You are on page 1of 10

6

FILIPINO
KUWARTER 1 – MODYUL 6
MELC: Nakapagbibigay ng sarili at maaring solusyon sa isang suliraning
naobserbahan sa paligid. F6PS-Ig-9
I. PANIMULANG GAWAIN

A. Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Magandang araw mahal kong mag-aaral. Kumusta ka na?


Naging mabunga ba ang iyong mga nakaraan pag-aaral? Sana ay mas maging kawili-wili
ang pag-aaral mo ngayon, ang araling ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan at
maibigay mo ang angkop na solusyon sa mga suliraning hinaharap ito ay ang pagbibigay ng
mga sarili at maaaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid, madali ‘di ba?
Kaya, halina’t simulan na!
Sa modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang kasanayang pampagkatuto na
makapagbibigay ng sarili at maaaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid.

B. Pagtalakay at mga Halimbawa

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Ito ay mga halimbawa ng larawan sa


kasalukuyang kinakaharap na suliranin ng ating bansa, ang Covid-19 Pandemic. Ito ay ilan
lamang sa mga pagbabagong nangyayari sa paaralan, tahanan, pampublikong lugar at mga
okasyon.

Silid-aralan na wala ng Isang ina na ginagabayan ang anak


pumapasok na bata sa pagsagot mg modyul

Makabagong paraan ng pagkuha Hindi nasunod ang social


ng sasagutang modyul. Kailangan distancing sa isang binyagan dahil
munang kunin ang temperatura 1 sa pagpaplitrato
Pagbibigay ng ayuda sa mga Pagdidis-infect sa mga kabahayan
magulang na naapektuhan ng upang hindi kumalat ang virus.
Covid 19

Makikita ang ilan sa mga larawan ang paaralan na walang mga bata sapagkat mahigpit
na ipinagbabawal ang face to face na paraan ng pag-aaral. Sa pamamagitan nito magagawan
ng paraan ng isang ina na tinuturuan ang kanyang anak sa pagsagot sa modyul, makikita rin sa
larawan ang paraan ng makabagong pagkuha ng modyul upang maitawid ang pag-aaral ng
mga bata sa panahon ng pandemya.
Sa kasaluuyan, ilan lamang ito sa mga suliraning naoobserbahan sa ating paligid tulad
ng hindi pagsuot ng facemask, faceshield, pagkuha ng temperatura, pagpapanatili ng social
distancing, pagdidis-infect, pagsunod sa mga kalusugang batas na ipinapatupad ng Kagwaran
ng Pangkalusugan.
Ang salitang solusyon ay paraan na nagreresolba o kasagutan sa isang problema.
Samantala, ang suliranin ay ang mga problemang nangangailangan ng sapat na solusyon.
Mahalaga ang pagbibigay solusyon sa mga suliraning naobserbahan sa paligid
sapagkat nakatutulong ito upang maiwasan o mabawasan ang mga kinakaharap na problema.
Maraming mga suliraning naoobserbahan sa paligid natin kagaya ng madalas na
pagbaha, pagkalbo sa mga kagubatan, kaingin, malnutrisyon at iba.
Maisasagawa natin ang pagbibigay ng solusyon sa pamamagitan ng pagkilatis o pag-
iisip sa mga naaangkop na solusyon na tutugma sa bawat sitwasyon. Mahalaga rin ang
pagkakaisa ng bawat mamamayan upang maisakatuparan ang mga solusyon na ninanais sa
bawat problema.
Narito ang mga sumusunod na suliranin at solusyon na sa ating paligid.
Suliranin Solusyon
1. Mga pamilya na nagutom dahil sa Pagtatanim ng mga halamang gulay sa
pandemya bakuran
2. Takot ang mga tao sa pagpapabakuna Paigtingin ang pangangampanya sa

2
kontra Covid 19. pagbibigay impormasyon tungkol sa
pagpapabauna
3. Hindi pagsuot ng facemask at Paalalahanan ng awtoridad na magsuot ng
faceshield pag lumalabas facemask at faceshield upang hindi
mahawaan ng Covid 19.
4. Pagtaas ng kaso sa kinakaharap na Tamang pagsunod sa protocol ng ahensiya
problema ng bansa – ang Covid 19 ng kalusugan
5. Hindi nasusunod ang social Mahigpit na pagbabantay sa mga taong
distancing sa pampublikong lugar pumapasok sa loob ng palengke at bigyan ng
kagaya sa loob ng palengke tamang impormasyon ukol sa kahalagahan
sa pagsunod ng social distancing.

II. PANLINANG NA GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Hanapin sa hanay B ang solusyon sa bawat suliranin na makikita sa Hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A B
_________1. Batang pasaway na naglalaro ng a. Mahigpit na pagpapatupad ng
bisekleta sa kalsada social distancing
_________2. Pag-alis sa suot na facemask at b. Isumbong sa magulang upang
faceshield sa loob ng ospital. kausapin at mapagsabihan
_________3. Pagpila ng siksikan upang c. Hulihin ang lumalabag sa curfew
mabakunahan ng “-Covid
_________4. Paglabag sa curfew na ipinatutupad ng d. Paalalahanan ng awtoridad ang
pamahalaan hindi sumusunod sa tamang
pagsuot ng facemask at faceshield
sa pampublikong lugar
_________5. Pagrereklamo sa mga ayudang e. Kausapin ang nakatalaga sa
ibinibigay ng gobyerno pagbibigay ng ayuda

