang kaalaman sa pananaliksik. Tinalakay
dito ang ilang sa mga batayang kaalaman sa pananaliksik tulad ng pagpili at paglilimita ng paksa,
at pagpili ng datos ng impormasyon. Matutunghayan din dito ang ilang kasanayan sa pagsulat ng
pananaliksik tulad ng pagsulat ng abstrak, pagsulat ng paraphrase at rebyu. Ipinakita din sa
modyul na ito ang kahalagahan ng presentasyon at publikasyon bilang mahalagang bahagi ng
pananaliksik.
Ang Yunit 5 ay nakatuon sa batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o
mula sa lipunang Pilipino. Tinatalakay naman dito ang iba’t ibang teorya ng pananaliksik
panlipunan na makatutulong upang higit na maging malinaw at malalalim ang gagawing
pananaliksik. Binigyang-kahulugan at halimbawa ang mga nabanggit na teorya.
i
Ang Yunit 6 ay nakatuon naman sa mga batayang kaalaman sa metodolohiya sa
pananaliksik. Binigyang-kahulugan ang mga metodolohiya, inisa-isa ang mga hakbang, at
binigyan ng mga halimbawang pananaliksik at mga mungkahing paksa na maaaring subukang
ipagawa sa mga mag-aaral.
Ang bawat yunit ay binubuo ng limang komponeng; ang Panimula, Lunsaran, Nilalaman,
Mga Gawain at Maikling Pagsusulit.
Inilahad sa Panimula ang ilang detalye at impormasyon ukol sa kung ano ang maaaring
mabasa sa loob ng yunit. Sa bahagi ng Mga Layunin, inisa-isa ang mga kasanayan at kaalaman
na inaasahang matatamo ng mga mag-aaral matapos mapagtalakayan ang mga paksa sa bawat
yunit. Samantala, sa bahagi ng Lunsaran, nakasaad ang mga panghimok na gawain tungo sa
mabilis at matiwasay na daloy ng pagkatuto. Makikita naman sa bahagi ng Nilalaman ang
masinsing pagtalakay sa mahahalagang detalye at impormasyon tungkol sa pangunahing paksa
sa bawat yunit. Narito rin ang ilang mungkahing artikulo na maaaring basahin upang higit na
maunawaan ang tinalakay na paksa at upang higit na mahubog ang kasanayan sa pagbasa at
pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa bahagi ng Mga Gawain, matutunghayan ang tatlong mga
gawain na higit na magpapayaman at magpapalalim sa kaalaman ng mga mag-aaral hindi lamang
tungkol sa paksa kundi maging sa mga nagaganap sa kapaligiran. Ito ay may layong higit na
mahasa ang pagiging mapag-obserba ng mga mag-aaral at mahasa ang karunungan sa iskolarling
pagpapahayag. At sa huling bahagi ng bawat yunit, makikita ang maikling pagsusulit upang
masukat at mabatid ang antas ng pagkatoto ng mga mag-aaral sa bawat paksang pinag-aralan.
Inaasahan na sa pagtatapos ng kurso ay magkakaroon ang mga mag-aaral ng mas malalim
pang pag-unawa sa wikang Filipino hindi lamang bilang wikang pambansa, kundi wika ng
pananaliksik at wika ng iba’t ibang larangan.
ii
YUNIT 1 FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN
Panimula
Filipino Bilang Wikang Pambansa 2
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik 4
Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t ibang Larangan 5
Mga Gawain 7
Maikling Pagsusulit 7
YUNIT 2 FILIPINO SA HUMANIDADES, AGHAM PANLIPUNAN
AT IBA PANG KAUGNAY NA LARANGAN
Panimula 9
Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan 10
Filipino Bilang Wika ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Humanidades
at Agham Panlipunan 11
Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino 15
Mga Gawain 20
Maikling Pagsusulit 21
YUNIT 3 FILIPINO SA AGHAM, TEKNOLOHIYA, INHENYERIYA,
MATEMATIKA AT IBA PANG KAUGNAY NA LARANGAN
Panimula 24
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino sa Larangang
Siyentipiko-Teknikal 25
Filipino sa Pagsulat sa Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, at Matematika 28
Proseso, Layon at Halaga ng Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal 30
Mga Gawain 35
Maikling Pagsusulit 36
YUNIT 4 REBYU NG MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK
Panimula 39
Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik 41
Mga Kasanayan sa Pananaliksik 43
Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik 43
Pagpili ng Batis ng Impormasyon 46
Pagbasa at Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at Rebyu 47
Presentasyon ng Pananaliksik 55
Akademikong Publikasyon 55
Mga Gawain 58
Maikling Pagsusulit 58
YUNIT 5 BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA PANANALIKSIK NA
AKMA O MULA SA LIPUNANG PILIPINO
Panimula 60
Mga Diskurso sa Nasyonalismo at Teoryang Dependensiya 62
Marxismo, Feminismo, Mga Tinig Mula sa Ibaba, Pag-aklas/Pagbaklas,
Pagbagtas at Iba pang Kritikal na Diskurso sa Iba’t ibang Isyu 65
Pantayong Pananaw, Pantawang Pananaw, Teorya ng Banga, Sikolohiyang
Pilipino at Bakod/Bukod/Buklod 68
Mga Gawain 77
Maikling Pagsusulit 78
YUNIT 6 BATAYANG KAALAMN AT METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
PANLIPUNAN
Panimula 81
Etnograpiya 84
Pag-oobserba, Pakikipamuhay, Participant Observation o
Nakikiugaling Pagmamasid 85
Kwentong-buhay 87
Pag-iinterbyu, Focus Group Discussion (FGD) a t Pagtatanong-tanong 87
Video Documentation 91
Deskriptibong Pananaliksik 93
Case Study 94
Pagsusuring Tematiko 95
Secondary Data Analysis 95
Pagbuo ng Glosaryo/Pananaliksik na Leksikograpiya 97
Pagsusuri sa Diskurso 97
SWOT Analysis 97
Pagsusuring Etimolohikal 100
Action Research 100
Pagsusuri ng Dokumento 105
Comparative Analysis, Discourse Analysis, Content Analysis 109
Archival Research 112
Policy Review 113
Impact Assessment 113
Pagsasagawa ng Survey Transkripsyon 113
Mga Gawain 114
Maikling Pagsusulit 115
Ang wika ay simbolo ng pagkakakilanlan, ng kultura, ng kalayaan. Napakahalaga ng
papel na ginagampanan nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Ito ang susi ng pagkakaisa
at tagumpay ng isang bayan. Sa mga nakalipas na panahon, wika ang naging sandata upang
pag-isahin ang mga nag-aalab na puso ng mamamayang Pilipino laban sa mga mapang-aping
dayuhan na gustong angkinin ang kariktan at kayamanan nitong ating bayan.
Sa deskripsyon ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang wikang Filipino ay buháy
o matatawag na dinamiko. Dumaan ito sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika. Ang wikang Filipino ay
nagkaroon ng ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at
para sa mga paksa ng talakayan ng iskolarling pagpapahayag.
Sa modyul na isinulat ni Gonzales (n.d.) may apat na facets a ng sistema ng paglinang ng
wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguson (1971). Ang paglinang na ito ay binubuo ng
kodipikasyon, o pagpili ng wika o sistema ng pagsulat na gagamitin, istandardisasyon,
diseminasyon o pagpapalaganap at elaborasyon o pagpapayabong nito. Bahagi ng
pagpapayabong ng wika ang paggamit nito bilang isang wikang panturo at higit sa lahat ay
Filipino bilang isang disiplina o larangan. Dumaraan man ito sa mga pagsubok sa
kasalukuyan, mananatili pa rin itong bahagi ng paglago at pag-unlad ng sistema ng
edukasyon.
Maraming gampanin ang wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik sa
agham/siyensya, medisina, komersyo, politika, matematika, musika at sining. Bagama’t
marami pang walang katumbas na wika sa Filipino, patuloy pa rin ang pag-unlad sa
larangang ito upang mapagyaman at mapanatili ang ating wika tungo sa umuunlad na
panahon.
1
Panoorin ang music video na “Ang Awit ng Wika” sa
youtube. Buksan ang link sa ibaba
https://www.youtube.com/watch?v=lpq7MeFUVnY&feature=youtu.be&fbclid=IwAR3zWN
sWTZ3uPbkvVhVxQBXWw_zouR3Ij4cly3WM3kBMm7KsCcb5Ohdp1fM&app=desktop
Ipaliwanag ang mensaheng napapaloob sa awitin na hindi karaniwang matatagpuan sa mga
awiting Ingles. Isa-isahin at ipaliwanag ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa
bayan/bansa.
2
sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod and paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon.
Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Inggles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at
opsyonal ang Espanol at Arabic.
Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang
Pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon
at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng
mga pananaliksik sa Filipino at sa iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
3
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik
Minsan ay binanggit ni Manuel L. Quezon sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang mga
katagang, “Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang
magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong
wika.”
Ang wika ay mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at opinyon gayundin
sa pagtanggap at pagbibigay ng impormasyon. Ang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat ay
mabisang daan ng komunikasyon, susi ng pagkatuto at matibay na punyal na gagapi sa pang-aapi
at pag-apak sa ating pagkatao. Bawat bayan at bawat institusyon ay may mga patakaran na
nagsisilbing gabay sa kilos at asal ng mga mamayan para sa maayos at matiwasay na
pamumuhay. Subalit, paano ito mangyayari kung ang sinasabing batas ay nakasulat sa wikang
banyaga?
Sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ay nagsasaad ng ganito:
Seksiyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Inggles, at dapat na
isinalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
4
mga Pilipino sa kinauukulan ang kanilang kalagayan at tulong na inaasam. Gamit ang sariling
wika, malinaw na naisasalaysay ang hinaing ng puso at pangungulila sa abang bayan na
pansamantalang nilisan para sa inaasam na magandang kinabukasan.
Ang wikang Filipino ay wika rin ng edukasyon. Sa paglulunsad ng K to 12 Basic
Education Curriculum isinaalang-alang ang pangangailangan ng lipunan, global at lokal na
pamayanan maging ang kalikasan at ang pangangailangan ng mamayan. Batay sa Gabay
Pangkurikulum, isasama ang Filipino bilang disiplina sa wika kung saan nilalayon nito ang
pagtuturo ng Filipino upang malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring
pag-iisip, at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga
babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakailanlan, kultural na
literasi at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig. Dagdag pa rito, isa sa mga pamantayan ng programa ay gagamitin ang wikang Filipino
upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman,
magamit ng angkop ang wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o
karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura na nagbibigay at tumatanggap ng mensahe (K
to 12 Gabay Pangkurikulum, 2016).
Sa kabuuan, sa paglipas ng panahon, napatunayan na ang wika ang siyang naging
pinakamahalagang sandata upang matanto ng bagong henerasyon ang mga pangyayari at
kasaysayan na naging daan sa inaangking kalayaan. Ito rin ang nagbukas ng marami pang
kaalaman sa iba’t ibang larangan at malaking papel ang ginampanan at gagampanan pa sa iba’t
ibang anyo ng pananaliksik tungo sa mas malawak na pagbabago hindi lamang sa larangan ng
edukasyon kundi pati na rin sa pagbabagong anyo at pagbibihis ng bayang kinagisnan.
5
naglalathala ng mga pananaliksik at artikulo sa Filipino tulad ng HASAAN, Daluyan, Malay,
etc. Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito at ang mga mananaliksik ay nagtalastasan gamit
ang wikang sarili at nakabuo ng isang sariling komunidad na pang komunikasyon sa disiplinang
Araling Pilipino (Guillermo, 2016 sa aklat ni San Juan, et al., 2019).
Ayon sa artikulong nakalathala sa Manila Bulletin ni Myca Cielo M. Fernandez (2018),
binigyang-diin ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining, na mas magiging epektibo
ang saliksik kung ito ay nasa wikang Filipino. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa na may temang “Filipino, Wika ng Pananaliksik.” Ang pagdiriwang na ito ay
nakatuon sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pananaliksik. Mas magiging epektibo
ito kung ang bawat unibersidad ay hihikayatin na gawin sa wikang Filipino ang mga
pananaliksik lalo na ang tesis at disertasyon.
Mahalaga ang pagpaplanong pangwika sa pag-unlad ng Filipino bilang larangan at
Filipino bilang iba’t ibang larangan. Ayon kay Flores (2015) sa aklat ni San Juan (2019), may
dalawang antas ang pagpaplanong pangwika. Ito ay ang antas makro sa pagpaplanong pangwika
kung saan nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang antas maykro sa
pagpaplanong pangwika na nauukol sa aktwal na implementasyon ng gayong patakaran sa
bawat lugar.
★ Para sa karagdagan kaalaman, komunsulta sa aklat nina San Juan, et al. (2019).
Sangangdaan1 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina.
6
Gawain 1: Pananaliksik
Panuto: Saliksikin ang CHED Memorandum Order No. 3 Series of 2013. Ipaliwanag ang
isinasaad ng naturang memorandum hinggil sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Ibigay
ang iyong posisyon hinggil sa usaping ito bilang mag-aaral sa kolehiyo at bilang
mamamayang Pilipino.
Gawain 2: Pagsulat
Panuto: Basahin ang panayam nina Fajilan at Zafra (n.d.) kay Dr. Fortunato Sevilla III na
gumamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Kemistri sa Unibersidad ng Sto.Tomas. Ito
ay may pamagat na “Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng
Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III” n a nailathala sa HASAAN, isang
taunang interdisiplinaryong refereed journal sa unibersidad. Ipaliwanag ang mabuting
naidulot ng paggamit ng wikang Filipino sa larangang siyentipiko at teknikal ganoon din
ang kahinaan nito. Sang-ayon ka ba sa mga inilahad na dahilan/katwiran ng mga iskolar
na sangkot sa artikulo? Ilahad ang iyong sariling pananaw ukol dito. Buksan ang link
para sa kopya ng artikulo:
https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-Tomo-II-2015-116-12
3-2-8.pdf
7
Anonuevo, R. (n.d.). Paglingon sa ugat ng Komisyon ng Wikang Filipino [scribd]. Retreived
from https://www.scribd.com/document/396091096/Paglingon-Sa-Ugat-Ng- Komisyon
-Sa-Wikang-Filipino
Constantino, P. C. (n. d.) Papel ng mga wika sa Pilipinas [Video file]. Retrieved from
https://networks.upou.edu.ph/6944/papel-ng-mga-wika-sa-pilipinas-dr-pamela-constantin
o/
Fernandez, M.C.M. (2018 August 5). Pananaliksik mas magiging epektibo sa wikang
etrieved from h ttps://www.pressreader.com/philippines/manila
Filipino.Manila Bulletin. R
-bulletin/20180805/281509342002584
Kwentomatik. (2018). Kwento ng Wikang Pambansa [Video file]. Retrieved from https://drive.
google.com/file/d/1e1WpLGAIW2dNC8qX6dGiJMcLy23FG2o4/view
San Juan, et al. (2019). Sangangdaan1 Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.
Vitangcol III, A. S. (2019 August 17). Ano ang saysay ng wikang Filipino. The Manila Times.
Retrieved from https://www.manilatimes.net/2019/8/17/opinion/ columnists/ano-ang-
saysay-ng-wikang-filipino/601294/
8
Kilala ang Pilipinas bilang isang multilingguwal na bansa na dumanas ng
kolonyalisasyon mula sa mga makapangyarihang kontinente tulad ng Europa, Hilagang
Amerika at Asya na nagdulot ng malawakang impluwensya hindi lamang sa kabihasnan at
kultura ng mga Pilipino kung hindi maging sa sinasalitang wika na pundasyon ng ating
pagka-Pilipino. Lumipas na ang isang siglo mula noong matamo ng bansa ang kalayaan
mula sa kolonyalisasyon subalit buhay na buhay at damang-damang pa rin ang anino ng
kawalan ng kalayaan - sa paraan ng pamumuhay, sistema ng edukasyon lalo’t higit sa
wikang ginagamit bilang panturo sa iba’t ibang larangan.
Higit mang matagal na napasailalim sa kapangyarihan ng Espanya ang bansa kaysa sa
Estados Unidos, kapansin-pansin ang napakalakas na kapit ng wikang Ingles sa mga
Pilipino. Ito ay sa kadahilanang hindi ipinagkait ng Estados Unidos ang kanilang wika at sa
halip, ginamit nila itong estratehiya upang ipakita ang kanilang pagmamalasakit sa mga
Pilipino, sa bansa. Puspusan ang ginawa nilang pagtuturo, pagpapatanggap at pagpapagamit
ng wikang Ingles sa mga Pilipino noong panahong nasa ilalim ng kanilang pamumuno ang
bansa taliwas sa ginawa ng Espansya na tahasang ipinagdamot ang kanilang wika sa mga
Pilipino. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit naging napakatanyag ng Ingles sa sistema ng
edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad.
Sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, kung saan ipinatutupad ang mother
tongue-based/multilingual education, nakasilip ng pagkakataon ang Filipino na ipagamit
bilang wikang panturo sapagkat simula sa paggamit ng wika ng komunidad bilang
pangunahing wikang panturo sa primaryang antas, unti-unting pagpasok ang paggamit ng
wikang Filipino at Ingles sa sekondarya at tersiyarya. Batay sa probisyon ng patakaran ng
bilinggwal, sa antas tersiyarya, gagamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa mga kurso sa
agham, matematika at teknolohiya. Samantala, Filipino naman ang gagamiting wikang
panturo sa mga kursong nasa agham panlipunan at humanidades. Subalit, may ganito mang
probisyon, marami pa ring mga kolehiyo at unibersidad ang hindi sumunod dito. Hindi
naging mahigpit ang implementasyon nito sa lahat ng paaralan kaya’t kapansin-pansin pa rin
ang pagiging makiling sa paggamit ng Ingles sa malaking bilang ng mga kolehiyo at
unibersidad sa bansa. Ito ay isang malaking suliranin na noon pa man ay hinahanapan na ng
katugunan.
Sa yunit na ito, pag-uusapan kung ano ang mga kursong nasa ilalim ng humanidades at
agham panlipunan at kung ano na nga ba ang kalagayan ng wikang Filipino sa mga
larangang ito. Ganoon din, mababasa rito ang ilang halimbawa ng artikulo sa humanidades
at agham panlipunan na gumamit ng wikang Filipino.
9
1. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
2. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at
pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
3. Makapagpabasa at makapagbuod ng mga impormasyon mula sa ilang artikulo sa
humanidades at agham panlipunan.
10
malalaking unibersidad ang hindi sumusuko sa pagpapayaman ng wikang Filipino at marubrob
na sumusunod sa probisyon ng patakarang bilinggwal. Ang De La Salle, Ateneo, Unibersidad ng
Sto. Tomas, UP at iba pa ay ilan lamang sa malalaking pamantasan at unibersidad na patuloy na
gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga kurso sa pilosopiya, agham pampolitika,
lohika, ekonomiks, batas, kasaysayan at pantikan. Patuloy rin ang mga iskolar sa mga
pamantasan at unibersidad na ito sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na tumatalakay sa iba’t
ibang paksa sa larangang ito. Masigla rin ang publikasyong sa mga scholarly journal tulad ng
Malay, Daluyan, Lagda, Hasaan, Kritika at iba pang bago at umuusbong na journal sa
kasalukuyan.
Higit na nauna ang larangan ng Humanidades kaysa sa Agham Panlipunan subalit
madalas na nagkakasalimbayan ang dalawang larangang sapagkat maraming paksa at isyu na
kapwa tinatalakay ng mga ito, tao at lipunan. Marami sa mga teoretiko at pilosopikong
pundasyon ng agham panlipunan ay nagmumula sa humanidades.
Bawat larangan ay may tiyak na set n g mga teminong ginagamit na tinatawag na
REGISTER. Ang mga salitang ito ay maaaring magkaroon ng:
● Isang kahulugan lamang dahil ekslusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina.
● Dalawa o mahigit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang disiplina.
● Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng
ugnayan ng mga disiplinang ito.
LARANGAN NG HUMANIDADES
Ang pangunahaing layunin ng Humanidades ay “hindi kung ano ang gagawin ng tao,
kundi kung paano maging tao”. Ang kaisipan, kalagayan at kultura ng tao ang binibigyang-tuon
sa pag-aaral ng larangang ito. Ang layuning ito ay sinugsugan ni J. Irwin Miller, na nagsabi na
“ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan
nito” na dinagdagan ni Newton Lee sa pagsasabi na “sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon
at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa
kalahatan, at di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap”. Ang larangang ito ay binubuo
ng Panitikan (Wika teatro), Pilosopiya (Relihiyon), Singing (Biswal; pelikula, teatro at sayaw,
Applied; graphics, Industriya (fashion, Interior) at Malayang Sining (calligraphy, studio arts, art
history, print making at mied media) .
Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa
panahon ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging doktor, abogado at
sa mga kursong praktikal, propesyonal at siyentipiko. Inilunsad ito upang bumuo ng
mamamayang mahusay sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhan at aktibong miyembro
ng lipunan. Kadalasang lapit analitkal, kritikal at ispekulatibo ang metodolohiya at estratehiyang
ginagamit sa larangan ito upang mabigyan ng pagkakataong suriin ang isang teksto sa paraang
sistematiko at organisado. Ang analitikal na lapit ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga
11
impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa
isa’t isa. Ang kritikal na lapit ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento,
ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya. Samantala, ang ispekulatibong
lapit ay kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan
ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.
Ang ilan sa mga halimbawa ng mga pamamaraan at estratehiyang ginagamit sa mga lapit
na ito ay deskripsiyon o paglalarawan, paglilista, kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng
pangyayari, sanhi at bunga, pagkokompara at epekto. Samantala, mayroong tatlong (3) anyo
ang pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin ayon kina Quinn at Irvings (1991).
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Impormasyonal - maaaring isagawa batay sa sumusunod:
a. paktwal ang mga impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o
maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa
b. paglalarawan - nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng
mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa
mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa
c. proseso - binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang
naging result na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika
2. Imahinatibo - binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula,
maikling kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri dito
3. Pangungumbinse - pangganyak upang mapaniwala o di-mapaniwala ang bumabasa,
nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya’t ang mahalagang opinyon
ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento.
12
Descartes, John Locke, David Hume, Isaac Newton, Benhjamin Franklin, Thomas Jefferson,
gayundin sina Karl Marx, Max Weber, Emilie Durkheim, at marami pang iba.
13
11. Relihiyon - pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang
kultural at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan
(uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman n a kaayusan.
Proseso
Sa kalahatan, may sinusunod na proseso sa pagsulat sa Agham Panlipunan. Ang mga ito
ay ang sumusunod:
a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas.
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapgatatalakay nito? Kung mayroon
na, ano ang bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa paksa? Paano ito maiiba?
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula inilalagay ito
ngunit maaari ding sa gitna o sa hulihan. Sa ibang pagkakataon, hindi ito isinusulat
ngunit nalilinaw sa takbo ng pagtalakay.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media,
internet, social media at new media, aklatan, sarbey, focus-group discussion,
obserbasyon at iba pa.
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis.
f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo, kuwalitatibo,
argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas),
angkop, sapat at wastong paraan ng pagsulat.
h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda.
14
KASAYSAYAN AT TUNGKULIN NG PAGSASALIN SA PAGSULONG NG FILIPINO
Napakahalaga ng papel na ginampanan ng pagsasalin sa patuloy na pagsulong ng wikang
Filipino sa akademya. Kung muling babalikan ang kasaysayan, noon pa mang panahon ng mga
Español, nagkaroon na ng pagsasalin sa ilang dokumentong panrelihiyon at pampanitikan. Lalo
itong naging masigla noong panahong ng mga Amerikano at maging noong panahon ng mga
Hapon at lalong lumalakas sa kasalukuyang panahon bilang paraan ng patuloy na
intelektuwalisasyon sa wikang Filipino.
Ang pagsasalin ay nagmula sa salitang Latin na translatio n a translation naman sa
wikang Ingles. Metafora o metaphrasis i to sa wikang Griyego na pinagmulan ng salitang Ingles
na metaphrase o salitang-sa-salitang pagsalin (Kasparek 1983 hango kay Batnag 2009). Ito ang
dahilan kung bakit palaging inaakala na ang pagsasalin ay isang simpleng pagtatapatan lamang
ng mga salita ng dalawang wika o rehiyong na wika.
Ang pagsasalin ay isang sining at agham na nangangailangan ng malawak at malalim na
kaalaman sa larangan ng lingguwistika at gramtika. Nagkaroon ng magkakaibang pananaw ang
mga kilalang dalubhasa sa pagsasalin bunga marahil ng iba’t ibang estilo at layuning kakabit ng
pagsasalin. Ito ay nagresulta rin ng magkakaibang pakahulugan sa gawaing ito.
Ang sumusunod na mga pakahulugan sa pagsasalin ay mula sa aklat nina A. Batnag at J.
Petra (2009):
1. Translation consists in producing in the receptor language the closest, natural
equivalent of the message of the source language, first in meaning and secondary in
style (Nida, 1964).
Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at
likas na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at
ikalawa ay sa estilo.
2. Translation is made possible by an equivalent of though that lies behind its verbal
epressions ( Savory, 1968).
Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas
sa ideyang nasa likod ng pananalita.
3. Translation is reproducing in the receptor language a text which communicates the
same message as the source language but using the natural grammatical and leical
choices of the receptor language (Larson, 1984).
Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong
naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaing wika subalit
gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap
na wika.
4. Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written message
in one language by the same message in another language (Newmark, 1988).
15
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan
ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa
ibang wika.
Bilang kabuuan, sinabi ni Santos (1996), hango kay Batnag (2009), ang pagsasalin ay:
“...ang malikhain at mahabang proseso ng pagkilala at pag-unawa ng mga
kahulugan sa isang wika at ang malikhain at mahabang proseso ng
paglilipat ng mga ito sa kinilala at inunawang mga kahulugan ng isa pang
wika.”
Napakalaki ng naitulong ng pagsasalin sa pagtataguyod ng kaisipang maka-Pilipino kaya
hindi napigilan ng malakas na pwersa ng Ingles ang ilang mga batikang propesor sa ilang
malalaking pamantasan at unibersidad sa Kamaynilaan na gamitin ang Filipino sa pagtuturo ng
pilosopiya, agham pampolitika, lohika, ekonomiks, batas, kasaysayn at panitikan.
Layunin ng Pagsasalin
1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan
mula sa ibang wika.
2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa
iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa.
3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong
mundo mula sa mga salin.
Uri ng Pagsasalin
1. Pagsasaling Pampanitikan - nilalayon na makalikha g obra maestra batay sa orihinal
na akdang nakasulat sa ibang wika
2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal - komunikasyon ang pangunahing layon
17
kabuluhan kung hindi ito maiintindihan ng mga taong nakikinig o makababasa nito. Dito
pumasok ang pagsasalin, kung saan kailangan ang puspusang pagpapayabong at pagtataguyod sa
gawaing ito. Ang mga dalubhasa ay puspusan ang ginawa/ginagawang pagsasalin sa mga
pinakamahuhusay na akda, lokal man o banyaga upang lubos na maipabatid sa mga Pilipino ang
diwa at ganda ng iba’t ibang kultura at kahusayan ng iba’t ibang kaalaman. Nakilala sa gawaing
ito sina Rufino Alejandro, Belvez Paz, Virgilio Almario, Buenvinido Lumbera at marami pang
iba.
Nakikipagtulungan naman ang KWF, bilang isang konstitusyonal na ahensya, sa gawaing
ito. Patuloy ang isinasagawa nilang pagsasalin ng mga klasiko at pinakamahuhusay na akdang
pampanitikan sa daigdig. (Bisitahin ang kanilang website, www.kwf.gov.ph upang makita ang
ilan sa mga akdang kanilang isinalin.)
18
Ilang Halimbawa ng Artikulo sa Humanidades at Agham Panlipunan Gamit ang Wikang
Filipino
Bisitahin ang sumusunod na mga website p ara sa mga halimbawa ng artikulo
1. Intelektwalisasyon at Wika ni Renato Constantino
https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4939
2. Ang Batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa Kultura at Kasaysayan ni Virgilio G. Enriquez
https://www.academia.edu/33940073/Ang_Batayan_ng_Sikolohiyang_Pilipino_sa_Kultu
ra_at_Kasaysayan
3. Sikolohiyang Pilipino, Sikolohiyang Maka-Pilipino: Ang mbag ni Virgilo G. Enriquez sa
Pagsulong ng Wikang Filipino sa Sikolohiya ni Jayson Petras
https://www.academia.edu/30145058/SIKOLOHIYANG_PILIPINO_SIKOLOHIYANG
_MAKA_FILIPINO_ANG_AMBAG_NI_VIRGILIO_G_ENRIQUEZ_SA_PAGSUSUL
ONG_NG_WIKANG_FILIPINO_SA_SIKOLOHIYA
4. Hagkis ng Halakhak: Ang Nagpapatuloy na Kabuluhan ng Kritika ni Hernandez sa
Pulitika sa Magkabilang Mukha ng Isang Bagol ni Rosario Torres-Yu
https://www.academia.edu/9554929/HAGKIS_NG_HALAKHAK_2_8_Hagkis_ng_Hala
khak_Ang_Nagpapatuloy_na_Kabuluhan_ng_Kritika_ni_Hernandez_sa_Pulitika_sa_Ma
gkabilang_Mukha_ng_Isang_Bagol?auto=download
5. Ideyolohiya at Utopia sa mga Liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran ni Jennifer M.
Casabuena
http://www.kritike.org/journal/issue_17/casabuena_december2015.pdf
19
Gawain 1: Pagsasalin
Panuto: Isalin ang sumusunod na mga tanggapan sa gobyerno:
20
Gawain 2: Pagbubuod ng Artikulo
Panuto: Humanap ng artikulo mula sa alinman sa mga sumusunod na journal sa larangan ng
Humanidades at Agham Panlipunan: Social Science Diliman
(journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman); Plaridel Journal
(www.plarideljournal.org); Humanities Diliman (journals.upd.edu.ph/index.php/
humanitiesdiliman) at Kritika Kultura (journals.ateneo.edu/inde.php/kk/issue/archieve).
Ibuod ang artikulo sa pamamagitan ng pagkompleto sa talahanayan.
Pamagat ng artikulo
Pangunahing paksa/
suliranin/tanong ng pananaliksik
Paraan ng pagtitipon at
pagsusuri ng datos
21
Alibaran, A. et. al. (2014, January 9). Pagbasa sa iba’t ibang disiplina at mga batayang kaalaman
sa pagsulat. [slideshare]. Retrieved from https://www.slideshare.net/kiaramomo/ fili- 2-
group-1.
