You are on page 1of 35

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Mito mula sa Rome, Italy
(Panitikang Mediterranean)
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan (Panitikang Mediterranean) – Modyul 1: Mito mula sa Rome, Italy
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Alvin D. Mangaoang


Editor: Luisito V. Libatique Belen C. Aquino
Cesar B. Avecilla
Tagasuri: Arabella May Z. Soniega Virgilio C. Boado
Gina A. Amoyen Editha T. Giron
Alejo R. De Sesto
Tagaguhit: Rodel R. Rimando Charles D. Mabalot
Tagalapat: Alvin D. Mangaoang
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Atty. Donato D. Balderas Jr.
Arlene A. Niro German E. Flora
Gina A. Amoyen Virgilio C. Boado
Editha T. Giron Alejo R. De Sesto

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region I


Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Mito mula sa Rome, Italy
(Panitikang Mediterranean)
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Panitikang Mediterranean!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
gurong tagapagdaloy at upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang maiuugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang hinihingi ng ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Panitikang Mediterranean!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%) maaari mo nang
laktawan ang modyul na ito.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman
sa iyong mga kasama sa bahay na maaaring makatulong sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Nakahanda at sabik ka


na bang mag-aral at matuto? Batid kong oo, kung gayon ikaw ay maghanda na sa
mga susunod na araling ating pag-aaralan.
Ang Modyul 1 ay tungkol sa klasikong Mito mula sa Rome, Italy. Ang Rome,
na kasalukuyang kabisera ng bansang Italy ay dating bahagi ng Imperyong Roman.
Isang malawak at maipluwensiyang imperyo na may malaking ambag sa
kasalukuyan. Ang bansang Italy ay matatagpuan sa Timog na bahagi ng Europe at
pinalilibutan ng dagat Mediterranean. Ang pangalang “Italya” ay hango sa isang
matandang katawagan sa lugar at mga tao sa katimugang Italy na “Vitalia”. Galing
ito sa salitang Latin na “Vitulus” na ang ibig sabihin ay “baka”. Samakatuwid,
nangangahulugan itong “Lupain ng mga Baka”.
Bagaman ang Mitolohiyang Roman ay halaw mula sa Mitolohiyang Greek,
binigyan naman ito ng bagong mukha at lalong pinagyaman ng mga taga-Rome. Sa
kasalukuyan, ang mga mitolohiyang ito ang pinagbatayan ng mga kaisipan sa iba’t
ibang larangan tulad ng medisina, pilosopiya, astrolohiya, sining at panitikan sa
buong daigdig.
Itatampok ang “Cupid at Psyche” na isa sa mga pinagmulan ng mito mula sa
Rome, Italy. Makikilala mo ang iba’t ibang diyos at diyosa na pinaghugutan ng
inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa buong daigdig. Aalamin mo
rin kung gaano kahalaga ang tiwala sa pag-iibigan ng bawat isa at ang kaugnayan
ng mensaheng nakapaloob sa mababasang mito sa iyong sarili, pamilya,
pamayanan, lipunan at daigdig. Matatalakay rin dito kung paano magagamit nang
angkop ang pokus ng pandiwa.
Kaya kung nakahanda ka na, maaaring ka nang magsimula sa mga gawain
at aralin.

Subukin

Bago tayo magtungo sa ating talakayan tungkol sa mitolohiya, magkakaroon


ka muna ng paunang pagtataya upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman
hinggil sa paksang tatalakayin.

PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na katanungan. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang
mito o mitolohiya?
A. Nagsasalaysay ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos
at diyosa.
B. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
C. Nagpapakita ng kabayanihan ng mga pangunahing tauhan.
D. Agham o pag-aaral ng mga mito o alamat.

1
_____ 2. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga gamit ng isang mitolohiya
noong unang panahon MALIBAN SA ISA.
A. nagpapaliwanag ng puwersa ng kalikasan
B. isinasalaysay ang gawaing panrelihiyon
C. nagpapahayag ng matinding damdamin
D. maipaliwanag ang kasaysayan

_____ 3. Si Mercury, na mensahero ng mga diyos ay may simbolong ___________.


A. Caduceus C. Kuwago
B. Cerberus D. Cornucopia
_____ 4. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagalit si Venus kay
Psyche MALIBAN SA ISA.
A. Dahil sa sobrang kagandahan ni Psyche, nabaling ang atensyon ng
mga kalalakihan sa kaniya.
B. Dahil hindi na nag-aalay ang mga kalalakihan ng alay sa kaniya.
C. Dahil may pagkakautang ang kaniyang pamilya sa kaniya.
D. Dahil napabayaan maging ang mga templo

_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal


batay sa mitong Cupid at Psyche?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal
niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang
magpakamatay sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano
makaliligtas sa halimaw na asawa.

B. Panuto: Basahin at piliin mo sa Kolum B ang tamang deskripsyon ng mga diyos


at diyosang nasa Kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.
KOLUM A KOLUM B
_____ 1. Hera A. Diyosa ng pag-ibig at kagandahan
_____ 2. Vulcan B. Reyna ng mga diyos
_____ 3. Jupiter C. Diyosa ng agrikultura
_____ 4. Venus D. Diyos ng apoy
_____ 5. Ceres E. Hari ng mga diyos
_____ 6. Diana F. Diyos ng at kamatayan
_____ 7. Pluto G. Diyosa ng buwan
_____ 8. Cupid H. Diyos ng sekswal na pag-ibig
_____ 9. Mars I. Diyos ng digmaan
_____ 10. Vesta J. Diyosa ng apuyan
C. Panuto: Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay
tagaganap, layon, tagatanggap o kagamitan. Isulat ang tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
___________________ 1. Kinuha ni Psyche ang punyal at lampara.
___________________ 2. Ipinansalok ni Psyche ang prasko ng itim na tubig.
___________________ 3. Si Psyche ay ipinaglaban ni Cupid kay Venus.
___________________ 4. Umibig si Psyche sa isang nakatatakot na halimaw.
___________________ 5. Nahimatay si Psyche matapos buksan ang kahon ng
kagandahan ni Proserpine.