3
Gawain 2
Panuto: Piliin ang suliranin at solusyon sa loob ng kahon batay sa larawan.

SULIRANIN SOLUSYON
Hindi pagsunod sa social distancing Maglaan ng pondo para makabili ng
karagdagang bakuna
Kakulangan sa bakuna para sa Covid-19 Kausapin ang kahit na sinong miyembro ng
pamilya na may oras upang matulungan sa
pagsagot
Batang mag-isang nagsasagot sa kanyang Bigyan ng tamang impormasyon sa mga hindi
modyul dahil parehas na may trabaho ang sumusunod sa social distancing.
magulang

Pagsara ng ilan sa mga pampribadong Pagpapaigting sa malawakang pagbibigay


paaralan impormasyon sa hirap na dulot ng Covid 19 at
tamang pagsunod sa mga batas na ipinatutupad
‘ ng Kagawaran ng Pangkalusugan laban sa
Covid 19
Punong-puno ang ospital dahil sa
dumaraming kaso ng Covid 19. Paghihikayat sa mga mag-aaral na magpatala
kahit hindi face to face ang paraan ng pag-aaral.

Suliranin: ______________________________

1. Solusyon: ______________________________

https://bit.ly/3zkCO56

Suliranin: ______________________________

2. Solusyon: ______________________________

https://bit.ly/3gGEZZm
4
Suliranin: ______________________________

3. Solusyon: ______________________________

https://tinyurl.com/5szk32m8

4. Suliranin: ______________________________

Solusyon: ______________________________

https://tinyurl.com/mhjat9t4

5. Suliranin: ______________________________

Solusyon: ______________________________

https://tinyurl.com/z4ecp5ww

5
III. PANAPOS NA GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Punan ng angkop na solusyon ang bawat kahon.

Karanasan sa Enhanced Community Quarantine


(ECQ)

Suliranin Solusyon

Nawalan ng trabaho ang


magulang

Pagtatanim sa bakuran ng mga


gulay

Pakikipag-agawan sa ayuda

Pagbibigay impormasyon sa
kahalagahan ng pagsunod sa
mga patakaran ng IATF

Mga batang naglalaro sa gilid


ng kalsada

6
Gawain 2
Panuto: Isulat ang maaring solusyon sa mga suliraning naobserbahan sa paligid.
1. Nagkaroon ng birtwal na oryentasyon para sa mga magulang, Ang iyong kapit-bahay
ay walang internet connection, paano mo siya matutulungan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Nakita mo na nahihirapan ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot ng kanyang
modyul sa Filipino 1. Ano ang maaari mong gawin?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Nag-aagawan ang mga tao sa pagkuha ng ayuda sa inyong barangay. Hindi na
nasunod ang social distancing , ano ang maaaring solusyon sa suliraning nabanggit?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Nakita mo na walang suot na facemask at faceshield ang iyong kapatid na lumabas
ng bahay at alam mo na bawal ito, paano mo sasabihin ito sa iyong kapatid?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Ang iyong tatay ay na-lockdown sa Maynila. Hindi siya makapagpadala ng pera para
sa iyong mga gastusin sa pamilya, ano ang maaaring solusyon sa suliraning ito na
iyong nararanasan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

7
SUSI SA PAGWAWASTO
I. PANLINANG NA GAWAIN

Gawain 1
1. B
2. D
3. A
4. C
5. E
Gawain 2
1. Suliranin : Hindi pagsunod sa social distancing
Solusyon : Bigyan ng tamang impormasyon sa mga hindi sumusunod sa social
distancing.
2. Suliranin : Batang mag-isang nagsasagot sa kanyang modyul dahil parehas na may
trabaho ang magulang
Solusyon : Kausapin ang kahit na sinong miyembro ng pamilya na may oras upang
matulungan sa pagsagot
3. Suliranin : Kakulangan sa bakuna para sa Covid-19
Solusyon : Maglaan ng pondo para makabili ng karagdagang bakuna
4. Suliranin : Punong-puno ang ospital dahil sa dumaraming kaso ng Covid 19.
Solusyon : Pagpapaigting sa malawakang pagbibigay impormasyon sa hirap na dulot ng
Covid 19 at tamang pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng Kagawaran ng
Pangkalusugan laban sa Covid 19
5. Suliranin : Pagsara ng ilan sa mga pampribadong paaralan
Solusyon : Paghihikayat sa mga mag-aaral na magpatala kahit hindi face to face ang
paraan ng pag-aaral.

II. PANAPOS NA GAWAIN

Gawain 1
Iba’t iba ang maaaring kasagutan.

Gawain 2
Iba’t iba ang maaaring kasagutan.

8
SANGGUNIAN
SANGGUNIAN
A. Aklat
1. Mary Ann C. Escoto, Schear D. Jocosn at May L. Mojica. 2018. Baybayin Pagllaayag
sa Wika at Pagbasa. Nicanor Reyes Sr. St., Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
pp. 118

B. Internet Sources

1. Department of Education Learning Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6876


Published on 2015 January 9th
pp. 5-6

2. Slide Share tungkol sa Suliraning Pangkapaligiran ni Jennica D. Mumar.


https://www.slideshare.net/jenncadmumar/suliraning-pangkapaligiran-65231666
Published on Aug 22, 2016

3. https://www.publicdomainpictures.net/en/view-
image.php?image=24453&picture=flood

4. https://www.nationalgeographic.org/topics/graphic-organizer/

5. https://www.pexels.com/photo/earth-desert-dry-hot-60013/

6. https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-suliranin

7. https://bit.ly/3zkCO56

8. https://bit.ly/3gGEZZm

9. https://bit.ly/3gPqUJk

10. https://tinyurl.com/mhjat9t4

11. https://tinyurl.com/z4ecp5ww

You might also like