You are on page 1of 21

1

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Butuan City
East Butuan District I
AMPAYON NATIONAL HIGH SCHOOL
Ampayon, Butuan City, Agusan del Norte

Interbensiyon sa Paghahasa ng Kakayahan sa Pagsulat sa Wikang Filipino


ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang sa Pambansang Mataas
na Paaralan ng Ampayon

Margeline C. Cabonce
Joveth T. Tampil
Marsha O. Arnado

March 2022
2

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maisakatuparan at masuri ang lebel ng

akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa pagsulat ng dagli bago at pagkatapos

ng ginanap na interbensyon. Ito ay ginamitan ng desinyong kwantitatibong

pananaliksik upang matukoy ang pagiging epektibo ng interbensyong sampaksaan at

lingguhang gawain sa paraang birtwal o limited face to face upang mabihasa sa

pagsulat ng dagli.

Batay sa lumabas na resulta, sa 31 mag-aaral na dumaan sa isinagawang

interbensyon, 29 sa mga ito ang nakakuha ng mataas na marka o pumasa sa panapos

na gawaing pagsulat. Samantalang dalawa sa mga ito ang hindi pumasa. Napag-

alaman na epektibo ang ginawang interbensyon batay sa resulta na ginamitan ng T-

test sa paghambing ng resulta sa pre-test at post-test.


3

I. KONTEKSTO AT MAKATWIRANG PALIWAG

Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon

ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihin ng pasalita ay ginagawa sa

paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o personal. Kasabay ng pag-

unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan, ang ganitong uri ng

pagsulat ay makatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral lalo

na ang kakayahang nauukol sa wastong gamit ng mga salita, talasalitaan, at

pagbubuo ng kaisipan.

Kaya marapat lamang na ang isang mag-aaral ay maihanda at

magabayan sa pagkamit ng mga kasanayang nabanggit upang mapalawak

at mahasa ang kakayahan sa pagsulat partikular ang pagsulat ng dagli.

Binigyang-diin nina Gutierrez at Amarles (2009) na ang abilidad sa

pagsulat nang maayos ay may kaugnayan sa akademiko at propesyunal na

pagtatagumpay. Patunay na ang pagsulat ay dapat bigyan ng tuon lalo na’t

napansin ng mga mananaliksik ang kahinaan ng mga mag-aaral sa

ikasampung baitang sa Pambansang mataas na paaralan ng Ampayon na

hindi masyadong mahusay sa paggamit ng mga salita upang makabuo ng

isang sulatin.

Kaya sa hamong ito, naudyok ang mananaliksik na gumawa ng isang

interbensyon. Kaya nalikha ang Mantalaa’t Igsusulat upang matulungan ang

mga mag-aaral na mas malinang ang kakayahan sa pagsulat. Sa ganito ring

paraan maaaring uusbong ang kanilang kompiyansa sa sarili lalo na sa

pagharap sa ilan pang yugto ng kanilang buhay-pag-aaral.


4

Ang Mantalaa’t Igsusulat ay hango sa wikang Cebuano na pluma at

papel na siyang pangunahing kagamitan ng mga bata sa pagsusulat. Ang

pluma o ballpen sa wikang Ingles ay ginagamit bilang panulat. Kung balikan

natin ang nakaraan, matatandaang ang pluma ang nagsisilbing sandata ng

ating Pambansang bayani Gat Jose Rizal, sa kanyang pakikibaka laban sa

mga mapang-aping mananakop.

Ang pagsulat ay k pansin ng guro sa &ilipino upang ang bawat

mag+aaral ay maging kon>ident sa kanyang sarili atpara magamit niya sa

kaniyang pagharap sa ilan pang yugto ng buhayag-aaral

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang aksiyon riserts na ito ay naglalayong malinang ang kahusayan sa

pagsulat ng dagli sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa pangkat Einstein

ng ikasampung baitang sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Ampayon,

Taong Panuruan 2021-2022.

Layunin din ng pananaliksik na ito na sagutin ang mga sumusunod

na katanungan:

1. Ano-ano ang lebel ng pagganap sa akademikong peformans ng

mga mag-aaral sa pagsulat ng dagli bago at pagkatapos ng

interbensiyon; at

2. May makabuluhan bang kaibahan ang lebel ng pagganap sa

akademikong peformans ng mga mag-aaral sa pagsulat ng dagli bago

at pagkatapos ng interbensiyon?
5

Hypothesis: Walang makabuluhang kaibahan ang lebel ng pagganap sa

akademikong performans ng mga mag-aaral sa pagsulat ng dagli bago

at pagkatapos ng interbensiyon.