Badong, Ysobel. (2017, September 27). Humanidades at agham panlipunan: Mga disiplina sa
larangan ng agham panlipunan. [prezi]. Retrieved from https://prezi.com/qv3vtgyixsxl
/humanidades-at-agham-panlipunan/?fallback=1.
Casabuena, Jennifer M. (2015). Ideyolohiya at Utopia sa mga Liham sa Ina ng Laging Saklolo sa
Baclaran. Kritike, volume 9 (2), 5-27. Retrieved from http://www.kritike.org/journal/
issue_17/casabuena_december2015.pdf.
Pasahol, C. A. (2019 March 3). Filipino sa Humanidades, agham panlipunan at iba pang kaugnay
na larangan. [prezi]. Retrieved from https://prezi.com/p/-f96yrkcvlhk/fildis/.
Petras, Jayson. (2013). Sikolohiyang Pilipino, Sikolohiyang Maka-Pilipino: Ang mga ni Virgilo
G. Enriquez sa Pagsulong ng Wikang Filipino sa Sikolohiya. Diwa E-Journal, vol. 1 (1),
252-254. Retrieved from https://www.academia.edu/30145058/ SIKOLOHIYANG_
PILIPINO_SIKOLOHIYANG_MAKA_FILIPINO_ANG_AMBAG_NI_VIRGILIO_G_
ENRIQUEZ_SA_PAGSUSULONG_NG_WIKANG_FILIPINO_SA_SIKOLOHIYA.
22
San Juan, David Michael et al., 2019. Sangandaan: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon
City: MUTYA Publishing House.
Sojo, J., [host]. (2012 August 22). Sona: Pagsasalin sa wikang Filipino, may sinusundang
mabusising proseso. [Video File] Retrieved from https://www.youtube.
com/watch?v=UowWHj6xk_A.
Tinig ng suporta sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino mula sa iba’t ibang iskolar ng DLSU
[Video file]. (2020) Retrieved from https://youtu.be/eH2ZDEH-8eQ..
23
Lubos na napakahalaga ng pag-aaral ng agham at teknolohiya para sa lahat sapagkat ito
ang itinuturing na isa sa mga susi sa pag-unlad ng bansa. Subalit, mapapansin na kadalasang
wikang Ingles ang ginagamit bilang wikang panturo sa mga larangang ito. Ang kadalasang
maririnig na dahilan mula sa mga guro o propesor sa larangang ito ay dahil walang
katumbas o walang salin sa wikang Filipino ang mga terminolohiyang ginagamit nila. Kung
mayroon man, higit itong nagdudulot ng kalituhan sa mga mag-aaral dahil sa kakulangan sa
kasanayan sa paggamit ng mga terminong ito.
Ramdam ang napakaliit na espasyo ng wikang Filipino sa mga larangang ito kung
ihahambing sa naghahari pa ring kolonyal na wika, ang Ingles. Dahil sa tindi ng naging
impluwensya ng Estados Unidos sa mga Pilipino noong ang bansa ay nasa ilalim pa ng
kanilang kapangyarihan at dahil sa maka-Amerikanong sistema ng edukasyon na umiiral sa
bansa hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pag-aangat sa pidestal ng maraming Pilipino sa
wikang Ingles.
Magkaganoon pa man, patuloy rin ang ginagawang pagtataguyod ng mga makabayang
samahan sa paglinang at pagpapayaman ng Filipino. Hindi nagpapigil ang mga iskolar at
makabayang edukador sa paggamit ng Filipino bilang wika sa akademya at maging sa ibang
propesyon sa kabila ng banta ng globalisasyon. Sa katunayan, isa si Dr. Fortunato Sevilla
III, isang Academician at Professor Emeritus sa UST, ang gumamit ng wikang Filipino sa
kanyang klase sa kemistri sa Kolehiyo ng Agham noong kanyang panahon. Ibinahagi niya
na higit na malaya sa pagtatanong at higit na buhay ang talakayan kapag sariling wika ang
gamit sapagkat hindi rin naman lahat ng estudyante ay magaling mag-Ingles. Anya, “kung
sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon, Korea, Taiwan, Tsina,
Germany, Pransiya, España at iba pang bansa na gamit ang sariling wika, bakit hindi
paunlarin ang sariling wika para maging matatas din ang mga Pinoy sa agham?” Subalit,
tulad ng inaasahan, tutol dito ang ilang siyentipiko sapagkat makapipigil daw ito sa pagiging
globally competetive ng mga estudyante dahil Ingles ang lingua franca o medium of
communication sa mundo.
Subalit, dahil sa pagsisikap na maitaguyod ang isang makabayang edukasyon sa bansa,
may ilan pa ring mga iskolar ang hindi nagpatinag at patuloy sa paggamit ng wikang
Filipino sa pagtuturo sa larangang siyentipiko-teknikal. Ayon nga kina San Juan, et al., ang
ganitong kalagayan, kahit paunti-unti, ang tanaw na tuluyan nang mangibabaw at magamit
ang wikang Filipino bilang midyum ng siyentipiko at teknikal na diskurso sa iba’t ibang
larangan na lalo pang magpapahusay sa mga larangang ito para sa kapakinabangan ng
mamamayang Pilipino.
Sa yunit na ito, pag-uusapan kung ano ang mga disiplinang nasa ilalim ng agham at
teknolohiya at kung paano nga ba nagagamit ang wikang Filipino sa pagsulat sa mga
larangang ito.
24
1. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
2. Makapagsalin ng (mga) artikulo, pananaliksik at iba pa na makapag-aambag sa patuloy
na intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
3. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaryong diskurso at
pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
Basahin ang artikulong “Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein: Isang
Pagsusuri sa Kahandaan ng Wikang Filipino sa Pagtalakay sa mga Paksa ng Makabagong
Agham” ni Feorillo Demeterio na nalathala sa isyu ng Malay Journal noong 2009. Maaaring
makita ang sipi ng artikulo sa link sa ibaba.
(PDF) Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein: Isang Pagsusuri sa Kahandaan ng
Wikang Filipino sa Pagtalakay sa mga Paksa ng Makabagong Agham
Matapos basahin ang artikulo, sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang iyong pananaw sa kahandaan ng Filipino bilang wika sa makabagong-agham?
2. Ano-anong kahinaan ang nakita mo sa paggamit ng Filipino sa diskursong agham?
3. Ano-ano naman ang mga kalakasan nito?
4. Sa iyong palagay, may kakayahan na ba na makipagsabayan ang Filipino sa ingles
bilang wika ng agham at teknolohiya?
25
INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG
SIYENTIPIKO-TEKNIKAL
Malaking bilang ng mga mag-aaral ang nakararanas ng kahirapan sa pag-aaral sa
larangan ng agham at teknolohiya. Napakarami ng terminolohiya na ginagamit dito na mahirap
maunawaan kung hindi mabibigyan nang maayos na pagpapaliwanag. Dahil sa limitadong
bokabularyo ng wikang Filipino sa konseptong teknikal, maraming siyentipiko ang nahihirapan
na gamitin ito bilang wikang panturo. Subalit, ang kakulangan na ito ang nagtulak sa ilan na
magsagawa ng mga pag-aaral sa kani-kanilang larangan gamit ang wikang Filipino. Sa
katunayan, noong pa mang dekada 60’s at dekada 80’s ay may nabuo ng diksyunaryo ang mga
siyentipiko. Ito ay ang “Ang Talahuluganang Pang-agham: Ingles Pilipino” na isinulat ni Dr.
Jose Sytangco, isang manggagamot mula sa UST at ang “English-Pilipino Vocabulary for
Chemistry” na nilikha ng mag-asawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, kapwa
propesor sa kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang UP lamang ang may
librong pang-angham sa Filipino dahil sa panghihikayat na ibinigay ng Sentro ng Wikang
Filipino dito at dahil na rin sa masigasig na pagtataguyod ng mga propesor sa naturang
unibersidad sa pagsusulong ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito.
Sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga larangang
siyentipiko-teknikal, kailangang ang intelektwalisasyon ng wika. Nabanggit nina San Juan et al.,
(2019) (ayon kay Gonzales, 2005), ang intelektwalisasyon ay ang “pagpaksa ng mga ideya sa
pinakamataas na lebel sa akademya”. Ito ay maaari lamang matamo sa pamamagitan ng
paggamit dito hindi lamang bilang wika sa pang-araw-araw o ordinaryong komunikasyon kung
hindi maging sa matatalinong diskurso sa paaralan. Mayroong dalawang proseso sa pagtatamo
ng intelektwalisasyon ng wika sa akademya, linggwistiko at ekstra-linggwistiko. Kabilang sa
unang proseso ang pagdebelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa
pagdebelop ng akademikong diskurso, pagdebelop ng corpora o lawak ng teksto sa iba’t ibang
akademikong larang at ang pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa
isang larang. Kabilang naman sa ikalawang proseso ang pagbuo ng creative minority o
significant others o ang mga intelektwal na disipulo na magsisimulang gumamit ng mga teknikal
na bokabularyo, terminolohiya at ng estilo o retorika at magpapalaganap nito sa pamamagitan ng
pagsulat, paglalathala at pagtuturo. Ang pagbuo ng isang patakarang pangwika ay tunay ring
makabuluhan at malaking tulong sa intelektwalisasyon ng wika (Zafra, 2003).
Malaki ang ginampanang papel ng pagsasalin sa adhikaing intelektwalisasyon ng wika.
Ayon pa rin kina San Juan et al., ang pagsasa-Filipino ng iba’t ibang akda mula sa iba’t ibang
wika ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika. Hindi isang simpleng gawain ang
pagsasalin. Dapat na maging bukas at malawak ang pananaw ng isang tagasalin at hindi
26
nakakulong sa personal at limitadong konteksto lamang. Ang pagsasalin ay hindi simpleng
paghahanap o pagtutumbas lamang. Hindi literal na mga kahulugan lamang ng mga salita o
pahayag ang dapat na maibigay ng isang saling-teksto kundi dapat na maibahagi nito ang mas
malalim na kahulugan ng mga salita batay sa konteksto o maging sa kulturang pinagmulan ng
original na teksto.
Ilan pang mga batikang propesor mula sa malalaking pamantasan at unibersidad sa
Maynila, maliban kay Dr. Sevilla III, ang naitalang gumamit na ng wikang Filipino sa kanilang
pagtuturo ng siyentipiko at teknikal na kurso. Ilan sa kanila ay sina John Pellas ng UP at Lea
Soriano ng DLSU sa Matematika, Nathaniel Oco ng NU, at Elimar ng QCPU at AMA para sa
araling Kompyuter, at Rosemary Seva ng UP sa Inhinyeriya (San Juan et al.). May ilan na ring
mga kagamitang panturo sa Matematika, Kompyuter, Biolohiya, pisika at Kemistri ang
nailimbag ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng
paggamit sa wikang Filipino, pagsasalin at pagbuo ng mga aklat, napapabilis ang
intelektwalisasyon ng Filipino sa akademya.
27
Astronomiya
Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang
nangyayari sa labas ng daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang pinagmulan,
pagbabago at mga katangiang pisikal at kemikal ng mga bagay na napagmamasdan sa kalangitan
(na nasa labas ng atmospera), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan.
Matematika
Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga numero,
pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na inihahayag sa pamamagitan ng mga simbolo.
Ang mga matematika ay lumulutas ng katotohonan o kamalian ng mga konhektura sa
pamamagitan ng mga matematikal na pagpapatunay na mga argumentong sapat upang mahikayat
ang ibang mga matematiko sa balidad nito.
28
Pansinin ang dalawang metodo na kadalasang ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat o
pananaliksik, (Batnag, A. at Petras, J.).
29
R - Resulta
Nakapaloob dito ang resulta ng ginawang empirikal na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis?
Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga tsart, graph, plot at iba pang graphic organizer
a - Analisis
Nakapaloob ang analisis ng isinagawang pag-aaral batay sa resulta.
D - Diskusyon
Nakapaloob dito ang diskusyon at konklusyon ng isinagawang pag-aaral. Ano ang
implikasyon ng resulta? Bakit? Ano ang maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga
paglabag ba ito sa etika? Makabuluhan ba ito? Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa
sangkatauhan.
30
ay ang magkaroon ng mas malinaw at mabilis na komunikasyon gamit ang Filipino sa larangan
ng agham at teknolohiya. Nabibigyan ng gawaing ito ng pagkakataon ang lahat ng tao, lalo na
iyong hindi gaanong nakauunawa ng Wikang Ingles na maunawaan ang sinasabi o inihahayag ng
mga teksto sa siyensya at teknolohiya. Binaggit nina San Juan et al., na espesyalisado ang
pagsasaling ito sapagkat isang tiyak na disiplina ang pinagtutuunan nito. Bukod sa lalim at lawak
ng kaalaman ng tagasalin sa dalawang wikang kasangkot, nangangailangan din ito ng malalim at
malawak na kaalaman sa disiplinang gagawan ng pagsasalin.
Inilahad ni Alamrio (1997) (ayon kina San Juan et al.,) ang mga panukalang hakbang sa
pagsasalin na ayon sa praktika ng Unibersidad ng Pilipinas. Isinasaad ito sa gabay na inilabas ng
UP Sentro ng Wikang Filipino.
Kabilang dito ang:
1. Pagtutumbas mula Tagalog/Pilipino o mula sa katutubong wika ng Pilipinas
2. Panghihiram sa Español
3. Panghihiram sa Ingles; pagbabago sa baybay o pananatili ng orihinal na baybay sa
Ingles
4. Paglikha
Binanggit naman ni Batnat, et al., (2009) na nagtala ang London Institute of linguistics
(LIL) ng mga katangiang dapat taglayin ng isang tagasalin ng mga tekstong siyentipiko at
teknikal.
Kabilang dito ang sumusunod:
1. malawak na kaalaman sa tekstong isasalin;
2. mayamang imahinasyon upang mailarawan sa isipan ang mga kasangkapan o
prosesong tinatalakay;
3. katalinuhan upang mapunan ang mga nawawala at/o malalabong bahagi sa orihinal na
teksto;
4. kakayahang makapamili at makapagpasya sa pinakaangkop na terminong katumbas
mula sa literatura ng mismong larangan o sa diksiyonaryo;
5. kasanayang gamitin ang pinagsasalinang wika nang may kalinawan, katiyakan, at
bisa; at
6. karanasan sa pagsasalin sa mga kaugnay na alrangan o sisiplina.
Samantala, nagbigay naman ng ilang pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko at teknikal
sina Enrique at Protacio-marcelo (1984) sa kanilang pag-aaral na pinamagatang “Neocolonial
Politics and Language Struggles in the Philippines”:
1. saling-angkat (direct borrowing) ;
2. saling-paimbabaw (surface assimilation);
3. saling-panggramatika (grammatical translation);
4. saling-hiram (loan translation)
5. saling-likha (word invention)
6. saling-daglat (abbreviated word)
31
7. saling-tapat (parallel translation)
8. saling-taal (indigenous-concept oriented translation); at
9. saling-sanib (amalgamated translation)
English Filipino
Asthma Hika
Blister Paltos
Ovary Itlugan
Sex Kasarian
Tendon Litid
Bile Apdo
Ringworm Buni
Bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng wikang Filipino, nagbigay din ilang salitang medikal
ang Philippine Council for Health Research and Development at salin nito sa Filipino.
1. Haynayan (biology) - isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga
nabubuhay na organismo
2. Mikhaynayan (microbiology) - isang natural na agham ukol pag-aaral sa miktataghay
o microorganism
32
3. Mulatling Haynayan (molecular biology) - pag-aaral ng mga istruktura at tungkulin
ng mulatil o molecule sa mga nabubuhay na organismo
4. Palapuso (cardiologist) - isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology
5. Palabaga (pulmonologist) - isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology
6. Paladiglap (radiologist) - isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology
7. Sihay (cell) - ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo
8. Muntilipay (platelet) - mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling
ng mga sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo
9. Kaphay (plasma) - isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang
transportasyon ng mga ensyma, nutrisyon, at hormona
10. Iti, daragis, balaod (tuberculosis) - impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri
ng ishay o bacteria, ang Myobacterium tuberculosis
11. Sukduldiin, altapresyon (hypertension) - isang medikal na kondisyon kung saan ang
presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas
12. Mangansumpong (arthritis) - ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi
ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito
13. Piyo (g out) - isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na
metabolismo ng uric acid.
14 .Balinguyngoy (nosebleed) - pagdurugo ng ilong
33
Perigrino, Jovy M. et al., (2012). Salindaw: Varayti at baryasyon ng Filipino.
Diliman, Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas.
*Para sa higit na malawak at malalim na talakay, sumangguni sa batayang-aklat nina San
Juan, David Michael et al., na may pamagat na SANGANDAAN: FILIPINO SA IBA’T IBANG
DISIPLINA.
34
Gawain 1: Pagbubuod ng Artikulo
Panuto: Pumili ng isang artikulo sa siyensya at teknolohiya. Ibuod ito sa pamamagitan ng
angkop na graphic organizer. Mga dapat mailahad sa graphic organizer:
a. Pamagat ng artikulo (Ilahad din kung sa anong larangan ito nabibilang)
b. Tiyak na paksa/suliranin/tanong ng pananaliksik
c. Metodo/paraan ng pangangalap ng datos
d. Buod ng pangunahing kaisipan/datos (resulta)
★ Maaaring ang guro ang magbigay ng artikulo na ibubuod.
★ Gumawa ng rubrik kung paano mamarkahan ang pagbubuod batay sa kung ano ang nais
bigyan ng malaking puntos sa mga bahagi ng pagbubuod.
Gawain 2: Pagbuo ng Akrostik
Panuto: Pumili ng isa sa sumusunod na mga salita: TEKNOLOHIYA, MATEMATIKA at
ENHINYERIRA. Bumuo ng akrostik sa larangang napili. Bigyang-diin ang kahalagahan
ng paggamit ng wikang Filipino sa larangang napili.
★ Gumawa ng pamantayan para sa pagwawasto ng gawain
Gawain 3: Pagsasalin
Panuto: Isalin sa Filipino ang sumusunod na babala upang mapangalagaan ang sarili laban sa
kumakalat na pandemysa sa mundo, ang COVID 19. Isulat sa unang kolum ang
simulaing wika (Ingles) at sa ikalawang kolum ang tunguhing wika (salin sa Filipino).
35
❏ Cover your mouth and nose with a cloth face cover when around others and when
you must go out in public, such as to a grocery store. The cloth face cover is meant to
protect other people in case you are infected.
➢ However, do NOT place cloth face coverings on young children under age 2,
anyone who has trouble breathing, or is unconscious, incapacitated or otherwise
unable to remove the mask without assistance.
➢ In addition, do NOT use a facemask meant for a health care worker.
➢ Continue to keep about 6 feet between yourself and others. The cloth face cover is
not a substitute for social distancing.
❏ Cover your coughs and sneezes. Use a tissue to cover your nose and mouth and
throw used tissues in a lined trash can. If a tissue is not available, cough or sneeze into
your elbow — not your hands. Wash your hands immediately.
❏ Clean and disinfect frequently touched surfaces daily. This includes tables,
doorknobs, light switches, countertops, handles, desks, phones, keyboards, toilets,
faucets and sinks. Follow CDC guidance.
36
Acelejado, Maxima. (1994). Pagtuturo ng Matematika sa wikang Filipino. Malay, vol. 12 ( 1),
1-23. Retrieved from https://ejournals.ph/article.php?id=7801.
Batnag, A., at Petras, J. (2009). Teksbuk sa pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing House.
Broadway, M. S.D., at Zamora, C. L. (2018). Ang Filipino bilang wika sa Matematika: Isang
palarawang pagsusuri sa kaso ng isang pribadong paaralan. The Normal Lights Journal
on Teacher Education, vol. 12, (1), 67-99. Retrieved from http://po.pnuresearchportal.
org/ejournal/index.php/normallights/article/view/761.
Buban, Raquel S. 2014. Ang pagsasaling teknikal: Pagsipat sa praktika at pagpapahalaga. Malay,
vol. 26, (2), 117-127. Retrieved from https://ejournals.ph/article.php?id=8058.
De Castro, Imelda P. 2002. Saling salitang computer. Sa J. M. Perigrino et al., (Eds.) . Minanga:
Mga babasahin sa varayti at varyasyon ng Filipino ( 186-192). Diliman, Lungsod ng
Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas.
Demeterio, F. P. A. (2009). Ang mga teorya sa relatividad ni Albert Einstein: Isang pagsusuri sa
kahandaan ng eikang Eilipino sa pagtalakay sa mga paksa sa makabagong agham. Malay,
vol. 21 ( 2), 71-89. Retreived from (PDF) Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert
Einstein: Isang Pagsusuri sa Kahandaan ng Wikang Filipino sa Pagtalakay sa mga Paksa
ng Makabagong Agham.
Gonzales, M.I. G. (2015 May 27). Mga salitang kaugnay sa larangang akademiko [slideshare].
Retrieved from https://www.slideshare.net/sheisirenebkm/mga- salitang-kaugnay-sa-
larangang-akademiko.
Magadia, A. (2019 October 04). Pagsasaling siyentipiko at teknikal [scribd]. Retrieved from
https://www.scribd.com/presentation/428738490/Pagsasaling-Siyentipiko-at-Teknikal.
37
Razal, Reuben Adrew R. 2018. Sampung salitang medikal na may direktang salin sa Filipino.
http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/6399-sampung-salitang-medikal-na-may-d
irektang-salin-sa-filipino. August 7, 2020.
San Juan, David Michael. 2019. Sangandaan: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon City:
MUTYA Publishing House
Sandoval, Mary Ann S. 2002. Wika sa komnet, isang bagong rehistro ng wikang Filipino (Unang
Edisyon). Perigrino, Jovy M. et al., (2002). Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at
Varyasyon ng Filipino. Diliman, Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino,
Unibersidad ng Pilipinas.
38
Sinasabing ang gawaing pananaliksik ay isinilang ng magsimulang magtanong ang mga
sinaunang tao hinggil sa mga bagay bagay na pilit din nilang hinahanapan ng mga kasagutan.
Ngunit sinasabi na ang gawaing pananaliksik ay nagsimula pa kay Galileo Galilie noong
1500 (https://www.slideserve.com/royal/pananaliksik).
Bunga ng paglago ng ekonomiya, pag-unlad ng teknolohiya at mga pagbabago sa mga
patakaran sa larangan ng edukasyon, umusbong ang mga suliraning kaakibat nito. Ang
pananaliksik bilang kasangkapang pang-intelektwal, ay malaki ang papel na ginagampanan
para sa pagtuklas ng mga makabagong kaalaman, mga datos, at mga katotohanan para sa
ikauunlad ng pamayanan, pulitika, kalakalan, edukasyon at siyensya upang matamo ang
inaasam na pagbabago. Nilalayon nito na maghanap ng mga solusyon sa mga suliraning
kinakaharap sa ibat’ibang larangan ng sa gayon ay mapabuti ang buhay ng tao at ng
pamayanan. Sabi nga nina Good at Scates (1972), “The purpose of research is to serve man,
and the goal of research is to the good life.”
Ang gawaing pananaliksik ay nakapagpapayaman ng kaisipan at nakapagdaragdag ng
kaalaman. Nangangailangan ito ng ibayong pagbabasa at malalim na pag-unawa sa mga
konsepto at pag-aaral. Hinuhubog nito ang kamalayan ng isang mananaliksik tungo sa isang
mahusay na paglalapat ng interpretasyon. Pinalalawak din ng pananaliksik ang karanasan ng
isang manunulat sa pamamagitan ng pagsinop ng mahahalagang datos at paghahanap ng mga
kaugnay na literatura. Dahil sa pananaliksik, tumataas ang respeto ng mananaliksik sa
kanyang sarili lalo na at kung naging matagumpay ang kinalabasan ng kanyang pag-aaral.
39
Basahin at unawain ang abstrak ng isang pananaliksik. Tukuyin ang layunin ng
isinagawang pag-aaral batay sa abstrak.
Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik
Gisella Mari A Averion, Florentino L. Elic, Fernando A. Garcia
40
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK
Inilahad ni Bansuelo, (n.d.) sa kanyang artikulo ang iba’t ibang kahulugan ng pananliksik
ayon sa pakahulugan ng mga eksperto.
Ayon kay Clarke at Clarke (2005), ang pananaliksik ay isang maingat, masistematiko at
obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan,
makabuo ng konklusyon at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng inilahad na suliranin batay
sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Ayon naman kay Nuncio, et al. (2013), ang pananaliksik ay isang lohikal na proseso ng
paghahanap na obhetibong sagot sa mga katanungan ng mananaliksik na nakabatay sa suliranin
at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang
makatugon sa pangangailangan ng tao at ng lipunan.
Ayon naman kay Aquino (1994), ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Ang pagkalap ng impormasyon sa pananaliksik ay kailangang sistematiko, matalino at
etikal. Sistematiko dahil isa sa kahingian nito ay ang pagsunod sa isang pinaghandaang proseso.
May mga hakbang na kailangan sundin upang maging tiyak na tama at maasahan ang mga datos
na makakalap. Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng mananaliksik.
Nararapat lamang na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksang kanyang
pag-aaralan, my sapat syang kaalaman kung paano pipiliin ang impormasyon, kaya ng lapatan ng
ang mga ito ng malalim na pagsusuri at kaya niyang pangatwiranan at ipaliwanag ang halaga ng
ginagawang pananaliksik. Etikal namn ito dahil kailangang panatilihin ng mananaliksik ang
katapatan sa buong proseso at iwasan hangga’t maari ang paglabag sa karapatan ng ibang tao na
maaring masangkot sa pananaliksik gaya ng repondante, o mga awtor ng sangguniang gagamitin
niya.
Samakatuwid, ayon sa kahulugan na ibinigay ng mga eksperto, ang pananaliksik ay isang
siyentipiko at obhetibong pag-aanalisa ng mga datos gamit ang pinaka epektibong metodo at
teorya upang makabuo ng mabisang paglalahat hinggil sa suliranin ng pananaliksik.
Layunin ng Pananaliksik
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay ng tao (Bernales, et al.,2018).
1. Upang makadiskubre ng bagong kaalamn hinggil sa mga batid nang penomena
2. Upang makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga
umiiral na merodo at impormasyon.
41
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng bagong instrumento o
produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elements.
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang substances at elements.
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya, sa kalakalan, industriya, edukasyon,
pamahalaan at iba pang larangan.
7. Ma-satisfy a ng kuryosidad ng mananaliksik.
8. Mapalawa o ma-verify a ng mga umiiral na kaalaman.
9. Upang mapaunlad ang sariling kaalaman.
10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na
bagay.
Sa paaralan, karaniwang rekwarment ang pananaliksik sa mga mag-aaral. Ito ay isang
akademikong pangangailangan sa kahit na anong larangan o disiplina. Ang dahilan nito ay ang
katotohanang walang larangan o disiplina na hindi maaring umaagapay sa patuloy na pagbabago
ng panahon. Kaakibat na ng modernisasyon ang pananaliksik upang makasabay ang tao sa agos
ng buhay at sa mga pagbabago sa paligid at sa lipunan sa ano pa mang larangan. Ang paggawa
ng pananaliksik sa akademya ay isang paghahanda hindi lamang sa kanilang propesyon, kundi
isa itong pagsasanay sa siyentipikong pagdulog sa paglutas ng mga suliranin sa iba’t ibang
larangan upang mapabuti ang buhay at kinabukasan ng mamamayan at matamo ang
pagbabagong inaasam.
Katangian ng Pananaliksik
Ayon kay Bernales, et al. (2018), ang pananaliksik ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian:
1. Sistematik. May sinusunod na proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang
tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon ng
pananaliksik.
2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang maging konstant. Hindi
dapat baguhin, anomang pagbabagong nagaganap sa asignatura o pinag-aaralan ay
maiuugnay sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga
eksperimental na pananaliksik.
3. Empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraan ginagamit
sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
42
Mga Kasanayan sa Pananaliksik
May iba’t ibang yugto at proseso ang pananaliksik. Mahalagang matamo ng mananaliksik
ang mga kognitibong kakayahan sa larangan ng pagbasa at pagsulat. Dapat ang isang
mananliksik ay bihasa sa gawaing pananaliksik upang maging matagumpay sa gawaing ito.
43
Paksa: Asignaturang Filipino
Paglimita sa paksa
Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga Guro at Mag-aaral sa Pag-aalis ng
Asignaturang Filipino
Maaaring gamitin bilang batayan ang mga sumusunod sa paglilimita ng paksa.
Paksa: Pangkat -Lugar -Panahon
Nilimitahang paksa: Persepsyon ng Mga Guro at Mag-aaral sa Pambansang
Pamantasan ng Batangas sa Planong Pagtanggal sa Filipino
Bilang Disiplina sa Kolehiyo T. P. 2019-2020
Sa kabuuan ng pagtalakay sa paksa, malilimitahan pa ito kung pipili lamang ng
isang Programa sa Kolehiyo, halimbawa Batsilyer sa Edukasyon, kung saan isasagawa
ang pananaliksik.
Batay kay Bernales, et al., (2018), may mga batayan ng paglilimita ng paksa. Tulad ng (a)
panahon; (b) edad; (c) kasarian; (d) perspektibo; (e) lugar; (f) propesyon o grupong
kinabibilangan; (g) anyo o uri: (h) partikular na halimbawa o kaso; (i) kombinasyon ng ng mga
nabanggit na batayan.
44
Cyber Bullying
45
pinagdadaanang kasalukuyang pandemya, Covid-19 virus sa mga kabataan na may
edad na 15-21? Ang ganitong katanungan ay nangangailangan ng masusi at
masistematikong pagpapapahalaga sa mga makakalap na datos.
5. Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksa. Mahalaga na ang
mapipiling paksa ng pananaliksik ay naayon sa disiplina ng mag-aaral ng sa gayon ay
may sapat siyang kaalaman sa napili niyang paksa. Hindi magiging madali ang
gagawing pagtalakay kung salat sa kaalaman at malayo sa interes ng mananaliksik
ang paksang pag-aaralan.
46
Pagbasa at Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at Rebyu
Isang mahalagang kasanayan sa pananaliksik ang mabisa at masusing pagbasa. May mga
kasanayan sa pagbasa na dapat taglayin ng isang mahusay na mananaliksik tulad ng pagsulat ng
paraphrase, abstrak at rebyu.
Paraphrase
Ang paraphrase ay tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng orihinal na teksto sa mabisa at
malinaw na pananalita na hindi nababago ang tunay na kahulugan. Ang paraphrasing a y
nakatutulong upang mas mapabilis ang pagbibigay kahulugan sa binasang teksto. Sa pagsulat ng
paraphrase i nilalagay ang pinagkunan ng orihinal na teksto (APA Style, n.d.) Basahin ang
halimbawa ng paraphrase sa ibaba.