2
D. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na pangungusap gabay
ang mga nakasalungguhit na pandiwa. Tukuyin kung ang gamit nito ay aksiyon,
karanasan o pangyayari. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
___________________ 1. Labis na nainggit si Venus sa kagandahan ni Psyche.
___________________ 2. Nalungkot si Psyche sa pag-alis ni Cupid.
___________________ 3. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha
ang panig ng mga diyos.
___________________ 4. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang
kaniyang pagmamahal kay Cupid.
___________________ 5. Dahil sa paghihirap, natukso siyang tumalon.

E. Panuto: Pumili ng limang pandiwa o mga salitang nagpapahayag ng kilos sa


kahon at saka bumuo ng makabuluhang pangungusap sa sagutang papel.

humahalakhak pinana nailawan nagkimkim


inihatid umiiibig nasabit lumipad
naglakbay pinakain nakulayan hinangaan
ipinadala nag-alay nagtagumpay binuksan

1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________________

Mahusay! Nagawa mo ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong


kaalaman hinggil sa ating mga mapag-aaralan. Huwag kang mag-alala kung mababa
man ang iyong nakuhang iskor. Pagkatapos ng araling ito ay tiyak mapatataas mo pa
iyan at marami kang matututuhan. Magpatuloy pa tayo.

Aralin
Mito mula sa Rome, Italy
1 Panitikan: Cupid at Psyche
Wika at Gramatika: Pokus ng Pandiwa

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan / pananaw sa napakinggan o
nabasang mitolohiya. (F10PN-Ia-b-62)
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda na nangyayari sa sarili,
pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. (F10PB-Ia-b-62)
3. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. (F10PT-Ia-b-61)
4. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang
mitolohiya. (F10PD-Ia-b-61)
5. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay.
(F10PS-Ia-b-64)
6. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon,
pinaglalaanan at kagamitan)
a. sa pagsasaad ng aksiyon, pangyayari at karanasan;
b. sa pagsulat ng paghahambing;
c. sa pagsulat ng saloobin;
d. sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; at
e. isinulat na sariling kuwento. (F10WG-Ia-b-57)

3
Balikan

Noong nasa ikasiyam na baitang ka, napag-aralan mo ang Noli Me Tangere sa


Puso ng mga Asyano. Saksi ka sa pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara.
Gayon din ang malalimang pagtalakay sa mga kaganapan sa Nobela. Ngayon, sikapin
mong gawin ang kasunod na gawain sapagkat ito’y may kinalaman sa nilalaman ng
akdang iyong babasahin at susuriin sa mga susunod na pahina. Alam kong magiging
masaya ito para sa iyo kaya gawin mo na ito.

Gawain 1: Pana ng Pag-ibig


Panuto: Gumuhit ng malaking hugis-puso sa iyong papel at sa loob nito, gumawa ng
isang liham sa taong hinahangaan o itinatangi ng iyong puso. Isulat ang kaniyang
pangalan at katangiang taglay na dahilan ng iyong pagtatangi o paghahanga at kung
ano ang kaya mong gawin para sa kaniya.

4
Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Tayo bilang tao
ay likas na umiibig sa kung sinoman ang nagpapatibok ng ating puso. Dumarating sa
puntong humihiling ka pa ng mga sensyales sa Panginoong Diyos sa kung sino ang
nararapat o kung hindi naman kaya’y maitadhana ang taong nararapat at magtatagal
para sa iyo. Ngunit lingid sa ating kaalaman, noong sinaunang panahon, humihiling
na rin ang mga tao sa iba’t ibang mga diyos at diyosa ng mga senyales kung sino ang
nararapat na mga nilalang na kanilang iibigin. Tunghayan mo ang tungkol sa
mitolohiya ng mga sinaunang Roman.

Mga Tala para sa Guro


Ang karamihan sa mga gawain sa modyul na ito’y subhektibo na
kinakailangan ng malalimang paggalugad ng kaisipan, opinyon at
/ o pananaw ng mga mag-aaral. Inaasahang gagabayang mabuti
ng guro o tagapagdaloy ang mga mag-aaral sa yugto ng pagkatuto.
May ilang links din dito kung saan maaaring i-access ng mga mag-
aaral ang mga video materials para sa mas interaktibong
pagtuturo at pagkatututo. Gabayan sila sa kung paano i-access
ang mga nasabing links. Ipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang
kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng teksto.

Tuklasin

Basahin at unawain mo ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Mitolohiya mula


sa Rome, Italy upang iyong matuklasan kung paano nakatutulong ang mitolohiya
mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino at upang masagot ang pokus
na tanong na – paano naiiba ang mito o mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?

Alam mo bang…
Mitolohiya ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito (myth) at alamat.
 Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao
sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong
unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang
tao.
 Ang salitang mito (myth) ay galing sa salitang Latin na “mythos” at mula sa
Greek na “muthos”, na ang kahulugan ay “kuwento”. Ito ay isang akdang
pampanitikang kadalasang ang mga tauhan ay pumapatungkol sa mga diyos
at diyosa at nagpapakita ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga

5
tauhan. Ito’y maiuugnay rin sa epiko bagaman mas litaw sa mito ang hindi
kapani-paniwalang mga pangyayaring may kinalaman sa mga diyos-diyosan.
 Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng
pagkakalikha ng mundo, ng tao at ng mga katangian ng iba pang mga
nilalang.
 Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig –
tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan at apoy.
 Ginagamit din ito upang ikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon,
magturo ng mabuting asal at maipaliwanang ang kasaysayan.
 Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa.
 Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at mga
bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap.
 Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.

Ang Mitolohiya ng mga Roman


 Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal,
at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa
sinaunang taga-Rome hanggang sa ang katutubong relihiyon nila ay
napalitan na ng Kristiyanismo.
 Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito.
 Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.
Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin
nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong
pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila
ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa
kanilang paniniwala at kultura.
 Isinulat ni Virgil ang “Aenid”, ang pambansang epiko ng Rome at nag-iisang
pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Ito ang naging katapat ng “Iliad at
Odyssey” ng Greece na isinalaysay naman ni Homer at tinagurian ang mga
ito bilang “Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo”.