III. IPINANUKALANG MAKABAGONG IDEYA AT INTERBENSYON

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng interbensiyong Mantalaa’t

Igsusulat upang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa ikasampung

baitang Seksiyon Einstein sa pagsulat ng dagli.

Ang interbensiyong ito ay naaayon sa distance learning modality

na ipinapatupad ng DepEd sa bagong normal na pamamaraan ng pagtuturo

at pagkatuto.

Sa interbensiyong ito, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng

paunang gawaing pagsulat upang matukoy ang mga mag-aaral na hindi

bihasa sa pagsulat ng dagli at magkakaroon ng Sampaksaan at Lingguhang

Gawaing Pagsulat sa paraang birtwal o face to face bilang bahagi ng

interbensiyon. Katuwang ang mga Learning Facilitators sa pagpapatupad ng

interbensiyon dahil sila ang may malaking maiambag sa paghasa ng

kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Pagkatapos, magbibigay ang

mga mananaliksik ng panapos na gawaing pagsulat upang matukoy kung

may pag-unlad sa kakayahan ng mga mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay hango sa pag-aaral na pinamagatang

Improving the Basic Writing Skills Of Grade 7 Learners in Filipino: An Action

Research in Filipino Language ni Cabigao (2021) kung saan gumamit siya

ng mga sumusunod na pamamaraan (1) pagtatasa ng kakayahan sa

pagsulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng panimula at panapos na


6

pagsusulit; (2) paghahanda/pagbuo ng mga pagsasanay sa pagsulat; (3)

ang mga aktibidad ay binibigyang-diin ang pagsasagawa ng mga gawain sa

pagsulat sa loob at labas ng silid-aralan; at (4) mga pagbisita sa bahay

upang palakasin ang pagsubaybay ng guro at mga magulang sa pag-unlad

ng kanilang mga anak.

Ang pag-aaral ni Cabugao (2021) ay magkatulad sa kasalukuyang

pananaliksik dahil magkapareho ang paraang gagamitin sa pagsasagawa

ng interbensiyon. Subalit, may kaunting kaibahan ang dalawang pag-aaral

batay sa mga kalahok dahil ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga

mag-aaral sa ikaapat na baitang.

IV. METODOLOHIYA

A. Mga Kalahok at Iba pang Pinagkukunan ng Datos

Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa

ikasampung baitang Seksiyon Einstein ng Mataas na Paaralang

Pambansa ng Ampayon sa Taong Panuruan 2021-2022 na hindi bihasa

sa pagsulat ng dagli batay sa resulta ng Panimulang Gawaing Pagsulat.

Purposive sampling ang ginamit dahil ang mga mag-aaral na hindi

pumasa lamang ang magiging kalahok.

B. Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos

Ginamit ng pag-aaral ang mga marka sa panimula at panapos na

gawaing pagsulat gamit ang rubrik bilang pangunahing kasangkapan nito

sa pangangalap ng datos.
7

Ang mga sumusunod na hakbang ay isinagawa sa pagpapatupad

ng pag-aaral:

Pagsagawa ng Panimulang Gawaing Pagsulat – Ang mga

mananaliksik ay nagbigay ng panimulang gawaing pagsulat na ang

pokus ay ang pagsulat ng sariling dagli. Walang ibinigay na gabay na

tanong o padron upang malaman ang tunay na kakayahan ng bata sa

pagsulat. Ginawa ito sa paraang birtuwal o faca-to-face na

pamamaraan.

Pagtukoy sa mga Mag-aaral na Hindi Bihasa sa Pagsulat ng

Sariling Dagli – Iwinasto ang komposisyon ng mga bata gamit ang

rubrik na hango sa Lingguhang Gawaing Pagkatuto na sumailalim sa

katiyakan ng kalidad (quality assurance) ng Dibisyon ng Butuan. Ang

rubrik ay binubuo ng mga sumusunod:

Talaan 1: Rubrik sa Pagwasto ng Dagli

DESKRIPSYO 4 3 2 1
N
Wasto ang balarila Wasto ang May pagkakamali Maraming
o halos buong akda. balarila ng sa balarila na pagkakamali sa
KAWASTUHA malaking bahagi nakakaapekto sa balarila na
N ng akda. blas ng akda. nakakaapekto
nang labis sa bl
ng akda.

