You are on page 1of 1

Ang akademikong sulatin ay isang paraan ng komunikasyon na naglalayong iparating

nang sistematiko at malinaw ang mga konsepto, impormasyon, at argumento sa isang


propesyonal at organisadong paraan. Ito'y isang uri ng pagsulat na sumusunod sa mga
patakaran at pamantayan ng akademikong komunidad, kung saan ang wastong
paggamit ng wika, pagsipi ng mga sanggunian, at lohikal na pagkakasunod-sunod ng
ideya ay mahalaga.

Sa akademikong pagsulat, ang layunin ay hindi lamang maglahad ng impormasyon


kundi rin ang maghatid ng mga argumento na may suportang ebidensya. Ang pag-aaral
ay isinasaalang-alang bilang isang pangunahing bahagi ng akademikong pagsusulat, at
ang pagsasagawa ng malalimang pananaliksik ay nagbibigay-daan sa masusing pag-
unlad ng mga ideya.

Hindi lamang limitado sa mga akademiko at guro. Ito'y isang kasanayan na maaaring
magamit sa iba't ibang larangan ng buhay, maging sa trabaho, personal na pag-unlad,
at pakikipag-ugnayan sa iba.

Akademiko:

 Tumutukoy sa mga gawain na konektado sa pag-aaral o akademiks.


 Karaniwang may kaugnayan sa pagpapahalaga, mga aralin, o mga aspeto ng
paligid.
 May pormalidad at sinusunod na balangkas.
 Karaniwang isinusuong ng mga propesyunal at eksperto.
 Layunin nitong magbigay ng impormasyon sa mga iskolar, guro, at mag-aaral.
 Mga halimbawa ng akademikong materyal ay mga datos at report,
thesis/research papers, pang-edukasyong libro.

Di-Akademiko

 Mas hindi pormal at mas maluwag ang pagkakasulat.


 Ang mga tagapakinig o audience ay mas malawak, at maaaring iba't ibang sektor
ng lipunan.
 Ang mga materyal na ito ay hindi palaging katiwa-tiwala o hindi sertipikadong
sanggunian.
 Mga halimbawa ng di-akademikong materyal ay mga websites, dyaryo,
magazines, at iba pang uri ng media.

You might also like