Mga Elemento sa Mabisang Pagsulat ng Mito


1. Tauhan – Kadalasang mga diyos o diyosang may taglay na kakaibang
kapangyarihan at mga karaniwang mamamayan sa komunidad ang mga
tauhan. May pagkakataong namumukod-tangi ang kabayanihan ng isang
pangunahing tauhan at kaniyang pakikipagsapalaran.
2. Tagpuan – May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at
kadalasang sa sinaunang panahon naganap ang isang mito.
3. Banghay – Maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian ang banghay
ng isang mito. Maaaring tumatalakay ito sa pagpapaliwanag ng pagkakalikha
ng mundo at mga natural na mga pangyayari. Nakatuon sa mga suliranin at
kung paano ito malulutas at ipinakikita rin ang ugnayan ng tao at ng mga
diyos at diyosa.
4. Tema – Ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari, pinagmulan ng buhay
sa daigdig, pag-uugali ng tao, mga paniniwalang panrelihiyon at katangian at
kahinaan ng tauhan.
5. Estilo – Pasalaysay ang estilo ng pagsulat ng mito na nagbibigay ng idea
hinggil sa paniniwala, kaugalian at tradisyon at may paniniwalang kayang
malampasan ng bida ang mga pagsubok.
6. Tono – Nadadala ang mambabasa sa tonong mapang-unawa at nangangaral.
7. Pananaw - Kadalasang nasa ikatlong pananaw ang pagsulat nito.

6
Upang lubos na maunawaan ang mitong “Cupid at Psyche” mabuting makilala
mo ang mga diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece lalo na ang
labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa na kilala rin sa tawag na The 12 Great
Olympian Gods at iba pang naidagdag na mga diyos at diyosa.

Zeus (Greek) | Jupiter (Roman)

Hari ng mga diyos, diyos ng kalangitan, kulog at


kidlat, tagapagparusa sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad sa pangako, asawa
niya si Juno. Simbolo niya ang kidlat at agila.

Hera (Greek) | Juno (Roman)

Reyna ng mga diyos at diyosa at tagapangalaga ng


pagsasama ng mag-asawa, kababaihan at
pamilya. Kapatid at asawa siya ni Jupiter. Simbolo
niya ay ang peacock at baka.

Poseidon (Greek) | Neptune (Roman)

Diyos ng karagatan, tubig, bagyo, lindol at alon.


Kapatid ni Jupiter at Orcus (Pluto).
Simbolo niya ang kabayo at trident

Demeter (Greek) | Ceres (Roman)

Diyosa ng agrikultura, kalikasan at panahon.


Simbolo niya ang Cornucopia at baboy.

Athena (Greek) | Minerva (Roman)

Diyosa ng karunungan at pakikipagdigma.


Anak nina Jupiter at Metis
Simbolo niya ang kuwago at puno ng oliba.

7
Hermes (Greek) | Mercury (Roman)

Mensahero ng mga diyos, diyos paglalakbay,


pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw at
panlilinlang. Anak nina Jupiter at Maia
Simbolo niya ang Caduceus.

Ares (Greek) | Mars (Roman)

Diyos ng digmaan. Anak nina Jupiter at Juno.


Simbolo niya ang sibat at buwitre.

Apollo (Greek) | Apollo (Roman)

Diyos ng liwanag, araw, propesiya, musika,


panulaan at panggagamot. Anak nina Jupiter at
Latona. Kakambal na lalaki ni Diana.
Simbolo niya ang lyre at sisne.

Artemis (Greek) | Diana (Roman)

Diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at buwan.


Anak nina Jupiter at Latona. Kakambal na
babae ni Apollo.
Simbolo niya ang buwan at lobo.

Aphrodite (Greek) | Venus (Roman)

Diyosa ng kagandahan, pag-ibig at pagnanasa.


Anak ni Jupiter at Dione. Asawa ni Vulcan
Kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya.

Hestia (Greek) | Vesta (Roman)

Diyosa ng apuyan. Siya ang panganay na anak


nina Saturn at Ops. Nakatatandang kapatid
nina Pluto, Ceres, Neptune, Juno at Jupiter.
Simbolo niya ang apoy at apuyan.

8
Hephaestus (Greek) | Vulcan (Roman)

Diyos ng apoy, panday ng mga diyos at diyosa.


Anak nina Jupiter at Juno. Asawa ni Venus
Simbolo niya ang apoy, martilyo at pugo.

.
Dionysus (Greek) | Bacchus (Roman)

Diyos ng alak, ubas, pagdiriwang at kasiyahan.


Anak nina Jupiter at Stimula. Pinakabata sa
mga diyos at diyosa ng Bundok Olympus.
Ubasan at kambing ang kaniyang mga simbolo.

Hades (Pluto) (Greek) | Orcus (Roman)

Diyos ng kamatayan at hari ng kabilang buhay.


Kapatid nina Vesta, Ceres, Neptune, Juno at
Jupiter. Cerberus (asong may tatlong ulo) ang
maiuugnay sa kaniya.

Eros (Greek) | Cupid (Roman)

Diyos ng sekswal na pag-ibig at kagandahan.


Anak nina Venus at Mars.

Maaaring panoorin sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8

Dagdag kaalaman…
Narito ang paraan ng pagbasa at pagbigkas ng mga pangalan
ng diyos at diyosa sa Greek/Roman.
1. Zeus (Zoo-s) 7. Hermes (er-mes)
2. Hera (EE-ra) 8. Aphrodite (a-fro-die-tee)
3. Poseidon (po-say-don) 9. Hestia (es-TEE-A)
4. Ares (AIR-ezz) 10. Dionysus (die-oh-nie-ses)
5. Athena (ah-thee-NAH) 11. Hades (ei-deez)
6. Hephaestus (he-fes-tus) 12. Psyche (say-ki)

9
Gawain 2: Kagaya Ko Siya!
Panuto: Mula sa napag-aralang impormasyon hinggil sa mga diyos at diyosa, pumili
ng isang diyos o diyosa na iyong nagustuhan base sa kaniyang katangian. Ipaliwanag
mo kung bakit siya ang iyong napili. Iugnay ito sa iyong sarili. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Suriin

Narito ang isa sa mga bahagi ng mito mula sa Rome. Isinalaysay ni Apuleuis,
isang manunulat na Latino. Bahagi lamang ito ng mitong Metamorphoses na kilala rin
sa tawag na The Golden Ass. Basahin at unawain mo ito upang matuklasan mo kung
paano nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.