KAAYUSAN Lohikal at madulas Lohikal at Lohikal at madulas Lohikal at madul


ang halos buong madulas ang ang malaki-laking ang kalahati o m
akda. malaking bahagi bahagi ng akda. maliit na bahagi
akda.
ng akda.
8

ESTILO O Lohikal at masining Masining ang Paggamit ng ilang Hindi gumamit n


DATING ang paggamit ng paggamit ng mga salita na siyang mga ordinaryong
mga salita sa salita sa nakakahalina. salita na
nakahahalina.
pagkakasulat ng pagkakasulat ng
akda na siyang akda na siyang
nakakahalina. nakakahalina.
PAGHAHAIN Nasunod nang Nasunod nang Nasunod nang Nasunod ang ila
mabuti ang panuto mabuti ang lahat mabuti ang halos panuto at
at kahingian ng ng panuto at lahat ng panuto at kahingian ng
genre.
genre at nahigitan kahingian ng kahingian ng
pa. genre. genre.

Ang mga mag-aaral na hindi nakakuha ng walong puntos o 75%

ay ang mga magiging kalahok sa gagawing pananaliksik dahil sila ang

hindi umabot sa profiency level alinsunod sa D.O. 8s. 2015 o Policy

Guidelines on Classroom Assessment for the K to 12 Basic Education

Program. Sila ang sasailalim sa interbensiyog Mantalaa’t Igsusulat.

Pagsagawa ng Sampaksaan – Ang mga mananaliksik ay

nagsagawa ng birtuwal na sampaksaan tungkol sa mga wastong

pamantayan sa pagsulat ng sariling dagli. Ang magiging kalahok sa

gawaing ito ay ang mga natukoy na mag-aaral at ang kanilang learning

facilitators (LFs) dahil ang mga LFs ang magiging katuwang ng guro sa

bahay kaya mahalagang sila ay may kaalaman din sa pagsulat ng

ganitong uri ng sulatin.

Pagsagawa ng Lingguhang Gawaing Pagsulat – Nagbigay

ang mga mananaliksik ng Lingguhang Gawaing Pagsulat sa mga mag-

aaral sa paraang birtuwal. Isinumite nila ang sulatin sa messenger ng

mga mananaliksik upang agad itong maiwasto gamit ang rubrik at

agarang maibigay ang feedback sa bata at sa LFs. Pagkatapos,


9

binigyan ang bata ng pagkakataong maitama ang kaniyang sulatin

batay sa feedback ng mga mananaliksik sa loob ng isang linggo.

Sa una at ikalawang linggo, nagbigay ng padron bilang gabay sa

pagsulat ng sariling dagli. Sa ikatlo at ikaapat na linggo, mga gabay na

tanong naman ang ibinigay. Sa ikalima hanggang ikapitong linggo,

wala nang ibinigay na padron at gabay na tanong upang mahasa ang

pagsulat ng mga bata ng sariling dagli.

Pangangasiwa ng Panapos na Gawaing Pagsulat - Pagkatapos

isagawa

ang interbensiyon sa loob ng pitong linggo, isinagawa ang panapos na

gawaing pagsulat ng sariling dagli sa ikawalong linggo. Gaya ng ginawa

sa panimulang gawaing pagsulat, wala ring ibinigay na padron at gabay

na mga tanong sa mga bata. Iwinasto ang komposisyon ng mga bata

gamit ang rubrik.

IV. Resulta at Pagninilay

A. Resulta

Talaan 2: Akademikong Performans Bago at Pagkatapos ng Interbensiyon


Bilang ng mga Panimulang Panapos na Gawaing Pagsulat
Mag-aaral Gawaing %
Pagsulat
Pumasa Hindi Pumasa
42 31 94% 29 66.66% 2 6%

Ang talaan ng datos ay nagpapakita na sa 42 mag-aaral ng Grade 10-

Einstein, may 31 o 94% ang hindi pumasa sa panimulang gawaing pagsulat na


10

nangangahulugang sila ang kailangang sumailalim sa karampatang

pagsasanay. Pagkatapos isagawa ang interbensiyon sa 31 mag-aaral, 29 o

94% ang pumasa sa panapos na gawaing pagsulat. Ito ay indikasyon na

epektibo ang interbensiyong Mantalaa’t Igsusulat sa paghasa ng kanilang

kakayahan sa pagsulat ng dagli.

