You are on page 1of 12

Kiat, John Mark S.

Panitikang Filipino
BSEE 4-2

Kwentong Epik: Bernardo Carpio


1st Sphere: Introduction
Steps 1 to 7 introduces the situation and most of the main characters, setting the scene for
subsequent adventure.

1. Absentation: Someone goes missing.

Tinuturing na isa sa pinakamakapangyarihang tagapagbantay ni Bathala si


Bernardo Carpio. Nagbago ang lahat nang minsang may isang nilalang na sumubok sa
lakas ni Bernardo Carpio. Ipinakita niya ang kaniyang kapangyarihan na nagdulot ng lindol
na nakasira sa kalupaan at nakapatay sa ibang mga mortal na tao. Dahil dito, nagalit si
Bathala at kinuha ang kaniyang kapangyarihan at pinapunta sa mundo ng mga tao upang
doon na manirahan.

2. Interdiction: Hero is warned.

Ipinagkaloob ni Bathala ang kapangyarihan kay Bernardo Carpio upang


maprotektahan ang templo, maging ng kalupaan. Hindi niya ito maaaring gamitin sa
pansariling interes o sumira ng mga bagay-bagay sa paligid kaya kinakailangan niya itong
kontrolin.
3. Violation of interdiction

Dahil maaaring matalo si Bernardo Carpio sa isang nilalang na humamon sa


kaniya, nilabas niya ang kaniyang buong lakas na nagdulot ng malaking pinsala hindi
lamang sa kapaligirin kung hindi pati na rin sa mga inosenteng tao na payak na
namumuhay.

4. Reconnaissance: Villain seeks something.

Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ni Bernardo Carpio at ng halimaw na


Gawigawen ngunit ito’y natigil dahil sa isang hindi kilalang nilalang na tumulong kay
Bernardo. Dahil sa kagustuhan ng halimaw na siya’s paslangin, humingi ito ng armas sa
kaniyang supremo na nagngangalang Sedan.

5. Delivery: The villain gains information.

Nagpapanggap na mga mortal na tao ang ilan sa kasamahan ni Bernardo Carpio


upang makasagap ng impormasyon at siya’y mabantayan sa mga gagawin nito. Palagi
nila itong inaasar at iniinis sa tuwing sila’y makikita sa kainan man o sa trabaho.
6. Trickery: Villain attempts to deceive victim.

Noong minsang pumunta si Bernardo Carpio sa kainan na pinagtatrabahuhan ni


Ariana upang hanapin ito, sinabi sa kaniya ng kaniyang mga katrabaho na may sinamahan
itong ibang tao sa gitna ng kagubatan. Agad umalis si Bernardo upang puntahan ang
sinasabing gubat upang makita si Ariana.

7. Complicity: Unwitting helping of the enemy.

Dahil naniwala si Bernardo Carpio sa sinabi ng kaniyang mga kasamahan,


pinuntahan niya agad ang lugar na kinaroroonan ni Ariana. Laking gulat niya na wala si
Ariana sa lugar at tanging ang halimaw na Gawigawen ang naroroon. Doon naganap ang
unang paglalaban ni Bernardo Carpio at ng Gawigawen.
2nd Sphere: The Body of the Story
The main story starts here and extends to the departure of the hero on the main quest.
8. Villainy and lack: The need is identified.

Nagtamo si Bernardo Carpio ng mga sugat dahil sa labanan nila ng Gawigawen.


Dahil wala ang kaniyang kapangyarihan at buong lakas, nahirapan siya sa pakikipaglaban
dito. Buti na lang at may tumulong sa kaniyang isang nilalang na nagliwanag sa gitna ng
kadiliman.

9. Mediation: Hero discovers the lack.

Sa kanilang sumunod na laban, nadiskubre nito na ang kaniyang mga kasamahan


at ang Gawigawen ay iisa. Nakalabas ang anim na ulo nito sa sa taas na parte ng halimaw.
Isiniwalat nito ang kaniyang layunin na patayin si Bernardo Carpio at ipakalat ang
kadiliman sa buong kalupaan. Laking gulat niya rin ng malaman na si Ariana ang
nagsisilbing puso ng Gawigawen.
10. Counteraction: Hero chooses positive action.

Piniling magsakripisyo ni Ariana upang matigil na ang Gawigawen dahil na rin sa


tunay na pagmamahal nito kay Bernardo Carpio. Pinatigil ni Ariana sa paggalaw ang
halimaw at lubhang nahihirapang magdesisyon ni Bernardo kung papatayin nito ang
Gawigawen dahil kasama nitong mapapatay ang kaniyang babaeng minamahal. Sa huli,
nagtiwala siya sa desisyong ni Ariana at tuluyang pinaslang ang halimaw.

11. Departure: Hero leave on mission.

Bagamat naibalik ang kapangyarihan ni Bernardo noong hiniling niya ito kay
Bathala, hindi pa rin ito ang kabuuan ng kaniyang lakas. Nawala man si Ariana, nagpatuloy
pa rin siya sa kaniyang buhay at determinadong mas maging mabuting nilalang upang
maging karapat-dapat siyang maibalik siya ni Bathala bilang tagapagbantay.
3rd Sphere: The Donor Sequence
In the third sphere, the hero goes in search of a method by which the solution may be
reached, gaining the magical agent from the Donor. Note that this in itself may be a complete
story.

12. Testing: Hero is challenged to prove heroic qualities.

Dahil sa isang pagkakamali na nakapagdulot ng pagkasawi ng mga tao, isinumpa


si Bernardo Carpio ni Bathala na maging isang mortal. Mawawala lamang ang sumpa
kapag nakahanap siya ng paraan upang mapatunayan sa sarili na karapat-dapat siya na
maging isang imortal at tagabantay muli.