Cupid at Psyche
(Muling isinalaysay ni A.D. Mangaoang)

Noong unang panahon, mayroong isang hari na may tatlong anak na babae.
Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa kanila. Sa
sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming humanga sa kaniya.
Sinasabi ring kahit ang diyosa ng kagandahang si Venus ay hindi kayang tumapat
sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang
nakapagpagalit sa kaniya ay ang pagkalimot ng mga kalalakihang magbigay ng
alay, maging ang kaniyang templo ay napabayaan na rin. Ang dapat sanang
atensyon at mga papuring para sa kaniya ay napunta sa isang mortal.
Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kaniyang anak na si Cupid
upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari
ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima
ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kaniyang ina, at dahil sa kampante
naman si Venus sa kaniyang anak, hindi na rin ito nag-usisa.

10
Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit wala ring
nagtangkang umibig sa kaniya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay
Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang
kaniyang dalawang kapatid ay
nakapag-asawa na ng hari. Naging
mapanglaw si Psyche sa mga
nangyayari. Kaya naglakbay ang amang
hari ni Psyche upang humingi ng payo
kay Apollo upang makahanap ng
mabuting lalaking iibig sa kaniyang
anak. Hindi alam ng amang hari na
naunahan na siya ni Cupid upang
hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi
ni Apollo sa hari na makapapangasawa
ng isang nakatatakot na halimaw ang
kaniyang anak at kailangan tumalima
sa kaniyang ipinayo.
Nang nagawa na ng amang hari
ang lahat ng ipinayo ni Apollo, ipinag-
utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak-pangkasal.
Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid
sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok
na paroroonan, naghintay ang magandang dalaga sa kaniyang mapapangasawa.
Walang kamalay-malay ang magandang dalaga na ang kaniyang mapapangasawa
ay ang diyos ng pag-ibig na si Cupid.
Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal
na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni
Psyche, ang mukha ng kaniyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kaniyang kabiyak
na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niyang hindi pa niya
nasisilayan ang mukha ng kaniyang asawa. Nangulila si Psyche sa kaniyang mga
kapatid kung kaya’t humiling siya sa kaniyang asawa na sana’y makita niya ang
mga ito. Pinagbigyan niya naman ito kasabay ng pagbibigay muli ng paalala. Nang
magkita ang magkakapatid, naging mausisa sila sa kaniya. Labis kasi ang yaman
ng asawa ni Pscyhe na hindi mapapantayan ng kanilang mga napangasawa.
Dahilan ito upang mabuo ang pangimbulo o selos sa kanilang mga puso. Sa
pangalawang pagbisita nila ay isinalaysay ng kaniyang mga kapatid ang nabuo
nilang masamang balak, sinulsulan nila itong suwayin ang kondisyon ng kaniyang
asawa. Sinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya rin ang papatay kay Psyche.
Kaya upang hindi siya mapatay nito kailangang unahan na ni Psyche ang asawa.
Agad namang nabuyo si Psyche sa sinabi ng kaniyang mga kapatid.
Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad
si Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang
mga ito. Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang
asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso nang
masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa. Hindi
halimaw ang kaniyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nang

11
madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad
ang liwanag ng lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala,
lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili. Nang akma na niyang itatarak
ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang kaniyang kamay at nahulog ang
punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa nagligtas at nagtaksil sa
kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan ng kaniyang
asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis ang balikat nito.
Nagising ang lalaki at natuklasan niya ang pagtataksil ng asawa.
Lumisan ang lalaki nang hindi nagsasalita. Sinundan ni Psyche ang asawa
subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na lamang niya ang
tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga. “Hindi mabubuhay ang
pag-ibig kung walang tiwala”, wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. Nagsisisi
si Psyche sa kaniyang kasuklam-suklam na nagawa kung kaya’t para maipakita
niya ang marubdob na pagsisisi at pagmamahal, nagpasya siyang hanapin ito.
Nakarating siya sa tahanan ni Venus. Nagpasya siyang harapin ang mga pagsubok
na ibibigay ng diyosa para lamang muling maibalik ang tiwala at pagmamahal ni
Cupid sa kaniya.
Nang malaman ni Venus ang nangyari kay Cupid, lalo itong nasuklam kay
Psyche at siya ay pinahirapan niya nang husto. Binigyan niya si Psyche ng mga
pagsubok. Unang pagsubok ay pagsama-samahin ang mga butong magkakauri.
Bagaman nahirapan, nagawa niya ito sa tulong ng mga langgam. Pangalawang
pagsubok ay ang pagkuha ng gintong balahibo mula sa mga mapanganib na tupa.
Natutukso na siyang tumalon sa ilog, ngunit pinayuhan siya ng mga halaman ng
tamang tiyempo. Hinintay niyang magtakip-silim, pauwi na ang mga tupa at
nakakuha na siya ng gintong balahibo na nasabit sa mga sanga. Ikatlong
pagsubok ay ang pagsalok ng itim na tubig mula sa itim na talon. Hindi madaling
pagsubok ngunit nairaos niya dahil tinulungan siya ng isang ibon upang
makasalok ng tubig gamit ang prasko. At para sa huling pagsubok, pinakuha siya
ng kahon upang humingi kay Proserpine ng kagandahan. Ito ang
pinakamapanganib na pinagawa sa kaniya, ngunit kagaya ng mga naunang
pagsubok ay tinulungan siya ng isang tore na makapunta sa kaharian sa ilalim ng
lupa, sa kaharian ni Hades. Nakahuha siya ng kagandahan ngunit natukso siyang
buksan ang kahon upang kumuha ng kaunting kagandahan para magustuhan
muli siya ni Cupid ngunit siya ay nawalan ng malay dahil dito.
Nalaman ni Cupid ang pagpapahirap ni Venus kay Psyche kung kaya’t dali-
dali siyang natungo sa kaniya upang ito’y iligtas. Nang makita ni Cupid si Psyche,
kaniya itong pinana ng kaniyang palaso at pana. Nagising si Psyche. Tinulungan
siya ni Cupid upang madala niya ang kahon kay Venus. Nagawa niya lahat ng
pagsubok. At upang hindi na muling magambala pa ni Venus ang kanilang pag-
iibigan, humingi sila ng basbas kay Jupiter. Naging imortal na rin si Psyche sa
pamamagitan ng pagkain ng Ambrosia, ang pagkain ng mga diyos at diyosa.
Kalaunan, ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng
mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama at hindi na mabubuwag
kailanman.
Maaaring panoorin sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A
https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc

12
Gawain 3: TALAS-salitaan
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod pangungusap / parirala. Buoin mo
ang salitang tinutukoy ng mga ito. Gayahin ang pormat sa sagutang papel at isulat
ang sagot sa mga puwang na patlang.
1. Walang kamatayan, walang katapusan (I ____ O ____ T A ____)
2. Masidhi, maalab, masikhay na pagnanasa (M ____ R U ____ D ____ B)
3. Tumupad sa tungkulin, sumunod sa utos (____ U M A ____ I ____ A)
4. Patalim (P ____ N ____ A ____)
5. Lakad na ang mga daliri ng paa lamang ang sumasayad (P ___ T ___ Y ___ D)
6. Pagkain ng mga diyos-diyosan (A ____ B ____ O S ____ A)
7. Akmang sasaksakin (I ____ A T ____ R A ____)
8. Nahimok, nahikayat (N ____ B ____ Y ____)
9. Nagalit, nainis (____ A ____ U K L ____ M)
10. Hindi pagsunod sa utos (P A ____ S U ____ A ____)

Dagdag kaalaman…

Mga Kayarian ng Salita


1. Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang.
Mga halimbawa:
punyal, dilim, langis

2. Maylapi – binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.


Mga halimbawa:
kasabay, paglikha, marami, sinasabi, sumahod, tumugon, unahin,
sabihin, linisan, pag-isipan, pag-usapan, kalipunan, pagsumikapan,
ipagsumigawan, magdinuguan

3. Inuulit – ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
Mga halimbawa:
araw-araw, sabi-sabi, sama-sama,
aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng


isang salita.
Mga halimbawa:
bahay-kalakal, habing-ilok, balik-bayan
hampaslupa, kapitbahay, bahaghari

Gawain 4: Kayarian, Iugnay Mo!


A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang nakahilig batay sa
pagkakagamit nito sa pangungusap at tukuyin kung ano ang kayarian nito.
Gamitin ang tsart sa pagbibigay ng mga kasagutan sa inyong sagutang papel.
kamuhi-muhi asawa bote
trahe de boda kasiya-siya malungkot
1. Naging mapanglaw si Pscyhe sa mga pangyayari.
2. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak-
pangkasal.
3. Hindi masilayan ni Psyche ang mukha ng kaniyang kabiyak.
4. Nagsisisi si Psyche sa kasuklam-suklam niyang nagawa.
5. Hindi madaling pagsubok ngunit nairaos niya dahil tinulungan siya ng isang
ibon upang makasalok ng tubig gamit ang prasko.

13
Kahulugan ng salita Kayarian
1.
2.
3.
4.
5.

B. Panuto: Tukuyin ang kayarian ng mga salitang naitiman sa bawat pangungusap.


Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.

A. Payak B. Maylapi C. Inuulit D. Tambalan

_____ 1. Sa ganda ni Psyche, talaga namang maraming humanga sa kaniya.


_____ 2. Walang kamalay-malay ang magandang dalaga na ang kaniyang
mapapangasawa ay ang diyos ng pag-ibig na si Cupid.
_____ 3. Sinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya rin ang papatay kay
Psyche.
_____ 4. Hinintay niyang magtakip-silim, pauwi na ang mga tupa at nakakuha
na siya ng gintong balahibo nitong nasabit sa mga sanga.
_____ 5. Kalaunan, ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche) ay nagtagpo.

Gawain 5: Pagsusuri sa Akda


Panuto: Suriin mo ang mga mahahalagang pangyayari sa mitong Cupid at Psyche sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong.

1. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na


suliranin sa kaniyang buhay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging


manugang si Psyche?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
5. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 6: Pagsusuri sa Tauhan


Panuto: Suriin mo ang katangian nina Cupid at Psyche. Tukuyin ang kalakasan at
kahinaan ng bawat isa. Isulat sa kahon ang mga sagot.

Cupid

Kalakasan Kahinaan

Psyche

Kalakasan Kahinaan

15
Pagyamanin

Binabati kita sa iyong masigasig na pagsagot sa mga katanungan. Sa bahaging


ito, malalaman mo kung paano mabisang magagamit ang pandiwa sa pagpapahayag
at pasasalaysay ng mga karanasan at pangyayari buhat sa binasang mito o iba pang
kauri nito. Bago tayo magtungo sa talakayan, sagutin muna ang gawain.

Gawain 7: …Aksiyon!
Panuto: Sa loob ng callout, magtala ka ng sampung (10) mga salitang nagsaad o
nagpakita ng kilos o galaw mula sa mitong Cupid at Psyche.

Napakahusay! Nagawa mo ang gawain. Sa pagkakataong ito iyong


tutunghayan ang gamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos or galaw.

Ang bawat akda ay nagtataglay ng mga pangyayaring pinagagalaw sa


pamamagitan ng mga salitang-kilos. Mga salitang-kilos na nagpapalawak sa
imahinasyon ng mga mambabasa at tumutulong upang higit nilang maunawaan ang
nilalaman nito at maging ang pagkatao ng bawat karakter.

16
Alam mo bang…
Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. Mabisang
instrumento ito upang makapagsalaysay ng mga pangyayari sa isang akdang
pampanitikan.

Pokus ng Pandiwa
 Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusap. Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ayon sa paksa at panlaping
ikinakabit sa pandiwa.