Samantala, dalawa o 6% ang hindi pumasa dahil maaaring may mga

ibang salik na nakaapekto sa kanilang performans sa pagsulat. Ito ay

nagpapahiwatig na kailangan pa nila nang ibayong pagsasanay. Subalit, kahit

hindi sila pumasa, ang kanilang iskor sa panimula at panapos na gawaing

pagsulat ay tumaas nang bahagya.

Sa pangkalahatan, ang datos na nabatid ng Mantalaa’t Igsusulat ay

epektibong interbensiyon upang malinang ang kakayahan sa pagsulat ng

talambuhay ng mga mag-aaral sa Grade-10 Einstein.

Talaan 3: Panimula at Panapos na Resulta ng mga Iskor sa Pagsulat ng

Dagli

Mean Difference t-value p-value Decision


Pre-Test vs.
Post-Test 7.3231 0.0324 0.0310 Significant

Ang datos sa talaan ay nagpapakita na ang p-value ay 0.310 na ang ibig

sabihin ay may makabuluhang pagkakaiba ang akademikong performans ng

mga kalahok bago at pagkatapos ng interbensiyon. Ito ay nagpapatunay na

mabisa ang Mantalaa’t Igsusulat sa pag-unlad sa kakayahan sa pagsulat ng

dagli ng mga mag-aaral sa Grade 10-Einstein.


11

Ang pananaliksik ay sumusuporta kay Nur, Akmal at Francia (2019)

mula sa kanilang pag-aaral tungkol sa “Writing Skills of Junior High School

Students of the University of Saint Anthony, Iriga City, Philippines” na kailangan

ng mga mag-aaral ng kasanayan sa wika at gramatika upang malinang ang

kanilang kakayahan sa pagsulat.

B. Pagninilay

Pagkatapos isagawa ang aksiyon riserts, napag-alaman ng mga

mananliksik ang mga sumusunod:

1. Ang interbensiyon ay epektibo sa pagpapaunlad ng kakayahan

ng mga mag-aaral sa pagsulat ng dagli;

2. Ang suporta at gabay ng mga magulang ay mahalagang salik

sa pagganyak ng mga mag-aaral sa pagsulat ng dagli;

3. Ang makabagong teknilohiya ay epektibong kagamitan sa

kasanayang pagtuturo-pagkatotong proseso sa pagsulat ng

dagli;

4. Magkaroon ng kalipunan ng mga lingguhang papel ng

aktibidad sa pagsulat na agarang magagamit ng mga guro at

mag-aaral; at

5. Ang Mantalaa’t Igsusulat ay maaaring gamitin ng ibang grado

sa kanilang klase, hindi lang sa Pambansang Mataas na

Paaralan ng Ampayon, kundi sa buong distrito ng East I.


12

Mga Sanggunian

Cabigao, J.R. (2021). Improving the Basic Writing Skills of Grade 7 Learners
in Filipino: An Action Research in Filipino Language.
DOI:https://doi.org/10.34293/
education.v9i3.3815.

DO 8, s. 2015 - Policy Guidelines on Classroom Assessment for the K to 12


Basic Education Program from http://www.deped.gov.ph/orders/do-8-s-
2015

Nur, H, Akmal, A & Francia B (2019). Writing Skills of Junior High School
Students of the University of Saint Anthony, Iriga City, Philippines.
DOI:10.2991/adics-elssh-19.2019.8.

Tompkins, G (1998). Language Arts: Content and Teaching Strategies. Fourth


Edition. from https://eric.ed.gov/?id=ED442098.
13

DECLARATION OF ANTI-PLAGIARISM

1. We, MARGELINE C. CABONCE, MARSHA O. ARNADO and JOVETH T. TAMPIL


understand that plagiarism is the act of taking and using another’s ideas and works
and passing them off as one’s own. This includes explicitly copying the whole work of
another person and/or using some parts of their work without proper acknowledgment
and referencing.

2. We hereby attest to the originality of this research proposal and has cited properly
all the references used. I further commit that all deliverables and the final research
study emanating from this proposal shall be of original content. I shall use
appropriate citations in referencing other works from various sources

3. We understand that violation from this declaration and commitment shall be subject
to consequences and shall be dealt with accordingly by the Department of
Education.

