You are on page 1of 2

DE LA SALLE LIPA

Integrated School
Filipino Department

Filipino 10
Summative Assessment 1 sa CAPSTONE
CAPSTONE Journey Assessment

Mga Pangalan ng Miyembro Seksyon: G10-06

1 Lorraine Dalangin 6 Aliyah Kylie Roque

2 Mary Cyndy Defensor 7 Anne Louise Matienzo

3 Vanessa Mae Del Pilar 8 Yohanne Edcon Mijares

4 Erinne Lovelle Lopez 9 Barbara Charlize Macasaet

5 Bettina Angela Panganiban

Capstone group: HEALTH, SAFETY, AND ENVIRONMENT 13

"A Webinar on Sustainable Environment: Highlighting a Healthy and Safe

Community" ay isang programang ginawa ng HSE13 na naglalayong matugunan ang

hindi wastong pamamahala ng basura sa lungsod ng Lipa. Ito ay isang advocacy

campaign tungkol sa mga epekto ng hindi wastong pagtatapon ng basura sa

kasalukuyan at sa mga hinaharap na henerasyon at turuan sila ng pinakamahusay at

maayos na paraan sa kung paano maitatapon nang maayos ang kanilang basura.

Alinsunod sa planong ipinasagawa noong nakaraang taon, ang webinar na ito ay

gaganapin minsan sa tatlong buwan (quarterly), sa pamamagitan ng paggamit ng isang

online platform.
Batay sa naging ebalwasyon ng tatlong panelista sa panukalang proyekto ng

HSE 13, ang isa sa mga naging kapintasan ay ang hindi tiyak at pagtukoy ng mga tema

na ilalaman ng diskurso. Batay sa rekomendasyon, ang grupo ay nararapat na

makapagsaad at maglaan ng angkop na tema at paksa na tatalakayin sa webinars.

Ipinahayag din ng panelista na maaari itong ipasa sa Incubation Committee of De La

Salle Lipa. Sapagkat ito ay isang pampublikong usapan o forum na gaganapin kada

tatlong buwan (quarterly) kinakailangan na ito ay masinop at hawak ng isang

organisasyon na binubuo ng mga tao na may kakayahan ng pangasiwaan ang proyekto

na ito, katulad ng opisyal ng barangay at mga residente sa piniling komunidad. Maliban

dito, ang organisasyon ay inaasahan din na gumamit at lubos na sulitin ang mga

maaaring kasangkapan at instrumento tulad ng tala orasan o publikong talakdaan.

Nais ng grupong HSE13 na ipagpatuloy ang programang “A Webinar on

Sustainable Environment: Highlighting a Healthy and Safe Community” upang maturuan

ang mga tao sa Lipa City ng tamang pamamaraan ng pagtapon sa kanilang mga

basura. Batay sa ebalwasyon, nais pa ng grupong ito na dagdagan ang kanilang

kaalaman sa pamamaraan ng pananaliksik at pag-uusapan pa ng mga miyembro ang

mga paksang tatalakayin sa webinar para maging organisado ang programa.

Makakatulong ang programang ito upang makamit ang kalinisan ng lungsod ng Lipa.

You might also like