1. Pokus sa Tagaganap (Aktor) – Ang paksa ng pangungusap ang gumaganap


ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Magagamit ang mga panlaping um-/-um.
mag-, ma-, mang (m/n)-, mag- an, at magsipag- an/han. Pananda ng pokus o
paksa ang si/sina at ang at magagamit din bilang pokus sa tagaganap ang
mga nominatibong panghalip na ako, ka, kita, siya, tayo, kami, kayo at sila.

Mga halimbawa:
a. Naglakbay si Psyche patungo sa tahanan ng mga diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.

Pansinin ang unang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap


ay naglakbay at ang tinutukoy dito ay ang paksang si Psyche. Ito ay nasa
Pokus sa Tagaganap dahil ang paksa o ang tinutukoy ng pandiwa ang
siyang gumanap ng kilos nito at gumamit ng panandang si.

2. Pokus sa Layon (Gol) – Ang pokus ay nasa pokus sa layon kung ang pinag-
uusapan ang siyang layon ng pangungusap. Ginagamit na panlapi sa pandiwa
ang –in/hin, -an/-han, ma-, paki-, ipa- at pa- at panandang ang sa paksa o
pokus.

Mga halimbawa:
a. Kinuha ni Psyche ang gintong balahibo ng tupa.
b. Iniayos ni Psyche ang mga buto ayon sa pagkakauri nito.

Pansinin ang unang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap


ay kinuha na tumutukoy sa paksang ang gintong balahibo ng tupa. Ito ay
nasa Pokus sa Layon dahil ang paksa o ang tinutukoy ng pandiwa ang
siyang layon ng pangungusap at gumamit ng panandang ang.

3. Pokus sa Tagatanggap (Benepaktibo) – Ang paksa ng pangungusap ay ang


tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa. Kilala
rin ito sa tawag na Pokus sa Pinaglalaanan. Sumasagot ito sa tanong na “para
kanino?” Ginagamit ang mga panlaping i-, -in, ipinag-, ipag-, -han/-an atbp.

Mga halimbawa:
a. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
b. Ipinag-utos ni Apollo na bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang
damit.

Pansinin ang unang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap


ay ipinagluto na tumutukoy sa paksang kami. Ito ay nasa Pokus sa
Tagatanggap dahil ang paksa o ang tinutukoy ng pandiwa ang siyang
tatanggap sa kilos.

17
4. Pokus sa Kagamitan (Instrumental) – Ang kasangkapan o ang gamit ang
paksa ng pangungusap upang maisagawa ang kilos ng pandiwa. Kilala rin ito
sa tawag na Pokus sa Gamit. Sumasagot ito sa tanong na “sa pamamagitan
ng ano?” Ginagamit ang panlaping ipa-, ipang-, maipang-.

Mga halimbawa:
a. Ipantatarak niya ang punyal sa mahal na asawa.
b. Ang pana ni Cupid ay maipanggagamot kay Psyche.

Pansinin ang unang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap


ay ipantatarak na tumutukoy sa paksang ang punyal. Ito ay nasa Pokus sa
Kagamitan dahil ang paksa ang instrumento o gamit upang maisagawa ang
kilos ng pandiwa.

Mahusay! Binabati kita sapagkat matagumpay mong nalaman ang iba’t ibang
Pokus ng Pandiwa. Kung ikaw man nalilito sa aralin, huwag kang mag-alala dahil
maaari mo itang balikan. Ngayon, magpapatuloy pa tayo sa ating talakayan. Kaya
ito’y mas pakatutukan.

Gamit ng Pandiwa
1. Aksiyon – May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon
/ kilos. Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um,
mag, ma-, mang-, maki-, mag-an at iba pa.
Mga halimbawa:
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
Pandiwa: Naglakbay, Tumalima
Aktor: si Bugan, si Psyche

2. Karanasan – Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may


damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng
pandiwa. Maaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin /
emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Mga halimbawa:
a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
b. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.
Pandiwa: Tumawa, nalungkot
Aktor: si Bumabbaker, ang lahat

3. Pangyayari – Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari. Maaaring kapwa


may aktor at damdamin ang pandiwa.
Mga halimbawa:
a. Sumasaya ang mukha ni Venus dahil sa nakikita niya sa paligid.
b. Nalunod ang mga tao dahil sa matinding baha.
Pandiwa: Sumasaya, Nalunod
Resulta: nakita niya sa paligid, isang matinding baha

Nauunawaan mo na ang iba’t ibang pokus at gamit ng pandiwa bilang aksiyon,


karanasan at pangyayari. Isagawa mo ang sumusunod na pagsasanay upang
mahasa ang iyong kasanayan kung paano mo mabisang magagamit ang pandiwa.

18
Gawain 8: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
A. Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay tagaganap,
layon, tagatanggap o kagamitan. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang
papel.
_________________ 1. Ipinangregalo ng GMA Kapuso Foundation ang mga
natipong donasyon para sa nabiktama ng kalamidad.
_________________ 2. Pinaunlad ng kapitalismo ang mga indibidwal na
negosyante.
_________________ 3. Ang abaka ay ipinantali niya sa duyan.
_________________ 4. Pinagmamalasakitan ng may-ari ang mga batang lulong
sa masamang bisyo.
_________________ 5. Ipinanghugas ko sa mga plato ang Joy Ultra.
_________________ 6. Gusto nilang mahalungkat ang sikreto niya.
_________________ 7. Kinain ni Psyche ang Ambrosia.
_________________ 8. Gumawa ng paraan si Cupid upang mailigtas si Psyche.
_________________ 9. Pinakain ni Psyche ng cake ang mabangis na Cerberus.
_________________ 10. Natukso si Psyche na buksan ang kahon ng kagandahan.

B. Panuto: Base sa nasalungguhitang pandiwa sa bawat pangungusap, tukuyin mo


ang gamit ng mga ito. Isulat sa iyong sagutang papel kung ito ba’y aksiyon,
karanasan, o pangyayari.

