You are on page 1of 3

Languages Department

I. PANGKALAHATANG DESKRIPSYON

Sabjek : FilDis
Pamagat ng Kurso : Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
Yunit :3

II. DESKRIPSYON NG KURSO

Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan


sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng
mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat,
gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa
ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang
sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga
komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang
bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa
presentasyon ng pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.

III. MGA LAYUNIN

Kaalaman
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang wikang
pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng
sambayanan.
2. Maisa-isa ang mga suliraning lokal at nasyonal ng komunidad na kinabibilangan.
3. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik.
4. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga
komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
5. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
6. Malikhain at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang piling makabuluhang konsepto at
teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.

Kasanayan
1. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula sa mga
babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
3. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag-aambag sa patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
4. Makapagsaliksik hinggil sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning lokal at nasyonal gamit
ang mga tradisyonal at modernong mga sanggunian.
5. Makapagbalangkas ng mga makabuluhang solusyon sa mga suliraning lokal at nasyonal.
6. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
7. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
8. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
9. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at pananaliksik
na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
10. Makabuo ng papel o artikulo na maaaring ibahagi sa isang forum o kumperensya at/o
ilathala sa isang akademikong journal.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
2. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng
pananaliksik.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at
mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng
pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.

IV. BALANGKAS NG KURSO

Panahon Nilalaman

Linggo 1-6 Yunit I.


1. Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan at Wika ng
Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan
2. Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t Ibang Larangan
3. Rebyu sa Mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik
 Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
 Pagbabalangkas
 Pagpili ng Batis ng Impormasyon
 Pagbabasa at Pagbubuod ng Impormasyon
 Pagsasalin

Linggo 7-12 Yunit II.


1. Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba Pang Kaugnay
na Larangan
2. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o
Buhat sa Lipunang Pilipino
 Mga Diskurso sa Nasyonalismo at Teoryang Dependensiya
 Marxismo, Feminismo, Mga Tinig Mula sa Ibaba, Pag-
aklas/Pagbaklas/Pagbagtas at Iba pang Kritikal na Diskurso
sa Iba’t Ibang Isyu
 Pantayong Pananaw, Pantawang Pananaw, Teorya ng
Banga, Sikolohiyang Pilipino at Bakod/Bukod/Buklod

Linggo 13-18 Yunit III.


1. Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika At Iba
Pang Kaugnay na Larangan
2. Batayang Kaalaman sa Metodolohiya sa Pananaliksik (Unang
Bahagi)
3. Batayang Kaalaman sa Metodolohiya sa Pananaliksik-Panlipunan
(Pangalawang Bahagi)
 Pagmamapang kultural, ekonomiko atbp.
 Etnograpiya
 Pananaliksik na leksikograpiko
 Video documentation
 SWOT Analysis
 Literature review
 Pagtatanung-tanong, obserbasyon, interbyu, FGD atbp.
 Participant observation
 Kwentong-Buhay
 Secondary data analysis
 Eksperimental na Pananaliksik
 Case study
 Aksyong Pananaliksik/Action research
 Pagsusuri ng dokumento
 Comparative analysis
 Discourse analysis
 Content analysis
 Saliksik-arkibo (archival research)
 Policy review
 Impact assessment
 Pagsasagawa ng survey
 Transkripsyon

Aktwal na Pagsulat ng Pananaliksik, Presentasyon

V. Pangangailangan ng Kurso

1. Mga Modyul
2. Mga Eksaminasyon
3. Papel-pampananaliksik/Pinal na Papel

You might also like