You are on page 1of 2

HAYAANG HUMINGA

(Reverse Poetry)

Inang kalikasan
Hayaang huminga ang
Sangkatauhan
Maawa ka,
Pakiusap
Hindi mo ba nakikita ang sakit na dinaramdam?
Handa siyang ialay, itaya ang sariling kapakanan.
Bulag ka sa katotohanan
Hindi ang kahapon ang lunas sa sugat ng
kasalukuyan kundi ang bukas.
May paraan pa
Ngunit
Maibabalik pa ba?
Ang mga buhay na kinitil ng mga walang awang
sakuna.
itigil na mo na ang ganitong kahibangan.
Pakiusap,
Marahil ang paggawa nito ay bunsod lamang ng
kahirapan.
Marahil
May nagdidinamita upang ang huli ay sumapat sa
pangangailangan,
May nagmimina sa pag-asang makatagpo ng ligaw
na kayamanan
May pumuputol ng kahoy para sa kabuhayan,
May kumikita sa mga tambak ng basurahan
Marahil
Mali!
Naghihigante ka?
Paghihigante ba ang iyong dahilan?
Sanay isipin mo naman
Para saan?
Ang ma buhay na nawala.
Ang pagbaha, lindol, landslide, tsunami, polusyon,
bagyo,global warming climate change at iba pa.
Hindi mo ba nakikita?
Hirap na hirap na siya ,
Pakiusap.
Maawa ka,
Inang kalikasan.
Hayaang huminga ang
Sangkatauhan.

You might also like