PROPONENT: MARGELINE C. CABONCE

SIGNATURE: _____________________

Nobyembre 11, 2021


DATE: _____________________

PROPONENT: MARSHA O. ARNADO

SIGNATURE: _____________________

Nobyembre 11, 2021


DATE: _____________________

PROPONENT: JOVETH T. TAMPIL

SIGNATURE: _____________________

Nobyembre 11, 2021


DATE: _____________________
14

DECLARATION OF ABSENCE OF CONFLICT OF INTEREST

1. We, MARGELINE C. CABONCE, MARSHA O. ARNADO and JOVETH T. TAMPIL


understand that conflict of interest refers to situations in which financial or other
personal considerations may compromise my judgement in evaluating, conducting or
reporting research.

2. We hereby declare that we do not have nay personal interest that may arise from
our application and submission of our research proposal. We understand that our
research proposal may be returned to us if found that there is conflict of interest
during initial screening as per (insert RMG provision).

3. Further, in case of any form of conflict of interest (possible nature) which may
inadvertently emerge during the conduct of our research, we will duly report it to the
research committee for immediate action.

4. We understand that we may be held accountable by the Department of Education


and (insert grant mechanism) for any conflict of interest in which we have
intentionally concealed.

PROPONENT: MARGELINE C. CABONCE

SIGNATURE: _____________________

Nobyembre 11, 2021


DATE: _____________________

PROPONENT: MARSHA O. ARNADO

SIGNATURE: _____________________

Nobyembre 11, 2021


DATE: _____________________

PROPONENT: JOVETH T. TAMPIL

SIGNATURE: _____________________

Nobyembre 11, 2021


DATE: _____________________
15

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Butuan City
East I Butuan District
AMPAYON NATIONAL HIGH SCHOOL
Ampayon, Butuan City

Nobyembre 15, 2021

GEWARESEL T. CARLOS, Ph.D.


Punong-Guro
Pambansang Mataas na Paaralan ng Ampayon
Ampayon, Butuan City

Madam:

Magandang araw!

Ayon sa DepEd K to 12 Curriculum, ang pagsulat ay isa sa mga makrong


kasanayang kailangang matutunan ng mga mag-aaral. Nakasaad sa DepEd Order 39
s. 2012, ang paghasa sa kakayahan sa pagbasa at pagsulat ay mahalaga para sa
mabisang pagkatuto dahil ang kakulangan sa mga kakayahang ito ay kadalasang
nagiging ugat ng mga puwang sa pag-aaral (learning gaps).

Ang pagsulat lalo na ng sariling dagli ang isa sa mga kakayahang patuloy na
nabibilang sa least learned competency sa ikasampung baitang. Sa isinigawang
panimulang gawaing pagsulat ng Ikasampung Baitang ng pangkat Einstein, lumalabas
na sa 42 mag-aaral, may 31 ang kailangan nang ibayong paglinang sa kasanayang
ito.

Kaugnay nito, nais ng mga mananaliksik na matugunan ang suliraning ito.


Kung kaya’t sila ay humihingi ng pahintulot na magsagawa ng pananaliksik gamit ang
Mantalaa’t Igsusulat bilang interbensiyon sa paghahasa ng kakayahan sa pagsulat ng
sariling dagli sa wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang-Einstein.

Nawa’y maging positibo ang inyong pagtugong sa liham na ito. Maraming


salamat at pagpalain kayo ng Panginoon.

Sumasainyo,

MARGELINE C. CABONCE
SST-III/Mananaliksik

MARSHA O. ARNADO
SST-I/Mananaliksik

JOVETH T. TAMPIL
SST-II/Mananaliksik

APRUBADO:

GEWARESEL T. CARLOS,Ph.D.
Punong-Guro
16

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Butuan City
East I Butuan District
AMPAYON NATIONAL HIGH SCHOOL
Ampayon, Butuan City
Nobyembre 16, 2021

Ginoo/Ginang ______________________:

Magandang araw!

Ayon sa DepEd K to 12 Curriculum, ang pagsulat ay isa sa mga makrong


kasanayang kailangang matutunan ng mga mag-aaral. Nakasaad sa DepEd Order 39
s. 2012, ang paghasa sa kakayahan sa pagbasa at pagsulat ay mahalaga para sa
mabisang pagkatuto dahil ang kakulangan sa mga kakayahang ito ay kadalasang
nagiging ugat ng mga puwang sa pag-aaral (learning gaps).