Ayon sa dating Pangulong Benigno Aquino sa kanyang talumpati sa Pambansang
Kongreso ng Wika noong ika-19 ng Agosto 2013, naniniwala sya na may naitutulong ang
pamahalaan kahit sa maliit na paraan sa pagpapayabong at pagtangkilik sa wikang Filipino.
Ayon pa sa kanya, tungkulin niya bilang pangulo ng Pilipinas na ibalik ang tiwala ng mga
Pilipino sa mga institusyon ng pamahalaan sapagkat sila ang tinig ng sambayanan. Ito ay
mangyayari lamang kung makikita ng mga mamamayan na ang pamahalaan ay kumikilos para
sa kanila sapagkat ang pamahalaan ay nagmula sa kanila at at para sa kanila. Binanggit din ni
Aquino na bago pa sya nahalal ay sinabi na niya na isusulat sa wikang Filipino ang kanyang
mga talumpati, hindi bilang propaganda kundi bilang tinig ng sambayanang Pilipino sapagkat
ito ang wikang komportable nilang gamitin at higit na nauunawaan.
Ang paraphrase na ito na mula sa bahagi ng talumpati ni dating Pangulong Benigno
Aquino sa Pambansang Kongreso ng Wika noong ika-19 ng Agosto 2013. Buksan ang link sa
ibaba para sa kompletong kopya ng talumpati ng pangulo:
(https://www.officialgazette.gov.ph/2013/08/19/talumpati-ni-pangulong-aquino-sa-pambansang-
kongreso-sa-wika-ika-19-ng-agosto-2013/).
“Kahit sa munting paraan ay kumpiyansa ako sa naiaambag ang ating administrasyon
sa pagpapayabong at pagtangkilik sa wikang pmabansa. Bilang Pangulo, tungkulin kong ibalik
ang tiwala at kumpiyansa ng mga Pilipino sa mga institusyong pampamahalaan. Samakatuwid,
tinig nila tayo. Mangyayari ito kung naiintindihan at nakikita nilang hinihimok natin silang
makilahok sa paghubog ng pamahalaang tunay na mula sa kanila, at kumikilos para sa kanila.
Kaya namn bago pa ako mahalal, napagpasyahan kong gamitin ang Filipino sa aking mga
talumpati-hindi bilang gimik o propaganda- kundi dahil ito ang tunay na tinig ng ating mga
kababayan. Humarap ako bilang kolektibong boses ng mga Pilipino, kaya’t obligasyong kong
magsalita sa wikang komportable sila, naiintindihan nila.
47
Abstrak
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong
papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay karaniwang
makikita sa unahan ng pananaliksik na naglalahad ng buod ng akdang akademiko o ulat.
Kinapapalooban din ito ng mga layunin ng pag-aaral at ang suliranin ng ginawang pananaliksik.
Ayon kay Koopman (1997), nagtataglay ang abstrak ng introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon. Nakatutulong ang abstrak upang madaling maunawaan ng
mambabasa ang mahahalagang puntos sa isang akademikong sulatin ng hindi na kailangan na
basahin pa ang kabuuan nito. Ayon kay Gervacio, (2020), may mga dapat tandaan sa pagsulat ng
abstrak.
1. Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat nakapaloob sa kabuuan ng papel.
2. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong pagpapaliwanag ng mga datos para
pahabain ito
3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
4. Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap. Iwasan ang pagiging maligoy sa
pagsulat ng abstrak.
5. Maging obhetibo. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan.
6. Gawing maikli subalit komprehensibo ang pagsulat ng abstrak kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalatang nilalaman ng pananaliksik.
Ang abstrak sa sunod na pahina ay hango sa palarawang pagsusuri na isinagawa nina
Broadway at Zamora (2018) sa kanilang papel na may titulong “Ang Filipipino Bilang Wika sa
Matematika: Isanga Palarawang Pagsusuri sa Kaso ng Pribadong Paaralan.”
Halimbawa ng Abstrak
Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na malaman kung may espasyo ang Filipino sa
klase ng Matematika. Ginawa ang sumusunod na hakbang upang maisakatuparan ang
pag-aaral: pagmamasid sa mga klase; pagsasagawa ng focus group discussion at
pakikipanayam sa mga guro at mag-aaral; at mula rito ay makabubuo ng mungkahing
patakarang pangwika. Sa isinagawang pagmamasid ng mananaliksik, lumabas na may mga
pagkakataong gumagamit pa rin ang mga mag-aaral at guro (malay o di-malay) ng Filipino sa
asignaturang Matematika. Maituturing ito bilang wikang pantulong sa iba’t ibang yugto ng
klase sa Matematika. Pinatunayan ng pananaliksik na may espasyo ang Filipino sa Matematika
bilang wikang pantulong; napadadali ang pagtalakay sa Matematika sa tulong ng Filipino; at
ang pagpapairal ng patakarang pangwika ay kailangan upang maisakatuparan ang ganap na
espasyo ng Filipino sa paaralan. Iminumungkahi na ipatupad ang mungkahing patakarang
pangwika na nabuo batay sa resulta ng pananaliksik.
48
Para sa karagdagang halimbawa ng abstrak, buksan ang link sa ibaba.
https://ejournals.ph/issue.php?id=584
Rebyu
Ayon kina San Juan, et al. (2019), ang rebyu ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na
ang layunin ay suriin ang isang akda batay sa nilalaman, istilo at anyo ng pagkakasulat nito.
Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng
mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Gumagamit ang mga nagsusulat ng panunuri sa rebyu
upang magbigay linaw sa nilalaman ng akda ng sa gayon ay madaling maunawaan ito ng
mambabasa.
Basahin ang rebyu na isinagawa ni Dr. Ma. Althea T. Enriquez (2013) ng Unibersidad
ng Pilipinas na may titulong Ang Pag-angkla ng Sikolinggwistikang Filipino sa Kultura .
Dalawampung artikulo ang bumubuo sa aklat na Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Pilipino.
Nagmula sa iba’t ibang larangan ang mga manunulat ng mga napiling babasahin na
tumatalakay sa mga paksang may kinalaman sa sikolohiya, wika, kultura, at pagsusuring
pampanitikan. Walang tuwirang paghahating ginawa sa katipunan ng mga babasahin bagama’t
mababanaag ang paglalagay ng mga impluwensyal na iskolar sa kani-kanilang larangan sa
iba’t ibang bahagi ng listahan. Maaaring hatiin ang mga artikulo sa tatlong kategorya batay sa
pangunahing tuon ng pagtalakay.
Matamang inuna sa aklat ang artikulong “Sikolinggwistikang Pilipino: Pananaw at Tunguhin”
ni Virgilio Enriquez na tumalunton sa pagsisimula ng larangan at mga naging pag-aaral nito sa
Pilipinas. Binigyang-pansin ni Enriquez ang pagpapaunlad ng mga katutubong konsepto na
maaaring gamitin ng larangan at ang paghimok na gumawa ng mga pag-aaral na hindi
kinakailangang sumunod sa mga Kanluraning konsepto at pamantayan kung ano ang mga
maaaring pag-aaralan sa sikolinggwistika. Nagsisilbi itong gabay sa aasahang paksain at
tunguhin ng kalipunan ng mga babasahin na isinali sa libro.
Ang unang kategorya ng katipunan ng mga babasahin ay nagtangkang iugnay ang sikolohiya at
wika, kadalasan sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang katutubong salita o katangiang
istruktural ng wika at bumubuo ng mga konklusyon tungkol sa pag-iisip at kamalayan ng mga
Pilipino bunga nito. Sa “Wika at Diwa: Isang Pansikolinggwistikang Analisis sa Konsepto ng
‘Hiya’” ni Zeus Salazar, sinuri ang iba’t ibang panlaping ikinakabit sa salitang-ugat na ‘hiya’
at nakabuo ng isang modelong pansikolinggwistika na umaambag sa pagkaunawa ng
konseptong ito sa lipunang Pilipino. Nalalaman ni Salazar na kinakailangan ang mas malalim
na pagtingin at pag-uugnay sa iba pang konseptong ito upang mas makabuo ng masaklaw at
buong larawan ng kamalayang Pilipino. Sa ganang ito, nag-iwan siya ng mga suhestyon at
rekomendasyong gamitin at subukin ang kaangkupan ng modelo sa pamamagitan ng paggamit
nito sa iba pang katutubong konsepto.
49
Sinubukan namang ipaliwanag ni Silvino Epistola sa kanyang “Wika at Kamalayan” ang
pagsasawika ng mga bagay-bagay na nararanasan ng ating kamalayan. Kumbaga, sinasabi
niyang ang paggamit ng isang partikular na wika ay nagdudulot ng ibang kamalayan o pagsilip
sa kamalayan ng wikang sinasalita. Sinasabi ring nakatali ang pagbibigay ng tawag sa isang
bagay sa kulturang ginagalawan. Makikita ito sa sistema ng “etiketang” ibinibigay ng mga tao
na nakabatay sa kanilang kultura at kung gayon ay nag-iiba ito sa bawat kultura.
Ang susunod na apat na artikulo ay makikita sa kalagitnaan at ang isa ay nasa bandang huli ng
aklat bagama’t maituturing na kabahagi ng kategoryang ito na sinubukang tingnan ang
istruktura o ilang katangian ng wika at nakabuo ng mga konklusyon at pagpapahiwatig mula
rito. Magkasunod ang ginawang pag-aaral na “Ang Pananaw sa Buhay at Weltanschauung na
Mahihiwatigan sa Sikolohiya ng Wikang Tagalog” nina Virgilio Enriquez at Amelia Alfonso na
sinundan ni Amelia Alfonso-Tynan sa kanyang “Ang Pananaw sa Buhay at Sariling Wika.”
Inilista at sinuri nina Enriquez at Alfonso ang mga naunang pag-aaral na ginawa sa
sikolohiyang Pilipino na tumalakay rin sa wikang Tagalog. Naging karaniwang puna ang
paggamit ng Kanluraning lapit sa pag-aaral ng mga awtor. Nagbigay sila ng panguna at
sariling pagsusuri sa pag-aaral na mahihiwatigan sa tinatawag na Weltanschauung o pananaw
sa mundo ng mga Tagalog batay sa mga pinakamayamang bokabularyo na mayroon ang wika
tungkol sa isang konsepto (o set nito) at pinakakaunti. Nakabuo ng ilang haka batay rito: 1)
mahalaga ang tunguhan ng tao sa isa’t isa, 2) mahalaga ang damdamin at kapakanan ng iba, at
3) para sa lahat ang tagumpay at hindi pansarili lamang. Sinundan ang kaisipang ito, ang
sariling wika ay may kinalaman sa pag-iisip at pananaw sa buhay, ni Alfonso-Tynan na siyang
pinakaesensya ng kanyang artikulo. Tinalakay rito kung bakit wala masyadong pananaliksik sa
sikolinggwistika sa panig ng mga linggwist at dahil raw ito sa modelo ni Noam Chomsky na
maimpluwensya sa larangan ng linggwistika sa bansa na nagsasabing pantay-pantay ang lahat
ng wika. Nagpakita ang awtor ng mga halimbawang kumakalaban dito tulad ng pagmarka ng
kasarian sa mga wika at ang pangkalahatang tono ng pananalita kung titingnan ang lapit ng
iba’t ibang kultura sa paggamit ng mga pangkomunikasyong midyum sa internet. Pinag-aralan
din ang bilinggwalismo bilang isang paksang maaaring saliksikin sa sikolinggwistika at
naipakita na malaki ang kaibahan ng pag-iisip na nag-umpisa sa isang wika kaysa sa kung ito’y
isasalin lamang.
Ang dalawang artikulo rito ay may halos magkaparehong tema: “Ang Pananaw sa Mundo ng
mga Ilukano Mula sa Kanilang Wika” ni Ernesto Constantino at “Ang Pananaw sa Daigdig ng
Cebuano” ni Leonardo Mercado. Tinalakay ni Constantino ang pagiging produktibo ng
aspetong panghinaharap sa wikang Ilukano. Maaari raw itong maiugnay sa kultura ng mga
Iluko na nagbibigay-halaga sa hinaharap. Ikinumpara rin niya ito sa Tagalog na kung saan mas
maraming gamit ang progresibo at maaaring mahinuhang magkaiba ang kultura ng dalawa
batay na rin sa gamit ng kanilang wika. Sa kabilang banda, isang pagpapatuloy ng naunang
pag-aaral ni Mercado ang artikulong isinama sa aklat at ngayon nama’y tumutuon sa tatlong
50
aspeto ng wika at ang mahihiwatigan dito tungkol sa pananaw ng mga Cebuano tungkol sa sarili
at sa mundo. Ang tatlong paksang pinagtuunan niya ng pansin ay tungkol sa mga salitang may
kinalaman sa pandama, konsepto ng “mabuti,” at mga numero na binigyang-halimbawa rin niya
ng mga paradaym na nagpapakita sa pagtrato sa numero higit pa sa matematikal na katangian
nito.
Ang “Mga Singit-Pangungusap Kaugnay ng Wika, Emosyon, Sitwasyon, at Tao Ayon sa Ilang
Taga-UP Diliman (Isang Panimulang Pag-aaral)” ni Reginald Hao ay tungkol sa mga
tinatawag na singitpangungusap na kadalasang nagagamit sa mga sitwasyong balisa o may
agam-agam ang mananalita. Ikinategorya ang mga nakalap na singit-pangungusap at nailista
ang mga iyon ayon sa mga salik na wikang ginamit, sitwasyon, at kung sino ang nagsasabi ng
ganoon. Naipakita na gumagamit ang mga Pilipino ng mga singit-pangungusap hindi lang dahil
sa matinding emosyon kundi dahil na rin sa likas na di-tuwiran magpahayag o magsalita ang
isang Pilipino upang hindi siya makasakit ng damdamin ng iba.
Isang pagsusuring pampanitikan ang kumukumpleto sa unang kategorya ng mga babasahin. Sa
“Estruktura ng Trawmatikong Kamalayan sa ‘Adobo’ ni Faye Cura: Pagsusuring
Sikolinggwistika sa Isang Modernistang Tula” ni Romulo Baquiran Jr., sinubukang langkapan
ng gramatikal na analisis ang mga pangungusap ng bawat linya ng tula. Kapaki-pakinabang
ang pagsusuri sa mga mag-aaral ng panitikan dahil ang paggamit ng sintaktik na pagsusuri ay
di kadalasang ginagamit sa mga tula na talaga namang nagpapakita ng mga pangungusap na
nasa di-karaniwang ayos.
Ang ikalawang kategorya ng mga babasahin ay mas tumutuon sa mga pag-aaral na may
kinalaman sa ugnayan ng kultura at wika ngunit mas mababanaag ang paglutang ng
makakultural na lapit sa mga pagsusuring ginawa. Gaya ng naunang paghahati, makikita ang
pagsisimula nito sa “Kultura ng Wika” ni Prospero Covar. Isinaad ni Covar ang pagkakaugnay
ng kultura at wika bagama’t ang pangkalahatang presentasyon ay nakahati sa paglalarawan ng
mga bahagi ng pananalita at pagbabalanghay (domain) na binigyang-halimbawa sa paggamit
ng “bahay.”
Isinalaysay ni Mary Jane Rodriguez-Tatel sa “Ang Pilipino Bilang ‘Tribu,’ ‘Pagano,’ at
‘Nativo’: Hermeneutika ng Pananakop sa Usapin ng Etnisidad at Kabansaan” ang paggamit ng
mga salitang “tribu,” “pagano,” “nativo,” at iba pang kagaya nito upang ipangibabaw ang
kaisipang pagiging disibilisado ng mga di-binyagang Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano. Ang mga katawagang ito ay nagkaroon ng ganitong konotasyon sa tulong ng
pagpapalaganap ng mga kolonisador at nagbunga rin ng self-actualization sa mga Pilipino, i.e.
naniwala sila sa ganitong pagtatangi at naimpluwensyahan kung paano sila nag-iisip tungkol sa
sarili nila kung sila ay kasama sa grupong “minorya” at kung paano nila ituturing ang kanilang
kapwa kung hindi sila magkasama sa isang grupo. Sa huli, may suhestyon si Rodriguez-Tatel na
kilalanin ang kapangyarihan ng wika sa pagtatakda sa kaisipan ng tao at kung gayon ay
maiaayos ang mga nagawang pagkakamali noon.
51
May halos na katulad na tema sa “Ang Ebolusyon ng Salitang ‘Orag’ mula Sinaunang Panahon
hanggang sa Kolonyalistang Pagsasalin sa Kasaysayan sa Kabikolan” ni Victor Dennis Nierva.
Inilahad at sinuri ng awtor ang kasaysayan ng salitang ‘orag’ mula sa magandang konotasyon
nito at ugnayan sa maharlikang grupo ng mga sinaunang pamayanan tungo sa masamang
konotasyon nito dahil sa mga gawain ng mga kolonisador na Español. Ipinakita rin niya ang
muling panunumbalik ng ‘orag’ sa orihinal nitong ibig sabihin sa modernong panahon dala ng
mga postkolonyal na pag-iisip at impluwensya.
Sinimulan ni Jayson Petras ang kanyang “Ang Tagalog-Marikina sa Wikang Filipino: Isang
Panimulang Talakay” sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilang katangian ng wika at kulturang
Pilipino at ang ugnayan nila sa isa’t isa. Ito ang ginamit na pagsipat sa pagpapakita ng
kulturang Marikenyo batay sa bokabularyo ng mga tagaroon. Naging maikli lang ang
pagtalakay rito at hindi gaanong napalawak at nasuri ang pagsasalamin ng bokabularyong
inilista sa kultura ng bayan bagama’t gaya ng sinabi, isa itong panimulang pagtalakay at
mayaman ang nailista at naikategoryang bokabularyo mula sa iba’t ibang domeyn ng
pamumuhay at lipunan.
Naging mas tiyak ang pagtalakay ni Covar sa ugnayang kultura at wika sa kanyang
“Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.” Tinalakay at ginamit niya rito ang
kaalamang bayan upang ipaliwanag ang pagkataong Pilipino. Pinakasentro sa analisis ang
paggamit ng mga konseptong “loob,” “labas,” at “lalim” na ipinakitang iba ang pagdukal sa
pagkataong Pilipino batay sa mga katutubong konsepto na ito.
Kasunod naman ng akda ni Covar ang “Ang Kamalayan at Kaluluwa: Isang Paglilinaw ng
Ilang Konsepto sa Kinagisnang Sikolohiya” ni Salazar. Tinalakay rito ang magkatuwang na
mga konseptong umaayon sa pagsipat na “loob” at “labas” ng mga bagay-bagay at
pinakabatayan ang konsepto ng “kaluluwa” at “ginhawa” na magkaugnay sa sinaunang
kulturang Pilipino bago naiugnay ang kaluluwa sa maka-Krtistiyanong pananaw. Sa ganitong
mga pagsusuri maaaring bumatay ng mga pag-aaral sa sikolohiyang Pilipino.
Masasabing ikatlong kategorya ang mga babasahing tumatalakay sa istruktura o gramar ng
wika na pinasimulan ng dalawang artikulong nagbuod at sumuri sa mga naisulat tungkol sa
gramatika at linggwistikang Pilipino. Sa “Ang mga Gramatikang Tagalog/Pilipino na Isinulat
ng mga Pilipino” ni Lydia Fer. Gonzales-Garcia, tinalunton niya ang mga naging pag-aaral sa
gramatika ng Tagalog/Pilipino sa konteksto ng pagkakaroon ng pambansang wika. Nagbigay
siya ng kaligiran sa panahon at pangyayari nang maisulat ang mga akda na ito, sino at ano ang
nakaimpluwensya sa mga sumulat nito, at ang naging lapit ng kanilang pag-aaral. Nais
patunayan na nagkaroon ng masasabing gramatikang Filipino at pananaw na maka-Pilipino sa
pagsusuri ng gramatika ng Tagalog/Pilipino.
Sa kabilang banda, tinutukan naman ni Nelly Cubar ang mga pag-aaral sa
Tagalog/Pilipino/Filipino na sinulat ng mga Pilipino sa “Ang Linggwistikang Filipinong
52
Nasulat sa Tagalog/Pilipino/Filipino.” Ipinakita batay sa yaman ng mga nasiulat na tunay
ngang may disiplinang Filipino sa lawak at sakop ng mga erya tungkol sa pag-aaral nito di
lamang sa istruktura nito kundi pati na rin sa pagaaral sa pagsasalin, diksyonaryo, pagtuturo, at
intelektwalisasyon. May kritisismong ibinigay tungkol sa pag-aaral ng istruktura at iyon ay ang
pagbatay nang malaki sa mga Kanluraning konsepto. Hinihimok na makatuklas ng bagong ideya
o bagay na makakatulong sa pagrebisa ng mga dating ginagamit na teorya na siyang magiging
ambag na malaki sa linggwistikang Filipino.
Ang “Mga Pag-aaral sa Barayti ng Wika” ni Rosario Alonzo ay naglalahad at nagkakategorya
ng mga pag-aaral na nagpapakita ng barayti ng wika na sumasaklaw hindi lamang sa lugar
kundi pati rin sa panahon, katayuang panlipunan, gawain, propesyon, at iba pa. Ipinapakita
nitong may barayti ang wikang pambansa na nagpapatunnay ng kakayahan nitong magamit sa
iba’t ibang antas at uri ng komunikasyon. Samantalang isang tiyak na barayti ang inilarawan ni
Teresita Semorlan sa “Chavacano Filipino: Varayti ng Filipino sa Siyudad ng Zamboanga.”
Inilarawan dito ang Filipino ng mga Chavacano at kung paano nito naiimpluwensyahan ang
paggamit nila ng Filipino. Ipinakita ang katangian ng barayting ito sa lahat ng lebel ng gramar,
pati na rin sa bokabularyo at ispeling. Pinatutunayan nito na hindi lamang Tagalog ang
nakakaimpluwensya ng pag-unlad ng Filipino. Ganito rin ang naging tema sa “Varayti at
Varyasyon ng Wikang Filipino sa Cebu at iba pang lugar sa Mindanao” ni Angelina Santos na
kung saan ipinaliwanag kung ano ang varayti at varyasyon ng wika at ipinakita ang kaso ng
paggamit ng mga Cebuano ng wikang Filipino.
Isang malaking bentahe ng libro ang pagsisimula sa pamamagitan ng pagtatampok sa artikulo
ni Enriquez na siya namang muhon at ama ng Sikolohiyang Pilipino sa bansa. Naisama rin ang
mga impluwensyal na iskolar sa kani-kanilang larangan na sina Salazar, Covar, at Constantino.
Gaya ng nabanggit sa simula, walang tuwirang paghahati sa mga artikulong isinama sa libro, di
tulad ng ginawang paghahati sa isang naunang inilimbag na katipunan din ng mga babasahin
para sa Sikolohiya ng Wikang Filipino (Antonio at Tiamson-Rubin 2003). Ang mga nagawa ng
mga tanyag na iskolar na ito ang nagsisilbing tanda at modelo di lamang sa pinanggagalingang
perspektiba kundi pati rin sa maaaring maging tunguhin ng mga pananalisik sa sikolinggwistika.
Pinakamalaki ang bulto ng mga artikulo na tumatalakay sa ugnayan ng kultura, lipunan, at
wika. Kahit ang mga artikulo nina Constantino at Mercado na tuwirang tiningnan ang ilang
katangian ng istruktura ng wika ay mas naiugnay ito sa pananaw ng grupo sa kanilang kultura,
isang penomenon na maaaring ugatin sa mga teorya sa sosyolinggwistiks, partikular ang
Whorfian hypothesis. Bagama’t hindi naman maitatanggi na konektado talaga sa kultura ang
sikolohiya ng mga Pilipino, ang kaisipang may matinding ugnayan ang indibidwal na psyche at
ang kultura ay umiiral at inaaral sa larangan ng sikolohiyang pangkultura (cultural psychology)
na tumitingin rin sa pagtanggi sa ugnayang ito dahil sa indibidwalistikong pagsipat na
kadalasang nakikita sa mga pag-aaral sa Hilagang Amerika (Markus at Hamedani 2010).
53
Lumalabas kung gayon na parang aksidental at nasa gilid lang sa karamihan ng mga isinamang
pag-aaral ang mga implikasyon at ambag sa sikolinggwistika mismo.
Masasabing ang ilan sa mga paksang tinatalakay sa mga babasahing ito ay mas nasa erya ng
sikolohiyang pangkultura, etnosikolohiya o kaya nama’y sa sosyolinggwistika kaysa sa
sikolinggwistika mismo. Ipinapaliwanag ang mga naunang pag-aaral sa sikolinggwistika gamit
ang mga tuntuning itinakda at sabay sa mga pag-unlad sa linggwistiks (Fodor et al. 1974).
Bagama’t may mga naisamang pag-aaral mula sa panig ng gramar at linggwistiks, ang
pagtalakay ay kapansin-pansing mas nakatuon sa paglalarawan ng gramar at barayti ng wika
mismo imbes na tumalon sa pag-unawa kung paano nauunawaan at nagagamit ng mananalita
ang kanyang wika, ito ang mga batayang paksain at tinatalakay sa sikolinggwistika (Caroll
1994). Maaaring ikumpara ang mga nakalap na babasahin sa kalipunan na tinipon nina Leon
Jakobovits at Murray Miron (1967). Ang mga paksain gaya ng bilinggwalismo, pagkatuto ng
wika, mga problemang dulot ng depekto sa bahagi ng utak na may kinalaman sa wika, at iba
pang paksa na masasabing mas pundamental sa ugnayan ng sikolohiya at wika ay wala.
Nabanggit ni Enriquez ang ilang pag-aaral na nagawa ng kanilang departamento tungkol sa
sikolinggwistika ngunit hindi naisama ang isa man sa katipunan ng aklat.
Totoong kailangang susugan ang sinabi ni Enriquez at ang mga gawa ng iba pang iskolar na
dapat gumawa at lumikha ng mga pagsipat at pamamaraan na nag-uugat sa mga katutubong
konsepto at hindi dapat ilapat kung ano ang natutunan sa mga Kanluraning pag-aaral. Ganito
ang naging pagkiling sa karamihan ng mga tinipong pag-aaral nina Lilia Antonio at Ligaya
Tiamson-Rubin (2003) na tumatalakay sa ugnayan ng kultura at wika gamit ang mga
pamamaraan sa Sikolohiyang Pilpino o mga katutubong konsepto. Ngunit ang paniniwalang
kinakailangang makabuo ng sariling pamamaraan at pagtatasa sa proseso ng pag-iisip at
kamalayang nakaangkla sa mga katutubong konsepto at kulturang ginagalawan ay hindi na
bago at hindi malayo sa mga panuntunan halimbawa ng sikolohiyang pangkultura.
Makikita ang mga paksang gaya nito sa katipunan ng mga artikulo na pinamatnugutan nina
Uichol Kim et al. (2006). Halimbawa nito ang pag-aaral nina Susumu Yamaguchi at Yakari
Ariizumi (2006) sa amae (“ang pagtanggap sa di-akmang gawi o pakiusap”) na bagama’t
katutubong salita sa Nihongo, ang sikolohikal na konsepto sa likod nito ay makikita rin sa ibang
kultura. Kung gayon, ipinapakitang hindi nangangahulugang ang mga katutubong konsepto ay
halimbawa na ng katutubong sikolohiya.
Maaaring suriin ang sikolinggwistika mula sa iba’t ibang perspektiba, gaya ng paggamit ng
katutubong konsepto sa pagsipat, ngunit hindi lang dapat paglalarawan gamit ang mga
konseptong ito ang maging hantungan ng pag-aaral. Kinakailangang maiugnay at makaambag
din ito sa pangkalahatang kaalaman ng larangan ng sikolinggwistika bilang isa sa mga
larangan ng agham panlipunan. Gaya na lamang ng modelong dinebelop ni Salazar mula sa
kanyang paghihimay sa konsepto ng “hiya,” naipakita na produktibo ang modelo at makikitang
maaaring gamitin ito para sa iba pang katutubong konsepto gaya ng “awa” at “lungkot.” Mas
54
mainam at kapaki-pakinabang ang modelo sa larangan ng sikolinggwistika kung magagamit din
ito sa pagsusuri ng ibang dikatutubong konsepto. Ganito rin sana ang pangako ng
pagbabalanghay at pagtatalatag na ginawa ni Covar ngunit hindi naging malinaw kung paano
nagkakaroon ng paglalangkapan ang pagtalakay sa pormal na istruktura ng wika at ang
pagtalakay sa balanghay ng mga salita sa wika, at ang mahihiwatigan kung gayon mula rito
tungkol sa sikolinggwistikang Pilipino. Hindi maitatangging napakalaki ng magiging ambag nito
sa mga pamamaraang magagamit sa larangan.
Sa pangkalahatan, mahusay at de-kalidad ang mga artikulo sa libro at walang kritisismong
masasabi sa kalikasan ng naging pag-aaral nila. Ngunit kitang-kita na ang ilan sa mga
pag-aaral ay hayag na mas tumatalakay sa larangang pinanggalingan ng awtor gaya na lamang
ng mga ginawang buod na pag-aaral nina Gonzales-Garcia at Cubar kaysa sa ambag nito sa
larangan ng sikolinggwistika. Ang problema at pag-aalinlangan ay nasa kaangkupan ng
karamihan sa mga babasahin na mapasama sa isang libro na may layuning tipunin ang mga
pag-aaral na kakatawan sa mga paksa at tunguhin ng pananaliksik sa sikolinggwistikang
Filipino. Kung babasahin lang bilang pag-aaral ang ilan sa mga artikulo na hindi iniuugnay sa
sikolinggwistika, makikita ang kahusayan nito at ambag sa pinanggagalingan larangan.
Masasabi kung gayon na ang pinakakalakasan ng libro ay siya ring kahinaan nito kung
kahinaan nga itong matatawag dahil kung hindi naging ganoong kalinaw ang mga paksain ng
pananaliksik sa sikolinggwistikang Filipino, makikita naman ang yaman at kasaklawan ng
matutunan tungkol sa mga pag-aaral sa Pilipinas.
Akademikong Publikasyon
Ayon kay De Laza (n.d.), hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung wala itong
publikasyon. Maaaring ilathala ang pananaliksik, buod, pinaikling bersyon o isang bahagi nito
sa pahayagan o pampahayagang pangkampus, conference proceedings, monograph, aklat o sa
refereed research journal. Ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong publikasyon
ay mapapasama sa isang refeered research journal sa anumang larangan ng pananaliksik. Ang
nabuong pananaliksik ay dumadaan sa peer review, isang proseso kung saan ang manuskrito o
artikulo ay dumadaan sa screening o serye ng ebalwasyon bago mailimbag ang journal.
