You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF ANTIPOLO
DISTRICT II-E
OLD BOSO BOSO NATIONAL HIGH SCHOOL
SITIO OLD BOSO BOSO, SAN JOSE, ANTIPOLO CITY

Lingguhang Plano sa Pagkatuto


Markahan: Unang Markahan Baitang 9
Ika-lima Linggo Petsa Oct. 3-7, 2022
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
Set A-Classroom- Set A- Home- Set A-Classroom- Set A- Home-Based Set A-Classroom-
Based Activities Based Based Activities Based Activities

Set B- Home-Based Set B-Classroom- Set B- Home-Based Set B-Classroom- Set B- Home-Based
Based Activities Based Activities

Unang Araw
Oras: 1:20-2:10 Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Paksa: Layunin:

Sa araling ito inaasahang maipapaliwanag ang:


Pakikilahok sa Adbokasiya sa lipunang sibil 1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil
at ang kani-kaniyang papel na ginagampanan ng
mga ito upang makamit ang kabutihang
panlahat. EsP9PL-Ig-4.1
2. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa
mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa
kabutihang panlahat. EsP9PL-Ig-4.2
3. Nahihinuha na :
a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-
kayang pag-unlad, ay isang ulirang
lipunan na pinagkakaisa ang mga
panlipunang pagpapahalaga tulad ng
katarungang panlipunan, pang-
ekonomiyang pag-unlad (economic
viability), pakikilahok ng mamamayan,
pangangalaga ng kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng
kababaihan at kalalakihan (gender
equality) at ispiritwalidad. b. Ang
layunin ng media ay ang pagpapalutang
ng katotohanang kailangan ng mga
mamamayan sa pagpapasya. c. Sa
tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas
mataas na antas ng katuturan ang mga
materyal na pangangailangan na
tinatamasa natin sa tulong ng estado at
sariling pagkukusa.
b. Ang layunin ng media ay ang
pagpapalutang ng katotohanang
kailangan ng mga mamamayan sa
pagpapasya.
c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng
mas mataas na antas ng katuturan ang
mga materyal na pangangailangan na
tinatamasa natin sa tulong ng estado at
sariling pagkukusa. EsP9PL-Ih-4.3
4. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang
sibil batay sa kontribusyon ng mga ito sa
katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang
"Isulong ang Magandang Kinabukasan ng mga Batang Bosonians. "
Address: Sitio Old Boso Boso, San Jose, Antipolo City
Email Address: 308101@deped.gov.ph FB Page: Deped Tayo Old Boso Boso NHS – Antipolo City
Telephone No.: 287240338
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF ANTIPOLO
DISTRICT II-E
OLD BOSO BOSO NATIONAL HIGH SCHOOL
SITIO OLD BOSO BOSO, SAN JOSE, ANTIPOLO CITY

pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng


mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at
kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad
(mga pagpapahalagang kailangan sa isang
lipunang sustainable) b. Nakapagsasagawa ng
mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy
kung may lipunang sibil na kumikilos dito,
matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa
pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap
nito sa pamayanan. EsP9PL-Ih-4.4

PAMPAARALANG GAWAIN:
Pang-araw-araw na Gawain:
a. Naglilinis ng mga mesa at upuan
b. Pagsusuri at pagtatala ng temperatura ng katawan
c. Paglilinis ng kamay
d. Panalangin
e. Attendance checking

I. Panimula
a. Balik-Aral
1. Ano ang tunay na layunin ng Lipunan?
2. Bakit kailangan mayroong batas na umiiral sa linunan?

b. Pagganyak
Picture Analisis
Panuto: masdan ang larawan.

- Pamprosesong Tanong:
a. Ano inyong nakikita sa larawan?
b. Bakit kailangan na mayroon tayong malasakit at pakikiisa sa ating kapwa?