Ang pagsulat lalo na ng sariling talambuhay ang isa sa mga kakayahang


patuloy na nabibilang sa least learned competency sa ikaanim na baitang. Sa
isinigawang panimulang gawaing pagsulat ng Ikaanim na Baitang ng SSES, lumalabas
na sa 31 mag-aaral, may 21 ang kailangan nang ibayong paglinang sa kasanayang
ito.

Kaungay nito, magsasagawa ang mga gurong nakapirma sa ibaba ng


interbensiyong Mantalaa’t Igsusulat na ang pangunahing layunin ay matulungan ang
mga mag-aaral na mahasa ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng sariling
talambuhay.

Kung kaya’t nais naming humingi sa inyo ng pahintulot na maging bahagi ang
inyong anak na si ___________________ sa interbensiyong ito. Titiyakin namin na
ang anumang datos na makakalap ay mananatiling kumpidensiyal at gagamitin
lamang para maisakatuparan ang layunin ng interbensiyon.

Maraming salamat at pagpalain kayo ng Panginoon.

Sumasainyo,

MARGELINE C. CABONCE
SST-III/Mananaliksik

MARSHA O. ARNADO
SST-I/Mananaliksik

JOVETH T. TAMPIL
SST-II/Mananaliksik

APRUBADO:

____________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Tagapangalaga
17

Planong Aksiyon

Petsa Gawain Taong Responsable

Magsumite ng liham ng Mga Mananaliksik


Nobyembre 15, 2021 pahintulot sa punong-guro

Nobyembre 16 – Pagsasagawa ng Panimulang


Nobyembre 30, 2021 Gawaing Pagsulat Mga Mananaliksik

Pagsasagawa ng Sampaksaan Mga Mananaliksik


Disyembre 1-15, 2021 sa paraang birtwal

Enero 3 – Pebrero 18, Pagsasagawa ng Interbensiyon Mga Mananaliksik


2022

Pebrero 21-28, 2022 Pangangasiwa ng Panapos na Mga Mananaliksik


Gawaing Pagsulat

Marso 1-11, 2022 Pagsulat ng Terminal Report Mga Mananaliksik

Marso 14-18, 2022 Pagsumite ng Terminal Report Mga Mananaliksik


18

Pagtatantiya ng Gastos

Dami Yunit Deskripsiyon Halaga ng Yunit Kabuuang Gastos

31 pad Intermediate paper Php 25.00 Php 775.00


Communication:
load for mobile Php 5,000.00
data/internet

Kabuuan Php 5, 775.00


19

Plano para sa Pagpapalaganap at Paggamit


Layunin Gawain Taong Responsable Petsa

Ipaalam ang resulta sa Ilahad ang resulta ng


mga magulang upang pananaliksik sa mga mag- Mga mananaliksik
hikayatin ang kanilang aaral at mga magulang Mga magulang
patuloy na suporta sa Mga mag-aaral Marso 2022
paghahasa sa
kakayahan sa pagsulat
ng kanilang mga anak.

Ibahagi ang resulta sa Mga mananaliksik


mga kaguro upang Ibahagi ang resulta ng Mga guro Oktubre 2022
maaari nilang magamit pananaliksik sa mga Mga tagapangasiwa Tuwing Research
sa kanilang sariling kaguro sa Congress/Foru
klase. paaralan/distrito/ m
dibisyon/rehiyon.
20

V. PLANONG AKSIYON

TIMELINE GAWAIN TAONG RESPONSABLE


Magsumite ng liham ng pahintulot sa
Nobyembre 15, 2021 punong-guro Mga Mananaliksik

Nobyembre 16 – Pagsasagawa ng Panimulang Gawaing Mga Mananaliksik


Nobyembre 30, Pagsulat
2021

Disyembre 1-15, 2021 Pagsasagawa ng Sampaksaan sa Mga Mananaliksik


paraang birtwal at face to face

Enero 3 – Pebrero 18, Pagsasagawa ng Interbensiyon Mga Mananaliksik


2022

Pebrero 21-28, 2022 Pangangasiwa ng Panapos na Mga Mananaliksik


Gawaing Pagsulat

Marso 1-11, 2022 Pagsulat ng Terminal Report Mga Mananaliksik


Marso 14-18, 2022
Mga Mananaliksik
Pagsumite ng Terminal Report
21

You might also like