55
Inisyal na Hakbang Ng Paglalathala sa Isang Research Journal
Ang nasa sunod na pahina ay isang halimbawa ng panawagan para ng isang refereed
journal p ara sa kontribusyon ng papel pananaliksik. Ito ay mula sa DALUYAN, Journal n g
Wikang Filipino ng University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.
56
Presentasyon ng Pananaliksik
Ayon ay De Laza, (n.d.), ang presentasyon ng pananalisksik ay isang paraan ng
pagbabahagi ng ginawang pananaliksik sa mga lokal, pambansa at pandaigdigang kumperensiya.
Ang pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng pampublikong gawain tulad ng simposyum,
forum, kumperensiya, at iba pa at mahalagang gawain na dapat linangin sa loob at labas ng
akademya. Sa pamamagitan nito ay nalilinang ang kagustuhan ng mga miyembro ng akademya
na maghanap ng mas mataas na antas ng kaalaman at uri ng pag-iisip. Sa pamamagitan din nito
ay nagiging makabuluhan at napapanahon ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral at nadadala sa
loob ng silid-aralan. Sa ganitong gawain ay nailulugar din ang papel ng akademya sa lipunan .
57
Gawain 1: Paglilimita ng Paksa
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga pangkalahatang paksang pampananaliksik na
hinihingi nito. Isulat ang nilimitahang paksa hinggil dito.
1. Panahon
2. Edad
3. Kasarian
4. Perspektibo
5. Lugar
6. Partikular na
Halimbawa o Kaso
Gawain 2: Pagsususri
Panuto: Basahin ang pagsusuri na isinagawa ni Feorillo Peronillo A. Demeterio III ukol sa
Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa.
Isa-isahin ang mga katangian ng pananaliksik na nakapaloob dito. Buksan ang link sa
ibaba.
https://www.academia.edu/7636621/Sistematikong_Multilingguwalismo_Lunsaran_ng_Mas_Ma
tatag_na_Wikang_Pambansa
Gawain 3: Pagsulat
Panuto: Mag-isip ng tatlong paksang gampanang pananaliksik na nauugnay sa pag-aaral ng
Filipino. Ilahad ang kaligiran ng paksa at mga dahilan kung bakit ito ang nais gawing
pananaliksik.
58
American Psychological Association. (n.d.) Paraphrasing. Retrieved from https://apastyle.
apa.org/style-grammar-guidelines/citations/paraphrasing
Averion, Elic & Garcia. (2015). Karanasan ng isang batang ina: Isang pananaliksik. LPU Laguna
Journal of Arts and Sciences 2. ( 2). Retrieved from http://lpulaguna.edu.
ph/wp-content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-ISANG-PANA
NALIKSIK.pdf
Broadway, M. S.D., at Zamora, C. L. (2018). Ang Filipino bilang wika sa Matematika: Isang
palarawang pagsusuri sa kaso ng isang pribadong paaralan. The Normal Lights Journal
on Teacher Education, vol. 12, (1), 67-99. Retrieved from http://po.pnuresearchportal.
org/ejournal/index.php/normallights/article/view/761.
Call for Papers for Daluyan: Journal ng Wikang Filipino (2019). Retrieved from
https://upd.edu.ph/call-for-papers-for-daluyan-journal-ng-wikang-filipino/
etrieved
Enriquez, A. T. (2013). Ang pag-angkla ng sikolinggwistikang Filipino sa kultura . R
from http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/2014/09/13 -Rebyu-Enriquez.pdf
San Juan, D. M. et. al. (2019). Sangandaan: Filipino sa iba’t ibang disiplina. M
alabon City:
Mutya Publishing House.
59
Isang mahalagang pagsasaaalang-alang ang pagpili ng batayang teoretikal sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Sa pamamagitan nito’y mas nagiging malalim ang
pananaliksik, nagiging mas malawak, malinaw na maipaliliwanag, at makalilikha ng mga
bagong konsepto o kaisipan. Ngunit ano nga ba ang teorya? Ang isang salitang ito’y
nagtataglay ng maraming kahulugan depende sa gamit dito. Maaari itong itumbas sa mga
salitang prinsipyo, batas, at doktrina. Maaari din itong itumbas sa mga salitang ideya,
nosyon, hipotesis, at postulado. Sa larangan ng matematika, ang teorya ay isang katawan ng
mga prinsipyo o mga teorem na kabilang sa isang paksa. Maaari ring isang pagkabatid o
pananaw sa isang bagay na gagawin, o kaya ng metodo ng paggawa nito. Ang teorya ay
maaari pa ring isang sistema ng mga panuntunan o mga prinsipyo. Sa ganitong diwa, isang
halimbawa ang nasa pangungusap na "ang nagsasalungatang mga teorya kung paano
pinakamainam na matututo ang mga bata kung paano magbasa." Ayon naman kay Abend
(2013, sa San Juan et al, 2019)), ang mga teorya ay binuo upang magpaliwanag, magbigay
ng prediksyon hinggil sa o makatulong sa pag-unawa sa penomemon, at sa maraming
sitwasyon, ay naglalayong suriin ang kabuluhan at palawakin pa ang umiiral na kaalaman.
Tatlo naman ang konsiderayong ibinigay ni Torraco (1997) sa pagpili ng teorya: ang
pagiging akma sa pananaliksik, lina/dali ng aplikasyon sa pananaliksik, at bisa ng teorya sa
pagpapaliwanag o paghahanap ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik.
Samantala, mahalaga ang batayang teoretikal sapagkat ito ay kailangan sa isang sulating
pananaliksik dahil ito ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, teorya at
kahulugan na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng isang penomena sa pamamagitan ng
pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa isang paksang pinag-aaralan.
Nakapaloob sa batayang teoretikal ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaralan ng
mananaliksik gayundin ang mga ideya at konseptong dapat palitawin sa ginawang
pananaliksik sa tulong ng mga teoryang may kinalaman sa paksa. Makatutulong ang
batayang teoretikal sa mga magbabasa na mas lalong maunawaan at maintindihan ang
perspektibo at nilalaman ng pananaliksik. Ito ay konektado sa mga literatura na ginamit para
sa pananaliksik. Sa batayang teoretikal din nakasaad kung paano nabuo ang isang
pananaliksik. Sa pamamagitan ng batayang teoretikal maaring dito ibatay ang mga maaaring
mangyari o maging resulta ng pananaliksik, isa rin itong napakalaking tulong upang maging
batayan sa paksang pinag-aaralan.
Ipinaliwanag sa isang modyul sa pananaliksik sa University of Southern California
(2018, sa San Juan et al., 2019) na binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa
pananaliksik ang batayang teoretikal. Karaniwang nabubuo ito sa pamamagitan ng
kombinasyon ng mga teorya at konsepto mula sa umiiral na pananaliksik na naging bahagi
ng kaugnay na literatura at kaugnay na pag-aaral. Ipinaliwanag naman sa isa pang modyul
60
(Torraco, 1997) ang apat na tiyak na paraan kung paano mapatitibay ng batayang teoretikal
ang pananaliksik:
1. tinutulungan nito ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik na kaniyang
binabasa;
2. iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at pananaliksik na
bahagi ng pagbabatayan ng mga paliwanag at pagsusuri sa tinitipong datos, at sa mga
sagot sa mga tanong ng pananaliksik;
3. tinutulungan nito ang mananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang na sagutin ang
mga tanong ng pananaliksik sa pamamagitan ng swabeng transisyon mula sa
simpleng paglalarawan ng penomenon at mga obserbasyon tungo sa pagbubuo ng
mga kaisipan at/o teorya na may mas malawak na aplikasyon at magagamit sa
pagsusuri ng iba pang kaugnay na penomenon, sitwasyon, at iba pa,
4. nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o pagbubuo ng
mga kaisipan at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik. Pokus ng araling ito ang
paglinang sa batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o buhat sa
lipunang Pilipino.
61
Suriin ang Pigura sa kanan
Ipaliwanag ang ugnayan ng pananaliksik,
lipunan, at komunidad.
63
layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan at nauunawaan ang
kanilang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng layuning paunlarin ang buong
lipunan hindi lamang ang kani-kanilang mga sarili. Oo nga’t itinuturo sa mga mag-aaral ang
buhay nina Rizal at Bonifacio. Ngunit hindi iniaakma ang kanilang mga aral sa kasalukuyang
suliranin ng ating bayan at itinuturo ang kanilang buhay bilang mga maikling kuwento tungkol sa
mga nakalipas na pangyayari na ikinasisiyang pakinggan ng mga bata…Ang tungkulin ngayon ng
edukasyon ay iwasto ang maling pananaw na ito. Dapat na natin ngayong isipin ang ating mga
sarili, ang ating kaligtasan, at ang ating kinabukasan. At hanggang hindi natin inihahanda ang
kaisipan ng mga kabataan sa pagpupunyaging ito, mananatili tayong mamamayang walang
pakialam sa ating bayan na walang tiyak na patutunguhan at hindi kung ano ang kasasapitan sa
araw ng bukas.
Ilan sa mga halimbawa ng mga akdang nasulat ng ating mga bayani na
tumatalakay sa nasyonalismo ay kinabibilangan ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
at sanaysay na “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni Andres Bonifacio, ng “Kartilya
ng Katipunan” at ng sanaysay na “Ningnging at Liwanag” ni Emilio Jacinto. Ang mga
pagsusuri sa mga akda ng mga bayaning Pilipino ay mainam ding sanggunian para sa
mga diskurso hinggil sa nasyonalismo, gaya ng sanaysay na “Ang Apat na Himagsikan ni
Francisco Balagtas” ni Lope K. Santos at ang artikulong “Perspetibo, Realismo, at
Nasyonalismo” ni Rolando Tolentino.
Teoryang Dependensiya
Ang teoryang dependensya na kilala rin sa tawag na Teoria de la Independencia o Teorya
ng Dependensiya at nakaugat sa Amerika Latina. ay ang paniniwala na ang
pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa
"sentro" ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa. Ito
ay sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang mahihirap na estado ay pinagkaitan at
ang mayayaman ay pinagkalooban sa paraan kung paano isinama ang mahihirap sa
"pamamalakad ng mundo."
Ang teorya ay umusbong bilang isang reaksyon sa teoryang modernisasyon kung saan
ang lahat ng lipunan ay umuunlad sa pamamagitan ng magkakaparehong hakbang sa pagsulong,
kung kaya ang tungkulin sa pagtulong sa mga lugar na hindi makawala sa kahirapan ay iahon sila
sa dapat na panglahatang landas ng pag-unlad sa iba’t ibang paraan kagaya ng pamumuhunan,
pagbabahagi ng teknolohiya, at mas malapit na integrasyon sa mundong pangkalakalan.
Sinalungat ng teoryang dependensya ang pananaw na ito, pagtutol na ang mahihirap na bansa ay
hindi lamang naunang bersiyon ng maunlad na mga bansa, subalit may sarili at kakaibang
katangian at istruktura; at higit sa lahat ay nabibilang sa dehadong kasapi sa ekonomiya ng
mundong pamilihan.
Ang teoryang dependensya ay wala na masyadong tagapagtaguyod bilang isang
pangkalahatang teorya, ngunit ang ilang manunulat ay nakipagdebate sa patuloy nitong
kaugnayan bilang isang pangkonseptong oriyentasyon sa paghahati-hati ng yaman ng mundo.
Ilan sa mga kilalang teorista nito sina Raúl Prebisch at Theotônio dos Santos, na kapwa
mula sa Amerika Latina. Ayon sa kanila, ang pagsasamantala ng mga bansang industriyalisado
sa mga bansang mahihirap ay sa pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya na nakaapekto
rin nang malaki sa sistemang politikal at kultural ng bansa. Halimbawa nito ay ang pagpasok ng
dayuhang puhunan o foreign investment na nagtutulak sa maraming mamamayang na
64
magtrabaho sa ibang bansa at ang higit na pagtutuon ng pansin ng bansang gaya ng Pilipinas ang
paggamit ng Ingles sa mataas na antas ng edukasyon.
Nilinaw ni San Juan (2013) ang koneksyon ng mga diskurso sa nasyonalismo at
Teoryang Dependensiya sa kanyang artikulong “Kaisipang Nasyonalista at Teoryang
Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas.” Sa
pananaw naman ni Constantino at ng iba pang nasyonalista, ang anumang programang
pang-edukasyon ay walang saysay kung hindi nito isinasaalang-alang ang kaunlarang ng mga
mamamayan ng bansa. Ibig sabihin walang saysay ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa
ito’y sumunod sa “pamantayang global.” Sa kabuuan, binigyang-diin ni Constantino na hangga’t
kontrolado ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong elite na kanilang kasabwat ang ekonomiya,
politika, at kultura (kasama na ang edukasyon) ng Pilipinas, mananatiling mahirap at walang
pag-unlad ang mayorya ng sambayanang Pilipino. Pinatutunayan lamang nito na kapanalig ng
mga naniniwala sa bisa at katotohanan ng Teoryang Dependensiya si Constantino (San Juan et
al.,2019).
Sa isa pang artikulo ni San Juan (“Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya:
Isang Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas”) ay ipinaliwanag nito ang
kritisismo ng mga tagapagtaguyod ng Teoryang Dependensiya sa neokolonyal na sistemang
nangingibabaw sa mga bansang gaya ng Pilipinas. Aniya, “Mas nakikinabang ang mga bansang
mauunlad at/o mayaman sa kapital sa ganitong sistema..
Ibinubuod ng Pigura 5.2 ang konsepto ng Teoryang Dependensiya sa konteksto ng
Pilipinas, batay sa artikulo ni San Juan (2014), gayundin ang mungkahing paksa na maaaring
66
Ang Marxismo sa Pilipinas (San Juan, et al, 20199) ay karaniwang ginagamit sa
panunuring pampanitikan kung saan, sa ganitong kontekstoay inaalam ang uring panlipunan
(social class) na nasa teksto, pelikula, at iba pa; ang tunggalian ng mga uring panlipunan; ang
nang-api at inapi, nagsamantala o pinagsamantalahan ang pagkakalarawan sa mga karakter; ang
pagbangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ng mga karakter; ang paraan ng
pagsamantala sa iba ng ilang karakter; at kung aling uring panlipunan ang nagtagumpay sa huli.
Ang pagsusuring Marxismo ay inilapat na sa artikulong “Kontra-Gahum: Pagsipat sa Tema,
Pilosopiya at Ideolohiya ng Piling Kontemporaryong Tulang Radikal Tungo sa
Kontekstwalisasyon ng Kritisismong Marxista” ni San Juan (2010) kung saan inilahad ang
tatlong karagdagang tanong ng mga Marxistang mananaliksik kagaya ng pag-alam sa paraan
kung paano nagsisilbing propaganda ng status quo ang katha; o kung ito ba’y nagtatangkang
sumalansang sa status quo; ang sinasabi ng katha ukol sa pagsasamantala; o kung isinasantabi
nito ang mga tunggalian sa lipunan o dili kaya’y isinisisi sa ibang bagay; at kung may solusyon
inihahayag ang katha sa mga suliraning inilahad nito. Sa kontekstong Pilipino, ang
Pag-aklas/Pagbaklas/Pagbagtas ni Tolentino (2009) ay isa sa mga mabisang adapsyon ng mga
ideyang Marxista sa panunuring pampanitikan. Dito ay tahasang binigyang-diin ni Tolentino
ang:
politikal na pagbasa ang asinta ng libro ng pampanitikang kritisismong ito. Politikal bilang
pagkilala sa substansyang nakahihigit na kodeterminasyon at korelasyon sa loob at labas ng
panunuring pampanitikan at panlipunan. Na sa una’t huling usapin, tumataya ang kritiko sa
binabasa at pinag-aaralang akdang pampanitikan, at ang pagtatayang ito ang nakapagkakawing
sa kaniyang posisyon sa binabasa at panitikan, sa mga puwersang historikal, panlipunan, at
modernismo. Sa mga kabanata sa libro, tatlong hakbang ang isinasaad: pag-aklas bilang impetus
sa panunuring historikal at panlipunan na susing kawing ang panitikan; pagbaklas bilang
pagbuwag sa naunang formalistiko at makasentrong sining na panunuring pampanitikan; at
pagbagtas bilang mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing nagsasaalang-alang
ng makauring panunuri. Kaya matutunghayan sa mga kabanata ang ideolohikal na pagbasang
nagkakawing kina Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at ang susunod na
pambansang administrasyon sa isang banda, at sa Makabayan Curriculum, Enchanted Kingdom,
politikal na pagpaslang at aktibismo sa kabilang banda bilang ispesipikong sityo ng panlipunan,
pangkasaysayan, at nag-aastang modernong pag-aakda, pagbabasa, at pag-aaral ng panitikan.
Sa aklat nina San Juan et al. (2019) ay nabanggit na ganito rin ang pagkakasuri ni
Tolentino (2013) sa artikulong “Ang mga Gamit ng teorya ng Media at Lipunan, o Teorya ng
Kritikal na Buhay at Lipunan.” Dito nama’y binigyang-diin ni Tolentino ang ugnayan ng
monopolyo ng mga kapitalista sa midya at ng nilalaman o direksyon mismo ng midya. Sa
katunayan, nabago na ang dating kalakaran na ang balita ang tampok sa broadcasting at
journalism. Ginagamit na lamang ang balita dahil kahilingan ito para sa franchise na
ipinagkaloob ng gobyerno, at kung gayon, ito ay naging isang format na lamang na mas mababa
ang entertainment na kalidad. Ang nagawa ng pagmamay-ari ng media ay ang transpormasyon
ng media bilang daluyan ng entertainment o pagbibigay-aliw. Naging repositoryo ng mismong
kapital na komoditi ang midya, ang kaakibat na lifestyle na transpormasyon tungo sa global na
pagkamamamayan na ang akses lamang ay sa pamamagitan ng pagpaloob at higit na
intensipikasyon ng global na kapitalismo.”
Sinusuri ng Marxismo ang mga patakarang ekonomiko at mga planong pangkaunlaran,
partikular ang epekto nito sa uring manggagawa at iba pang sektor. Ang Feminismo na
maituturing na malapit na malapit sa Marxismo ay isa rin batayang teoretikal. Ang pokus
Femininismo ay nakatuon naman sa pang-aapi o pagsasamantala sa isang partikular na kasarian
67
(babae). Ipinaliwanag sa sanaysay ni Taguiwalo (2013) na may pamagat na ”Ang Marxistang
Lapit sa Isyu ng Kababaihan” ang malinaw na ugnayan ng Marxismo at Feminismo. Konektado
rin sa Marxismo ang perspektibang “mga tinig mula sa ibaba” ni Teresita Gimenez Maceda. Sa
kaniyang nalathalang disertasyon ay tinalakay ni Maceda (1996) ang kasaysayan ng mga
kilusang panlipunan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusuri at kontekstwalisasyon ng mga
awitin ng mga nabanggit na organisasyon ng mga manggagawa, magsasaka, at iba pa. Para kay
Maceda, ang mga tunggalian ng mga uring panlipunan ay malinaw na maririnig din sa mga
awitin, mababasa sa mga pahayag ng mga ordinaryong mamamayan – ng mga tinig mula sa
ibaba (San Juan et al., 2019).
Pantayong Pananaw
Upang maiangkop ang teoryang ito sa isang espisipiko o tiyak na pag-aaral, mainam na
himayin ang pinag-ugatan ng kombinasyon ng mga salitang bumubuo sa konsepto ng pantayong
pananaw. Ang salitang “pantayo” ay binuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na
“tayo” at unlaping “pan” na ang kalalabasang kahulugan ay “mula sa amin – para sa amin.” Ito
ay kabaligtaran ng konsepto ng “pangkami” na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang
ugat na “kami” at unlaping “pang” na ang kagyat na kahulugan ay para sa nagsasalita at hindi
kasama ang nakikinig nito. Sa kabilang dako, ang kabiyak na salitang pananaw ay tumutukoy sa
perspektiba o anggulo.
Ang pantayong pananaw ay isang deskriptibong konsepto na tumutukoy sa anumang
kalipunan na nagtataglay ng pinag-isa at panloob na artikulasyon ng linggwistik-kultural na
istruktura ng komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan ng pagkakaisa ng layunin at dahilan
ng pananatili. Ang pakikibaka ng Tanggil Wika laban sa banta ng pagsira sa wikang Filipino ay
maaaring binabalutan ng konteksto ng pantayong pananaw. Ang mga pangkat etniko at mga
kalipunang sosyal, kasama ang mga kababaihan at LGBT na naghahanap ng pantay na pagtingin
ay dapat ring tingnan sa pagtataglay nito ng pantayong pananaw (Maranan, 2018).
Ang pantayong pananaw (San Juan, et al., 2019) ay isang konsepto at hinuha ng
multilinggwal na historyador na si Dr. Zeus A. Salazar mula sa Unibersidad ng Pilipinas na
nag-aadhika ng isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang pambansa para sa
kasaysayan at agham panlipunan. Napapaloob ang kabuuan ng pantayong pananaw sa
pagkaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahan, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian,
pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at
ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika. Detalyadong nilinaw ni Salazar (1997) sa
artikulong “Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag” ang buod ng kaniyang perspektiba:
Sa lahat ng mga wikang Pilipino, may mga konseptong katumbas ng “tayo,” “kami, ”sila,” at
“kayo” na tumutukoy sa mga nagsasalita at lahat ng kaniyang kausap, kasama kahit na iyong
wala. Halimbawa, “tayong mga Pilipino,” kung ihahambing sa “kaming mga Pilipino,” ay
nangangahulugang ang nagkakausap-usap ay mga Pilipino mismo at implisitong hindi kasali ang
mga banyaga . Sa sitwasyong ito, ang bagay, konsepto, kaisipan at ugali na maaaring pagtuunan
ng pansin ay madaling maintindihan, dahil sa napapaloob sa ating sariling lipunan at kultura.
Mapag-uugnay natin sila sa isa’t isa na hindi kailangan magkaroon pa ng pantukoy sa iba pang
mga konsepto, tao, ugali, at kaisipan na kaugnay nila. Katunayan nga, maraming bagay ang
implisito nating nauunawaan. Ibig sabihin, kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang
hinggil sa sarili at sa isa’t isa, iyan ay parang sistemang “closed circuit,” pagkat
nagkakaintindihan ang lahat. Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may “pantayong
pananaw” lang kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat
68
ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa
isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang “code” – ibig sabihin, mai isang pangkabuuang
pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan, at ugali. Mahalaga (at pundamental
pa nga) rito ang iisang wika.
Sa kaniyang pananaw, ang dapat bigyang-pokus ng mga Pilipino sa sarili nilang
pagtanaw sa kanilang kultura at kasaysayan at hindi ang pananaw ng mga tagalabas o mga
dayuhan. Dagdag pa ni Salazar, magkakaroon lamang ng pantayong pananaw kapag gumagamit
ang lipunan at kalinangan ng Pilipinas ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat ang kahulugan
na magiging talastasang bayan.Ilan sa mga babasahing kaugnay ng pantayong pananaw ang
sumusunod: “Ang isa at ang marami” ni Eliserio (2009) sa Pinoy Weekly, “Saysay ng sariling
kasaysayan: Ang Ambag ni Zeus Salazar sa Bayan” ni Chua (2013) sa GMA News Online, at
“Pantayong Pananaw o Pantasyang Pananaw Lamang?: Kamalayan sa mga Konsepto/Dalumat
ng Bayan, Mga Tinig Mula sa Ibaba” ni Chua (2014) sa Saliksik E-Journal. Samantala, kritikal
na pagsusuri naman sa pantayong pananaw ang aklat na “Pook at Paninindigan: A Critical
Appraisal of Pantayong Pananaw” ni Guillermo (2009).
Samantala, may tatlong mahahalagang sangkap ang Pantayong Pananaw na binanggit sa
aklat ni Maranan (2018). Ito’y ang: 1. Dulog etic a t emic; 2. Pag-unawa at pagpapaliwanag; at 3.
Suliranin ng ideolohiya.
Dulog etic at emic. Sa mga disiplina na katulad ng antropolohiya at agham panlipunan,
ang emic at etic ay tumutukoy sa dalawang sangay ng pananaliksik batay sa pananaw; ang emic
ay tinitingnan mula sa pangkat ng lipunan (social group) mula sa perspektiba ng paksa o subject,
samantalang ang etic naman ay tinitingnan mula sa labas o sa perspektiba ng mga tagamasid.
Pinahahalagahan ng dulog na emic ang pamamaraan kung paano nag-isip ang tao o lipunan. Dito
tinitingnan ang kanilang pananaw, pag-uugali, ano ang makabuluhan para sa kanila, at kung
paano nila tinitingnan o ipinaliliwanag ang mga bagay-bagay. Sa kabilang dako, ang dulog etic
naman ay higit na siyentipiko sapagkat ang tuon o pokus mula sa lokal na obserbasyon, mga
kategorya, paliwanag at interpretasyon ay buhat sa mga antropolohiya. Sa paggamit ng dulog na
ito, binibigyang-diin ng ethnographer kung ano ang mahalaga batay sa kanyang pagpapasya
(Kottak, 2006). Tumutukoy sa paglalarawan ng pag-uugali at paniniwala sa punto na mahalaga
sa tao o aktor ang konsepto ng emic – nanggaling sa tao sa loob ng kultura. Ang etic naman ay
tumutukoy sa deskripsyon ng pag-uugali at paniniwala ng mga nag-aaral sa lipunan o
siyentipikong tagamasid sa mga punto na maaaring iugnay sa iba’t ibang kultura.
Pag-unawa at Pagpapaliwanag. Ang pinakamahinang posisyon ay ikinukonsidera ang
parehong paggamit ng terminong teoretikal at ang paggamit ng emic sa mga diskurso ng
pantayong pananaw basta ang higit na nakararaming teksto na nakasulat ang pagpapalitan ng
berbal na komunikasyon ay ginamitan ng Filipino. Ang ganitong dulog o anyo ng panulat ay
nakatanggap na ng maraming kritisismo dahil sa ang pagsulat ay ginagamitan ng Filipino
samantalang ang paraan ng pag-iisip ay nasa kategoryang banyaga.
Suliranin ng ideolohiya. Ang panggitnang posisyon ay ang pagbibigay ng pribilehiyo o
prayoritasyon ng dulog emic laban sa panghihiram o paglalaan ng konsepto, habang inilalayo ang
huli sa prinsipyo. Ang wika ng tekstwal na eksposisyon ay nakasulat din sa wikang Filipino.
Pantawang Pananaw
Hinahangaan ang mga Pilipino sa iba’t ibang ppanig ng mundo dahil sa kabila ng iba’t
ibang uri ng suliraning kinahaharap nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay
69
nagagawa pa nilang panatilihin ang pagiging masayahin. Pinatunayan ito ng ulat ng United
Nations (UN) na nagbibigay ng kompirmasyon na tumaas ang ranking ng Pilipinas sa World
Happiness Report nito ngayong 2018. Naging pamantayan sa pagpili ng masayahing bansa ang
mga sumusunod: maunlad na ekonomiya, pagiging malaya, suportang panlipunan, at
pangangalaga sa kalusugan ng tao.
Ipinaliwanag ng isang sosyolohista na maraming Pilipino ang pinaniniwalaan na kanilang
kakampi ang pag-asa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, bukod pa ito sa katotohanan
na talagang likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin. Ayon kay Bro. Clifford Sorita, sa
panayam sa kanya ni Apples Jalandoni (2018) na higit sa kaligayahan ay mayroong tatlong (f) na
kayamanan ang lipunan: faith (pananalig); family (pamilya); at friends (mga kaibigan).
Kaugnay ng kaligayahan ay ang konteksto ng pantawang pananaw subalit upang
magkaroon ng higit na kabuluhan ang pagtalakay, higit na makabubuti kung bibigyan ng
paghimay ang dalawang salitang bumubuo sa kontekstong ito, ang “pagtawa” at “pananaw.”
Ang pagtawa ay tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahanng isang tao.
Sinasabi ng maraming pag-aaral na ito raw ay isang mabuting medisina. Sa isang artikulo ni Di
Salvo (2017), kaniyang sinabi na ang pagtawa ay nakahahawa sa kapaligiran. Ang epekto ng
endorphin ang makapagpapaliwanag kung bakit ang pagtawa ay nakahahawa. Ang
pagpapalaganap ng endorphin sa pamamagitan ng pangkat ay nagsusulong sa kahalagahan ng
pagsasama at kaligtasan. Ang bawat utak sa yunit ng lipunan ay ang tagapaghatid ng mga
nasabing nararamdaman na nagtutulak sa nararamdamang kabutihan sa ibang utak sa
pamamagitan ng pagtawa. Para itong domino na dahilan kung bakit kapag tumawa ang isa ay
naiimpluwensyahan ang iba na tumawa kahit na hindi sila sigurado kung bakit sila tumatawa.
Ang pagtawa ay mahalagang kakampi ng tao upang pagaanin at pasayahin anuman ang
kaniyang kalagayan o antas sa buhay. Maituturing itong mekanismo ng damdamin na
humahanap ng solusyon kung paanong matuturan ang tao na harapin ang anumang bagay sa
paraang magaan at nakaaaliw. Ang pagtawa ay may objek na pinanggagalingan katulad ng mga
kaganapang biglaan katulad ng pagkatanggal ng kasuotan, pagkadapa, ekspresyon ng mukha at
marami pang iba. Ang paggamit ng imahinasyon ng tao ay masasabi ring objek ng pagtawa lalo
na sa paggamit ng mga sinasabing green jokes o toilet humor. Kung bubusisiin ang pagtawa ng
bawat Pilipino at ang paghagalpak sa mga kakaibang bagay na nakikita sa kapaligiran, masasabi
na ang gawaing ito ay nakadugtong hindi lamang sa damdamin o emosyon kundi maging sa
kamalayang Pilipino.
Ang pantawang pananaw ni Rhoderick Nuncio ay nakapokus naman sa katutubong
pagsipat sa paraan ng pagpapatawa ng mga Pilipino. Mababasa sa artikulong “Saysay at Salaysay
ng Pantawang Pananaw Mula Pamumusong Hanggang Impersonasyon” pagsusuri ni Nuncio
(2010) sa kasaysayan ng pagpapatawa sa bansa.
