You are on page 1of 2

January 21, 2020

MARTES

MTB

I - PONKAN 6:50 – 7:40

I. Layunin

Demonstrates the ability to formulate ideas into sentences or longer tetxs using
developmental and conventional spelling.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagbibigay Diin o Pansin ang tamang Paggamit ng Wastong Bantas,
Malaking Titik, Tamanag Layo ng Salita sa Pagsulat ng Salita, Parirala, Pangungusap
at Maikling Talata
Kagamitan: Powerpoint Presentation
Sanggunian: Sanayang Aklat sa Filipino I
Koda: MT1PWR-IIIf-i-8.1

III. Pamamaraan

A. Panimula

1. Balik Aral

Isulat ng wasto ang mga sumusunod.


a. ang sampaguita ay maliit __
b. mahaba ang pulang laso.
c. nagtatago ako sa ilalim ng puno __
d. sumakay kami sa isang sasakyan.

2. Pagganyak

Pagpaparinig ng kantang “Ang mga Ibon”

3. Paglalahad
Pagsabay sa awitin ng “Ang mga Ibon”.

4. Pagmomodelo
Basahin ang talata.

Si Gng. Reyes ang aming guro.


Siya ay matalino at mahusay magturo.
Mabait din siya sa kanyang mag-aaral.

Pagtatalakay sa pagsulat ng talata.


Pagpapaliwanag na ang talata ay lipon ng mga salita.

5. Ginabayang Pagsasanay

6. Malayang Pagsasanay
a. Pamantayan sa Pangkatang Gawain
b. Pangkatang Gawain:

Pangkat 1-3:
Lagyan ng tsek kung ang pangungusap ay tama ang p pagkakasulat.

___1. Si Lea ay maganda?


___2. siya ay naglalaro sa upuan
___3. ang mesa ay nasa kanan
___4. Ang aking kamay ay malinis.
___5. Ang pusa ay mataba.

7. Paglalapat/Pagpapahalaga
Mahalaga ba na malaman natin ang tamang pagkakasulat ng pangungusap o
talata?

8. Paglalahat
Tandaan na ang tamang pagsulat ng maikling talata ay may pasok sa unang linya at
may tamang bantas at layo ng mga salita.

9. Pagtataya
Isulat ng wasto ang talata gamit ang tamang bantas at layo ng mga salita.

masipag na bata si Rene_ tinutulungan niya ang nanay at tatay sa mga gawaing
bahay_

10. Takdang Aralin


Magsulat ng isang talata gamit ang tamang layo at bantas na napag-aralan.

You might also like