You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Legazpi City
Legazpi District 8
TAMAOYAN ELEMENTARY SCHOOL
Tamaoyan, Legazpi City

2nd SUMMATIVE TEST


ESP 5 , 3rd Quarter

A. Isulat sa iyong kuwaderno ang salitang Tama kung wasto ang


pangungusap at Mali kung hindi wasto.

1. Gamitin para sa sarili lamang ang ating pagkamalikhain sa sining.


2. Namamana natin ang angking galing sa pagsayaw at pag-awit.
3. Maging mapanagutan o responsable. Dapat sa mabuti lamang gamitin
ang ating mga talento.
4. Mas ginagamit ang talento, mas lalong mapapahusay ito.
5. May parangal man o wala, gamitin ang pagkamalikhain sa pagguhit para
sa kapuwa.
6. Mas malilinang ang pagkamalikhain sa pagsayaw kung ikaw ay mahiyain.
7. Ipagyabang sa kagalit ang isang video na nagpapakita ng iyong angking
galing sa pagsayaw.
8. Sumali sa paligsahan sa pagbigkas ng tula sa telebisyon kung may
angking talino ka.
9. Magpabayad sa pagtuturo ng basketbol sa mga kaklase.
10.Iwasan ang mga malalapit na kaibigan dahil sikat ka na sa radyo at
telebisyon dahil sa husay mo sa pagsasayaw at pag-awit.

B. Tukuyin kung ang tauhan sa bawat bilang ay nagpapakita ng


pagkamalikhain. Isulat sa papel kung Oo o Hindi.

1. Batang babae na nagbabasa ng mga aklat


2. Dalawang batang mag-aaral na nangongopya ng sagot sa kuwaderno
3. Pangkat ng kabataan na nag eensayo sa pagsayaw
4. Isang batang babae na sumali sa paligsahan ng pag-awit
5. Isang guro na nagtuturo sa mga mag-aaral ng tamang pagbigkas ng mga
salita

C.Alin sa mga sumusunod na gawain sa ibaba ang dapat nating salihan?


Lagyan ng tsek (√) sa patlang kung tama at ekis (X) kung mali.
_____ 6. Paligsahan sa pagsayaw
_____ 7. Paligsahan sa pagbigkas ng tula
_____ 8. Paligsahan sa pag-awit
_____ 9. Pagandahan ng suot na sapatos
_____ 10. Paligsahan sa magagarang damit

You might also like