Sa pagsusuri ni Nuncio, mariing pinahahalagahan ang kakayahan ng tawa upang
pagaanin at pasayahin ang kalagayan ng buhay ng tao. Sa tawa lamang, ika nga, may
redempsyon mula sa problemang kinahaharap ng sinuman. Sa ngiti, hagikhik o halakhak
naibubulalas ang tanging paggapi sa kalungkutan. Sa tawa nagkakaroon ng pagtudling sa sakit at
pag-ahon upang purgahin ang emosyon ng tao mula sa kabigatan ng saloobin o damdamin. Di ba
nga’t tinaguriang isang therapy ang pagtawa? “Laughter is the best medicine and humor is the
spice of life” (Batacan 1966). Kung susuriin nang mabuti ang tawa ay isang mekanismo ng
damdamin na nagbibigay laman sa puwang o guwang sa damdamin ng isang malungkuting tao o
di kaya’y yaong naghahanap lamang ng kasiyahan sa buhay. Kung kaya’t, mahihinuha sa
70
sikolohiya ng tao ang pag-imbento niya ng mga kaparaanang magpapaaliw sa kanya. Maging ang
paghahalo ng imahinasyon at libido ng tao upang kilitiin ang sexual na sensibilidad ay nagiging
katawa-tawa rin; ito ang tinaguriang green jokes o toilet humor. Maaaring may nakaligtaang
isama sa ganitong paggalugad sa penomenon ng tawa subalit ang kalikasan at kakayahan ng tawa
upang magbigay ng aliw ay isang malawak na terrain sa sikolohiya. Ang pantawa bilang ‘pan +
tawa’ ay pag-angkin at pantukoy sa kakanyahan at kakayahan ng tawa bilang kritika.
Tinaguriang pantawang pananaw ang ganitong kalikasan at kakayahan. Ang tawa bilang
catharsis ay masasabing panandalian—isang comic relief. Ang pantawang pananaw ay nakakabit
sa kamalayan at diwa ng mga Pilipino. May limang elemento ang pantawang pananaw. Ito ang:
(1) midyum, (2) konteksto, (3) kontent o anyo, (4) aktor, at (5) manonood. Isang diwa ng
karanasang Pilipino ang pantawang pananaw. Nakapaloob ito sa karanasan ng tawa bilang
kritika, bilang pagtuligsa sa kapangyarihan at kaayusan sa lipunan na mababakas mula pa sa oral
na tradisyon, bago pa dumating ang mga Kastila, hanggang sa paglaganap ng mass media
ngayon. Ang bahaging ito ay tumutukoy sa midyum ng pantawang pananaw. Ang midyum ay
daluyan na kung saan nagiging laganap o natatangi ang pantawang pananaw. Kasama rin sa
elementong ito ang lunan o situs ng daluyan, halimbawa, sa entablado, kalye, radyo at
telebisyon. Samantala, nakapaloob sa daluyang ito ang iba’t ibang anyo na kinabibilangan ng
kwentong bayan, entremes, sainete, drama, bodabil, dulang panradyo at impersonasyon bilang
palabas sa telebisyon. Ang mga nagsisiganap o mga aktor, karakter ang tinaguriang mga pusong,
aktor/komedyante at impersoneytor. Ang mga isyung panlipunan na tumatahak sa sosyal at
pulitikal na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa konteksto ng pantawang pananaw.
Katulad nang nabanggit na hindi lamang pagtawa na walang konteksto ang pantawang
pananaw. Itinataas ito hindi lamang bilang sa aspektong emosyunal, kundi bilang isang kritikal
na pagbasa na tumatarok sa kamalayan at kaisipang Pilipino. Masasabing isa itong pagkwestiyon
sa katauhan, kaligiran, katawan, at kaayusang panlipunan bilang objek ng tawa at pagtuligsa.
Winawasak nito sa ganitong kritikal na pagbasa ang imahe ng kapangyarihan bilang kahinaan o
ang kapangyarihan bilang imahe ng kawalang kapangyarihan. Nangangailangan ng kapwa o
sabjek na tuwirang babasa at magkikritika gamit ang pantawang pananaw. Ang ganitong paraan
ay nangangahulugan ng walang humpay na pagbasa ng manonood, tagapakinig at sinuman upang
makapagbigay ng tuloy-tuloy na panlipunang kritika. Mahihinuhang naglalakbay ang pantawang
pananaw mula sa kwentong bayan hanggang sa kulturang popular.
Samakatuwid, hindi lamang masasabing isang genre o anyo ng panitikan ang pantawang
pananaw, sapagkat nakabukas sa iba’t ibang anyo at daluyan sa karanasang Pilipino ang pagiging
texto nito bilang pagbasa. Maaari rin kasing isama ang komiks, comic strip na makikita sa mga
pahayagan, pelikula at iba pa. Kung tutuusin, isang magandang paksa sa iba pang pag-aaral ng
pantawang pananaw ang isama ang ilang nabanggit na anyo. Subalit nakatuon lamang sa
limitasyon ng pag-aaral na ito ang konsepto at praktika ng pagtatanghal at palabas gamit ang
pantawang pananaw, partikular sa impersonasyon.
Teorya ng Banga
Ang teoryang banga ay mula naman sa ideya ni Prospero Covar (1993). Masasalamin ito
sa kaniyang “Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.” Ayon kay Covar,
“Tambalang lapit ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino: kung may labas, may
loob; kung may kaluluwa, may budhi. Ginamit na halimbawa ang katawan ng tao bilang isang
banga: may labas, loob, at lalim; at pinagagalaw ng tambalan ng budhi at kaluluwa.” Para kay
71
Covar, isang halimbawa ang pagsipat sa “labas” ng pagkataong Pilipino ang paliwanag hinggil sa
mukha: “Sa madaling sabi, sa mukha nasasalamin ang samu’t saring karanasan. Salamin ang
mukha ng damdami’t kalooban ng pagkataong nililok ng kulturang karanasan.” Ang loob naman
ay “(m)alalim at malawak ang pinag-uugatan…Mula sa salitang-ugat na “loob,” nakagagawa
tayo ng mga salitang kalooban ng Diyos, saloobin, kaloob,
looban, magandang loob, at iba pa.” Idinagdag pa niya na
“…ang konsepto ng loob ay nagiging malinaw kung ito’y
ilalarawan sa konteksto ng sisidlan. Ang sisidlan ay may
loob at labas. Ang loob ay nilalagyan ng laman.Gayundin
ang sa ating loob at kalooban.”
Ibinuod naman ni Guillermo (2009) sa dalawang
dayagram na nasa papel na “Pagkakataong Pilipino: Isang
Teorya sa lalim ng Banga” ang teorya ng banga ni Covar,
gaya ng makikita sa Pigura 5.3. Sa madaling sabi, ang teorya
ni Covar ay pagtatangkang ipaliwanag ang koneksyon ng mga terminong kaugnay ng panlabas
na anyo at ng mga pariralang tumutukoy sa mga aspekto ng pagkataong Pilipino.
Mula sa San Juan, et al., 2019
Sikolohiyang Pilipino
Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang pagkilala rito ay tumutukoy sa
pag-aaral ng isip, diwa, at asal. Ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at sa
tungkulin nito lalo na iyong nakaaapekto sa kilos.
Kung may pantayong pananaw sa kasaysayan at may teoryang banga sa pagsusuri ng
pagkataong Pilipino, mayroon din silang Sikolohiyang Pilipino na naglalahad naman ng
kaisipan hinggil sa paraan ng pag-iisip at/o kamalayan ng mga Pilipino. Unang nilinang ni
Virgilio Enriquez , isang kilalang sikologong Pilipino, ang mga ideya kaugnay ng Sikolohiyang
Pilipino. Ayon kay Enriquez (1994), ang Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa siyentipikong
pag-aaral ng etnisidad, lipunan, at kultura ng tao at ang gamit nito sa sikolohikal na pagsasanay
ng katutubong karunungan na nag-uugat sa etnikong pamana at kamalayan ng mga tao. Kanyang
espisipikong sinabi na:
“Ang sikolohiya ay tungkol sa damdami’t kamalayang nararanasan; sa ulirat na
tumutukoy sa pakiramdam sa paligid; sa isip na tumutukoy sa ugali, kilos oasal; sa kalooban na
tumutukoy sa damdamin; at sa kaluluwa na siyang daan upang mapag-aralan din ang tungkol sa
budhi ng tao.” (1974)
Ang Sikolohiyang Pilipino ay isang alternatibong paraan upang maipaliwanag nang
mabuti ang diwa, gawi, at damdaming nanalaytay sa ugat ng bawat Pilipino na taliwas o
di-tugma sa iba pang sikolohiya sa Pilipinas. Ayon sa paliwanag ni Pe-Pua at Protacio-Marcelino
(2000), ang Sikolohiyang Pilipino ay paraan ng pag-aaral sa sikolohiya na bunga ng karanasan,
kaisipan, at oryentasyong Pilipino at pagpapaliwanag sa sariling paraan ng pag-iisip, pagkilos, at
pagpapakita ng damdaming Pilipino, na sinasabing maaaring may kaibhan sa pag-iisip, pagkilos,
at pagpapakita ng damdamin ng iba pang mga mamamayan. Nakabatay ito sa pag-aaral sa
kasaysayan at sosyo-kultural na mga katotohanan, pag-unawa sa lokal na wika, pagkawala ng
katangiang natatangi sa mga Pilipino, at pagpapaliwanag sa mga ito sa pamamagitan ng mga
mata ng mga katutubong Pilipino. Ito ay bunga ng kaalamang kinabibilangan ng katutubong
konsepto at metodo na sa madaling salita ay nararapat at mahalaga para sa mga Pilipino.
72
Ang Sikolohiyang Pilipino ay pagtaliwas sa kumbensyonal na paglalarawan sa mga
Pilipino na gamit ang Kanluraning oryentasyon. Sinasabi sa Sikolohiyang Pilipino na ang diwa at
karanasan ng mga Pilipino ay nararapat na tingnan o unawain batay sa perspektiba ng mga
Pilipino at hindi ng Kanluraning perspektiba upang mailarawan ang mga Pilipino nang wasto at
makatotohanan. Di naglaon, binigyan ni Enriquez (1985) ng depinisyon ang Sikolohiyang
Pilipino bilang “pag-aaral ng diwa” o psyche na nangangahulugan ng kayamanan ng ideya na
tinutukoy ng pilosopikal na konsepto ng “esensya” at ang buong saklaw ng mga sikolohikal na
konsepto mula sa kabatiran sa motibo at pag-uugali.
Sa pagtalakay nina Pe-Pua at Protacio-Marcelino (2000) na ang hakbang tungo sa
pag-unawa sa partikular na kalikasan ng Sikolohiyang Pilipino ay hindi maituturing na
anti-universal kung ang pangunahing layunin ay makapag-ambag sa Sikolohiyang Universal, na
mapagtatagumpayan lamang kung ang bawat pangkat ng tao ay sapat ang pagkaunawa sa
kanilang mga sarili at mula sa kanilang sariling perspektiba.
Si Enriquez (1976) ay nagsagawa ng pananaliksik hinggil sa kultura at kasaysayan gamit
na batayan ang Sikolohiyang Pilipino sa halip na gumamit ng teoryang Kanluranin. Dito ay
nakabuo siya ng depinisyon ng Sikolohiya na isinaaalang-alang ang pag-aaral sa emosyon at
karunungan batay sa karanasan (emotions and experienced knowledge), ulirat o kabatiran sa
sariling kapaligiran (awareness of one’s surroundings) , isip o impormasyon at pag-unawa
(information and understanding) , nakasanayang gawain at pag-uugali (habits and behavior) , at
kaluluwa (soul) na isang paraan upang matutunan ang konsensya ng tao.
Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez, mayroong tatlong anyo ang Sikolohiyang Pilipino:
Sikolohiya sa Pilipinas, Sikolohiya ng Pilipino, at Sikolohiyang Pilipino. Ang Sikolohiya sa
Pilipinas ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas,
banyaga man o maka-Pilipino. Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay tumutukoy sa lahat ng mga
pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino. Ang
panghuling anyo ng Sikolohiyang Pilipino ay walang iba kundi ang Sikolohiyang Pilipino,
mismo. Ayon dito, ang Sikolohiyang Pilipino ay bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng
sa Pilipinas. Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang makasusulat tungkol dito. Sa maikling
salita, Ang sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita sa bahay", Sikolohiya ng mga Pilipino ay "tao sa
bahay, at Sikolohiyang Pilipino ay "ang maybahay."
Maraming paham sa akademya sa larangan ng Sikolohiya ang naniniwala na ang
maraming konsepto sa Sikolohiya ay nararapat na isalin sa wikang Filipino upang maging madali
ang pagtalakay dito. Narito ang ilan sa mga konsepto ng sikolohiya na may kaugnayan sa
pagsasalin at sa wika:
1. Katutubong konsepto;
2. Pagtatakda ng kahulugan;
3. Pag-aandukha;
4. Pagbibinyag;
5. Paimbabaw na asimilasyon; at
6. Ligaw/Banyaga
Tinutukoy ng katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ang mga salitang taal o likas
na ginagamit sa Pilipinas. Hinalaw ang kahulugan ng mga salitang ito batay sa kultura at
kinaugalian ng mga Pilipino.
73
Sa kabilang dako, ang konsepto ng pagtatakda ng kahulugan ang bahagyang tumataliwas
sa konsepto ng katutubong konsepto. Sa pagtatakda ng kahulugan, ang salita na may kaugnayan
sa Sikolohiyang Pilipino ay maiuugnay sa taal na wikang Filipino bagama’t ang kahulugan nito
ay tinutumbasan lamang ng banyagang kahulugan.
Isa pang mahalagang konseptong may kaugnayan sa wika ang pag-aandukha o pagkuha
ng dayuhang salita at pagbabago ng anyo nito hanggang sa ito ay magkaroon ng katuturan sa
Filipino. Batay sa depinisyong iniuugnay sa pag-aandukha, maaaring gamiting halimbawa ang
salitang “talented” sa wikang Ingles na ang kahulugan ay taong nag-uumapaw sa katalinuhan sa
maraming larangan tulad ng pagsasayaw, pag-awit, pag-arte, at marami pang iba. Ang “talented”
ay dayuhang salita na karaniwang binabago ang anyo sa Filipino bilang “talentado” bagama’t
pareho ng katuturan sa Ingles, kung minsan ay nagkakaroon ng negatibong kahulugan dahil sa
sarkasmo. Pagkukuro: Kung babalikan ang depinisyon ng pag-aandukha, maari bang sabihin na
ang mga salitang ginagamit sa pormal na pagtalakay na binibigyan ng bagong anyo ang gay
lingo katulad ng wala – walay; kamusta – kamustasa at marami pang iba ay maihahanay sa
konsepto ng pag-aandukha?
Ang pagbibinyag ay tumutukoy sa paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang sariling
pagpapakahulugan sa salitang ginagamit ng mga Pilipino.
Karaniwan ding ginagamit ng mga Pilipino ang konsepto ng paimbabaw na asimilasyon
sapagkat mahirap na tumbasan ang sa Pilipinas ng wikang Ingles. Ang asimilasyon ay tumutukoy
sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensiya ng mga katabing tunog nito.
Kinabibilangan ito ng mga panlaping nagtatapos sa -ng katulad ng -sing na maaaring maging sin
o sim. Gayundin ang pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa impluwensiya ng kasunod
na katinig.
Ligaw/Banyaga na mga salita ang pinakahuling konsepto. Ito ay mga salitang banyaga na
ginagamit sa Pilipinas sapagkat walang katumbas na maibibigay sapagkat hindi naging bahagi ng
kultura. Halimbawa ay ang paggamit ng “toothpaste” sa wikang Ingles ay siya ring ginagamit sa
wikang Filipino; ang “brief” sa Ingles na ginagamit bilang pansaplot ay “brief” pa rin sa Filipino
sapagkat hindi ito bahagi ng ating kultura kung uugatin ang ating kasaysayan.
Ilan sa mga artikulong nagsusuri o gumagamit ng Sikolohiyang Pilipino ang
“Sikolohiyang Pilipino: Papaloob o Papalabas?” ni Javier (1996) sa Layag a t “Tungo sa Isang
Mas Mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa Makabagong Sikolohiyang Pilipino” ni Yacat (2013) sa
Daluyan. Maaari ding sipatin ang mga artikulo sa DIWA E-journal na “naglalayong maglathala
ng mga makabuluhan at makatuturang pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino na nagsusuri at
umuunawa sa diwa at pagkataong Pilipino mula sa oryentasyon at perspektibong Pilipino tungo
sa pagpapalawak ng pambansang kamalayan at kamulatan ng sambayanang Pilipino.” Ito ang
opisyal na journal ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.
74
sabihin ng buklod ay alyansa o pagkakaisa. Sa Ingles, ang salin ng pagkakabuklod-buklod ay
unification bond.
Talahanayan 1
Buod
Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon
Konsepto
75
● Namumutawi ang etnisitasyon
ng mall – ang pagkakakilanlan
sa identidad – Pilipino at ang
global na pagkilos ng umahen
nito sa iba’t ibang panig ng
bansa at lokalidad.
● Sa pamamagitan ng imitasyon,
kompetisyon, at distingksyon
ng mga uri nagiging dinamiko
ang konsyumer/shopper/maller.
76
Gawain 1: Pagsusuri
Panuto: Pangkatin ang klase na may tatlong miyembro ang bawat grupo. Pumili ng isa sa mga
artikulo sa ibaba at suriin ito batay sa batayang teoretikal na ginamit ng mananaliksik sa
pagsulat. I-click ang mga link s a ilalim ng bawat pamagat na artikulo para sa kopya. Ang
pagsusuri ay dapat na naglalahad ng makabuluhang kaisipan at malinaw ang paraan ng
pagpapahayag.
1. Kontra-Gahum: Pagsipat sa Tema, Pilosopiya at Ideolohiya ng Piling Kontemporaryong
Tulang Radikal Tungo sa Kontekstwalisasyon ng Kritisismong Marxista ni David
Michael M. San Juan
https://www.researchgate.net/publication/322896456_Kontra-Gahum_Pagsipat_sa_Tema
_Pilosopiya_at_Ideolohiya_ng_Piling_Kontemporaryong_Tulang_Radikal_Tungo_sa_K
ontekstwalisasyon_ng_Kritisismong_Marxista
2. Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino ni Bienvenido Lumbera
https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4951
3. Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik
ng Programang K to 12 ng Pilipinas ni David Michael M. San Juan
https://ejournals.ph/article.php?id=8048
4. Mga Batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa Kultura at Kasaysayan ni Virgilio Enriquez
https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4948
5. Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw mula Pusong Hanggang Impersonasyon ni
Rhoderick V. Nuncio https://ejournals.ph/article.php?id=7853
6. Ang Tunay na Dekalogo ni Mabini Bilang Isang Akda sa Pilosopiyang Pilipino ni
Napoleon Mabaquiao
https://www.academia.edu/36433216/Ang_Tunay_na_Dekalogo_ni_Mabini_Bilang_isan
g_Akda_sa_Pilosopiyang_Filipino
Gawain 2: Pagsulat
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Sagutin ang mga tanong sa
pamamagitan ng 150 salita sa paraang patalata.
1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng teoretikal na batayan sa pagsasagawa ng
pananaliksik?
2. May pagkakaugnay ba ang ang teoryang Nasyonalismo at teoryang Dependensiya?
Pangatwiranan ang sagot.
3. Ano ang teoryang Marxista at paano ito ginagamit sa pagsusuri ng isang teksto?
77
4. Ano ang pinakamahalagang ambag ng Pantayong Pananaw at Sikolohiyang Pilipino?
Magbigay ng mga halimbawa.
5. Ipaliwanag ang teoryang bakod, bukod, buklod gamit ang sarili mong perspektiba.
Gawain 3: Pagsulat
Panuto: Pumili ng isang akdang pampanitikan (maaaring sanaysay, kuwento, artikulo, pelikula,
awit). Gawan ito ng pagsusuring naangkop para dito batay sa mga teorya ng
pananaliksik na pinag-aralan. Ipaliwanag kung bakit ganoon ang teoryang ginamit para
sa akda.
PAALAALA: Maaaring mamili ang guro sa alinman o lahat ng mga gawain sa ibaba.
78
Abend, G. (2008 June 26). Organizing your Social Science Research Paper: Theoretical
Framework. Retrieved from https://libguides.usc.edu/writingguide/theoretical
framework.
Maranan, M. H. (2018). Filipino sa iba’t ibang disiplina. Intramuros, Manila: Mindshapers Co.
Inc.
Mula sa bawat isa ayon sa kaniyang kakayahan, para sa bawat isa ayon sa kaniyang
pangangailangan. (n.d). In Wikipedia. Retrieved July 26, 2020, from / https://tl. wikipedia
.org/wiki/
Nasyonalismo. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/nasyonalismo/.
Organizing Academic Research Papers: Theoretical Framework. ( 28 Jan. 2020) Retrieved from
https://library.sacredheart.edu/c.php?g=29803&p=185919.
Salazar, Zeus A. (1997). Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan, Atoy Navarro, Mary Jane
Rodriguez at Vicente Villan. (eds.). 82. Lungsod ng Mandaluyong: Palimbagang
Kalawakan.
San Juan et al., (2019). Saliksik: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.
Santos, Tomas U. (2012, June 17). Nasyon: Imahinasyon o ilusyon?. [Web Blog Post]. Retrieved
from https://varsitarian.net/filipino/20120617/nasyon_imahinasyon_o_ilusyon
Sikolohiyang Pilipino. (n.d.) I n Wikipedia. Retrieved July 24, 2020, from https://tl.wikipedia
.org/wiki/Sikolohiyang_Pilipino.
79
Teorya ng dependensiya. (n.d). In Wikipedia. Retrieved July 23, 2020, from https://tl.wikipedia.
org/wiki/Teorya_ng_dependensiya.
Torraco, R. J. (1997). Human Resource Development Handbook: Linking Research and Practice.
In Swanson R. A. and E. F. Holton III , (eds.). San Francisco Ca: Beret-Koehler.
Triandafyllidou, Anna. (1998). National identity and the 'other'. Ethnic and Racial studies vol. 21
(4) 593-612. Retrieved from https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080 /0141987
98329784.
80
Napakahalaga ng pagkakaroon ng angkop na metodolohiya sa anumang pananaliksik.
Sa layuning higit pang mapataas ang kalidad ng pananaliksik, mas makabubuting gumamit ng
kombinasyon ng mga pamamaraan. Isa pa sa makapagpapataas sa antas ng kalidad ng
pananaliksik ang kolaborasyon at pakikipagtulungan o kooperasyon sa pananaliksik. Higit na
maraming matitipong datos kung ang mga mananaliksik ay magtutulong-tulong sa bawat
yugto ng pananaliksik.
Sa yunit na ito ay komprehensibong tatalakayin ang iba’t ibang metodolohiya sa
pananaliksik-panlipunan. Inaasahan na ang anumang matututunan sa yunit na ito ay
matagumpay na mailalapat sa isasagawang pananaliksik. Bahagi ng pagtalakay ang
pagbibigay-depinisyon, mga bentahe at disbentahe sa paggamit ng mga metodo, at mga
halimbawang sitwasyon kung saan maaaring magamit ang mga metodo ng pananaliksik.
81
Gaano ka kapamilyar sa mga sumusunod na resulta ng pananaliksik? Paano nito
binabago ang umiiral na lumang kaisipan? Paano ito nag-aambag ng bagong kaalaaman?
Ano-ano kayang proseso ang isinagawa ng mga mananaliksik kaugnay nito? Subuking
magdagdag ng balita sa listahan at ibahagi ito sa klase.
1. “Medikal marijuana sagot nga ba sa iba’t ibang uri ng sakit?” (Begas, 2017)
2. “May tubig sa planetang Mars” (Dones, 2015)
3. “Natuklasang buto ng rhinoceros, patunay na may sinaunang tao sa Pilipinas” (Tulad,
2018)
Isang sistema ng mga paraan, tuntunin, at simulain sa pagsasaayos ng isang larang, gaya
sa agham o sining ang metodolohiya. Tumutukoy sa sistematikong paglutas sa mga
suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik o mga paraan na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri
ng datos/impormasyon. Ayon kay Walliman (2011, sa San Juan et al., 2019), isa sa
pinakakilalang manunulat hinggil sa praktika ng pananaliksik, ang mga metodo sa pananaliksik
ay tumutukoy sa mga tiyak na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang makabuo ng mga
konklusyong mapaninindigan (reliable) . Samakatuwid, ito ang pinakamahalagang bahagi ng
pananaliksik na kailangang itakda sa pasimula pa lamang ng pag-iisip ng paksa. Inilalarawan ng
metodo ng pag-aaral ang akto ng mananaliksik sa pagsusuri ng mga suliranin ng pag-aaral at ang
mga dahilan sa paggamit ng tiyak na pamamaraan upang matukoy, piliin, iproseso, at analisahin
ang impormasyon para sa pag-unawa sa suliranin. Tumutugon sa dalawang pangunahing
katanungan ang metodong ito pag-aaralkatulad ng paraan ng pagkolekta ng datos at paraan ng
pag-analisa. Kailangang laging direkta, tiyak, at ginagamitan ng pandiwa na nasa pangnagdaang
kapanahunan ang pagsulat ng metodo. Sa pilosopiya, ang metodo ang batayang simulain at
tuntunin ng pagbubuo sa isang sistemang pilosopiko o proseso ng pagsisiyasat ; ang pag-aaral ng
mga simulaing naging batayan sa pagkabuo ng iba’t
ibang agham at paggamit ng pagsisiyasat na
siyentipiko.
Samantala, idinagdag ni Walliman, (binanggit nina
San Juan) na kaugnay ng metodolohiya, may
walong proseso na maaaring isagawa sa pananaliksik (na maaaring pagsama-samahin sa
alinmang pananaliksik batay sa suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik):
1. Pagkakategorya o Kategorisasyon. Tumutukoy ito sa pagbubuo ng tipolohiya o set n g
mga pangalan o pagpapangkat-pangkat ng mga bagay, pangyayari, konsepto, at iba
pa. Kapaki-pakinabang ito sa pagpapaliwanag kung ano-ano o sino-sino ang
magkakasama sa isang kategorya, at bakit o paano sila naging magkakasama sa isang
kategoryang iyon.
2. Paglalarawan o Deskripsyon. Tumutukoy ito sa pagtitipon ng mga datos na
nakabatay sa mga obserbasyon.
82
3. Pagpapaliwanag. Tumutukoy sa prosesong higit pa sa simpleng paglalahad lamang
ng datos o impormasyon, upang bigyang-linaw ang kabuluhan ng nito sa konteksto ng
iba’t ibang aspektong kultural, politikal, ekonomiko, at iba pa.
4. Pagtataya o Ebalwasyon. Tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay,
pangyayari, at iba pa.
5. Paghahambing o Pagkukumpara. Tumutukoy ito sa pagsusuri ng mga pagkakatulad
at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay at iba pa, tungo sa mas malinaw na
pag-unawa sa isang penomenon.
6. Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o Korelasyon. Tumutukoy sa
pag-iimbestiga para makita kung nakaiimpluwensya ba ang isang penomenon sa isa
pa, at kung nakaiimpluwensya nga ay sa anong paraan o paano?
7. Paglalahad/Pagbibigay ng Prediksyon. Tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng
mangyari sa isang bagay, penomenonn at iba pa batay sa matibay na korelasyon ng
mga penomenong sinuri/pinaghambing.
8. Pagtatakda ng kontrol. Tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan upang ag isa o higit
pang bagay (gaya ng teknolohiya) ay maisailalim sa kontrol ng mga tao/mananaliksik
tungo sa mas epektibo at/o mas ligtas na paggamit nito.
Bukod sa mga nasabing proseso, tinukoy rin ni Walliman ang 10 disenyo ng pananaliksik
gaya ng historikal, deskriptibo, korelasyon, komparatibo, komparatibo, eksperimental,
simulasyon, ebalwasyon, aksyon, etnolohikal, at kultural.
Sa aklat ni Maranan (2018) binanggit ang dalawang pangkat ng metodo ng pananaliksik.
Ito’y kinabibilangang ng: 1) ang pangkat ng empirical-analytical na nag-aaral sa agham
panlipunan na katulad ng pag-aaral sa mga agham na likas. Ang tipo ng pananaliksik na ito ay
nakatuon sa kaalaman sa layunin, mga katanungan ng pananaliksik na maaring masagot ng oo o
hindi, at ang operasyonal na kahulugan ng mga susukating baryabol. Ang pangkat na ito ay
gumagamit ng deduktibong pangangatwiran na may pagsasaalang-alang sa umiiral na teorya
bilang pundasyon sa pagbuo ng hinuha o palagay na kailangang suriin; at 2) ang interpretatibong
pangkat ng metodo ay nakatuon sa pag-unawa sa penomena gamit ang komprehensibo at
holistikong pamamaraan. Kasangkot sa pangkat na ito ang pag-alam sa mga kasagutan sa tanong
na bakit, paano, at anong pamamaraan ang ginagamit ng tao sa kanilang ginagawa upang
matamo ang inaasahang kasagutan. Nangangailangan ng masusing pag-aaral sa mga baryabol na
kasama sapagkat nakatuon ang bahaging ito sa subhektibong kaalaman.
Nagsisimula sa muling paglalahad ng suliranin at mga palagay na nakapaloob sa
pag-aaral ang dapat na maging pambungad ng isang pag-aaral. Sinusundan ito ng paglalahad ng
metodo na gagamitin sa pangangalap, pagsusuri, at pagpoproseso ng impormasyong nakapaloob
sa kabuuan ng sangay ng pinag-aaralan, at ang tiyak na disenyo na pinili upang sagutin ang mga
isyu ng pag-aaral. Kailangan ng matalinong paliwanag sa dahilan ng pagpili ng metodong
ginamit sa pag-aaral lalong higit kung ito ay malayo sa nakasanayang pamamaraan ng sangay.
Nararapat bigyan ng paliwanag kung paano makatutulong ang piniling metodo sa paglutas sa
mga isyu na hindi pa nabibigyan ng solusyon sa ibang mga pag-aaral.
Ang ilan pang karagdagang paliwanag tungkol sa mga bahagi ng metodo ay ang mga
sumusunod: 1) mga salik sa pagkuha ng mga datos na sinuri para sa kwantitatibo at mga paksa at
lokasyon ng paksa, kung kwalitatibo; 2) mga kagamitan at metodo na ginamit sa pagtukoy at
pangungulekta ng impormasyon, at mga pamamaraan kung paano tinukoy ang mahahalagang
baryabol; 3) mga pamamaraan kung paano ginamit ang datos at paano ito inanalisa; at 4) tiyak na
83
kasangkapan o estratehiya ng pananaliksik na iyong ginamit sa pagsagot sa mga hinuha o
palagay at mga inilahad na katanungan kaugnay ng mga suliranin ng pag-aaral.