_________________ 1. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid na mag-


ingat sa kaniyang asawa.
_________________ 2. Nasuklam si Venus sa ginawa ni Psyche kay Cupid.
_________________ 3. Nalungkot si Psyche sa pagsubok ni Venus.
_________________ 4. Umibig ang lahat ng kababaihan kay Cupid.
_________________ 5. Dahil sa pagiging mausisa, nabuyo siya.
_________________ 6. Hindi nasiyahan si Jupiter dahil sa ginawang
pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
_________________ 7. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha
ang panig ng mga diyos.
_________________ 8. Tumulong ang mga langgam kay Psyche upang
maisaayos ang mga buto.
_________________ 9. Nahimatay si Psyche dahil sa pagbukas niya ng kahon.
_________________ 10. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.

Gawain 9: Galaw-galaw, Araw-araw


Panuto: Mula sa napag-aralang impormasyon hinggil sa gamit ng pandiwa. Ikaw ay
bubuo ng limang (5) pangungusap na may kaugnayan sa mga gawaing iyong
isinasagawa araw-araw. Tukuyin mo kung ano ang pokus ng pandiwa. Isulat ito
pagkatapos ng pangungusap na mabubuo sa sagutang papel.

1. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

19
3. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isaisip

Ang tunay at wagas na pag-ibig ay hindi kailanman mahahadlangan ng kahit


anomang pagsubok. Ngunit ang napakahalaga ring isaisip ay ang pagtitiwala sa isa’t
isa upang ang nabuong pag-iibigan ay kailanman hindi masisira.

Sa bahaging ito ay iyong pagninilayan ang mga mensahe ng nakaraang paksa


kung ano ang kaugnauyan nito sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan.

Gawain 10: Opinyon Ko, Mahalaga!


Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at pahayag sa iyong sagutang
papel.

1. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang hamon ni Venus para sa pag-
ibig? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Magbigay ng sariling reaksyon sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay


ang pag-ibig kung walang pagtitiwala”.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Anong katangian ng mga tauhan sa mito ang nais mong tularan o ayaw mong
tularan? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

20
4. Sa iyong paniniwala, kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang
pagpunta o lugar niya sa langit? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Batay sa talakayang gamit ng mga mitolohiya sa bahaging Tuklasin, anong


gamit ng mitong Cupid at Psyche? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 11: Pagnilayan Ko!


Panuto: Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitong Cupid at Psyche, paano mo
ito maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan? Gumamit ng pandiwa
sa pagpapaliwanag. Gayahin ang grapikong presentasyon sa pagpapahayag ng iyong
kaisipan sa iyong sagutang papel.

sarili pamayanan

Mensahe
mula sa

pamilya lipunan

21
Isagawa

Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa


mga nagdaang araw tungkol sa mitolohiya,

Ikaw ay makasusulat ng maikling sariling bersyon ng mitong Cupid


Goal at Psyche batay sa napag-aralang elemento sa mabisang pagsulat
nito.
Role Ikaw ay magiging isang manunulat at makata.
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Ipagpalagay na ikaw ay nasa isang paaralan at naatasan kang
Situation
magsadula at magsalaysay ng isang mito sa mga bata.
Product Sariling-gawang mito na may sariling pamagat.
A. Malinaw na nilalaman…………………….……………….… 35 puntos
B. Estruktura ng pagkakasulat……...……………….……......35 puntos
Standards C. Paglalapat ng pokus ng pandiwa……………………………20 puntos
D. Dating sa mambabasa.…....…………………..……….….. 10 puntos
Kabuoan.……….…………..………………..…..............….100 puntos

________________________________________________________

32,mk3 nm

22
Tayahin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at piliin mo sa Kolum B ang tamang deskripsyon ng mga diyos
at diyosang nasa Kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

KOLUM A KOLUM B
_____ 1. Neptune A. Diyosa ng karunungan
_____ 2. Apollo B. Diyos ng karagatan
_____ 3. Vesta C. Diyos ng liwanag
_____ 4. Jupiter D. Diyosa ng pag-ibig at kagandahan
_____ 5. Cupid E. Hari ng mga diyos
_____ 6. Venus F. Diyos ng kamatayan
_____ 7. Bacchus G. Diyosa ng buwan
_____ 8. Minerva H. Diyosa ng apuyan
_____ 9. Diana I. Diyos ng sekswal na pag-ibig
_____ 10. Pluto J. Diyos ng alak at kasiyahan

B. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa


iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?


A. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
B. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga
diyos at diyosa.
C. May taglay na talinghaga.
D. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.

_____ 2. Ang mga sumusunod ay katangian ng mitolohiya ng mga Roman


MALIBAN SA ISA.
A. Kadalasang pumapaksa sa politika, ritwal at moralidad.
B. Hinalaw nila ang kanilang mitolohiya sa mga Greek.
C. Naging pambansang epiko ng mga Roman ang Iliad at Odyssey.
D. Kabayanihan ang kadalasang tema ng kuwento.

23
_____ 3. Si Ceres, na diyosa ng agrikultura, kalikasan at panahon ay may
simbolong _________________.
A. Caduceus C. Kuwago
B. Cerberus D. Cornucopia

_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal


batay sa mitong Cupid at Psyche?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal
niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang
magpakamatay sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano
makaliligtas sa halimaw na asawa.

_____ 5. Ang Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pagsubok
na ibinigay ni Venus kay Psyche?
A. pagkain ng ambrosia
B. pagkuha ng gintong balahibo ng tupa
C. pag-uuri ng mga buto ayon sa mga magkakapareho
D. pag-igib ng itim na tubig

C. Panuto: Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay


tagaganap, layon, tagatanggap o kagamitan. Isulat ang tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
___________________ 1. Umibig si Psyche sa isang nakatatakot na halimaw.
___________________ 2. Kinuha ni Psyche ang punyal at lampara.
___________________ 3. Nahimatay si Psyche matapos buksan ang kahon ng
kagandahan ni Proserpine.
___________________ 4. Ipinansalok ni Psyche ang prasko ng itim na tubig.
___________________ 5. Si Psyche ay ipinaglaban ni Cupid kay Venus.

D. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga nakasalungguhit na pandiwa sa mga


sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ang gamit nito ay aksiyon,
karanasan o pangyayari. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
___________________ 1. Nagselos ang mga kapatid ni Psyche sa yaman ng
kaniyang asawa.
___________________ 2. Umalis si Cupid nang walang paalam.
___________________ 3. Ikinasal si Psyche sa isang nakatatakot na halimaw.
___________________ 4. Tumakas si Cupid sa piitan upang iligtas si Psyche.
___________________ 5. Muntik nang sumuko si Psyche dahil sa mahihirap na
pagsubok.

24
Karagdagang Gawain

Batid kong malalim na ang kaalaman mo sa mitolohiya at sa pokus ng


pandiwa. Sa pagkakataong ito’y paiigtingin pa natin ang iyong pagkatuto sa
pamamagitan ng karagdagang gawaing pampananaliksik.

Panuto: Magsaliksik at alamin ang mga planeta, produkto, kompanya,


termilolohiyang pangmedisina at iba pang mga bagay na naibatay sa pangalan ng
mga diyos at diyosa ng mga Roman. Isulat ang katangian ng mga ito kung bakit ito
ang kanilang naging pangalan. Gumamit ng pandiwa sa pagpapaliwanag.

Planeta / Produkto
Pinagbatayang diyos o
/ Kompanya / Katangian
diyosa
Medisina atbp.

1.

2.

3.

4.

5.

Lubos na Mahusay! Ang galing mo! Binabati kita


sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa
mga aralin. Alam kong nakapapagod maglakbay
ngunit sulit naman dahil matagumpay mong
natutuhan ang mga dapat mong malaman sa
Mitolohiya ng Rome, Italy at kung paano ito
nagkaiba at nagkatulad sa ating sariling
Mitolohiya at nabatid mo rin ang gamit ng
pandiwa. Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod
na modyul – Modyul 2 (Parabula mula sa
Syria).

25
26
PAUNANG PAGTATAYA
A. B. C. D.
1. B 1. B 6. G 1. Layon 1. Karanasan
2. C 2. D 7. F 2. Kagamitan 2. Karanasan
3. A 3. E 8. H 3. Tagatanggap 3. Aksiyon
4. C 4. A 9. I 4. Tagaganap 4. Aksiyon
5. B 5. C 10.J 5. Tagaganap 5. Pangyayari
E. Iba-iba ang sagot
BALIKAN
Gawain 1: Pana ng Pag-ibig Iba-iba ang sagot.
TUKLASIN
Gawain 2: Kagaya Ko Siya! Iba-iba ang sagot.
SURIIN
Gawain 3: TALAS-salitaan
1. IMORTAL 6. AMBROSIA
2. MARUBDOB 7. ITATARAK
3. TUMALIMA 8. NABUYO
4. PUNYAL 9. NASUKLAM
5. PATIYAD 10.PAGSUWAY
Gawain 4: Kayarian, Iugnay Mo!
A. Kahulugan ng Salita Kayarian B.
1. malungkot Maylapi 1. B
2. trahe de boda Tambalan 2. C
3. kabiyak Maylapi 3. A
4. kamuhi-muhi Inuulit 4. D
5. bote Payak 6. A
Gawain 5: Pagsusuri sa Akda Iba-iba ang sagot.
Gawain 6: Pagsusuri sa Tauhan Iba-iba ang sagot.
PAGYAMANIN
Gawain 7: …Aksiyon! Iba-iba ang sagot.
Gawain 8: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
A.
1. Kagamitan 6. Layon
2. Tagatanggap 7. Layon
3. Kagamitan 8. Tagaganap
4. Tagatanggap 9. Layon
5. Kagamitan 10.Tagaganap
Susi sa Pagwawasto
27
Gawain 8: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
B.
1. Aksiyon 6. Pangyayari
2. Karanasan 7. Aksiyon
3. Karanasan 8. Aksiyon
4. Karanasan 9. Pangyayari
5. Pangyayari 10.Aksiyon
Gawain 9: Galaw-galaw, Araw-araw Iba-iba ang sagot
ISAISIP
Gawain 10: Opinyon Ko, Mahalaga! Iba-iba ang sagot.
Gawain 11: Pagnilayan Ko! Iba-iba ang sagot.
ISAGAWA NATIN
Iba-iba ang sagot. Ibatay ang pagwawasto sa pamantayan.
KARAGDAGANG GAWAIN Iba-iba ang sagot.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B. C. D.
1. B 6. D 1. B 1. Tagaganap 1. Karanasan
2. C 7. J 2. C 2. Layon 2. Aksiyon
3. H 8. A 3. D 3. Tagaganap 3. Aksiyon
4. E 9. G 4. B 4. Kagamitan 4. Aksiyon
5. I 10.F 5. A 5. Tagatanggap 5. Pangyayari
Sanggunian
Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. pa. 114-118, 182, 213-214 at 227.

Locano, D.G., Ipong M.L. at Royo, J.L (2015). Parola 10. Valenzuela City: JO-ES
Publishing House, Inc. pa. 42-44 at 313-315.

Literature: World Masterpieces. (1996). USA: Prentice-Hall, Inc.

Gonzales, L.F. (1982). Panitikan sa Pilipino 2: (Pandalubhasaan) (Vol. 2). Quezon City:
Rex Bookstore.

Apuleius Z.M. (ND). Metamorphoses: The Tale of Cupid and Psyche.

Luca, C. (ND). The Origin of the Name ‘Italy’. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa
http://www.yourguidetoitaly.com/origin-of-the-name-italy.html mu

Cupid at Psyche | Greek Mythology. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A.

Cupid at Psyche – Tagalog Subbed. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=fTtk3TTWbjc.

Labindalawang diyos at diyosa. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8

The Twelve Olympians. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa


https://greekgodsandgoddesses.net/olympians/.

The Olympian Gods. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa


https://www.infoplease.com/arts-entertainment/mythology/olympian-gods-and-
goddesses

Elemento ng Mitolohiya. Nahango noong Mayo 25, 2020 mula sa


https://www.academia.edu/31496630/ELEMENTO_NG_MITOLOHIYA

Mga Kayarian ng Salita at halimbawa. Nahango noong Mayo 25 mula sa


https://www.myph.com.ph/2011/09/kayarian-ng-salita.html.

28
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like