II. Pagpapaunlad
1. Ano ang ibig sabihin ng Lipunan at Batas?
2. Ano ang Lipunang Sibil?
3. Mahalaga ba ang Batas?Bakit?
4. Anu-ano ang halimbawa ng Lipunang sibil?
5. Anu-ano ang katangian at iba’t ibang anyo ng Lipunang sibil?
"Isulong ang Magandang Kinabukasan ng mga Batang Bosonians. "
Address: Sitio Old Boso Boso, San Jose, Antipolo City
Email Address: 308101@deped.gov.ph FB Page: Deped Tayo Old Boso Boso NHS – Antipolo City
Telephone No.: 287240338
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF ANTIPOLO
DISTRICT II-E
OLD BOSO BOSO NATIONAL HIGH SCHOOL
SITIO OLD BOSO BOSO, SAN JOSE, ANTIPOLO CITY

Bagama’t mayroon kang gobyerno na handing magbigay ng tulong sa iyo, hindi makasasapat kung aasa
na lamang at maghihintay. Sa lipunang iyong ginagalawan, nararapat na magkaroon ng mga institusyong
magiging katuwang ng pamahalaan at ng mga mamayan sa pagsususlong ng mga Gawain o adbokasiya
na makatutulong sa marami.

Bilang isang ganap na kabataan, kaya mong makilahok sa mga gawain ng mga ito. Makatutulong ka sa
personal o indibidwal na lebel lalo na sa tamang paggamit ng social media. Magagawa mo ring
makibahagi sa pamamagitan ng pagsali sa mga grupo o organisasyong may layuning maglingkod sa
lipunan.

III. Paglalahat

1. Ikaw ba ay kasapi ng isang lipunang sibil?


2. Anu-anong layunin ang iyong isinusulong?
3. May nakikita ka bang pangangailangan ng iyong pamayanan?
4. Anong lipunang sibil ang maaari mong itatag upang matugunan ito?

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, sabi sa isang awit. Lahat tayo kailangan an
gating kapwa. Ang lipunan ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatid sa isang hibla ay
sapat na para masira ang kabuuan nito. Ang pagdudugtong ng isang hibla sa kapwa hibla ay may
ganoon ding epekto sa kabuuan. Ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay
nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan. Sa kabilang banda, ang pagwawalang-
bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili, kung hindi man nakapagpapaalala, ng mga
suliraning panlipunan. Sapagkat ang ikabubuti ng lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa
sa atin, hindi maiaalis ang patuloy nating pamamalay sa paanyaya ng bawat nakakatagpo nating
nakikiusap na, PAKI LANG.

IV.PAGLALAPAT
Bilang bahagi ng isang lipunang sibil, mag-isip ng mga paraan na iyong magagawa upang
makatulong sa pagpapalaganap ng kani-kaniyang mga adbokasiya. Pumili ng tag-dadalawang
halimbawa bawat isa. Gawin ito sa isang malinis na papel.

LIPUNANG SIBIL MAGAGAWA O MAITUTULONG KO

1. Simbahan _______________________________________

_______________________________________

2. Social Media _______________________________________

_______________________________________

3. Bahay-ampunan ________________________________________

________________________________________

4. Party-list ________________________________________

________________________________________

5. Organisasyon ________________________________________

________________________________________

"Isulong ang Magandang Kinabukasan ng mga Batang Bosonians. "


Address: Sitio Old Boso Boso, San Jose, Antipolo City
Email Address: 308101@deped.gov.ph FB Page: Deped Tayo Old Boso Boso NHS – Antipolo City
Telephone No.: 287240338
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF ANTIPOLO
DISTRICT II-E
OLD BOSO BOSO NATIONAL HIGH SCHOOL
SITIO OLD BOSO BOSO, SAN JOSE, ANTIPOLO CITY

V. PAGNINILAY
Sagutin ito sa iyong kwaderno.

1. Anong pagpapahalaga ang maaaring magbunsod sa iyo upang makisangkot sa isang lipunang
sibil?
2. Ano ang layunin mo sa pakikisangkot na ito?

PANTAHANANG GAWAIN

Sagutin ito sa iyong kwaderno.

1. Anong pagpapahalaga ang maaaring magbunsod sa iyo upang makisangkot sa isang lipunang
sibil?
2. Ano ang layunin mo sa pakikisangkot na ito?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

SUNDIE GRACE L. BATAAN JEFFREY R. GATLABAYAN


Guro sa EsP 9 Master Teacher II

Binigyang Pansin ni:

ESPERANZA L. MANDAL
Head Teacher I

"Isulong ang Magandang Kinabukasan ng mga Batang Bosonians. "


Address: Sitio Old Boso Boso, San Jose, Antipolo City
Email Address: 308101@deped.gov.ph FB Page: Deped Tayo Old Boso Boso NHS – Antipolo City
Telephone No.: 287240338

You might also like