Bilang karagdagan, ang epektibong metodolohiya ay kailangang: 5) magpaliwanag sa
pangkalahatang metodo sa pagsukat sa mga suliranin ng pananaliksik.; 6) magpaliwanag kung
paano ang dulog ay umangkop sa pangkalahatang disenyo ng pag-aaral.; 7) magpaliwanag sa
tiyak na metodo sa pangangalap ng datos. Mahalaga rin na ipaliwanag kung ano ang kahalagahan
ng datos upang bigyan ng solusyon ang kasalukuyang suliranin; 8) magpaliwanag sa paraang
nais gamitin upang suriin ang kalalabasan ng pag-aaral. Dapat isaalang-alang ang paggamit ng
alinman sa mga sumusunod: estadistikang pagpapahalaga, teoretikal na perspektiba, at iba pa; 9)
magpaliwanag sa sanligan ng metodo na hindi maliwanag sa mga magbabasa; 10) isaalang-alang
ang proseso sa pagpili ng sampol; 11) matapat na mailahad ang potensyal na limitasyon ng
pag-aaral na maaaring makaapekto sa mga datos na makakalap; 12) kailangang magsagawa ng
serye ng rebisyon upang umangkop ang papel sa aktwal na ginamit na metodo sa pag-aaral; 13)
detalyadong mailahad ang deskripsyon ng metodo kung kwalitatibo ang pag-aaral sapagkat ang
mananaliksik ang pangunahing pinagkukunan ng datos. Ang proseso ng pangangalap ng datos ay
may malaking epekto sa maaaring kalabasan ng pag-aaral; 14) magbigay ng kumpletong detalye
subalit may pagsasaalang-alang sa pagiging direkta nito. 15) ipagpalagay na ang magbabasa ng
pananaliksik ay may kaalaman sa pangunahing metodo ng pag-aaral kung kaya hindi naman
kailangan na isulat ang buong detalye ng espisipikong metodo ng pag-aaral; 16) maging tapat sa
paglalahad ng mga usaping kinaharap sa pangangalap ng datos upang maipakita sa mga
magbabasa ang katatagan ng metodo na pinili sa pag-aaral; at 17) maipakita sa bahaging ito ang
mga kaugnay na literatura at pag-aaral na sumusuporta sa metodong ginamit.
Tatalakayin sa yunit na ito ang mga karaniwan at mas tiyak na pamamaraan o metodo ng
pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan
Etnograpiya
Ang etnograpiya ay tinukoy bilang isang maliwanag na account ng buhay panlipunan at
kultura sa isang partikular na sistemang panlipunan batay sa maraming detalyadong obserbasyon
ng kung ano ang tunay na ginagawa ng mga tao sa setting ng lipunan. Ang etnograpiya ay
maaaring inilarawan bilang pareho, mga pamamaraan ng pananaliksik sa husay at dami na
ginagamit ng mga sosyolohista kapag nag-aaral ng mga tiyak na grupo, komunidad o institusyon
na natagpuan na isang bahagi ng isang mas malaking kumplikadong lipunan. Ang mga mas
malalaking lipunan na maaaring makita ng mga sosyolohista ay ang mga nilalang tulad ng mga
gang. Mula ito sa larangan ng antropolohiya na nangangahulugang personal na pagdanas at
pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglahok, pagmamasid at pakikipamuhay sa mga taong
nasa ibang pamayanan.
Ang etnograpiya ay nagmula sa salitang Griyegong ethnos na nangangahulugang “mga
tao” at grapiya na nangangahulugang “pagsusulat.” Isa itong uri ng pananaliksik na kadalasang
ginagamit sa larangan ng agham panlipunan, partikular sa antropolohiya at ilang sangay ng
pag-aaral sa sosyolohiya, at nakatuon sa isang malalimang pag-aaral sa isang kultura. Sa
pagsasagawa nito, kailangang maranasan mismo ng mananaliksik ang sitwasyong kaniyang
pinag-aaralan sa loob ng panahon na isinasagawa ang pag-aaral. Ito’y upang higit na magkaroon
ng malalim na pag-unawa ang mananaliksik sa tao at sa mga sirkumstansya na nakapaligid dito.
Pinaniniwalaan ng pag-aaral na ito na kung ang isang indibidwal ay naging bahagi ng kultura,
siya ay nasa tamang posisyon upang magsagawa ng pagtalakay sapagkat kaniyang nauunawaan
84
ang lahat ng komplikasyon nito. Ang metodolohiyang ito ng pag-aaral ay maaaring gumamit ng
parehong kwantitatibo at kwalitatibong pag-aaral.
Ayon naman kay Genzuk (2003) (makikita sa aklat nina San Juan et al., 2019),
nakasandig sa “malapitan, personal na karanasan, at posibleng partisipasyon, hinggil lamang sa
obserbasyon ng mananaliksik” na karaniwang nagsasagawa ng pag-aaral sa mga pangkat na
multidisiplinari. Karaniwang pokus ng etnograpiya ang intensibo o marubdob na pag-aaral sa
wika at kultura, isang larangan o domeyn, at pagsasama-sama ng paraang historikal,
obserbasyon, interbyu at pagtitipon ng dokumento, tungo sa pagkakaroon ng datos gaya ng mga
siniping pahayag (quotations) , paglalarawan o deskripsyon, at mga siniping bahagi ng
dokumento (excerpts) na karaniwang ibinabahagi sa paraang naratibo o pasalaysay. Para sa
linggwistikong etnograpiya, maaaring sipatin ang manwal na “Mga Hakbang sa Lingguwistikong
Etnograpiya” na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (c. 2005).
Ang etnograpiya ay pinakakaraniwang ginagamit ng mga sosyolohista na tumutukoy sa
lipunan pati na rin ang iminungkahing pananaliksik para sa mga pag-aaral na kinasasangkutan ng
paglahok ng kalahok. Sa loob ng lipunan maaari itong magamit para sa mga samahan,
pamayanan, kulto, atbp.
Sa aklat ni Maranan (2018), nabanggit ang ilang pamamaraan sa pagsasagawa ng
etnograpiyang pag-aaral.
1. Pagsama-samahin ang simbolikong kahulugan na nakalap buhat sa
pakikipag-ugnayan sa tao sa lipunan;
2. Magsagawa ng pagsusuri sa mga datos na may iisang pananaw at pagsumikapan ding
mapanatili ang pagkakaiba ng katotohanan o realidad sa siyentipikong pananaw;
3. Hanapin ang ugnayan ng simbolo at kanilang kahulugan sa isinagawang
pakikisalamuha sa mga tao sa lipunan o komunidad;
4. Magsagawa ng pagtatala sa lahat ng obserbasyon partikular sa pag-uugali ng mga tao;
5. Pagtuunan ng pansin ang prosesong ginamit sa pangangalap ng datos, mga kalakasan
at kahinaan;
6. Ang bawat gawain ay nararapat na maging uri ng simbolikong pakikisalamuha.
Nabanggit din ni Maranan ang mga kabutihan at hindi kabutihan ng pamamaraang
etnograpiya. Aniya, mabuting gumamit ng pamamaraang ito sa dahilang makapangalap ng
makatotohanang datos ang mananaliksik sapat sa pangangailangan ng pag-aaral; mapalalawak
nito ang kaalaman ng tao hinggil sa kultura at iba pang mahahalagang aspekto ng ibang tao sa
lipunan o komunidad; masasabi na malawak ang maaaring mapagkunan ng impormasyon; sa
pamamagitan ng interaksyon o pakikisalamuha sa mga tao sa komunidad ay makapangangalap
ng impormasyon ang mananaliksik na nararapat upang maimulat ang bawat isa sa katotohanan o
realidad ng buhay; at kapana-panabik ang pamamaraang ito ng pagtuklas ng mga impormasyon.
Hindi rin naman makabubuti ang paggamit pamamaraang etnograpiya sa ilang
kadahilanan gaya ng hindi madaling makapangalap ng datos kung gagamitin ang pamamaraang
ito sapagkat nangangailangan ito ng paglalaan ng mahabang panahon o oras; ang pakikipanayam
ng mananaliksik sa mga respondente ng pag-aral ay maisasagawa sa pamamagitan ng impormal
na pamamaraan. Maaaring may inihanda na mga gabay na katanungan ang mananaliksik subalit
dapat ding maging bukas sa opsyon na magkaroon ng mga tanong na kusang lalabas batay sa
pangangailangan ng mga pagkakataon; at ang kaligtasan ng mananaliksik ay salik din sa
ganitong pamamaraan ng pag-aaral sapagkat ang paninirahan sa isang komunidad na hindi
85
naman niya nakasanayan at pakikipag-ugnayan sa mga taong estranghero ay kinapapalooban ng
panganib o risk.
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay mababasa sa link na ito:
https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/katipunan/article/view/2579.;https://journals.upd.edu.ph
/index.php/djwf/article/view/5744. Maaari namang imungkahi ang paksang “Buhay-Lumad sa
Bukidno sa Gitna ng ‘Modernisasyon’ at Globalisasyon para sa metodong ito.
86
4. Obserbasyon na may halong pagkukunwari. Sa ganitong pamamaraan ng
obserbasyon, ang paksa (subject) ng pag-aaral ay may ideya na siya ay inoobserbahan
upang makakuha ng mahahalagang datos ng pag-aaral.
Ang participant observation naman ay isang uri ng etnograpiya na karaniwang ginagamit
sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pakikisikhay o
pagsisikap ng mananaliksik na makapasok at maging tanggap sa isang komunidad upang
makapagtamasa ng mas komprehensibong pag-unawa sa lipunan/paraan ng pamumuhay ng
nasabing komunidad. Ayon naman sa modyul ng University of California, Davis (c. 2003), ang
participant observation ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa
mga aktibidad sa komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang
isang simpleng tagamasid o observer, kundi isang aktibong kalahok o participant. Sa maraming
halimbawa ng ganitong pananaliksik, pinapasok o pinagdaraanan din ng mismong mananaliksik
ang papel o trabahong kaniyang pinag-aaralan, gaya ng pakikipamuhay sa isang komunidad na
pinag-aaralan; pagsubok na maging magsasaka; pagtatrabaho sa isang ospital (o kaya’y pagdanas
ng pagiging pasyente rito); pagsali sa isang relihiyosong organisasyon; at iba pa. Isang bersyon
ng participant observation ang nakikiugaling pagmamasid na unang ginamit sa “Nakikiugaling
pagmamasid: Pananaliksik sa kulturang Agta” ni Bennagen (1985), isang eksperto sa
etnograpiya. Para kay Bennagen, mahalaga sa nakikiugaling pagmamasid ang pagyakap sa
pag-uugali at paraan ng pamumuhay ng pinag-aaralang komunidad, at sa pagkakaroon ng bukas
na pag-iisip na nakahandang unawain ang komunidad na iyon.
Sa pangkalahatan, ang pag-oobserba, pakikipamuhay, participant observation, at
nakikiugaling pagmamasid ay pawang mahahalagang pamamaraan sa panlipunang pananaliksik
o pananaliksik na tumutugon sa mga pangangailangan ng lipunan. Kaugnay nito, maaaring
sipatin ang Manwal sa Panlipunang Pananaliksik ni Simbula (2008).
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Ang Dami-dami Kong Pera, Atbp:
Mga Metapora ng mga Migranteng Pilipinang Ina sa Australia” ni Pia Anna Perfecto-Ramos
(2009) at ang “Eksposyur: Tatlumpung Dagli ng Pakikipamuhay” ni Marlon Lester Gueta (2013)
Maaari namang imungkahi ang paksang “Ang Pang-araw-araw na Buhay ng mga
Maglalako/Tindero at Tindera sa Metro Manila: Isang Pananaliksik sa Pamamagitan ng
Nakikiugaling Pagmamasid” para sa metodong ito.
Kwentong Buhay
Ang kuwentong buhay (life story) ay maikling pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi
ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik. Karaniwang
binibigyang-diin dito ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kaniyang mga
hinaing, pangarap, suliranin, ang kaniyang pang-araw-araw na buhay na makabuluhan sa
konteksto ng pananaliksik. ang madalas na pinapaksa ng kuwentong-buhay ay mga tinig ng mga
nasa laylayan ng lipunan o mga pangkat na marginalized. Nakatutulong ito upang marinig ng
madla ang kanilang tinig. Maaaring maging paksa ng kuwentong-buhay ang mga lumad,
manggagawang kontraktwal, mga babaeng mangagawa, mga kasambahay, buhay ng mga anak
ng mga OFW, o kaya’y ang buhay ng mga bahagi ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, at
Transexuals) sa bansa, at iba pa. Isa sa pinakakilalang tagapaghawan ng landas sa paggamit ng
kuwentong-buhay ang tesis ni Ofreneo (1994) sa Unibersidad ng Pilipinas na pinamagatang
“Ang Kuwentong-Buhay Bilang Teksto ng Pagsasakapangyarihan ng mga Manggagawa sa
Bahay.” Maaari itong masipat sa http://iskwiki.upd.edu.ph.
87
Ilan pa sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Mga Naratibo ng Inseguridad:
Panimulang Pagsusri sa Sistema ng ENDO sa Pilipinas” ni John Kelvin Briones (2015) at ang
“(Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipino Seaman” ni Joan
Manzano. Maaari namang imungkahi ang paksang “Mga Kuwento sa Gilid-gilid: Buhay ng mga
Maralitang Tagalungsod sa Piling ‘Gillages’ (Gilid ng mga Eksklusibong Subdibisyon o Village)
sa Metro Manila” para sa metodong ito.
88
bumuo ng isang koneksyon, at maunawaan ang isa. Dagdag pa, ang mga sesyon sa
pakikipanayam na harapan ay maaaring maging mas kasiya-siya.
Hubog ng pagtatanong (Inquiry Form) . Ang form na ito ay tumutukoy sa planado at
nakasulat na katanungan para sa isang tiyak na paksa, na may espasyong nakalaan para sa tugon
ng taong nais kapanayamin. Maaari itong ipadala sa e-mail at maaari din manang ipamahagi
nang personal sa paksa (subject) ng pag-aaral. Kailangan ng maayos na konstruksyon ng
katanungan upang makuha ang inaasahang tugon sa mga kakapanayamin (Maranan, 2018).
Ang focus group discussion ay isang metodo sa pangangalap ng datos na kung saan ang
mananaliksik ay bumubuo ng isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng magkakaibang tao na
ang tugon ay siyang pinag-aaralan sa market research at political analysis sa pamamagitan ng
ginabayan at bukas na talakayan. Inaasahan sa ganitong metodo na ang mananaliksik ay
makapangangalap ng sapat na impormasyon sa partikular na pangkat na ang tugon ay siya ring
inaasahan sa higit na malaking pangkat. Isa itong anyo at paraan ng kwalitatibong pananaliksik
sa mga agham panlipunan, na may isang partikular na diin at aplikasyon sa mundo ng pagsusuri
ng programa sa pag-unlad na kinasasangkutan ng mga panayam sa pangkat ng tao hinggil sa
kanilang mga pananaw, opinyon, paniniwala, at pagtingin hinggil sa isang produkto, patalastas,
konsepto, ideya, at marami pang iba. Isa itong paunang natukoy na semi-estrukturadong
pakikipanayam na pinamumunuan ng isang bihasang tagapamagitan. Nagbibigay ang
tagapamagitan ng malawak na mga katanungan upang makakuha ng mga sagot at makabuo ng
talakayan para sa mga kalahok. Ang tagapamagitan ay naglalayong makabuo ng
pinakamababang talakayan at pinakamaraming opinyon sa loob ng itinakdang panahon. Malaya
ang nagiging talakayan sa ganitong metodo subalit may paggabay sa pangkat o taong nagbigay
ng inisyatibo para sa talakayan. Sa buong proseso ng talakayan, ang mananaliksik ay inaasahang
magtatala o makakukuha ng mahahalagang puntos na nakalap niya buhat sa pangkat. Katulad din
ito ng pag-iinterbyu, kung sa interbyu ay isa lamang ang kinakapanayam sa bawat pagkakataon,
sa FGD ay dalawa o higit pa ang kinakapanayam. Isinasagawa ito upang higit na maging swabe
at magaan ang interbyu, sapagkat karaniwang mas makapagpapahayag ng saloobin ang mga tao
kung may mga kasama sila na mula sa kanilang pangkat at kagaya rin nila sa karanasan at iba
pang aspekto. Kaugnay nito, maaaring basahin ang “Gabay sa Pagpapadaloy ng Focus Group
Discussion, (FGD)” na inilabas ng Extension Services Office ng Tarlac State University.
Ang FGD ay dapat gamitin kapag kailangan mong maunawaan ang isang isyu sa mas
malalim na antas kaysa sa makukuha mo sa isang sarbey. Nakatutulong ito sa pagdaragdag ng
kahulugan at pag-unawa sa umiiral na kaalaman, o pagsagot sa "bakit" at "paano" ng isang
paksa. Dagdag pa rito, ang FGD ay isang mabuting paraan upang mapatunayan na ang mga
nakasaad na kagustuhan ng mga tao ay pareho sa kanilang aktwal na mga kagustuhan.
Halimbawa, ang 54% ng mga nasuring tao ay maaaring sabihin na mas gusto nila ang Programa
A. Gayunpaman, ang pakikipag-usap sa grupo nang mas detalyado ay maaaring magpakita na
ang kanilang tunay na kagustuhan ay Programa B. (Maraming mga tao ang sumasagot sa mga
sarbey ng sa tingin nila ay mas nais marinig ng nagtatanong. sa halip ng kanilang aktwal na mga
opinyon!).
Ang tagal ng isang FGD ay dapat na nasa pagitan lang ng 60 at 90 minuto. Kung ang
FGD ay mas maikli kaysa sa 60 minuto, madalas na mahirap na ganap na tuklasin ang paksa ng
talakayan. Kung ang FGD ay mas mahaba kaysa sa 90 minuto, ang talakayan ay maaaring
maging hindi produktibo (habang napapagod ang mga kalahok) at ang talakayan ay maaaring
magsimulang magpataw sa oras ng mga kalahok.
89
Ang FGD ay nagsasangkot ng dalawa hanggang walong tao sa kabuuan. Ang higit sa
walong kalahok ay nagiging pulutong para sa isang FGD at mas angkop para sa isang advisory
board. Isaalang-alang ang mga sumusunod kapag pinipili mo ang iyong mga kalahok: kasarian,
edad, at katayuang panlipunan. Sa paghahanda para sa FGD, tiyakin na ang mga kalahok ay
nagbigay ng pasalita o pangakisipang pahintulot sa isang nakasulat na porma, alinsunod sa mga
pinakamahusay na kasanayan sa pananaliksik. Siguraduhing gawing malinaw ang lokasyon at
oras ng FGD sa lahat ng mga kalahok. Kung inaasahan mong hindi darating ang ilang mga
kalahok, mag-anyaya ng 10-20% na labis na mga kalahok. Gayunpaman, mag-ingat na huwag
lumikha ng napakalaking grupo. Tiyaking ang FGD ay nasa isang pampublikong lugar na
maginhawa para sa mga kalahok. Isaalang-alang ang kalapitan ng lokasyon sa pampublikong
transportasyon. Kung ang FGD ay dapat mangyari sa larangan, gawin itong komportable at
maginhawa para sa mga kalahok hangga't maaari. Siguraduhin na ang setting ay hindi bias sa
nakolektang impormasyon. Kung mahalaga na mangolekta ng demograpikong datos mula sa mga
kalahok (tulad ng edad, kasarian, kasta, atbp), magdisenyo ng isang maikling porma na hindi
hihigit sa 2 o 3 minuto para makumpleto. Ang form ay maaaring ibigay bago magsimula ang
FGD.
Kailangan ng maingat na pagpaplano sa pagbuo ng pangkat para sa talakayan upang
makabuo ng isang kaligiran na hindi nakasisindak sa iba, sa gayon ang mga kasama sa pangkat
ay malayang makapagsasalita at makapagbibigay ng tapat at totoong opinyon. Sapagkat ang mga
kasama sa pangkat na ito ay hinihikayat na magsalita hindi lamang batay sa sariling pananaw
kundi may pagsasaalang-alang din sa iba, ang mga katanungan na dapat ipukol ng tagapamagitan
sa focus group ay dapat magtaglay ng lalim, pagiging pino, at baryasyon ng pagtalakay na hindi
makikita sa ibang uri ng sarbey (survey) .
Ilan sa mga pangunahing katangian ng focus group discussion ang: (1) kinasasangkutan
ito ng organisadong talakayan sa piling pangkat ng mga indibidwal upang makakuha ng sapat na
impormasyon hinggil sa kanilang pananaw at mga karanasan hinggil sa paksa; (2) angkop itong
gamitin sa iba’t ibang perspektoba hinggil sa parehong paksa; (3) nakatutulong upang mamakuha
ng pananaw ng tao sa pagbabahagi ng pag-unawa sa pang-araw-araw na pamumuhay at mga
pamamaraan kung saan ang isang indibidwal ay naiimpluwensyahan ng iba sa sitwasyong sila ay
nasa pangkat; at (4) ang papel na ginagampanan ng tagapamagitan o moderator ay napakahalaga
sapagkat ang mataas na antas na kahusayan ng pinuno at kakayahang interpersonal ay kailangan
upang maayos na mabigyan ng direksyon ang pangkat.
May iba’t ibang anyo ng focus group discussion: (1) two-way focus group. Nahahati sa
dalawa o higit pang pangkat ang ganitong pamamaraan ng focus group kung saan ang isang
pangkat ay kailangang magsagawa ng obserbasyon o pagmamasid sa talakayan at kongklusyon
ng ibang pangkat at vice versa; (2) dual moderator focus goup. Ito ay kinasasangkutan ng
dalawang tagapamagitan o moderator na kung saan ang tungkulin ng isa ay siguraduhin na ang
lahat ng paksa ay makakasama sa pagtalakay; (3) dueling moderator focus group
(fencing-modeartor) . Sa ganitong uri ng pagtalakay, dalawang tagapamagitan ang maingat na
mangunguna sa pagtalakay sa dalawang panig sa usapin ng pagtalakay; (4) respondent
moderator focus group. Sa ganitong uri ng pagtalakay, ang isa sa mga respondente ng pag-aaral
ang siyang itatalaga upang mangasiwa sa daloy ng talakayan; at (5) mini focus groups. Ang
pangkat o grupo sa ganitong uri ng pagtalakay ay binubuo ng anim hanggang limang kasapi sa
halip na anim hanggang labindalawang kasapi.
90
Ang focus group discussion ay mainam gamitin na metodo sa pangangalap ng
impormasyon para sa isang pag-aaral sa mga sumusunod na kadahilanan: (1) ang malaya at
bukas na talakayan sa pagitan ng mga respondente ng pag-aaral ay maaaring magbunga ng mga
bagong ideya na malaki ang maitutulong sa pagbuo ng isang desisyon; (2) Ang focus group
discussion a y isang metodo ng pangangalap ng impormasyon na kung saan ang tagapamagitan ay
malayang nakapagbibigay ng desisyon na palitan ang proseso ng pagtalakay upang higit na
mapaganda ang daloy ng pagtalakay sa focus group; (3) amga ekspresyon ng mukha ng mga
kasali sa pagtalakay liban sa berbal na anyo ng komunikasyon sa buong proseso ng pagtalakay
ay makatutulong din nang malaki sa mananaliksik para sa pagbuo ng isang makabuluhang
pagtingin sa pag-aaral.
Sa kabila ng taglay na kabutihang maidudulot ng focus group discussion, ito ay
mayroong taglay na di-kabutihan katulad ng mga sumusunod: (1) bagama’t ang tagapamagitan sa
focus group ay binibigyan ng karapatan na kotrolin ang daloy ng pagtalakay, ang hangganan ng
pagkontrol ay nakasalalay sa kaniyang kakayahan na ibinigay ng karanasan upang ito ay
maisakatuparan; (2) may mga respondente ng pag-aaral na hindi palagay na ibahagi ang kanilang
pananaw sa loob habang ito ay pinakikinggan ng iba; (3) maaaring hindi sapat ang bilang ng
respondente upang katawanin ang pananaw ng higit na nakararami kung titingnan ang pag-aaral
sa sakop ng pag-aaral; at (4) ang sagot ng isa ay maaaring makaimpluwensiya sa ibang kasali sa
talakayan.
Maaaring gamitin ang mga sumusunod na hakbang upang makabuo ng isang
kinakailangang resulta ng pag-aaral gamit ang FGD bilang metodo ng pangangalap ng datos: (1)
pagtukoy sa uri ng respondente na kailangan sa pag-aaral; (2) pagpili ng tagapamagitan o
moderator para sa talakayan; (3) pagbuo ng mga gabay na katanungan at pamamaraan sa
pagtatala ng mga kasagutan ng mga respondente; (4) pagsasanay para sa mga tagapamagitan at
pre-test para sa mga instrumento na gagamitin sa talakayan; (5) pagsasagawa ng FGD; at (6)
transkripsyon, pagsusuri, at pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos na makakalap buhat sa
talakayan.
Ang pagtatanong-tanong, isang salitang Pilipino na nangangahulugang "nagtatanong," ay
nakilala bilang isang pamamaraan ng katutubong pananaliksik sa agham panlipunan ng Pilipinas.
Ang pagtatanong-tanong ay may apat na pangunahing katangian: (a) ito ay nakikilahok sa
kalikasan; ang impormante ay may isang input s a istraktura ng pakikipag-ugnay sa mga tuntunin
ng pagtukoy ng direksyon nito at sa pamamahala ng oras, (b) ang mananaliksik at tagapagtuturo
ay pantay sa katayuan; ang parehong mga partido ay maaaring magtanong sa bawat isa sa mga
katanungan para sa tungkol sa parehong haba ng oras. (c) ito ay naaangkop at umaangkop sa mga
kondisyon ng pangkat ng mga impormante na naaayon ito sa umiiral na mga pamantayan ng
pangkat, (d) ito ay isinama sa iba pang mga pamamaraan ng katutubong pananaliksik. Iba't ibang
aspeto ng pagtatanong-tanong ay: paghahanda, pamamaraan, antas ng pakikipag-ugnay, wika,
isyu sa tagaloob sa tagalabas, pagiging sensitibo sa kultura, pagiging maaasahan/bisa at mga
etikal na isyu. Ang antas ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mananaliksik at ng impormante ay
nakakaimpluwensya sa kalidad ng data na nakuha.
Isang porma rin ng interbyu ang pagtatanong-tanong na ayon kay Pe-Pua (1989) ay may
apat na pangunahing katangian: (1) ito ay may kalikasan ng pakikilahok kung saan, ang
impormante ay may isang input sa istraktura ng pakikipag-ugnay sa mga tuntunin ng pagtukoy
ng direksyon nito at sa pamamahala ng oras; (2) ang mananaliksik at impormante ay pantay sa
katayuan, kapuwa maaaring magtanong ang bawat isa ng mga katanungang sa magkakaparehong
91
haba ng oras; (3) Ito ay naaangkop at umaangkop sa mga kondisyon ng pangkat ng mga
impormante na naaayon sa umiiral na mga pamantayan ng pangkat; at (4) Ito ay isinama na sa
iba pang mga pamamaraan ng katutubong pananaliksik.
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Pamahiin Nila Noon, Buhay pa ba
Ngayon?: Pagsusuri sa mga Pamahiing Nananatili Mula Noon Hanggang Ngayon” ni Reshel
Madel Lopez, et al. (2015) at ang “Utang na Loob para sa mga Kabataan Ngayon: Isang
Pagtataya” nina Lucy Mary M. Navarro at Rowena G. Fernandez (2013). Maaari namang
imungkahi ang paksang “Mga Konsepto ng Kaunlaran Mula sa Laylayan ng Lipunan:
persprektiba ng mga Magsasaka at Manggagawa sa Visayas Hinggil sa Ambisyon Natin 2040 ng
National Economic and Development Authority” para sa metodong ito.
Video Documentation
Ang bidyo ay isang mahalagang kagamitan para sa malikhaing dokumentasyon at maaari
itong magamit upang mapadali ang pangangalap ng impormasyon, pag-uulat, pagpapakalat at
networking. Ginagawang madali ng bidyo na maibahagi ang materyal sa kultura sa mas malaking
madla. Kasabay nito, mahalaga na magkaroon ng kamalayan ng mga pagsasaalang-alang tungkol
sa pagbabahagi ng kaalaman at ari-arian ng intelektwal na kinakatawan sa bidyo at pelikula.
Gamit ang video recorder, i sinasagawa ang video documentation sa pamamagitan ng
pagrerekord ng mga imahe at tunog. Karaniwang ginagamit ito sa pagtatala ng mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan. Maaari itong lapatan ng pagsasalaysay o narration at ng musika.
Pinakakaraniwang porma nito ang bidyong dokumentaryo o dokyu.
Kapag nagtitipon ng mga video footage ng mga tao, site o mga bagay para sa layunin ng
pananaliksik o dokumentasyon, mahalagang maunawaan ng lahat ng mga kasangkot ang tungkol
sa dahilan ng potensyal na paggamit ng mga pag-record, kung saan sila maiimbak o maiarkibo,
at sino ang legal na may karapatan na gumawa ng mga pagpapasya tungkol sa kanilang
paggamit. Ang footage ng video na maipo-post sa online ay maaaring mangailangan ng mas
malawak na pag-uusap tungkol sa pampublikong kalikasan ng Internet, tulad ng potensyal para
sa remix a t paglalaan, at ang kahirapan sa pag-alis ng nilalaman mula sa Internet sa sandaling
nai-post online. Ang pagdaraos ng isang pulong na nagpapabatid ng pagsang-ayon at kung para
saan ito ay isang paraan para maipagpatuloy ito. Ang pagbuo ng isang kasunduan sa pagrerekord
ng bidyo sa komunidad kung saan nagaganap ang pananaliksik o dokumentasyon ay maaaring
kapaki-pakinabang upang matulungan ang lahat na magkaroon ng isang karaniwang pag-unawa.
Ang mga proyekto sa pananaliksik sa unibersidad na nagsasangkot sa videotaping ng mga tao ay
karaniwang nangangailangan ng pagsusuri sa etika ng pananaliksik na institusyonal. Ang ilang
mga institusyong hindi akademiko, ahensya ng gobyerno at mga organisasyon ng komunidad ay
mayroon ding mga proseso ng pagsusuri sa etika ng pananaliksik. Ang katibayan ng pahintulot
para sa pagkolekta ng mga bidyo ay kailangang malinaw na dokumentado, tulad ng sa porma ng
pahintulot o sulat ng kasunduan na maaaring lagdaan o sabihin ng mga indibidwal bilang mga
kalahok sa pananaliksik. Kung iisipin, ang mga probisyon tungkol sa kung paano at kung saan
ang video footage ay maiiimbak o maiarkibo at magbigay ng impormasyon para sa taong
namamahala sa koleksyon ay maaaring mabuo nang sama-sama ng mga magkakatuwang sa
pananaliksik.
