You are on page 1of 1

Aabot sa 30 na magmamangga ng Rizal Mango Stakeholder Association (RIMASA) at ng bayan ng

Antipolo ang sinanay ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops
Development Program (HVCDP) sa Mango Rehabilitation and Mango Cecid Fly Management noong ika-
18 ng Mayo, 2023.

Layon ng pagsasanay na ito na bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga magmamanga upang
makamit ang rehabilitasyon ng mga lumang punong mangga ay mapamahalaan ang pesteng mango cecid
fly upang palakasin ang produksyon ng kalidad na mangga.

Ipinakita ni Philippine Statistics Authority (PSA) Statistical Specialist Lowel San Esteban datos ukol sa mga
punong mangga sa lalawigan ng Rizal at kasalukuyang kalagayan ng produksyon ng mangga sa lugar.

Samantala ibinahagi naman ni DA-4A Regional Crop Protection Center Senior Science Research Specialist
Pamela Marasigan ang mga kasanayan sa pagkilala sa Mango Cecid fly at ang mga makabagong paraan
ng pagkontrol at pagpuksa sa mga ito.

Naging centro naman ng talakayan si DA-4A Mango Focal Person Ruben Perlas na nagbahagi ng mga
tamang paraan ng pagpuputol, pag-aalis ng mga bahaging nasira, at paggamit ng mga pataba upang
mapalakas ang kalidad ng puno ng mangga.

Dumalo din sa pagsasanay na ito sina Antipolo City Councilor Lorenzo Juan Sumulong III, United Luzon
Mango Stakeholder Association Inc. (ULMSAI) Vice President Lito Arenas at iba pang kawani ng DA-4A at
lokal na pamahalaan ng Rizal.

You might also like