You are on page 1of 2

Pamantasang De La Salle -Dasmariñas

Dibisyon ng Senior High School


Unang Semestre, Ikalawang Termino TP 2020-2021

Filipino sa Piling Larangan

Panuto. Panoorin ang maikling pelikulang “Debut” ng Cinemalaya 2011. Matapos nito ay ipaliwanag ang mga mahahalagang bahagi ang nais
iparating ng mga eksena sa maikling pelikula ayon sa iba’t ibang piling elemento nito. Liban sa mensahe at pagsusuri, huwag kaligtaang banggitin
ang tagpo o eksenang kinakitaan ng paglalapat ng elemento. Isalin ang ideya sa pagbuo ng mga pangungusap na hindi lalabis sa lima. Narito na
ang mga gabay sa pagtugon nito. Ang pinal na awtput ay dapat nasa PDF format at uploaded sa inyong Dropbox gamit ang file name na
APELYIDO, PANGALAN at SEKSYON Halimbawa: Lopez, Lara STM24.

ELEMENTO NG SINING AT DISENYO PAGSUSURI SA SHORTS


LINYA Sa unang eksena palang na kung saan ay pinapakita ang kwarto ng
Anong eksena ang kinakitaan ng paglalapat ng damdamin sa bata ay pansin na agad ang mga patayong linya. Kalakip ng
pamamagitan ng linya? katakot-takot na kanta ay nakakalikha na agad ito ng tensyon. Sa
tensyon na iyon ay mapapaisip na agad ang mga awdyens kung bakit
ba ganito ang pakiramdam nila kung simpleng debut lang naman.
Matalino ang paggamit ng mga patayong linya sapagkat magiging
mausisa ang mga manonood sa maikling pelikula.
KULAY Di ko mapigilan na mawili sapagkat inaasahan ko magiiba ang kulay
Anong eksena ang nagpakita ng nakakubling simbolo gamit ang ng pelikula sa dulo ngunit hindi. Nanatiling maputi, maitim, at kulay-abo
kulay? ang pelikula pero itong desisyon ng mga lumikha ng pelikulang ito ay
matalino lalo na sa paksa ng pelikula na kung saan ay simula palang ay
hindi na maganda ang balak ng ina sa kanyang anak. Inuugnay natin
ang paleta ng kulay ng pelikula sa mga bagay na malungkot at
katakot-takot, at bagay ito sa pelikula sapagkat sa inaakala natin na
magbabago at magiging makulay ang buhay ng bata pagka-debut
niya ay mali, mananatili ng malungkot at katakot-takot ang buhay ng
bata simula ng dalhin siya ng kanyang nanay sa mga lalaki. Isa pang

1
bagay na kailangan pansinin na sa buong pelikula ay nangingibabaw
ang mga maitim na kulay sa puti na kung saan ang bata nalang ang
natitirang mabuti sa mundo, ngunit sa huli ay siya na rin ay aabushuin
ng mga masasama sa mundo.
TEKSTURA Sapagkat hindi naman animation ang pelikula ay epektibong
Papaano sinikap na mailapit sa katotohanan, panahon at karakter? naisagawa ng mga direktor na maiparamdam na totoo ang mga
eksena dahil dama mo ang bawat hubla ng buhok, kinis ng tela, at
bawat pulbos ng blush-on. Kahit pa na simpleng detalye lang ito,
nakakatulong ito para mas ipadama sa awdyens ang nakakatakot na
pakiramdam. Sa eksena na kung saan ipinapakita pa lamang ang bata
sa unang beses, makikita sa mga kuha na malapit sa mukha ng bata
ang tekstura ng kanyang balat pati na rin ng mga pimples. Mas lalong
mauunawaan ang mga manonood ang pagka musmos ng bida.
VALUE Dahil ang pelikula ay gumamit ng mga monochrome na kulay, mas
Sa paglalapat ng value anong mood at paksa ang nangibabaw? kapansin-pansin ang puti at itim na value ng pelikula. Kalakip ng iba
pang elemento, nakatulong ang value ng pelikula na ipahiwatig ang
pagka misteryo ng pelikula na para bang may hindi magandang
mangyayari sa bata. Nangingibabaw ang itim na value na kung saan
nakakatulong ito na mag pokus ang mga manonood sa bata sapagkat
siya lang ang may maputi na value kumpara sa maitim na mundo na
pumapalibot sakaniya.

You might also like