Palaging isaalang-alang ang paghingi ng pahintulot mula sa lahat ng naroroon at ipaalam
sa mga organisador ng kaganapan bago magbidyo ng isang pulong, usapan, o isang nakaplanong
kaganapan ng pangkat. Dapat din ipaalam sa mga kalahok na mayroon silang opsyon na hindi
92
kunan at ipaalam sa kanila kung maaari silang humiling ng pag-edit sa panghuling footage.
Siguraduhing ipagbigay-alam sa mga nakuhanan ng footage ang anumang gamit sa hinaharap ng
video footage. Maaaring humingi ng pasalita o nakasulat na pahintulot, ngunit kung humingi ka
ng pasalitang pahintulot, tiyaking dokumentado ito. Siguraduhin na kilalanin sa pangalan (o
pangalan) ang lahat ng mga tao sa bidyo, kung sakaling kailangan mong bumalik sa kanila para
sa karagdagang pahintulot sa hinaharap.
Madali at direktang maia-upload ang bidyo sa YouTube, Flickr, social networking at iba
pang mga site na magagamit sa publiko. Maglaan ng oras upang isaalang-alang ang mga
implikasyon ng pagpo-post ng midya sa Internet. Sa maraming mga site, sa pamamagitan lamang
ng pagpo-post ng materyal, ikaw ay ganap na lumilikha ng isangkasunduan sa paglilisensya na
nagpapahintulot sa site n a iyon na gamitin ang iyong materyal sa iba pang mga paraan. Laging
basahin ang Mga Tuntunin ng Paggamit bago maglagay ng materyal sa mga site na ito. Maaari
kang mawalan ng kontrol sa iyong materyal nang napakabilis at walang kang magagawa tungkol
dito. Tulad nito, siguraduhing talakayin ang mga pagsasaalang-alang sa mga lumilitaw sa bidyo
bilang bahagi ng proseso ng pagpapahintulot.
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Lila: A Documentary on a Mother
Raising a Child with Autism” ni C. S. Ustaris (2014) at ang “Working While in Class”
niMaevelyn Calapardo (2011). Maaari namang imungkahi ang paksang “Mga Eksena ng
Dislokasyon: Sampung Short Films Hinggil sa Demolisyon, Pagpapalayas, at Pagtataboy sa Iba’t
Ibang Pangkat na Marginalized sa Pilipinas” para sa metodong ito.
Deskriptibong Pananaliksik
Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paglalahad ng mga katangian ng isang tao,
grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa na sinusuri/pinag-aaralan (San Juan, et al., 2019).
Kongkreto at abstrakto ang deskripsyon sa pamamagitan ng pagtugon sa mga katanungan kung
sino, ano, kailan, saan, at paano. Inilalarawan nito ang mga kasalukuyang ginagawa sa
pananaliksik na may pagsasaalang-alang sa mga pamantayan at kalagayan.
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Pananaw ng mga Kalalakihan sa
Konsepto ng Seenzone” nina Jethro Laput at Ma. Fatima Bullecer sa The Bedan Journal of
Psychology (2016). Maaari namang imungkahi ang paksang “Buhay, Nananamlay o
Namamatay?: Kasalukuyang Sitwasyon ng Wikang Tagalog sa Bulacan” para sa metodong ito.
Komparatibong Pananaliksik
Tumutukoy sa deskriptibo o palarawang paghahambing/pagkukumpara sa mga
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa,
ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura,
bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas itong gamitin sa mga cross-national na pag-aaral upang
mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura, at institusyon.
Ang madalas na nagiging hamon sa paggamit ng ganitong disenyo ay ang pagtatakda ng
parametro ng pananaliksik sapagkat maaaring hindi gumagamit ng magkatulad na kategorya ang
dalawang lipunan o kulturang pinaghahambing o kaya naman ay may ibang pagpapakahulugan
sa iisang kategorya. Halimbawa, maaaring magkaiba ang depinisyon ng kabayanihan,
kaligayahan, o kaya ay pagluluksa sa iba’t ibang kultura o relihiyon.
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Komparatibong Analisis ng
Aktuwal na Gamit ng Wika at mga Piling Pamantayan sa Gramatika at Ortograpiya sa Filipino,
Sebwano-Bisaya, at Ilokano: Lapit Batay sa Korpus” ni Joel P. Ilao sa Daluyan (2012). Maaari
namang imungkahi ang paksang “Komparatibong Pagsusuri ng Namamayaning Gamit ng
Wikang Filipino sa Lungsod ng Cebu at Tacloban” para sa metodong ito.
94
marami pang iba. Sa agham panlipunan (social sciences) at buhay na agham (life sciences), ang
pag-aaral sa kaso (case study) ay isang metodo na kinasasangkutan ng malapit (up-close) ,
malalim, (in-depth), at detalyadong pagsusuri sa paksa ng pag-aaraal (case) , maging ng mga
kaugnay na kondisyong kontekstwal. Ang pag-aaral ng kaso sa pangangasiwa (management) ay
karaniwang ginagamit upang bigyan ng interpretasyon ang ugnayan o estratehiya upang
makabuo ng pangkat ng mahuhusay na kasanayan (best practices) o suriin ang mga panlabas na
salik o impluwesnya o ugnayang panloob (internal interactions) ng kumpanya na siyang paksa
ng pag-aaral.
Sinabi sa aklat nina Remler at Van Rayzin na ang kwalitatibong pananaliksik ay nag-ugat
sa malalim na pag-aaral ng mga kaso ng tao, pangkat o organisasyon. Ang ibig sabihin nito na
ang karamihan sa mga kwalitatibong pag-aaral ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga kaso. Ang
pag-aaral din ng mga kaso ay tipikal ding kinasasangkutan ng mga malalaki, aggregate level
case – katulad ng organisasyon, kapitbahay, nasyon-estado – sa halip na pagtuon ng pansin sa
isang indibidwal. Subalit sa klinikal na pananaliksik, may mga kaso na ang pag-aaral ay
nakatuon sa indibidwal na pasyente sa tiyak na kondisyon o karamdaman. Sa pagtukoy sa uri ng
pamumuno o leadership studies, ang pag-aaral ng kaso ng tiyak na pinuno ay karaniwan.
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Isang Kritikal na Pag-aaral Ukol sa
Epekto ng Malawakang Pagpapalit-gamit ng Lupa sa Kita at Pang-ekonomikong Kasiguruhan ng
mga Pesante sa Barangay Santiago ng General Trias, Cavite” ni Kaye Melody P. Reyes (2010).
Maaari namang imungkahi ang paksang “Mahusay na Taktika at Praktika sa Kampanyang
Elektoral mula Porma Hanggang Plataporma: Case Sudy ng mga Partylist sa Ilalim ng
Koalisyong Makabayan” para sa metodong ito.
95
Secondary Data Analysis
Tumutukoy ito sa pagsusuri at pag-uugnay-ugnay sa mga umiiral na datos at estadistika
tungo sa layuning sagutin ang mga panibagong tanong at/o makabuo ng mga bagong
kongklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon (San Juan, et al., 2019). Ang pangalawang
pagsusuri ay nagbibigay sa mga mananaliksik ng pagkakataon na mag-imbestiga sa mga
katanungan sa pananaliksik gamit ang mga malakihang hanay ng datos na madalas na kabilang
sa mga pangkat na walang kumakatawan, habang nagtitipid ng oras at mapagkukunan. Sa kabila
ng napakalawak na potensyal para sa pangalawang pagsusuri bilang isang kagamitan para sa mga
mananaliksik sa mga agham panlipunan, hindi ito malawak na ginagamit ng mga sikolohista at
kung minsan ay nakatatanggap ng matalas na pintas mula sa mga pumapabor sa pangunahing
pananaliksik.
Dahil hindi ang mananaliksik ang unang nagkolekta sa mga datos na tinatrabaho niya,
kinakailangan niyang maging pamilyar sa mga datos na ito. Kaakibat ng proseso ng
pamilyarisasyong ang: (1) pag-aaral tungkol sa kung paano nakolekta ang datos; (2) pag-aaral
kung sino ang populasyon ng pag-aaral; (3) pag-aaral kung ano ang layunin ng orihinal na
pag-aaral; (4) ang pagtukoy kung ano ang mga kategorya ng pagtugon para sa bawat tanong na
ipinakikita ng mga sumasagot sa sarbey; (5) sinusuri kung ang bigat ay kailangan o hindi na
mailapat sa panahon ng pagsusuri ng mga datos; at (6) ang pagpapasya kung kailangan o hindi na
ang klaster o istratipikasyon ay matuos sa panahon ng pagsusuri ng datos.
May mga pakinabang namang nakukuha sa pangalawang pagsusuri ng datos. Isa na rito
ang katipiran ng paggastos sapagkat nakolekta na ng iba ang datos kaya ay hindi na kailangang
mamuhunan ng anumang pera, oras, o pagsisikap sa mga yugto ng pagkolekta ng datos ng
kanyang pag-aaral. Bagaman kung minsan ang pangalawang datos ay dapat bilhin ng isang
mananaliksik na naghahanap upang magamit ito upang ipaalam sa isang pag-aaral na kanilang
ginagawa, ang mga gastos na ito ay halos palaging mas mababa kaysa sa mga gastos kung ang
mananaliksik ay lumikha ng parehong set ng datos mula sa simula. Gayundin, ang datos mula sa
isang sekundaryong hanay ng datos ay karaniwang makinis na at naka-imbak sa isang
elektronikong pormat, kaya maaaring gugulin ng mananaliksik ang kanyang oras sa pagpapaikli
at pag-aaral sa datos sa halip na paggugol ng oras sa paghahanda ng datos para sa pagsusuri.
Ang isa pang pakinabang ng pagsusuri ng pangalawang datos ay ang dami at saklaw ng
datos na magagamit sa publiko ngayon. Halimbawa, ang paggamit ng mga natuklasan mula sa
mga pag-aaral na isinagawa ng pamahalaan ay nagbibigay sa mga mananaliksik ng access sa
isang bolyum ng datos na maaaring imposible para sa mananaliksik na mapagsama ang kanilang
sarili. Ang datos na paayon sa iskalang ito ay napakalakas. Ang gobyerno ay maaaring
magkolekta ng datos sa isang solong populasyon para sa isang mahaba, pinalawig na panahon.
Sa halip na mamuhunan sa oras, sa pamamagitan ng paggamit ng mga datos ng gobyerno upang
magamit ang pangalawang pagsusuri ng datos, iniiwasan ng mananaliksik ang mga taon ng
masinsinang paggawa.
Ang paggamit ng pangalawang pagsusuri ng datos ay may disbentahe rin. Ang
pinakamalaking disbentahe ng pagsasagawa ng pagsusuri ng pangalawang datos ay sapagkat ang
sekundaryong set ng datos ay maaaring hindi sumasagot nang tiyak sa tanong ng mananaliksik sa
antas na inaasahan ng pananaliksik. Kung nagtatakda ang isang mananaliksik upang magsagawa
ng isang pag-aaral na may napakapartikular na tanong sa isip, ang isang sekundaryong set ng
datos ay maaaring hindi naglalaman ng tiyak na tiyak na impormasyon na magpapahintulot sa
mananaliksik na sagutin ang kanyang tanong. Halimbawa, kapag ang isang mananaliksik ay may
96
isang tiyak na katanungan o layunin sa isip, kung minsan ay mahirap makilala ang pangalawang
datos na may bisa para magamit, dahil ang datos ay maaaring hindi nakolekta sa panahong
inaasahan ng mananaliksik, o sa tamang heograpikal na rehiyon, at iba pa. Ang isa pang
disbentahe ay hindi mahalaga kung ano ang ginagawa ng isang mananaliksik upang ayusin ang
isang sekundaryong set n g datos, hindi nila malalaman nang eksakto kung paano nakolekta ang
datos, at kung gaano kahusay ang prosesong iyon. Kung walang kaalaman sa aktwal na
pagkakabuo ng mga pagsisiyasat at pamamahagi ng mga ito sa naaangkop na populasyon,
imposibleng malaman ang lawak kung saan nakarating ang mga mananaliksik na kumolekta ng
datos upang matiyak ang pagiging balido o ang kalidad nito, o kung nakaranas sila ng mga isyu
tulad ng mababang mga marka ng tugon o mga respondenteng hindi naunawaan kung ano ang
tunay na itinatanong. Dahil ang mananaliksik na nagsasagawa ng pag-aaral ay hindi siyang
nagkolekta ang datos na kanyang gagamitin, wala rin siyang ganap na kontrol sa kung ano ang
nilalaman ng kanilang pangalawang set ng datos.
Ilan sa halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Country Analysis of Aids in the
Philippines: Gender and Age Situation and Response ng National Economic Development
Authority/NEDA at United Nations Children’s Fund/UNICEF” (2011). Maaari namang
imungkahi ang paksang “Pangkalahatang Pagsusuri sa Potensyal na Bisa ng Programang Kto12
sa Pilipinas Batay sa Karanasan ng mga Bansa sa Asya-Pasipiko Gamit Batay sa mga Opisyal na
Estadistika at Dokumento” para sa metodong ito.
Pagsusuri sa Diskurso
Ang pagsusuri ng diskurso ay isang uri ng pag-aaral na kadalasang ginagamit sa
pagtalakay sa mga usaping nangyayari sa lipunan at sa mundo. Tumutukoy ito sa pagsusuri sa
paraan ng pagpapahayag at/o mensaheng nangingibabaw sa teksto, awit, video, p elikula, at iba
pang materyales (San Juan, et al., 2019). Pinaniniwalaan ni Foucult (1970, 1972, sa Maranan,
2018)) na ang diskursong pampubliko o panlipunan ay maaaring hinulma ng makapangyarihang
indibidwal o pangkat. Pinaniniwalaan din niya ang mga diskursong ito ay may kapangyarihan na
97
hubugin ang indibidwal at ang kanilang mga karanasan sa lipunan sa mundo. Ang mga ganitong
uri ng diskurso sa pananaw ni Foucult ay maaaring magmulat sa isang tiyak na katotohanan.
Isa sa halimbawa ng ganitong pananaliksik ay ang artikulo ni Rowell Madula na
www.ang_espasyong_bakla_sa_cyberspace.com: Isang Pagsusuri ng Diskurso ng Usapang Bakla
sa mga Chatroom” na nalathala sa Malay (2010). Maaari namang imungkahi ang paksang
“Tulong Nanunuot (TricloDown) o Tagtuyot, at Kasaganahang Panlahat o Yamang para sa Iilan:
Diskurso ng Kaunlaran at Kahirapan sa mga Piling State of the Nation Address (SONA) ng mga
Administrasyong Post-Edsa” para sa metodong ito.
SWOT Analysisis
Tumutukoy ito sa pagsusuri ng kalakasan (strengths) at kahinaan (weakness) ng isang
programa/plano, at mga oportunidad (opportunities) o bagay na makatutulong sa
implementasyon at mga banta (threat) o bagay na maaaring makahadlang sa implementasyon ng
programa/plano (San Juan, et al., 2019). Ito ay unang ginamit ni Albert Humphrey noong 1960s
at sa ngayon ay itinuturing na isa sa pinakamakapangyarihang kagamitan sa pagsusuri para sa
isang matatag na kalakalan (business). Ginagamit ito sa konteksto ng kalakalan (business) upang
makapaglilok ng isang matatag na pundasyon ng tagatangkilik o market. Kung titingnan naman
ito sa personal na konteksto, ito ay makatutulong sa pagbuo ng isang karera sapagkat dito
mapahahalagahan ang iyong talino, abilidad, at mga pagkakataon o oportunidad.
Ang pamamaraang ito ng pagsusuri ay maganda sa kadahilanang napangingibabaw nito
ang mga pagkakataon o oportunidad sa mga kalakasan na handa mong ipakita o ibigay. Sa
kabilang dako, ang pagtukoy sa kahinaan ay makatutulong din nang malaki upang unti-unting
burahin ang banta na maaaring umatake o sumira sa iyo sa darating na mga panahon. Sa
pamamagitan ng pagtingin sa iyong sarili at sa mga katunggaling hanapbuhay (competitor) , ang
isang mag-aaral ay maaaring makabuo ng isang estratehiyang makatutulong sa paghahambing
mo sa iyong sarili sa mga kalaban upang sa gayon ay mapagtagumpayang labanan ang
kompetisyon para sa mga inaasahang tagatangkilik (market) .
Tandaan: Ang kalakasan (strengths) at kahinaan (weaknesses) ay karaniwan na
matatagpuan sa loob (internal factors) ng organisasyon o samahan, samantalang ang
pagkakataon (opportunities) at banta (threat) naman ay may kaugnayan sa mga salik na panlabas
(external factors), dahilan kung bakit karaniwan itong tinatawag na Panloob-Panlabas na
Pagsusuri (Internal-External Analysis) at ang matrix naman ng SWOT ay tinatawag din minsan
na IE Matrix.
Kalakasan (Strengths)
Bilang gabay upang maunawaan ang konsepto ng pagsusuring ito sa ilalim ng SWOT,
mahalaga na sagutin ang mga sumusunod na katanungan o pamantayan:
1. Ano ang kalamangan o bentahe na mayroon ang samahan o organisasyon na iyong
kinabibilangan?
2. Ano ang ikinaangat mo sa iba o sa tinatawag na mga competitor o kalabang
kumpanya?
3. Ano ang ikinatangi o pinakamababang halaga ng gugulin sa mga pinagkukunan na
wala ang mga kalaban o competitors?
4. Ano ang mga kalakasan mo na nakikita ng ibang tao na tumatangkilik sa iyo?
5. Ano ang mga salik na nangangahulugan na ikaw ay kumita?
98
6. Ano ang kakaibang bentahe ng iyong organisasyon (unique selling proposition)?
(Maaaring isaalang-alang sa pagtukoy sa kalakasan ang perspektibang panloob, mula sa
pananaw ng mga tagatangkilik (customers) at ng mga tao na kasama sa iyong market. Sa
pagtukoy sa sariling kalakasan, maaari mong isaalang-alang ang iyong kalaban o competitor. )
Kahinaan (Weaknesses)
Ang pagsagot sa mga sumusunod na katanungan ay makatutulong upang matukoy ang
kahinaan (weakness) ng samahan o organisasyon na kinabibilangan:
1. Ano-ano ang maaaring paghusayin?
2. Ano ang nararapat iwasan?
3. Ano-ano ang mga kahinaan (weaknesses) ng iyong samahan o organisasyon na
maaaring makita ng mga tao na tumatangkilik sa iyo?
4. Ano-ano ang mga salik na nakaapekto sa benta ng iyong samahan o organisasyon?
(Tandaan. Nararapat mong harapin ang katotohanan gaano man ito kasakit para sa kabutihan ng
sariling organisasyon o samahan. Maaari mo ring isaalang-alang ang perspektibang panloob at
panlabas at ano ang mga nakikita ng ibang tao na kahinaan mo na hindi mo naman nakikita.)
Pagkakataon (Opportunity)
Makatutulong din ang pagsagot sa mga sumusunod na katanungan upang matugunan ang
pangangailangan ng SWOT sa aspekto ng pagkakataon (opportunity):
1. Ano-anong magagandang oportunidad ang nakikita mo sa proyekto ?
2. Ano-anong kapana-panabik na kaganapan (trends) ang nababatid mo?
(Maaari itong manggaling sa mga pagbabago sa teknolohiya at mga taong tumangkilik.
Maaari ding tingnan ang mga pagbabago sa mga polisiya ng pamahalaan na may implikasyon o
kaugnayan sa larangan ng iyong samahan o organisasyon. Ang mga lokal na kaganapan ay dapat
din tingnan. Mahalaga ring tingnan ang mga pagbabago sa istruktura ng lipunan, propayl ng
populasyon, pagbabago sa pamumuhay at iba pa.)
Pagkakataon (Opportunity)
Makatutulong din ang pagsagot sa mga sumusunod na katanungan upang matugunan ang
pangangailangan ng SWOT sa aspekto ng pagkakataon (opportunity):
1. Ano-anong magagandang oportunidad ang nakikita mo sa proyekto ?
2. Ano-anong kapana-panabik na kaganapan (trends) ang nababatid mo?
Tandaan: Makatutulong sa pagtukoy sa pagkakataon (opportunity) kung iyong isasaalang-alang
ang iyong kalakasan. Maaari ding tingnan kung kayang tanggalin ang mga kahinaan at
pagtatanong sa sarili kung ito ay maaaring maging pagkakataon (opportunity).
Banta (Threats)
Matutukoy ng isang mag-aaral ang mga banta (threats) sa kaniyang organisasyon o
samahan gamit ang mga sumusunod na katanungan bilang gabay:
1. Ano-anong mga balakid ang kinahaharap mo sa pangangasiwa sa iyong organisasyon
o samahan ?
2. Ano-ano ang ginagawa ng iyong mga kalaban o competitor?
99
3. Ang istandard ba ng kalidad para sa iyong trabaho, mga produkto, at serbisyo ay
nagbabago?
4. Ang mga pagbabago ba sa teknolohiya ay nagiging panganib o banta sa iyong
posisyon?
5. Ikaw ba ay may mga pautang na hindi nasisingil o suliranin sa daloy ng pananalapi?
6. Ang mga kahinaan ba ng iyong negosyo ay may malaking banta sa iyong negosyo?
Pagsusuring Etimolohikal
Ang etimolohiya (pinagmulan ng salita) ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at
kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.Para sa mga wika
na may napakahabang nakasulat na kasaysayan, ang mga etimologo ay gumagamit ng teksto ng
mga wikang ito, at mga teksto tungkol sa wikang ito, para makakuha ng kaalaman kung paano
nagagamit ang mga salita noong sinauna, at kung kailan ang mga salita ay naging bahagi ng
100
isang wika. Ang mga etimologo ay gumagamit ng proseso ng komparatibong lingguwistika para
makagawa ng mga direktang koneksiyon sa inang wika nito. Sa ganitong paraan, ang mga
salitang ugat ay puwedeng makuha ang pinanggalingan.
Ang pagsusuring etimolohikal (San Juan, et al., 2019) ay pag-aaral tungkol sa
pinagmulan ng kahulugan ng mga salita, orihinal na konteksto at iba pang kaugnay na detalye na
mahalaga sa pag-unawa sa kasalukuyang gamit at konteksto nito. Isang partikular na halimbawa
nito ang pananaliksik na toponimiko/ toponomiya.
Isa sa halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Isang Pagsusuri ng Toponomiya sa Bayan
ng Lucban, Quezon” ni Cyril Jude M. Cornelio et al. (2016) . Maaari namang imungkahi ang
paksang “Pagsusuri sa Toponomiya ng mga Bayan at Lungsod sa Bohol” para sa metodong ito.
Action Research
Pananaliksik ito na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid-aralan,
o kaya’y kaugnay ng proseso ng pagkatuto sa isang partikular na sitwasyon (San Juan, et al.,
2019).
Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik upang sikapin na mapaunlad ang kalidad ng
isang organisasyon o samahan. Kinasasangkutan ito ng isang siklo o isang paikot na proseso ng
pagpaplano, aksyon, kritikal na repleksyon, at ebalwasyon. Ito ay maaaaring maging epektibong
dulog upang bigyan ng solusyon ang
suliranin ng isang organisasyon (Maranan,
2018). Si Professor Kurt Lewin ang
kinilalang nagpaunlad ng pananaliksik na
ito noong 1940s. Kinasasangkutan ito ng
kwantitatibo at kwalitatibong pananaliksik
o pareho.
Si Lewin ay gumamit ng pilipit na hakbang
(spiral steps) na kung saan ang mga ito ay
binubuo ng siklo ng pagpaplano, aksyon,
paghahanap ng mga datos o impormasyon hinggil sa resulta ng aksyon.
Si Stephen Corey (1953) ay may kaugnay na pagpapakahulugan sa aksyon na
pananaliksik ( action research). Ayon sa kaniya, ito raw ay angkop para sa mga nagnanais ng
pagbabago sa kanilang organisasyon bilang resulta ng pag-aaral na isinagawa ng isa o ng
pangkat. Nararapat nilang gamitin ang kanilang imahinasyon at kasiningan upang matukoy ang
mga ksanayan na nangangailangan ng pagbabago upang harapin ang mga pangangailangan at
hamon ng makabagong pamumuhay, buong tapang na gamitin ang mga kasanayang ito na
makapagbibigay nang higit na maayos at sistematikong pangangalap ng ebidensya upang
mapatunayan ang kanilang kabuluhan.
101
(7) maisasagawa ito sa loob ng maiksing panahon lamang; (8) ang respondente ng pag-aaral ay
nasa kontrol ng mananaliksik.
Mahalaga na maipakita sa isasagawang pag-aaral ang integridad nito sa pamamagitan ng
pagiging maingat sa metodo na gagamitin dito. Dapat magkaroon ng pamantayan sa pagbuo ng
layunin, pagtukoy sa mga suliranin, katangian ng mga respondente, istadistikang pagpapahalaga,
at marami pang iba.
Ang aksyon na pananaliksik ay kinasasangkutan ng pagwawaring pag-usisa ( reflective
inquiry) sa sarili bilang mananaliksik at bilang paksa rin ng pag-aaral. Ito ay pag-usisa kung
ikaw ba ay naging maayos na lider; kung polisiya ba ay epektibo; kung ang mga mag-aaral ba ay
natuto sa iyo gamit ang iba’t ibang estratehiya sa pag-aaral; at marami pang iba.
Mahalaga rin na mabatid sa isang pag-aaral ang paggamit ng siyentipikong metodo ng
pagtuklas na kinasasangkutan ng pagtuklas sa penomena, pagbuo ng hinuha (hypothesis) hinggil
sa penomena, eksperimentasyon upang maipakita ang katotohanan at kamalian ng hinuha o
hypothesis, at ng kongklusyon na siyang nagbibigay ng balidasyon o modipikasyon sa hinuha o
hypothesis.
Ang aksyon na pananaliksik ay kinasasangkutan ng maliit na iskala ng pamamagitan sa
mga gawi ng tao sa loob ng organisasyon upang matugunan ang mga usapin ng mga namumuno
at pagkakaroon ng masusing pagsusuri sa epekto ng nasbing interbensyon. Halimbawa, kung
nais nating magkaroon ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa isang organisasyon ay
kailangang magkaroon ng polisiya o kaya ay estratehiya. Ang nasbing polisiya o estratehiya ang
siyang tinutukoy na interbensyon o pamamagitan at ito rin ang tatasahin (evaluation) kung ito ba
ay naging epektibo o hindi.
Ang pagtuklas kung paano mabibigyan ng solusyon ang suliranin sa loob ng
organisasyon ay nakabatay sa resulta o kalalabasan ng pag-aaral batay sa mga datos na
makakalap.
Ang isang pag-aaral ay kailangang nakabatay sa isang teorya o paniniwala na mayroong
isyu o usapin sa katotohanan o sa aktwal na sitwasyon sa isang samahan o organisasyon na paksa
ng pag-aaral. Ang isang mabuting pag-aaral at nararapat na magkaroon ng pagtasa upang
mapag-ugnay ang namamagitan sa teorya at praktika.
Hindi katulad ng ibang pag-aaral, ang aksyon na pananaliksik (action research) ay
maaaring maisagawa sa loob ng napakaiksing panahon lamang dahil na rin sa tawag ng
pangangailangan na mabigyan ng agarang solusyon ang isang isyu o suliranin sa pag-aaral.
Mahalaga sa aksyon na pananaliksik n a ang mananaliksik ay may kontrol sa kanyang
mga respondente ng pag-aaral. Hindi nangangailangan na humingi ng pahintulot na
makapagsagawa ng pag-aaral sapagkat ang mananaliksik ay may direktang kontrol sa kanila.
Halimbawa: dalubguro at mag-aaral; nagmamay-ari at manggagawa.
102
pananaliksik na higit na makatutulong ang isang pag-aaral kung kaya nitong
mapaunlad ang mga tao sa loob ng isang institusyon o organisasyon na kung saan ang
mananaliksik ay may kontrol.
2. Pagbuo ng plano - ang hakbang na ito ay tumutukoy kung paano matutugunan ang
pangangailangan ng usapin ay maaaring gamitin ang sumunod na hakbang ng
pananaliksik. Dapat na maging tiyak o kongkreto ang plano na kayang mabigyan ng
implementasyon sa loob ng maikling panahon.
3. Pangangalap ng datos - ang mananaliksik ay kailangang magsagawa ng
pangangalap ng datos hinggil sa paksa ng kaniyang pag-aaral na kung saan ay may
ganap na kontrol.
Halimbawa:
aggamit ng Video Presentation sa Pagtuturo ng Wika at Panitikang
Pamagat: P
Pilipino
Mga Suliranin:
1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral na respondente ng pag-aaral batay sa:
1.1 Edad;
1.2 Kasarian;
1.3 Antas ng pag-aaral?
2. Paano ginagamit ng dalubguro ang video presentation sa pagtuturo ng wika at
Panitikang Pilipino batay sa:
2.1 Midyum;
2.2 Haba ng oras;
2.3 Genre ng wika;
2.4 Interes ng mga mag-aaral?
3. Ano-ano ang kalakasan at kahinaan ng video presentation sa pagtuturo ng wika at
Panitikang Pilipino batay sa pananaw ng mga respondente ng pag-aaral?
4. May makabuluhan bang ugnayan ang propayl ng mga respondente ng pag-aaral sa
kanilang pagtasa sa kanilang pagtasa sa kalakasan at kahinaan ng video
presentation sa pagtuturo ng wika at Panitikang Pilipino?
Sa ibinigay na halimbawa sa itaas, makikita na ang magsasagawa ng pag-aaral o ng
pananaliksik ay ang dalubguro na kung saan ay susubukan niyang ipatasa (evaluate) sa kaniyang
mga mag-aaral ang epektong naidudulot ng video presentation sa kanilang pagkatuto. Ang mga
datos na makakalap dito ang siyang tutukoy sa mga kalakasan at kahinaan ng video presentation
na siya namang magiging pamantayan ng dalubguro upang kaniyang mapaunlad ang kaniyang
estratehiya o metodo sa pagtuturo.
4. Pagsusuri ng datos - ang mga datos na makakalap ay kailangang dumaan sa proseso
ng pagsusuri gamit ang estadistika, literatura, at mga obserbasyon. Mahalaga ang
bahaging ito ng pag-aaral sapagkat isa ito sa mga pamantayan upang maipakita ang
kredibilidad ng isinagawang pag-aaral.
5. Pagbuo ng plano upang maging batayan ng aksyon o pagkilos sa hinaharap.
Matapos ang pagtuklas, mahalaga na ang mananaliksik ay makabuo ng kongkretong
plano kung paano niya mapauunlad ang kaniyang mga naunang plano. Ang ibig sabihin nito,
103
nararapat na makita ng mananaliksik kung ano ang kaniyang mga natutunan buhat sa kaniyang
mga naunang pagkakamali at kung paano niya higit pang mapauunlad ang naging kalakasan ng
kaniyang mga naunang plano.