13. Reaction: Hero responds to test.

Bagamat mag-isa, namuhay si Bernardo Carpio ng mabuti at matulungin sa


kaniyang kapwa kahit pa hindi maganda ang pakikitungo sa kaniya ng iba. Minsan niyang
tinulungan ang kaniyang boss sa construction site nung muntik na itong mabagsakan ng
mga bakal.
14. Acquisition: Hero gains magical item.

Noong muling makaharap niya ang halimaw na Gawigawen ng Adasen, nanalig si


Bernardo Carpio kay Bathala na bigyan siya ng lakas upang matalo ang kaniyang kalaban.
Dininig ito ni Bathala dahil na rin sa pagbabagong naganap sa buhay nito, lalo na sa
pagiging mabuting tao nito sa ibang tao ng walang hinihinging kapalit kahit pa karamihan
ay hindi siya pinapasalamatan.

15. Guidance: Hero reaches destination.

Nakarinig ng sigaw si Bernardo Carpio at sigurado itong galing ang sigaw kay
Ariana kaya't agad siyang nagtungo sa pinagmumulan ng sigaw. Nakarating siya sa isang
pasilyo at laking gulat nitong nakita ang Gawigawen na nagtanglang pumatay sa kaniya.
16. Struggle: Hero and villain do battle.

Naglaban si Bernardo Carpio at ng Gawigawen na may anim na ulo. Lubhang


malakas ang kaniyang kalaban kung kaya't nahirapan itong talunin ni Bernardo. Sa tulong
na ipinagkaloob ni Bathala, mas lumakas si Bernardo at pinutol ang ilan sa mga ulo ng
halimaw. Laking gulat niya ng biglang lumabas sa dibdin ng halimaw si Ariana na
nagsilbing puso ng Gawigawen. Sinakripisyo nito ang sariling buhay upang matulungang
patayin ni Bernardo Carpio ang halimaw.

17. Branding: Hero is branded.

Matapos maglaho na parang bula ng napaslang na Gawigawen, nakahiga na lang na balot


ng sugat at may dumudugong ilong si Bernardo. Lubha siyang nasaktan sa kaniyang
natuklasan tungkol kay Ariana na kaniyang minahal.
18. Victory: Villain is defeated.

Dahil sa sakripisyong ginawa ni Ariana, nagawang mapatay ni Bernardo Carpio


ang Gawigawen. Unti-unti itong naglaho, maging ang kaniyang minamahal na si Ariana.

19. Resolution: Initial misfortune or lack is resolved.

Naibalik na kay Bernardo Carpio ang kaniyang lakas galing kay Bathala bagamat
hindi panito ang kabuuan ng kaniyang lakas. Nakatagpo rin niya ang isang pigura na
nagpaalala sa kaniya sa kaniyang nakaraan. Bigla itong naging higante muli at nilisan
ang kaniyang bayan dahil nabahala ito na muling mangyari ang lindol na kaniyang nagawa
na nagdulot ng kasawian sa maraing tao.

4th Sphere: The Hero’s Return


In the final (and often optional) phase of the storyline, the hero returns home, hopefully
uneventfully and to a hero’s welcome, although this may not always be the case.
20. Return: Hero sets out for home.

Sa kaniyang paglayo sa kaniyang bayan, nakarating siya sa isang bundok at nakita


ang isang pamilyar na nakaimprentang palad. Dito bumalik ang mga alaalang naganap sa
loob ng kwebang iyon. Pumasok siya sa loob ng kweba at doon niya naramdaman ang
ginhawa at kapayapaan sa kaniyang isip.

21. Pursuit: Hero is chased.


WALANG GANITONG PARTE SA KWENTO.
22. Rescue: Pursuit ends.

Bagamat hindi taglay ang buong lakas ni Bernardo Carpio sa unang


pakikipaglaban nito sa Gawigawen, pinilit niya itong pigilan na siya ay patayin. Buti na
lang, may tumulong kay Bernardo na isang nagliliwanag na nilalang na nagpaalis sa
halimaw.
23. Arrival: Hero arrives unrecognized.
WALANG GANITONG PARTE SA KWENTO.
24. Claim: False hero makes unfounded claims.
WALANG GANITONG PARTE SA KWENTO.
25. Task: Difficult task proposed to the hero.

Naging mahirap na pagsubok kay Bernardo Carpio ang kalabanin ang Gawigawen
nang hindi gamit ang kaniyang buong lakas. Dumagdag pa rito nang madiskubre nito na
kasabwat si Ariana upang siya ay patayin, at ang layunin nito ay paibigin at was akin ang
puso ni Bernardo.

26. Solution: Task is resolved.

Bagamat ninais ni Ariana na magsakripisyo upang mapatay ang Gawigawen,


nagdadalawang isip pa rin si Bernardo Carpio kung itutuloy ang plano ni Ariana. Masakit
man sa loob ni Bernardo, itinuloy niya na lang ito dahil wala na rin siyang naiisip na
maaaring makatalo sa Gawigawen.
27. Recognition: Hero is recognized.
WALANG GANITONG PARTE SA KWENTO.
28. Exposure: False hero is exposed.
WALANG GANITONG PARTE SA KWENTO.
29. Transfiguration: Hero is given a new appearance.

Nakita ni Bernardo Carpio ang isang pigura na pumunta sa pinangyarihan ng laban


nila ng Gawigawen. Mayroong ginawa ang pigura na nakapagbalik sa hindi magagandang
alaala nito noon. Muli siyang naging higante ngunit hindi pa rin natatanggal ang sumpang
binigay ni Bathala.

30. Punishment: Villain is punished.


WALANG GANITONG PARTE SA KWENTO.
31. Wedding: Hero marries and ascends the throne.
WALANG GANITONG PARTE SA KWENTO.

You might also like