You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

NAME: _________________________________
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sa paaralan ni Rhalp ay may gaganapin na paligsahan sa pag-awit. Ang kanilang guro ay naghahanap ng maaaring
kumatawan sa kanilang klase. Si Rhalp ay may talento sa pag-awit ngunit siya ay mahiyain. Kung ikaw si Rhalp ano
ang iyong dapat gawin?
a. Magtatago ako dahil ayaw kong ipakita ang aking kakayahan sa pagawit.
b. Magkukusa akong sumama upang maipakita ko ang aking talento.
c. Aawayin ang guro kapag pinilit akong umawit.
d. Papayag ngunit hindi ako papasok sa araw ng paligsahan.
2. Ikaw lamang ang may cellphone na may kamera sa inyong pangkat. May duladulaan kayong gagawin sa
asignaturang Filipino at ito ay kailangang kuhanan ng video na ipapasa sa inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko ito ipahihiram para lahat kami ay hindi makapasa.
b. Gagawa ako ng sarili kong video na ipapasa sa aming guro at hindi ko sasabihin sa iba kong kagrupo.
c. Itatago ko ang aking cellphone at sasabihing nawala ko ito.
d. Ipahihiram ko ang aking cellphone upang kami ay makapagpasa.
3. Ikaw lamang ang marunong mag-edit ng larawan at video gamit ang kompyuter sa inyong pangkat. Kinakailangan na
ang kinuhanan ninyong video ay mai-edit muna bago ipasa sa inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
a. Tuturuan ko sila kung paano mag-edit ng larawan at video.
b. Tuturuan ko lamang sila kung may kapalit.
c. Hahayaan ko sila at gagawa ako ng sarili kong video.
d. Tuturuan ko sila ngunit mali ang ituturo ko sa kanila.
4. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong gumawa ng presentasyon gamit ang MS Powerpoint
Presentation. Alam mong marunong si Kharl sa paggawa nito. Bilang kaibigan niya, papaano mo maipapalabas ang
pagkamalikhain ni Kharl?
a. Hindi ako magsasalita at hahayaan ko sila.
b. Sasabihin sa kaibigan ito na ang pagkakataon na para ipakita ang kaniyang kakayahan.
c. Magtuturo ng ibang kaklase kahit wala siyang kaalaman sa paggamit ng MS Powerpoint Presentation
d. Sasabihin ko na ako ang marunong pero ang kaibigan ko ang gagawa nito.
5. May proyekto kayo sa paggawa ng isang paper folding. Hindi ipinaliwanag ng inyong guro kung paano ito gawin. Ano
ang maaari ninyong gawin upang magawa ito?
a. Walang gagawin para magawa ito dahil proyekto lang naman iyon.
b. Maghihintay na ipaliwanag ito ng guro.
c. Maghahanap sa internet kung papaano gawin ang paper folding.
d. Magpapagawa na lamang sa iba.
Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tama at ekis ( x ) naman kung mali.
__________ 6. Pagtawanan ang kalaban sa paligsahan kung siya ay nagkamali.
__________ 7. Hindi na dapat pang linangin ang ating mga talento.
__________ 8. Lumahok nang buong tapat sa mga paligsahan.
__________ 9. Gawin ang lahat upang manalo sa patimpalak kahit sa maling paraan.
__________ 10. Tanggapin ang pagkatalo ng maluwag sa kalooban.
__________ 11. Magpasalamat sa namanang talento sa pagguhit.
__________ 12. Gumamit ng video effects upang higit na mapaganda ang iyong likhang sining.
__________ 13. Magpraktis upang mapaunlad ang talento sa pag-awit.
__________ 14. Sumunod sa alituntunin ng mga paligsahan o patimpalak.
__________ 15. May parangal man o wala, gamitin ang talento sa tama.
Iguhit ang bituin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaadng wastong paggamit ng multimedia o
teknolohiya sa pagpapakita ng iyong talent at bilog naman kung hindi.
__________ 16. Nakabuo ng sariling awitin ang pangkat tungkol sa kapaligiran
matapos mapakinggan ang kanta sa radio.
__________ 17. Paggaya o pagkopya ng poster na nakita sa internet.
__________ 18. Pagsali sa paligsahan ng pag-awit gamit ang voice recorder.
__________ 19. Paggamit ng “Tiktok” sa paggawa ng sayaw.
__________ 20. Pagguhit gamit ang application sa tablet.
Key to corrections
1. B
2. D
3. A
4. B
5. C
6. x
7. x
8. ✓
9. x
10. ✓
11. ✓
12. ✓
13. ✓
14. ✓
15. ✓
16. STAR
17. BILOG
18.STAR
19.STAR
20.STAR

You might also like