Isa sa halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Apple o Atis: Isang Pag-aaral sa K-2” ni
Eleanor Eme E. Hermosa sa Alipato (2006) . Maaari namang imungkahi ang paksang
“Sitwasyon ng Kasanayan sa pagbasa ng mga Mag-aaral sa Elementarya ng Paaralang Andres
Bonifacio: Gabay sa Pagbuo ng Bagong Programa sa Mas Mabisang Paglinang ng Pagbasa” para
sa metodong ito.
Pagsasagawa ng Sarbey
Ang pagsasarbey ang pinakakaraniwang pamamaraan ng pangangalap ng datos. Ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan o questionnaire o sa
pamamagitan ng panayam sa mga taong makapagbibigay ng saloobin, opinyon o impormasyon,
hinggil sa paksa ng pananaliksik, pagkatapos ay isasagawa ng mananaliksik ang paglalarawan sa
mga naging tugon ng respondente. Karaniwan na ginagamit ang metodong ito upang sukatin ang
isang konsepto, magnilay sa pag-uugali ng mga tao, patunayan ang antas ng kasiyahan ng tao sa
serbisyong ibinigay ng isang establisimyento, at marami pang iba. Ang kalikasan ng sarbey ay
kwantitatibo bagama’t mayroon din itong kwalitatibong elemento sa ilang pagkakataon.
Epektibo ito sa paglalahad ng impormasyon o datos na mula sa isang malaking pangkat na hindi
magagawang kapanayamin sa pamamagitan ng FGD. Halimbawa, maaaring magsagawa ng
sarbey hinggil sa saloobin ng mga kabataang Pilipino sa kahalagahan ng sama-samang pagkain
ng hapunan na hindi na gaanong naisasagawa ng maraming pamilya dahil sa mga trabahong
iba-iba ang schedule, matagal na oras ng pagbabyahe mula trabaho pauwe, at iba pa. Maaari ding
magsagawa ng sarbey hinggil sa kagustuhan sa mga pelikula ng iba’t ibang pangkat ng mga tao
(halimbawa’y kabataang estudyante at kabataang propesyonal).
Madalas ang pagkakataon na ang sarbey ay ginagamit sa mga sitwasyong masyadong
mataas ang bilang o populasyon ng mga inaasahang sumagot sa talatanungan. May mga
pagkakataon din na ang geograpikong kalagayan ng mga respondente ay masyadong malayo ang
agwat, dahilan upang hindi maging madali ang tungkulin na makapangangalap ng datos. Subalit
gamit ang sampling technique ay matutugunan na ng mananaliksik ang usaping ito sa
pangangalap ng datos.
Sa kabilang dako, malaki ang maaaring maitulong ng teknolohiya upang tugunan ang
ilang isyu o usapin sa pangangalap ng datos kung pagiging praktikal ang pag-uusapan. Ang mga
talatanungan ay maaaring ipamahagi gamit ang social media, sa e-mail, at iba pa. Dapat tandaan
na malaki ang papel na ginagampanan ng sarbey sa kabuuan ng pag-aaral kung kaya’t nararapat
na pahalagahan ang balidasyon ng talatanungan na gagamitin. Magdudulot ng maling
interpretasyon at resulta ng pag-aaral ang datos na nakalap gamit ang talatanungan na hindi
dumaan sa proseso ng balidasyon.
Bilang paglilinaw, ang mananaliksik ay maaaring gumamit ng sumusunod na mga uri ng
talatanungan:
1. Istandardisado (standardized questionnaire): Ito ang talatanungan na ginamit na sa
mahahalagang pag-aaral na maaaring gamitin sa kasalukuyang pag-aaral dahil na rin
sa kanilang pagkakatulad sa maraming bagay. Upang higit na maging maayos ang
pag-aaral, mahalaga na makakuha ng pahintulot ang mananaliksik sa mga orihinal na
pinanggalingan ng istandardisadong talatanungan.
104
2. Sariling likha (self made questionnaire) : Dahil sa pagiging sensitibo ng maaaring
maging epekto ng pag-aaral sa mga mambabasa o sasangguni dito, mahalaga na
dumaan sa balidasyon ang sariling likhang talatanungan. Kailangan ito sapagkat
madalas ang pagkakataon na hindi nakikita ng isang mananaliksik ang mga
pagkakamali ng kanyang pag-aaral. Ang pagsasagawa ng balidasyon ay hindi tanda
ng kahinaan ng isang pag-aaral bagkus ay tanda ng pagkakaroon ng isang
responsableng pananaliksik.
105
Halimbawa, maaaring suriin ang mga umiiral na pananaliksik hinggil sa mga festival sa
Pilipinas, o kaya ang mga pananaliksik hinggil sa mga komunidad ng mga Pilipino sa ibang
bansa. Sa ganitong uri ng pananaliksik, ibinubuod ang mga impormasyong nakalap ng mga
sinuring pananaliksik at inilalahad ang mga bagay na maaari pang saliksikin sapagkat hindi
gaanong napagtuunang pansin ng mga mananaliksik. Maaari din itong isagawa upang patunayan
ang isang makabuluhang assumption o pakiwari ng mananaliksik na hindi sumasang-ayon sa
karaniwang opinyon o sa opinyon ng mga namamayaning pananaliksik.
Ayon kay Mongan-Rallis (2014), ang rebyu ng mga literatura ay hindi anotasyon ng
sanggunian na kung saan ay ibinubuod ang bawat artikulo na binasa. Bagama’t ang buod ng
iyong mga binasa ay nakapaloob sa rebyu ng literatura, dapat itong tingnan nang malalim higit sa
simpleng pagbubuod ng mga propesyonal na literatura. Ito ay nakatuon sa mga espisipikong
paksa ng interes kasama ang kritikal na pag-aanalisa sa ugnayan ng bawat iskolarling sulatin sa
kasalukuyang pag-aaral. Dapat itong mamukod-tangi upang magbigay ng balangkas teoretikal sa
kahalagahan o dahilan ng pag-aaral. Sa kabilang dako, ang rebyu ng literatura ay binigyan ng
depinisyon sa https://library.concordia.ca/help/writing/literature-review.php (sinipi 2018) bilang
nakasulat na pasulyap sa pangunahing sulatin at ibang sanggunian ng mga piling paksa. Kasama
sa mga sangguniang ito ang iskolarling artikulo na pangdyornal, aklat, ulat ng pamahalaan,
websites, at iba pa. ang rebyu ng literatura ay nagbibigay ng deskripsyon, buod, at ebalwasyon
ng bawat sanggunian.
Layunin ng rebyu ng literatura ng kritikal na pagkilala ang kasalukuyang kalagayan ng
pananaliksik sa piling paksa: pagtukoy sa mga naunang pag-aaral; paglalagay sa bawat
sanggunian sa konteksto ng pag-aambag sa espisipikong usapin, aspekto ng pananaliksik, o
teorya na kasama sa rebyu; ilarawan ang ugnayan ng bawat sanggunian sa iba pang sanggunian
na kasama sa batayan ng pag-aaral; pagtukoy sa bagong pamamaraan upang magbigay ng
interpretasyon, bigyan ng liwanag ang ilang bagay na wala pang pag-aaral sa mga nakaraang
pananaliksik; tukuyin ang pangangailangan ng panibagong mga pag-aaral.
106
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kumbensyon sa pagsulat ng rebyu ng isang
pag-aaral:
1. Pagbubuod - ito ay ang paglalahad ng mga pangunahing ideya sa mga binasang
literatura gamit ang sariling salita. Ito ang pinaiksing bersyon ng orihinal na teksto.
Nakatutulong ito nang malaki sa mananaliksik sapagkat idinidikta nito kung ano ang
mahalaga at higit na mahalagang ideya buhat sa orihinal na teksto.
2. Pagpaparirala ng orihinal na teksto (paraphrasing) - Ito ay mabisang metodo
upang maiwasan ang pangongopya o pagyarismo habang isinasagawa ang rebyu ng
isang pag-aaral. Ang sariling salita o lenggwahe ng nagsasagawa ng pag-aaral ay
iniuugnay o inilalagay sa orihinal na bersyon. Ang pagpaparirala ay ang kompletong
pagpapalit ng salita at hindi ang simpleng pag-aayos ng mga salita batay sa orihinal.
Magagawa ang pagpaparirala kung ganap na naiintindihan ng nagsasagawa ng rebyu
ang orihinal na teksto.
3. Direktang sipi - Ito ang pinakamadaling kumbensyon sa pagsulat ng rebyu sapagkat
eksaktong kinokopya ng nagsasagawa ng rebyu ang mahahalagang detalye na nasa
orihinal na teksto. Dapat lamang tandaan na maging maingat sa paggamit ng mga
bantas at posibleng maling ispeling upang maiwasan ang akusasyon ng pananabotahe
o misattribution. Iminumungkahi na iwasan kung maaari ang ganitong uri ng rebyu
lalo na sa panahon ngayon na madali ang sistemang copy and paste dulot ng
teknolohiya. Kung hindi talaga maiiwasan ang direktang sipi, huwag kalilimutan ang
paglalagay ng pahina bilang ng sanggunian o orihinal na teksto.
4. Personal na komento - Ito ay mahalaga ring kumbensyon sa pagsulat ng rebyu
sapagkat dito nabibigyan ng pagkakataon ang nagsasagawa ng rebyu na pagtatahiin
ang kaugnayan ng bawat literatura na kasama sa pag-aaral. Dapat nga lamang
tandaan na maging lohikal sa pamamagitan ng paglalagay ng mga batayan sa bawat
argumentong ibinibigay upang mapanatili ang pagiging iskolarli ng isang rebyu.
5. Kombinasyon ng dalawa o higit pa sa apat na binanggit - ang pinakamagandang
kumbensyon sa pagsulat ng rebyu ay ang kakayahan ng nagsasagawa ng rebyu na
gamitin ang kombinasyon ng alinmang sa mga naunang kumbensyon na tinalakay. Sa
pamamagitan nito ay matatamo sa maayos na pamamaraan ang pagiging iskolarli ng
isang sulatin.
107
2. Manaliksik at patuloy na manaliksik ng mga literatura. Ilang mahahalagang payo
bilang gabay upang mabigyan ng kabuluhan ang aspektong ito ng rebyu ng literatura:
a. Subaybayan ang mga sinaliksik na sanligan upang mabalikan ito para paulit-ulit
na basahin;
b. Gumawa ng tala ng papel na PDF na hindi madali ang pagtukoy. Kailangan itong
gawin upang makagawa ng alternatibong estratehiya sa tamang pagbabasa at
pagsipi ng mahalagang babasahin na ito;
c. Tukuyin nang maaga sa proseso ang pamantayan sa pagtanggal ng mga walang
kaugnayan sa papel;
d. Sumangguni sa mga nakaraang rebyu hindi lamang sa sangay na nais mong
gawan ng pag-aaral;
e. Maaaring may ibang indibidwal na nakapag-aral sa paksa na nais mong
pag-aralan. Hindi ito dapat na maging hadlang upang ipagpatuloy ang iyong
pag-aaral at rebyu sapagkat maaari ka namang magsagawa ng sariling rebyu;
3. Magtala habang nagbabasa. Ang mga sumusunod ay mahalagang paalala sa pagtatala:
a. Ang mga naitalang impormasyon ay nangangailangan ng muling pagsulat
(rewriting) , muling pagsasaayos (restructuring), at muling pag-iisip (rethinking)
upang makuha ang teksto sa maayos nitong pangangatwiran.
b. Gumamit ng sipi o quotation mark kung kinokopya nang hayag (verbatim) ang
literatura. Makabubuti na ipaiwanag ang sipi gamit ang sariling wika sa pinal na
papel.
c. Maging maingat sa paglalagay ng notasyon ng mga sanggunian upang maiwasan
ang maling pagkilala (misattributions).
d. Maaari ding gumamit ng software para sa paglalagay ng sanggunian upang
makatipid sa oras at panahon.
4. Piliin ang uri ng rebyu na nais mong talakayin
5. Panatilihin ang pokus sa paksa ng pagtalakay subalit gawin ito na higit na malawak
na interes
6. Maging mapanuri at konsistent. Matapos ang pagbabasa ng literatura, ang magbabasa
ay dapat na magkaroon ng:
a. kaalaman sa sangay ng naging paksa ng rebyu;
b. pangunahing sangay ng pagtatalo; at
c. mga natatanging katanungang para sa paanaliksik.
7. Maghanap ng lohikal na istruktura. Maaaring gamitin ng mga mag-aaral ang
sumusunod na ideya sa pagbuo ng rebyu:
a. Paggamit ng iskema o balangkas. Makatutulong ito pang lohikal na maisaayos
ang mga detalye ng rebyu at maiugnay ito sa iba pang mga pag-aaral. Ang
maingat na pagpili ng diagram at mga pigura na may kaugnayan sa paksa na
nirebyu ay makatutulong nang malaki sa pagbuo ng istruktura ng teksto.
b. Magpasya sa istilo ng paglalagay ng sanggunian. Karaniwan na ipinagagamit sa
mga mag-aaral ang American Psychological Association (APA) na porma subalit
makabubuting sumangguni muna sa dalubguro kung ano ang porma o istilo na
nais niyang ipagamit.
108
Ang istilo sa citation ang nagdidikta ng impormasyon na kinakailangan sa citation, paano
inilalahad ang impormasyon, kasama ang bantas, at ibang pamamaraan sa pagporma. May iba’t
ibang pamamaraan sa paglalagay ng citation para sa pananaliksik. Karaniwan itong nakabatay sa
disiplina ng pag-aaral na kasangkot.
a. Ang APA (American Psychological Association) ay ginagamit sa Edukasyon,
Sikolohiya, at Agham; b.
b. Ang MLA (Modern Language Association) ay ginagamit sa Humanidades; at
c. Ang Chicago/Turabian na istilo ay ginagamit sa Kalakalan, Kasaysayan, at
Sining.
8. Isaalang-alang ang feedback o tugon
9. Isama ang iyong kaugnay na pag-aaral subalit maging obhektibo sa gagawing ito
10. Maging makabago subalit huwag talikdan ang luma o mga nakaraang pag-aaral
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Web Usability: A Literature
Review” nina Giselle Joy Esmeria at Rosemary R. Seva (2017) at “The Poor in the Philippines:
Some Insights From Psychological Research” ni Ma. Teresa sa Psychology and Developing
Societies (2010). Maaari namang imungkahi ang paksang “Pinakamahuhusay na Metodo sa
Pagtuturo ng Asignaturang Kasaysayan: Isang Rebyu ng Kaugnay na Literatura sa mga Bansa sa
Asya-Pasipiko” para sa metodong ito.
Documentary o Text Analysis
Tumutukoy ito sa paghihimay-himay sa nilalaman, konteksto, at kabuluhan ng tekstong
sinusuri. halimbawa, maaaring lapatan ng textual analysis ang mga tulang naisulat noong
panahon ng Batas Militar sa Pilipinas, o kaya ang mga awiting pampag-ibig na namamayagpag
noong dekada 90 hanggang sa kasalukuyan (San Juan, et al., 2019). Kung ang mga primaryang
sanggunian gaya ng pahayagan, dokumentong historikal, mga talumpati, mga epiko, at iba pa
ang pag-aaralan, maaaring gamitin ang metodong documentary o textual analysis. Maaari ding
ituring na “teksto” ang mga audio-visual tulad ng mga music video ng mga kantang may
kabuluhang panlipunan o kaya ang mga episode ng teleserye at maging ng sumikat na
Kalyeseryeng AlDub.
Ang metodolohiyang ito ng pag-aaral ay angkop na gamitin sa mga mahahalagang datos
na nakapaloob sa isang pribado o pampublikong dokumento. Ang mga dokumentong ito ay
maaari ding manggaling sa mga sumusunod: aklat, mga papeles, pahatid kalatas, liham, tala
(records), at iba pa (Maranan, 2018).
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Mga Tiwali sa Daang Matuwid at
ang mga Talinhaga’t Tema sa Talumpati ni P-Noy” ni Roberto Javier Jr. sa Malay (2012) at
“Pagpapabida sa Kontrabida: Isang Paghahanap at Pagsusuri sa Konstruksyon at Diskurso ng
Kontrabida sa Teleseryeng Walang Hanggan” ni Louise Anne Oblena (2014). Maaari namang
imungkahi ang paksang “Pagsusuri sa mga Dissenting Opinion ng mga Mahistrado sa Korte
Suprema Hinggil sa mga Piling Isyung Pambansa (2008-2018)” para sa metodong ito.
Eksperimentasyon/Pananaliksik na Eksperimental
Ang pangangalap ng datos sa ganitong uri ng pag-aaral ay direktang kinakalap sa tao.
Subalit, hindi katulad ng sarbey, ang mga datos sa ganitong uri ng pag-aaral ay makukuha
lamang sa ilalim ng kontrol ng isang sitwasyon na maaaring ang mananaliksik ay mayroong
partisipasyon. Kung ang eksperimento ay maayos na naisakatuparan, ang mananaliksik ay
109
makakukuha ng maayos na datos batay sa pamantayan sa pagdodokumento kung nakita ba ang
ugnayan ng mga baryabol.
Ang metodolohiyang ito ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng eksprimento sa Agham
o Siyensya (Maranan, 2018). Nakatuon ito sa pag-eeksperimento o proseso ng paghahambing sa
resulta ng pagmamanipula sa isang variable na kasangkot ang dalawang grupo o mga subject ng
pananaliksik: ang unang grupo ay grupong kontrolado (control group) na hindi nilalapatan ng
pagmanipula sa variable, habang ang ikalawang grupo naman ang nilalapatan ng pagmanipula sa
variable (San Juan, et al., 2019). Hindi ito madalas gamitin sa mga pag-aaral sa kalakalan
(business) at agham panlipunan (social sciences) dahil na rin sa kahirapan na kontrolin ang mga
baryabol na nakapaloob dito. Ang paggamit ng eksperimento sa kalakalan at siyensya ay
maaaring lumabag sa prinsipyo ng etika na nangangailangan ng pagsang-ayon ng paksa ng
pag-aaral na sila ang maging object o paksa ng pag-aaral.
Sinabi na ang disenyong eksperimental ay karaniwang ginagamit sa mga agham gaya ng
sosyolohiya at sikolohiya, physics, chemistry, biology, medisina, at iba pa. Ito ay tumutukoy sa
kalipunan ng mga disenyo ng pananaliksik na gumagamit ng manipulasyon at kontroladong
pagsusulit upang higit na maunawaan ang pinanggalingang proseso. Karaniwan na ang isang
baryabol ay minamanipula upang matukoy ang kanilang epekto sa baryabol na di makapag-iisa
(dependent variable). Halimbawa, ang pag-iimbestiga sa bisa ng lagundi syrup sa paggamot ng
ubo ay sinusukat sa pamamagitan ng paghahambing sa paggaling ng grupo na hindi pinaiinom ng
lagundi syrup at sa paggaling ng grupo na pinaiinom ng lagundi syrup
(https://explorable.com/experimetal-research, 2018).
Isa sa halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Ang Antas ng Maunawang Pagbasa sa
Filipino ng mga Mag-aaral ng Baitang 9 ng Ateneo De Davao High School” nina Evangeline D.
Algabre et al. (2016). Maaari namang imungkahi ang paksang “Pepino Bilang Posibleng
Pampababa ng Presyon ng Dugo at Kolesterol: Isang Eksperimental na Pananaliksik” para sa
metodong ito.
110
Historikal na Pananaliksik
Ayon kina San Juan (2019), nakatuon ang ganitong pag-aaral sa pagtukoy sa
pinagmulan/kasaysayan/mga makabuluhang pangyayari kaugnay ng isang penomenon,
programa/proyekto, patakaran, at iba pa. Isang uri din nito ang kasaysayang pasalita o oral
history na nakapokus naman sa makasaysayang pangyayari at iba pa. Kinasasangkutan ito ng
pakikipagsapalaran at pagsusuri ng kasaysayan ng ilang mga penomena. Madalas na ginagamit
sa ganitong uri ng pag-aaral ang mga pangunahing datos bagama’t tinatanggap din sa ilang
pagkakataon ang sekondaryang datos.
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Kasarian at Kabuhayan: Ilang Tala
sa Kasaysayang Demograpikal ng Paggawa at Pasahod sa Pilipinas, 1903-1948 ni ” ni Francis
Gealogo sa Philippine Social Sciences Review (1995), “Historikal na Pananaliksik Hinggil sa
Agawan ng Lupa sa Barangay Patungan, Maragondon, Cavite” ni Graciel Ann Bermidez et al.
(2016), at “Kasaysayang Pasalita: Ang Kulturang Filipino at Karanasan ng mga Filipinong
Mananaliksik sa Larangang Pasalita o Oral History” ni Nancy Kimuell-Gabriel sa Malay (2011).
Maaari namang imungkahi ang paksang “Kasaysayan ng Partido-Pagkakaisa ng Demokratikong
Mag-aaral, Student League at STAND-BulSU (1986-2018): Ambag sa Pagtatala ng Karanasan
ng mga Samahang Pangkabataan sa Pilipinas” para sa metodong ito.
Cultural Mapping
Ayon sa mga mananaliksik sa araling pangkultura na sina Moore at Borrup (2008), ang
cultural mapping ay “proseso ng pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang pangkultura
na nasa isang tiyak na lugar o rehiyong heograpiko, sa paraang pasulat o biswal na imbentaryo.”
Sa konteksto ng mga pananaliksik sa Pilipinas, ang pagmamapa ay sumasaklaw na rin sa
pagtalakay sa koneksyon ng aspektong kultural, politikal, historikal, at eonomiko sa isang
partikular na espasyo, lugar o rehiyon (San Juan, et al., 2019).
Ang pagmamapa ng kultura ay isang 'aksyon sa paglalakbay' na partikular na isinagawa
upang umalam, mag-imbestiga o bawiin ang lakas, pangkorporasyon man o personal. Kapag
nalaman mo na ang mga lakas na ito maaari mo nang magamit ang mga ito upang lumikha ng
iba't ibang mga kinalabasan, tulad ng ipinakita ng mga kuwento sa Mga Pag-aaral sa Kaso.
Noong una, ginamit ang pagmamapang kultural bilang isang pamamaraan ng ilang mga
propesyonal sa sektor ng pagpapaunlad ng komunidad bilang isang paraan ng pagmamapa ng
mga ari-arian ng komunidad. Kung paano ito isinagawa ay nakasalalay sa kung sino ang
gumagawa nito at bakit, kadalasan ito ay ginamit bilang isang kagamitan upang malaman ang
mga mapagkukunan ng mga komunidad at tinukoy bilang Pagmamapa ng Komunidad. Ito ay
111
nagsasangkot ng pagmamapa sa kultura ng kung sino o ano ka, maging ng isang lipi, samahan,
pamayanan, grupo, paaralan, samahan, negosyo o isang indibidwal - upang mahanap mo ang
iyong natatanging pag-aari o lakas.
Ang pagmamapa sa kultura ay kinikilala ng UNESCO bilang isang mahalagang
kagamitan at pamamaraan sa pagpepreserba ng hindi nasasalat at nasasalat na mga ari-arian ng
mundo. Saklaw nito ang isang malawak na hanay ng mga pamamaraan at aktibidad mula sa
nakabase sa pamayanang pagkolekta ng datos at pamamahala sa sopistikadong pagmamapa
gamit ang GIS (Geographic Information Systems) .
Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Pagmamapa ng Pagbabagong
Heograpikal, Historikal, at Kultural ng Quiapo” ni Jema Pamintuan sa Plaridel Journal at
“Pangasinan Kung Paano Naimapa ang Lalawigan Mula sa Matandang Dikotomiya ng
Baybay-Alog (PANAG-”ASINAN’-CA” BOLOAN)” ni Marot Nelmida Flores sa Philippine
Social Science Review (2007). Maaari namang imungkahi ang paksang “Pagmamapang Kultural
ng mga Lalawigan sa MIMAROPA: Pokus sa mga Makasaysayang Pook, Museo, at sentro ng
Pananaliksik-Pangkultura” para sa metodong ito.
112
Pag-aaral Panggramar ng mga Wikang Timog Bisaya” ni Francisco B. Bautisat Jr. sa Daluyan
(2015). Maaari namang imungkahi ang paksang “Imbentaryo ng mga Tesis at Disertasyon sa
Filipino sa Antas Gradwado sa Kolehiyo ng Malalayang Sining sa Dela Salle University
(2008-2018): Gabay sa Pagbuo ng Adyenda ng Pananaliksik sa mga Susunod na Dekada” para
sa metodong ito.
Naratibong Pagsusuri
Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng pagsusuri sa mga datos na hinalaw sa
kuwento ng mga personal na karanasan (Maranan, 2018). Karaniwan itong ginagamit sa
marketing. Ang paksa o object ng pag-aaral ay tatanungin ng mga personal na karanasan hinggil
sa paggamit ng isang produkto. Isinasagawa ang pag-aaral na ito upang higit na maunawaan o
makilala ang gawi o behavior ng market o mga taong potensyal na tumangkilik sa isang
produkto.
113
Semiotika
Ang semiotika (Maranan, 2018) ay ang pag-aaral ng senyas, kanilang anyo, nilalaman, at
ekspresyon. Ang ganitong uri ng pag-aaral ay madalas gamitin sa pagsusuri ng media.
Instrumentasyon
Matapos malaman kung sino-sino ang dapat maging respondente ng pag-aaral, dapat ding
matutunan ng mga mag-aaral kung ano ang instrumento na gagamitin upang makapangalap ng
datos. Tinalakay na rin ito sa mga naunang bahagi ng aklat na ito subalit mas minabuti ng
may-akda na muli itong balikan dahil sa kahalagahan na matutunan ito ng mga mag-aaral
(Maranan, 2018).
Ang pinakapopular na instrumento ng pananaliksik ay ang paggamit ng talatanungan at
gabay para sa panayam. Gaya ng sinabi sa mga naunang pagtalakay, nararapat na dumaan sa
proseso ng balidasyon ang mga instrumentong ito ng pag-aaral upang makakuha ng tama o
wastong datos na kailangan sa interpretasyon at kongklusyon ng pag-aaral.
Grounded Theory
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbuo ng teorya batay sa mga makakalap na
datos (Maranan, 2018). Makatutulong ang pananaliksik na ito sa pagtuklas ng isang penomena
na kakaunti pa lamang ang nakaaalam. Kadalasang limitado ang mga literature at pag-aaral na
maaaring gamiting lunsaran ng pag-aaral para dito. Ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ay
nangangalap lamang ng datos upang patunayan ang isang teorya samantalang sa ibang pag-aaral,
ang mananaliksik ay nagsasagawa ng pag-aaral batay sa umiiral na teorya o mga pag-aaral.
Pinaunlad nina Barney Glaser at Ansel Strauss noong 1967 ang ganitong uri ng pananaliksik.
Sinabi ni Allan (2003) na ang paggamit ng grounded theory ay katulad ng pagtatanong o
kaya ay pangangalap ng kwalitatibong datos bilang panimula. Habang nirerebyu ng mananaliksik
ang mga nakalap na datos, makikita ang mga konsepto at elemento, na lalapatan ng koda na
hinalaw mula sa mga datos. Habang maraming datos ang nakakalap, at muling nirerebyu, ang
mga koda ay maaaring pangkatin sa iba’t ibang konsepto, at pagkatapos ay bilang kategorya.
Ang mga kategoryang ito ang siyang magsisilbing batayan ng bagong teorya.
Sitwasyon:
___________________________________________________________________________
114
Tanong 1:
___________________________________________________________________________
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Tanong na Follow-up:
___________________________________________________________________________
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Tanong 2:
___________________________________________________________________________
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Tanong na Follow-up:
___________________________________________________________________________
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Tanong 3:
___________________________________________________________________________
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Tanong na Follow-up:
___________________________________________________________________________
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Tanong 4:
___________________________________________________________________________
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Tanong na Follow-up:
___________________________________________________________________________
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Tanong 5:
___________________________________________________________________________
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Tanong na Follow-up:
___________________________________________________________________________
115
Posibleng Sagot/Tugon/Reaksyon:
___________________________________________________________________________
Gawain 3: Suring-basa:
Panuto: Maghanap ng isang artikulo at gawan ng rebyu. Ang rebyu ay nakasulat nang
pasanaysay at dapat hindi kukulangin sa 150 salita. Nararapat din itong buuin ng tatlong
bahagi: introduksyon, rebyu, at kongklusyon. Ang orihinal na kopya ng artikulong
nirebyu ay bahagi ng attachment na ipapasa kasama ng rebyu nito.
https://docs.google.com/forms/d/1WeezgtFiSWfplGCf0Tv9ixJqKVCdXTJxMw5seGx1DSY/edit
Anderson, Jane et al., ( 2013 June.). Using video in research & documentation. [PDF] Retrieved
from https://www.sfu.ca/ipinch/sites/default/files/resources/fact_ sheets/ipinch_
videofact sheet_final.pdf
Donnellan, Brent and Lucas, Richard E. (2013 October). Secondary data analysis. [Handbook]
Retrieved from https://www.oxfordhandbooks.com/view/10.1093/oxfordhb/ 97801999
34898. 001.0001/oxfordhb-9780199934898-e-028.
116
Etimolohiya. (n.d.) In Wikipedia. Retrieved 21 Enero 2020 from Retrieved from
https://tl.wikipedia.org/wiki.
Foley, Ben. (2018 March 31). Benefits of using secondary data analysis for your research
[Blogpost] Retrieved from https://www.surveygizmo.com/resources/blog/ secondary-
data-analysis.
Gomes, N. P., Cohen S., at Flores, A. M., (2018). Trend studies: An approach for analyzing and
managing culture. ModaPalavra e-periódico, vol. 11, (22),. Retrieved from
https://www.redalyc.org/jatsRepo/5140/514056552016/html/index.html.
Hayes, A. (2019 Jun 12,). White Paper. [Blog post] Retrieved from
https://www.investopedia.com/ terms/w/whitepaper.asp.
Maranan, Mario H. (2018). Filipino sa iba’t ibang disiplina. Intramuros, Manila: Mindshapers
Co. Inc.
Mina Rees Library. ( 2020 August 13). The research process. Retrieved from https://libguides.
gc.cuny.edu/archivalresearch/research-process.
Prasad, M. at Garcia, C. (2017 September 11). How to conduct a successful focus group
discussion [Blogpost] Retrieved from https://humansofdata.atlan.com.
San Juan, D. M. et al., (2019). Saliksik: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.
UNESCO Bangkok: Asia and Pasific Regional Bureau for Education. (2017, July 4). Cultural
mapping. Retrieved from https://bangkok.unesco.org/content/cultural-mapping.
117
118
119
120